11 Komunikasyon Q1 M14

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 11

Filipino – Ikalabing-isang Baitang


Unang Markahan – Modyul 14: Kasaysayan ng Wika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig


Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Carie C. Dagohoy


Editor: Jennie Rose S. Evangelista
Tagasuri: Cherry C. Cariño
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 11
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Kasaysayan ng Wika
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksisk sa Wika


at Kulturang Pilipino Baitang 11 ng Modyul para sa araling Kasaysayang ng Wika !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino Baitang 11 Modyul ukol sa Kasaysayan ng Wika !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa
mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

A. Natutukoy ang mga pangyayari o kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-


unlad ng Wikang Pambansa;
B. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na
yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa; at
C. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga
napakaginggang pagtalakay sa Wikang Pambansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang komisyong ito ay kilala bilang Second Philippine Commission na


itinatag noong Marso 16, 1900.
A. Komisyong Taft B. Komisyong Schurman
C. Komisyong ng Wikang Pambansa D. Komisyong Pangkalawan
2. Ang bansang ito ay tinaguriang Gintong Panahon o Golden Age
sapagkat sa panahon ng pananakop ng bansang ito ay naging Malaya
ang mga Pilipino na gamitin ang sariling wika sa pagsulat ng panitikan
A. Amerika B. Espanya
C. Golden Gate D. Hapon
3. Ito ang komisyon na unang ipinadala sa Pilipinas at tinaguriang First
Commission.
A. Komisyong Taft B. Komisyong Schurman
C. Komisyong ng Wikang Pambansa D. Komisyong Pangkalawan
4. Dahil sa balakid sa komunikasyon sa pagitan ng mga Amerikano at
Pilipino nagtayo ang mga amerikano ng pampublikong paaralan. Sila
ang mga guro at sundalong naging guro noong panahon ng Amerikano.
A. Soldiers Heart B. Soldier of Fortune
C. Thomasites D. Parasites
5. Isa itong ordinansa na nag-uutos na ang wikang Tagalog at Hapon ay
syang gagawing opisyal na wika ng bansa.
A. Order Militar Blg. 43 B. Order in Japan No. 103
C. Order Militar Blg. 13 D. Order in Japan No. 123
BALIK-ARAL

Balikan Natin
1. Ano-ano ang mga mabubuting bagay o pag-uugali ang naipamana ng
mga Espanyol sa mga Pilipino?
2. Magbigay ng dahilan at ipaliwanag ang mga Kastila ay hindi
pagtuturo ng wikang Espanyol sa mga Pilipino?
3. Gaano kahalaga ang baybayin sa ating mga Pilipino?

ARALIN
PANAHON NG AMERIKANO (1900-1941)

Hindi pa rin natatapos ang pakikibaga ng mga Pilipino ng dumating


ang mga Amerikano sa Pilipinas sa pamumuno ni George Dewey. Gamit ang
pangakong demokrasya at edukasyon ay tuluyang napasakamay ng mga
Amerikano ang bansang Pilipinas. Sa panahong ito ay bumuo ng mga
komisyon ang nuong Pangulo ng Amerika na si Wiliam Mckinley upang
ipatuapadsa bansa.

1. Komisyong Schurman- ang kumisyong ito ay ang unang kumisyon na


ipinadala sa Pilipinas at kinilala rin sa tawag na First Philippine Commission
na pinamumunuan ni Jacob Schurman. Nilalayon ng komisyong ito na
siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga
planong pagbabago na gagawin ng Estados Unidos na tulungan ang Pilipinas
na magtatag ng pamahalaan. Nais din nito na maging maayos ang ugnayan
ng mga Amerikano at mga Pilipino dahil malaki ang maitutulong nila sa
paglaganap ng kanilang kapangyarihan sa Asya.

2. Komisyong Taft– ito ay kinalala rin bilang Second Philippine Commission


(itinatag noong ika-16 ng Marso 1900) na nagpasimula sa pagtatayo ng
pamahalaan sibil sa Pilipinas. Nagsilbing tagapagbatas sa Pilipinas ang
Komisyon sa ilalim ng soberanya ng Estados Unidos sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano. Pinamunuan ito ni William Howard Taft.

Sa pamamagitan ng Komisyong Schurman ay napag-alaman na


kailangan ng mga Pilipino ang pambayang paaralan kung kaya nagtayo ng
mga pampublikong paaralang sa pamamagitan ng The Education Act of 1901
(Act No, 74)., kung saan ang mga guro at sundalong Thomasites ang naging
guro nuon. Dahil balakid sa komunikasyon sa pagitan ng Amerikano at
Pilipino, ipnag-utos na gamitin ang wikang Ingles bilang midyum ng
pagtuturo.

Wikang Ingles ang ginamit sapagkat ayon sa mga nagsuri mula sa


komisyon ay higit na mapapadali ang pagkakaunawaan ng mga Pilipino at
Amerikano at upang mapadali din ang pamumuno ng mga Amerikano.
Gayundin , makakatulong ito sa mabilis napag-unlad ng bansa. Ayon naman
sa lingwistikang si David Doherty hindi sapat ang wikang binakular sa
pagtuturo ng maayos na edukasyon kung kaya dapat gamitin ang wikang
Ingles sa mga paaralan. Maging ang Antropolohiyo at edukador na si David
Barrows ay naniniwalang kailangang gamitin ang wikang Ingles sapagkat
nakapagbibigay ito ng mamamayan ng kakaibang istatus o katayuan sa
lipunan.

Bagamat Ingles ang wikang panturo nuon at maramaing nainiwala na


higit itong mainam sa pagtatamo ng mabubuting edukasyon, mayroon din
namang mga tao salungat at paniniwalang ito. Isa si George Butte, isang bise
gobenardor at kalihim ng Paturuang Pambayan na lubos na niniwla na
malaking tulong ang katutubong wika sa pagtuturo sa mga antas sa primary
dahil mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang wika at panitikan.

Ayon naman sa isinagawang Monroe Commission on Philippine


Education na pinamumunuan ni Paul Monroe lumalabas na may ilang
suliranin hinggil sa kagamitang pampagtuturo at mga mga gurong kulang sa
kasanayan sa pagtuturo. Si Joseph Hayden, noo’y isang bise gorbernador at
isa sa mga tagapagtaguyod ng edukasyong Amerikano, na hindi
maitatangging ginagamit pa rin ng mga Pilipino ang kanilang katutubong
wika sa iba’t-ibang gawain na hindi naman kailangan gamitin ang wikang
Ingles.

Si Najib Mitry Saleeby isang eksperto ay naniniwalang hindi dapat na


maging monolinggwal ang gamiting pangturo noon. Sa kanyang aklat na
Language of Education of the Philippine Island noong 1924 ay sinabi nya ang
mga sumusuno:

“It aims at something unknown before human affair


It is attempting to do what Ancient Persia Rome
Alexander the Great, and Napoleon failed to accomplish,

It aims at nothing less than the obliteration of the tribal

Differences of the Filipinos, the substitution of English

For the vernacular dialects as a home language and

Making English the national common language of the


Acrchipelago”

Sa paniniwala ni Saleeby, hindi kailanman maaring maging wikang


panlahat ang wikang Ingles gaano man kahusay ang pagtuturo nito sa mga
paaralan sapagkat ang mga Pilipino ay may kanya-kanyang wikang
bernakular na ginagamit sa kani-kanilang tahanan. Sa iba pang pag-aaral
lumalabas na malaking pera ang kailangan gugulin ng pamahalaan dahil
kinakailangan magpadala ng mga gurong Amerikano sa Pilipinas sapagkat
kulang ang kakayahan ng mga gurong Pilipino na magturo ng wikang Ingles
sapagkat monolingwal na panturo. Kaya iginiit niya na nararapat lamang na
magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas batay sa umiiral na
katutubong wika nito. Sa pamamagitan ng Batas Sedisyon ipinagbabawal ng
batas

Na sumulat o pumaksa ang ma manunulat ng mga bagay na may


kinalaman sa pamamahala ng mga Amerikano na maaaring magdulot ng pag-
aalsa sa kanilang pamahalaan.

PANAHON NG HAPON

Noong panahon ng hapon nagkaroon ng pagsilang ang wikang


pambansa. Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensya ng mga
Amerikano ipinagbawal ang paggamit ng ingles sa anumang aspekto ng
pamumuhay ng mga Pilipino. Maging ang paggamit ng mga aklat at peryodiko
tungkol sa Amerika ay ipinagbawal din. Ipinagamit nila ang katutubong wika,
partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.

Sa panahong ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-


uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones
(Nihonggo).

Upang maitaguyod din ang patakarang militar ng mga Hapones pati na


rin ang propagandang pangkultura, itinatag ang tinatawag na Philippine
Executive Commission na pinamunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad ang
komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na
Japanese Imperial Forces sa Pilipinas.

Pagkaraan lamang ng ilang buwang pananakop ng mga Hapon ay


binuksan muli ang mga paaralng bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang wikang
Nihonggo sa lahat ngunit binigyang diin ang paggamit ng Tagalog upang
maalis na ang paggamit ng wikang Ingles. Ang gobyerno-militar ay nagturo
ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang-bayan. Sinusuri ang kakayahan ng
guro sa wikang Nihonggo upang kapag sila ay bingyan ng katibayan sa
kanilang kakayahan.
Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas. Ang
pagpapabuti ng edukasyon. Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na
rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa
pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang mga layunin ng kapisanang ito.
Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito. Pangunahing proyekto ng
kapisanan ang pagpapalagana ng wikang Pilipino sa buong kapuluan.
Katulong nila sa proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa.

Noong panahon ng Hapones naging masigla ang talakayan tungkol sa


wika. May tatlong pangkat na namayagpag sa usaping pangwika. Ito ang
pangkat ni Carlos Ronquillo, pangkat ni Lope K. Santos at pangkat nina N.
Sevilla at G.E. Tolentino. Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod ang
wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa noong
panahong iyon. Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga
Hapones at di Tagalog. Para sa madaling ikatututo ng kanyang mga mag-
aaral ay gumawa sya ng kanyang tinawag na “A Shortcut to the National
Language”. Iba’t-ibang pormularyo ang kanyang gingawaupang lubos na
mattuhan ang wika.

Hindi maikakailang sa panahon ng Hapones nagkaroon ng masiglang


talakayan tungkol sa wika. Marahil ay dahil na rin sa pagbabawal ng mga
Hapones na tangkilikin ang wikang Ingles. Noong mga panahong ito napilitan
ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang
wikang ito.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay Blg. 1

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa iyong


pagkakaunawa at mga natutuhan sa aralin. Isulat ang iyong kasagutan sa 1
buong papel.

1. Paano nabago ng mga Amerikano ang sitwasyong pangwika ng Pilipias?


2. Ano ang naging kalagayan ng wikang Tagalog noong panahon ng
Amerikano?
3. Anong pagbabagong pangwika ang idinulot ng pananakop ng Hapon?
4. Masasabing mo bang naging maganda ang kalagayang ng wikang
Tagalog sa panahon ng pananakop ng mga Hapones? Ipaliwanag ang
iyong kasagutan.
5. Para sa iyo nakabuti ba na sinakop tayo ng mga bansang Amerika o
Hapon? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
Pagsasanay Blg. 2.

Balikan ang mga pangyayari o pagkakataon sa kasaysayan ng wika


kung saan nanganib ito na maisantabi habang tayo ay nasa ilalim ng
pananakop ng mga Amerikano at Hapones. Isulat sa kahon sa ibaba ang
mga pangyayari.

Panahon ng amerikano Panahon ng Hapon

Pagsasanay Blg. 3

Magtala ng 2 magagandang kaugaliaan na naibahagi ng mga


Amerikano at Hapon sa ating bansa.
1.

2.

PAGLALAHAT
Ang Pilipinas ay sinakop ng bansang Amerika ng mahabang panahon
ngunit marami tayong natutunan at minanang kultura sa kanila. Isa sa ating
wikang opisyal ang Ingles na natutunan natin mula sa mga gurong sundalo
na kung tawagin ay Thomasites. Di nagtagal ay nagapi sila ng mga Hapon
ngunit hindi naman nagtagal ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.
Kumpara sa dalawang bansang nabanggit na sumakop sa ating bansa alin sa
kanila ang may mas magandang epekto sa pag-unlad ng ating wika?
Magtala ng maganda at hindi magandang epekto sa pag-unlad ng
Wikang Pambansa dulot ng pananakop ng mga Hapon at Amerikano
MAGANDA HINDI MAGANDA
Amerikano
Hapon

PAGPAPAHALAGA

Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga para sa iyo ang mabalikan o


matutuhan ang pinagmulan ng ating wika? Kung ikaw ay mabibigyan ng
pagkakataon na maging lider ng ating bansa, ano ang mga proyekto o batas
ang iyong paiiralin upang maisulong ang paggamit at pagpapalago ng wikang
Filipino?
Magtala ng 3 proyekto
1.
2.
3.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Isulat ang Hapon kung ang pangalan salita o mga salitang ibinigay ay nag-
uugnay sa panahon ng mga Hapones o Estados Unidos kung sa panahon ng
mga Amerikano
1. __________________ Thomasites
2. __________________ Nihonggo
3. __________________ Golden Age
4. __________________ Edukasyon
5. __________________ Order Militar Blg. 13
6. __________________ Komisyon Schurman
7. __________________ A shortcut to the National Language
8. __________________ Jose Villa Panganiban
9. __________________ Komisyong Taft
10.__________________ Jorge Vargas
Paunang Pagsubok Panapos na Pagsusulit
1. A 1. Estados Unidos 6. Estados Unidos
2. D 2. Hapon 7. Hapones
3. B 3. Hapon 8. Hapones
4. C 4. Estados Unidos 9. Estados Unidos
5. C 5. Hapon 10. Hapones
Paglalahat:
Maaaring kasagutan:
Ang mga Amerikano ang may malaking bahagi sa ating Ppambansang Wika
sapagkat magpahanggang sa ngayon ang wikang ingles ay ating ginagamit bilang
isa sa ating wikang opisyal.
Pagpapahalaga:
Maaaring kasagutan:
Kung mabibigayan nga pagkakataon nais kong isulong na lahat ng kabataan ay
magpost sa kanilang facebook account ng status na nagpapahayag ng
pagmamahal sa wikang pambansa. Sapagkat sa panahon ngayon kung maraming
nagpopost ng iisang paksa o tinatawag na trending ay malaking bagay upang
kumalat sa mundo ng social media ang nais kong iparating o isulong.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Ma. Luisa M. Cantillo, Arjohn V. Gime and Dr. Alexander P. Gonzales Aklat sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para ika-11 Baitang
SIKHAY Lungsod ng Quezon St. Bernadette Publishing House 2016
Alma M. Dayag and Mary Grace G. del Rosario Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Lungsod ng Quezon
Phoenix Publishing House 2016
Rolando A. Bernales, Maria Esmeralda a. Pascual at Elimar A. Ravina
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Lungsod ng Valenzuela
Jo-Es Publishing House 2016

You might also like