Matandang Panahon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

PANITIKAN NG MATANDANG

PANAHON

Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang inyong
1. Makilala ang Panitikan ng matandang panahon
2. Malaman ang mga akda na mayroon ang panahong ito.
3. Mailarawan ang mga akdang nabasa.
Panitikan sa Matandang Panahon
panitikan bago dumating ang Kastila sa Pilipinas
ang mga pantikan ay pasalin-dila
(bugtong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong patula,
alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan
bilang pinaka unang anyo ng dula sa bansa.

Ang katutubong panitikan ay tumatalakay sa paraan ng pamumuhay


ng mga sinaunang Pilipino.
Punong-puno ito ng matatanda ng kaaralan.
Nasasalamin dito ang kanilang mga magagandang kaugalian,
paniniwala o prinsipyo.

Katutubong Panitikan
Kaligirang Kasaysayan:
1. Negrito o Ita
kauna-unahang nanirahan sa Pilipinas
walang nalalaman na panitikan maliban sa awitin at pamahiin.

2. Indonesyo
Unang sapit
nakarating sa Pilipinas ng may 8000 taon na ang nakararaan.
Tinatawag na mongol.
Walang masasabing gaanong kultura maliban sa sila'y marunong nang
mamahay, marunong magtanim ng mga halaman at marunong nang mangisda.

Ikalawang sapit
dumating sa Pilipinas 4000 taon na ang nakararaan
may sariling sistema ng pamahalaan
may dalang panitikan gaya ng epiko, kwentong bayan, mga alamat, mga
pamahiin at pananampalatayang pagano.
3. Malay
Unang Pangkat
nakarating sa Pilipinas noong 200 BC
nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting
panrelihiyon.

Ikalawang Pangkat
may dalang wika; alpabeto, awiting bayan, kwentong-bayan; mga alamat at
mga karunungang bayan.

BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA


KASTILA
1.Panahon ng mga Alamat

Alamat ng Bundok Pinatubo


Alamat ng Bigas
Alamat ng Candelaria
Alamat ng Tiaong

2. Mga Kwentong Bayan

a. Kwentong bayan ng mga Tagalog


Si Malakas at si Maganda
Mariang Makiling
Princesa Makapuno

b. Kuwentong bayan ng mga Pampanga


Ang haring Sicada at ang Haring Leon
Bundok Arayat
Ang Buwan at ang Araw

c. Kuwentong bayan ng mga Bisaya


Ang mga Kaibigang Bangkawra
Ang Bundok Kanlaon
Pinagmulan ng Lahi
3. Epiko
- tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Halimbawa

Biag ni Lam-ang- Ilokano


Hudhud at Alim- Ipugaw
Kumintang- Tagalog
Ibalon at Aslon- Bikol
Maragtas, Haraya, Lagda, Hinilawod- Bisaya
Hari sa Bukid- Negros
Dagoy, Sudsud- Tagbanuas ng Palawan
Batnugan- Pinakapopolar sa Darangan ng Moslem
Ulagingen at Seleh- Manobo

4. Awiting Bayan
- kaugnay sa pananampalatayang pagano, lumipas nang dumating ang
mga Kastila.

Ang mga awiting bayan ang siyang nagpapahayag ng reaksiyon ng mga


mamamayan sa kanilang mga karanasan sa buhay.
Ang mga awit kahit na mga sinauna ay siyang nagpapahayag ng
kanilang mga damdamin, panaginip, pag-asa at mga saloobin
5. Kaalamang Bayan
- binubuo ng mga bugtong, salawikain, sawikain, kasabihan at palaisipan.

a. Bugtong- maiklingtula na nagpapahulang isang bagay sa pamamagitanng


paglalarawan

Halimbawa
Nagtago si Pedro Isang butil palay
Nakalitaw ang ulo Laganap sa buong bahay.
b. Salawikain - isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda
upang mangaral
Halimbawa
Ang hindi lumingon sa
Ang lumalakad ng matulin
pinanggalingan
Kung matinik ay malalim
Di makararating sa paroroonan

c. Sawikain - pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal


Halimbawa
butas ang bulsa = walang pera
amoy pinipig = mabango

d. Panunudyo - patulang panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng isang tao.


Halimbawa
Tiririt ng maya
Malakas nga ang loob
Tiririt ng ibon
Mahina naman ang tuhod
Ibig mag-asawa
Walang ipalamon.
e. Palaisipan
gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan ng isang
suliranin.
Halimbawa
Sa isang kulungan, may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan
ngunit lumundag ang isa. Ilan ang natira?
Kung ang son ay English ng anak na lalaki, ano naman sa isang
araw?
f. Unang Dulang Filipino
patula rin ang usapan. Ito ay ginaganap na kaugnay ng mga seremonya
sa pananampalataya at pagpaparangal sa kani-kanilang mga pinuno at
bayani.

1.Watang-Orang at Wayang Purva- Bisaya


Tungkol sa pananampalataya, may kasamang-awit at sayaw,
inilalarawan dito ang kapangyarihan ng kanilang Bathala sa
pagpaparusa.

2. Embayoka at Sayatan- Muslim sa Hulo at Lanaw


isang babae at lalaki lang ang naganap
isang dulang may awitin, tulaan at sayawan

3. Bulong
ito ay may diyalogo.
hindi lamang itinatanghal kundi itoý talagang ginaganap sa tunay
na buhay na kaugnay ng pananampalataya, pamahiin o
paniniwala at paggagamot.

You might also like