Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Wikang Filipino: Wikang katutubo, ilaw at lakas, sa tuwid na landas

Theme: "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong


Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan."

Ang wika mo ay wikang atin, saiyo, at sa ating lahat. Ang wika sa Pilipinas ay hindi lang nag iisa. Mula sa
tuktok ng Luzon at dulo ng Mindanao, diyalekto’y iba-iba. Sa isip ng bawat isa’y nakatatak na ang Wikang
Filipino lamang ang dapat pahalagahan, ipalaganap at ipagsigawan. Sinubukan kong magtanong kung
ano ba ang kahulugan nito. Wikang katutubo, ano nga ba ito? Ito ba ang wikang ginagamit ng mga Igorot
at Ita? O baka ito ang wikang ginagamit ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang probinsya? Ito ba ang
wikang ginagamit ng ating mga kaibigang Bisaya?O Ito ba ang ating tunay na wika? Walang may alam.
Wala silang balak alamin marahil ay narinig na nila ang ating pambansang bayani na nagsabi ng
katagang "Kung hindi ka marunong magmahal sa sariling wika, mas masahol ka pa sa hayop
at isda." Itinuturo sa atin ng mga salita ni Rizal na bilang mga Pilipino, kailangan nating mahalin
at pahalagahan ang ating sariling wika ngunit ang Wikang Filipino lang dapat ba?

Ang Wikang Katutubo ay hindi nilikha ng isang mag-aaral, guro, engineer, pulis o maging ang taga-gawa
ng diksyunaryo kundi ito ay nilinang ng ating kultura. Ito ay isang bagay na nalikha mula sa gawa,
pangangailangan, kasiyahan, kanta, sayaw, mga panlasa, kasutoan at ano pa man. Kahalagahan ng
wikang katutubo ay malinaw, kultura’y iwinawagayway at ang pagiging Pilipino ay umaapaw. Marami sa
atin na ang wikang katutubo ay ang unang wikang kinagisnan ngunit marami rin sa atin na wikang
panlahat ang nakalakihan. Sa kabila ng mga pinagdaanan, nanatili ito kaya huwag nating hayaan na tayo
ang maging rason ng pagkawala ng saysay at tuluyang magbago. Nais kong paganahin ang iyong
imahinasyon. Iugnay natin sa isang basket na maraming ibat-ibang prutas ang ating sitwasyon. Ang
basket kung saan nagrerepresenta ng ating bansa at ang mga sari-saring prutas ay tayong mga Pilipino
na may iba’t ibang diyalekto. Sa kabila ng ating pagakaiba; kulay ng balat, ayos ng buhok, uri ng ilong,
tono ng pananalita ay may karapatan pa din tayong mamuhay ng payapa. Nakakatulgo sj

You might also like