Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
BALIBAGO INTEGRATED HIGH SCHOOL
Kabesang Moldes St., Brgy. Balibago, City of Santa Rosa

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 7

Pangalan__________________________ Marka___________________
Seksyon__________________ Guro_____________________ Petsa_________________

I. Tukuyin ang SANHI at BUNGA ng mga pahayag


1. Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan saan kaya naman nalalason na ang ating kapaligiran.
Alin sa pahayag ang nagpapakita ng bunga ng pangyayari?
A. kung saan B. nalalason C. pagtatapon D. kaya naman
2. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig.
Alin sa pahayag ang nagpapakita ng bunga ng pangyayari
A. Maraming tubig B. kaya’t C. uhaw na uhaw D. uminom ng maraming tubig
3. Nag-aral siyang mabuti kaya mataas ang nakuha niya sa pagsusulit
Alin ang sanhi sa nasabing pahayag?
A. mabuti B. nag-aral C. kaya D. mataas ang nakuha
4. Itinakbo sa ospital ang babae sapagkat nahimatay siya sa pagod.
Alin sa pahayag ang nagsasaad ng bunga ng pangyayari?
A. Itinakbo sa ospital B. nasuka sa pagod C. nahimatay D. pagod
5. Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas dahil sa kakulangan ng pagpapalano ng mga nasa katungkulan.
Ano ang sanhi sa nasabing pahayag?
A. kakulangan ng pagpaplano B. lumubog sa baha C. dahil sa D. katungkulan

II. Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa


mga pangyayari o usapan. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot.

6. ______Sandali siyang nag-isip at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-
iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." Ang nagsasalita ay
isang___
7. _____ “Alam kong niloloko mo lang ako pero hindi kita papatulan”, ang tahimik niyang naibulong sa sarili.
Mahihinuhang ang babaeng tulad ni Lokes a Babay ay may ugaling
8. _____Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap
ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain. Ang paglilibot niya ay
nangangahulugan ng___
9. ______Sila ay nagtagumpay sa buhay sa pagtatanim ng mga palay, mangga, lanzones, bayabas, at mga matataas
na tubong asukal.
10. _____ “Sawa na akong panoorin ka lang lumikha ng planeta at araw at bituin! Sawa na akong naririto lang,
nakaupo, walang ginagawa! Kaya kong lumikha! Isa rin akong Diyosa!”
Pero hindi siya pinakinggan ni Tungkung Langit. Umalis siya at lumikha pa ng maraming bagay
sa kalawakan. Akala niya ay nagpapapansin lang si Alunsina.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
BALIBAGO INTEGRATED HIGH SCHOOL
Kabesang Moldes St., Brgy. Balibago, City of Santa Rosa

A. Magsasaka B. Sultan C. walang pakialam d. mapagtiis

e. kasipagan f. mapagbigay g. maawain

III. Kilalanin kung anong katangian mayroon ang tauhang tinutukoy. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. “Iyan na ba?”, Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi ako matitinga diyan!”
Ang sabi ng baboy-ramo.
A. Mapanlait B. Matakaw C. Mapili D. Vegetarian
12. “Matabang usa ang nahuli ng bitag niya, samantalang ang sa aki`y isang munting ibon lang ang nadale. Alam ko
na! Papagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming bitag!”
A. Naiiinggit B. Manlilinlang C. Manonopresa D. Magbibiro
13. “Prinsipe Sulayman, ako`y sumasamo na iyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo`t
habag.” Ang nagsasalita ay masasabing
A. Likas ng maawain C. may malasakit sa kapwa
B. Mahina ang loob D. matatakutin
14. “Narito ako, anak.” Ang masuyong aliw ng inang pusa sa malambing na anak. “Aalis muna ako sandali sapagkat
tatawag ako ng manggagamot. . .” Ang paglalabing ng anak ay dahil sa siya ay
A. May nais hingiin C. iiwan ng ina
B. May karamdaman D. nais mag-aliw
15. Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulong tinungo niya ang hulihan ng pila. Nausal niyang sana`y huwag
siyang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador. Masasabing ang pag-usal ni Impen ay
nagpapahayag na siya ay
A. Mahiyain C. Umiiwas sa away
B. Nababaliw D. Lihim na nagagalit sa kapwa agwador

IV. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan. Piliin ang pangyayaring
may kaugnayan sa karanasan o sa lipunan ayon sa inilalahad na sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka iniluto.
Umaamoy sa kapaligiran ang nakakagutom na amoy ng nilulutong usa subalit nang
handa na’y agad itong nilantakan ng lalaki nang hindi man lang nag-alok sa kanyang
asawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam niyang
gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman talaga ni Lokes a Babay ang
totoong nakahuli sa usa. Likas siyang maramot at walang pagpapahalaga sa asawa
kaya hanggang sa maubos ang usa ay hindi niya binigyan si Lokes a Babay na
nanatiling walang kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa.

16. Ang pangyayari sa kahon ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan dahil


A. Hinahayaan na lamang ng mga babae ang pang-aabuso at panlalamang sa kanila ng asawa.
B. Kahit magsumbong, walang batas na papanig sa karapatan ng kababaihan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
BALIBAGO INTEGRATED HIGH SCHOOL
Kabesang Moldes St., Brgy. Balibago, City of Santa Rosa
C. Sa paniniwalang ito ang dapat mangyari
D. Tradisyon na sa Pilipinas na pagsilbihan na lamang ang mga lalaki.
17. Maiiwasan ito kung
A. Isuplong sa baranggay o pulisya
B. Magtago ng sariling pagkain

C. Magkaroon ng unawaan ang mag-asawa tungkol sa pagkakapantay-pantay ng karapatan


D. Sikapin ng babae na maging mas matapang kaysa sa asawa

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunud-sunuran
na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan.
Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang
mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang
mabigyan ng pagkain. Nabalitaan ni Subekat ang ginagawa ng pinuno.

18. Kung ihahambing sa ngayon, anong suliraning panlipunan ang maaring malutas ng ginawa ni Abed?
A. Terorismo B. korapsyon C. matinding kahirapan D. kamangmangan
19. Sa anong bahagi ng talata mababasa ang pang-ugnay/pangatnig na sanhi at bunga?
A. Unang pangungusap C. pangalawang pangungusap
B. Ikatlong pangungusap D. Wala sa nabanggit
20. Nakaranas ka na bang ma-bully sa eskwelahan? Anong sitwasyon ang kahalintulad nito?
B. Natalo ng suso sa karera ang pilandok.
C. Nahulog ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok
D. Nakaligtas si Pilandok sa baboy-ramo.
E. Hinamon na ni Pilandok ng karera ang suso dahil alam niyang mabagal ito at kaya niyang talunin.

Nang mabalitaan ng kaharian ng Miskoyaw ang nangyari kay prinsipe Bantugan nilusob
agad nito ang kaharian ng Bumbaran. Lumaban si Prinsipe Bantugan sa mga lumusob sa
kanilang kaharian ngunit dahil mahina pa siya dahil sa kabubuhay niya lang siya ay
nabihag at nahuli ng mga lumusob sa kanilang kaharian at ginapos, ngunit nang magbalik
ang kanyang lakas agad niyang nilagot ang pagkakagapos at nilusob ang kaharian ng
Miskoyaw. Niligtas niya ang kanilang kaharian sa kamay ni Haring Miskoyaw. Nang
maligtas niya ang kanilang kaharian, tinuloy nila ang kanilang pagdiriwang. Dun na
nagsimula na mawala ang pagkaingit ni Hharing Madali sa kanyang kapatid na Prinsipeng
Bantugan. Dahil sa nangyaring iyon dinalaw niya ang lahat ng prinsesang kanyang katipan
at kanyang pinakakasalan silang lahat at iniuwi sa kanilang kaharian .

21. Sa panahon ngayon, anong suliraning panlipunan ang may kahalintulad sa teksto?
A. Pananakop ng teritoryo C. Inggit sa kapwa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
BALIBAGO INTEGRATED HIGH SCHOOL
Kabesang Moldes St., Brgy. Balibago, City of Santa Rosa
B. Pag-aasawa nang higit sa isang babae D. Pagpapakalat ng balita
22. Anong kaugalian sa Mindanao ang ginagawa pa rin sa ngayon?
A. Pananakop ng teritoryo C. Inggit sa kapwa
B. Pag-aasawa nang higit sa isang babae D. Pagpapakalat ng balita

V. Tukuyin kung ano ang gamit ng mga pang-ugnay sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Sanhi at bunga C. Pagsalungat
B. Posibilidad D. Nagbibigay ng kondisyon

23. Kung masasanay lang ang mga taga-Santa Rosa sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura, malaki sana ang
matitipid ng lokal na pamahalaan. _____
24. Sa totoo lang, Masaya ako dahil naging kamag-ral ko kayo dito sa Balibago IHS. ______
25. Maaaring matapos na kaguluhan sa Mindanao kapag naubos na ang mga terorista. _____
26. Nakalbo na ang kagubatan dahil sa walang humpay na pagputol ng puno. _____
27. Maraming senador ang sumang-ayon sa death penalty subalit marami rin ang tumutol ditto. _____

VI. Nasusuri ang anyo ng panitikang ipinahihiwatig ng mga pahayag. Piliin at bilugan ang tamang sagot.
28. Ang bida sa The Legend of the Blue Sea ay isang sirena. Ang pangyayaring ito ay bahagi ng panitikang
A. Pabula B. Alamat C. Kuwentong-Bayan D. Epiko
29. Kung ang iyong alagang aso ay gagawin mong nagsasalita, nag-iisip at kumikilos na parang tao, ang kuwentong
gagawin mo ay
A. Pabula B. Alamat C. Kuwentong –bayan D. Epiko
30. Anong panoorin sa telebisyon ang may katangiang katulad ng epiko?
A. Ang Probinsyano B. Encantadia C. The Voice D. Meant to Be
31. Makalipas ang ilang araw ay nagkasakit si DITA at unti-unti siyang iginupo ng kanyang karamdaman na naging
kadahilan ng kanyang pagkamatay. Inilibing si DITA. Makalipas ang ilang araw ay may tumubong puno sa puntod
ni DITA, nakita ito ng kanyang kanayon. napagkasunduan ng lahat na DITA ang itawag sa puno.
A. Pabula B. Alamat C. Kuwentong –bayan D. Epiko
32. Kuwentong- Bayan: Di kapani-paniwalng pangyayari: tuluyan
Epiko: Di kapani-paniwalng pangyayari: __________
A. Tuluyan B. patula C. sayaw D. parehong tuluyan at patula

VII. Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang pahayag.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.

A. Alamin o Piliin ang paksa

B. Paglalahad ng Layunin
C. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
D. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas O Final Outline
E. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador
F. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
BALIBAGO INTEGRATED HIGH SCHOOL
Kabesang Moldes St., Brgy. Balibago, City of Santa Rosa

________33. Talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang
nakalthalang materyal gayundin ang internet.
________34. Tiyaking ang pipiliing paksa ay naayon sa iyong interes, materyales na mapagkukunan at may malawak
na kaalaman.
________35. Sa bahaging ito ay bibigyang ito ay bibigyang pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang
baybay, wastong bantas at wastong gamit ng mga salita
________36. Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.
________37. Isulat ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro.
________38. Sa bahaging ito planuhin at isiping mabuti ang kabuoang pananaliksik na gagawin

VIII. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot.
39. Datapwat ang pisi`y tibayan mo anak, at baka lagutin ng hanging malakas.
A. Laruan B. tatag ng loob C. problema D. lubid
40. Ang Bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao
Ay pinapaglagim ng isa pang ibong may pitong ulo:
A. Kapahamakan B. kapayapaan C. Kabahayan D. apoy at paghihiganti
41. Ibig kong magsaka na ang aanihin, ikabuhay ko ma’y sa pawis ko galing.
A. Ehersisyo B. Pagsisikap C. mabuhay nang Malaya D. Magpapawis
42. At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap.
A. Bubong B. Pamilya C. kapayapaan D. Kahirapan
43. Nagkakamali ka kung akala mo lang, ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang...
A. Maliit na pasyalan C. puro kaligayahan
B. Enchanted Kingdom D. Sagana sa magandang tanawin
44. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang
larangan.
A. Pagkapanalo C. pagkatalo

B. Giyera D. Kabiguan sa laban


45. Laking tuwa niya nang matuklasang nangingitlog nang ginto ang kanyang ibon.
A. Mahika B. Kakaibang nilalang C. kasaganaan D. Kapangyarihang itim
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
BALIBAGO INTEGRATED HIGH SCHOOL
Kabesang Moldes St., Brgy. Balibago, City of Santa Rosa
IX. Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao. Piliin sa hanay B ang mga elemento ng
maikling kuwento.

A. B.
46. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod- A. Tagpuan
ng mga pangyayari. _______
47. Tumutukoy sa panahon at lugar kung
saan naganap ang maikling kuwento _______ B. Tauhan

48. Solampid- Napakagandang dalagang


nakapag-aral ng Qu’ran. _________ C. Banghay

49. Hindi nagtagal umibig si Rajah Indarapatra


kay Solampid at pinakasalan ito. __________ D. Wala sa bahagi

50. Sa Balibago Integrated High School


Kami nag-aaral _____________

SUSI SA PAGWAWASTO
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
BALIBAGO INTEGRATED HIGH SCHOOL
Kabesang Moldes St., Brgy. Balibago, City of Santa Rosa
1. B 26. A
2. C 27. C
3. D 28. C
4. A 29. A
5. B 30. B
6. B 31. B
7. D 32. B
8. E 33. C
9. A 34. D
10. C 35. B
11. C 36. A
12. B 37. B
13. C 38. D
14. D 39. B
15. C 40. A
16. A 41. B
17. C 42. D
18. C 43. C
19. A 44. A
20. D 45. C
21. A 46. C
22. B 47. A
23. D 48. B
24. A 49. C
25. B 50. A
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
BALIBAGO INTEGRATED HIGH SCHOOL
Kabesang Moldes St., Brgy. Balibago, City of Santa Rosa

You might also like