Script Mini Vlog in Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SCRIPT SA MINI VLOG SA KOMUNIKASYON

“MARANWOW: Halina’t mapa-wow sa kultura ng Maranao”

CUARO: Uy Jannah assalamualaikum! Tunay b’tad ka? Anda ka bpuon?


JANNAH: Wa alaikumussalaam! Mapipya bun! Gyapan i kiyapasad akn k’man.
CUARO: Tuna b’s i kyan ka? Inu da ka panginvite?
JANNAH: Piyaparan a manuk.
HAITHAM: Uy anong pinag-uusapan niyo?
CUARO: Ay sorry, hindi ka pala nakakaintindi ng maranao.
HAITHAM: Maranao? Ano ‘yong maranao?
IYA (VOICE OVER): Ang mga Maranao ay ang mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran
ng lawa ng Lanao, na siyang pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang orihinal na tawag sa
lalawigang ito’y “Ranao” na nangangahulugang “lawa o lanaw” at ang mga naninirahan ay tinatawag na
“Maranao” (naninirahan sa may lawa) at galing ito sa wikang Austronesian. Tinatayang aabot sa 90% ang
bilang ng mga ito na naninirahan sa Lanao del Sur, ang ibang natira ay matatagpuan sa Lanao del sa bahagi
ng Lanao del Norte, Cotabato, Zamboanga, at Bukidnon. Ang sentro ng pangangalakal,pangkultura, at pang-
edukasyon ng mga Maranao ay sa Marawi City o dating tinatawag na Dansalan. Ito ang kabisera ng Lanao
del Sur. Ang mga maranao ay may masasarap na pagkain gaya ng Piaparan, mayroon din silang mga kawili-
wiling kasuotan, at mayroon din silang magandang kultura at tradisyon.
HAITHAM: Ah! ‘Yon pala ang maranao. Eh ano naman ‘yong piyaparan a manuk?
JANNAH (VOICE OVER): Ang Piaparan (Manuk na Piaparan) ay isang Maranao na pagkain na gawa sa
manok na niluto sa sabaw na nakabatay sa gata ng niyog kasama ng mga gulay, birds eye chilies, spring
onions, bawang, sibuyas, luya, turmerik, at palapa.
Ang Piaparan ay nangangahulugang "tinadtad na niyog" sa Maranao. Tulad ng iba pang mga
pagkaing Maranao, ito ay napakasarap at maanghang ngunit kaaya-aya.
HAITHAM: Wow! Parang masarap ah! Gusto ko rin ‘yon ma try!
JANNAH: Masarap talaga ‘yon, try mo minsan.
HAITHAM: Ay wait, na-curious tuloy ako sa tradisyon at kultura ng mga maranao. Pwede niyo ba i-
kwento sa akin?
CUARO & ALHAYY (VIDEO): EXPLANATION ABOUT WHAT IS THE TRADITION OF
MARANAO.
Isa sa mga tradisyon ng mga Maranao pagdating sa pamilya ay ang “Parental” Marriage o ang
napagkasunduang kasal. Ang magulang ng nobyo at nobya ay magkakaroon ng kasunduan sa kung gaano
karaming dowry ang ibibigay ng nobyo. Ang dowry ay ang halaga ng pera na ibinibigay ng magulang na
lalaki sa babaeng pakakasalan nito bago tuluyang ikasal.
Isa sa tradisyon ng mga Maranao ay ang pagkakaroon ng poligamya o ang pag-aasawa ng higit sa
isa. Noong unang panahon, ang mga Maranao lider o silang may dugong maharlika ang nagkakaroon ng
poligamya. Dahil sa kanilang impluwensya, ito ay naging bahagi na ng kultura ng mga Maranao.
Ayon sa isang blog at isang page na nangangalang “Balik-Tanaw Mindanao”, ang karaniwang
kasuotan ng mga Maranao ay ang malong. Ayon dito, “Ito ay malaki, makulay na tela na isinusuot sa
pamamagitan ng pagtatapis sa katawan”. Isinusuot ito ng kababaihan sa pamamagitan ng pagtatapis sa
baywang na ang tupi nito ay nakalaylay at isinasampay sa balikat o braso. Dagdag pa rito, “May mga
kababaihang isinusuot ang malong sa ibabaw ng kanilang blusa na ang tawag ay ‘arbita’. Ito ay ginagamit
ding turban na tinatawag na ‘torbong’”. Pagdating naman sa kasuotan ng mga kalalakihan, mayroon silang
tinatawag na ‘Saul Laki’ para sa pangtaas at ‘Salwal B’laan’ para sa pangbaba. Maaring magsaliksik ng
larawan ng kasuotan ng mga kalalakihan.
Ayon sa Maranao Culture, Ang Maranao ay may wikang Malayo-Polynesian na sinasalita sa mga
lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa Mindanao sa Pilipinas, at sa Sabah sa Malaysia.
Ipinapalagay na nasa pagitan ng 800,000 at isang milyong tagapagsalita. Ang Maranao ay kabilang sa
Timog Pilipinas na sangay ng mga wikang Malayo-Polynesian at malapit na nauugnay sa Ilanun at
Maguindanaon, na sinasalita sa Sabah sa Malaysia, at sa ilang bahagi ng Pilipinas.
SHAQEEL & YOHANN (VIDEO): EXPLANATION ABOUT WHAT IS THE KULTURA OF
MARANAO.
Ang Maranao ay mga taong nakatira sa mga tabi ng dagat kaya tinawag silang” People of the Lake”
o “tao sa ragat” May malaking tribo na nasa timog, ang tirahan nila ay tinatawag na Torogan.
- Sa Kanilang Torogan ang desinyo na inilalagay ay Okir.
- Mayroon silang kilalang epiko na Darangan.
- Ang Sarimanok, Papanoka “Mra” o “Marapatik” na sumisimbolo sa isang makasaysayang ibon ng
Maranao na isang sining.
- Magaling silang magdesinyo ng mga kagamitan katulad ng banig at kasuotan.
- Lahat ng sinusunod nilang kaugalian ay batay sa kanilang turo sa relihiyong Islam.
- Ang Maranao ng Pilipinas ay kilala sa kanilang mga kasanayan sa gawaing metal, ang mga tao ay
gumagawa ng kasuotang tanso noong unang bahagi ng labinlimang siglo. Ang kanilang produkto ay binubuo
ng mga kaldero, betel containers, veses at iba pa.
HAITHAM: Ay wow naman! Napaka interesting at napakaganda naman pala ang kultura ng Maranao!
Hayyy, napahaba nanaman ang chikahan natin kaya’t parang nagugutom na tuloy ako. Oh sya, parang nag
c’crave tuloy ako ng manok na maanghang. Maghahanap nalang muna ako ng mabibilhan nang Piaparan at
nang ma try ko na din ito, Bye guys una na ko sainyo.
CUARO & JANNAH: Osige! Bye!!!
MaranWOW; Halina’t mapa-wow sa kultura ng Maranao!

• Relihiyon ng Maranao

• Kasaysayan ng Maranao

• Wika ng Maranao

• Pamumuhay ng Maranao

• Kasuotan ng Maranao

• Kultura ng Maranao

• Pagkain ng maranao

• Tradisyon ng Maranao sa Pag-aasawa

Ang relihiyon ng Maranao

Relihiyong Islam ang relihiyon ng mga Maranao. Ang kanilang sinusunod na kaugalian ay batay sa kanilang turo sa
relihiyong Islam.

Kasaysayan ng Marano

Maraming nayon ng mga Maranao na may iilang pamilya ang naninirahan sa iisang bubong. Isang tipikal na tahanan
ng mga Maranao ang bahay na walang dibisyon sa loob. Sa magkabilang dulo ng pader ng bahay ay mga higaan na
may pasilyo pababa sa gitna. Sa bawat higaan ng bahay ay may isang pamilyang sumasakop. Sa likuran ng tirahan ay
isang kusinang para sa lahat ng pamilyang nasasakop ng bahay.

Wika ng Maranao
Ayon sa Maranao Culture, Ang Maranao ay may wikang Malayo-Polynesian na sinasalita sa mga lalawigan ng Lanao
del Norte at Lanao del Sur sa Mindanao sa Pilipinas, at sa Sabah sa Malaysia. Ipinapalagay na nasa pagitan ng
800,000 at isang milyong tagapagsalita. Ang Maranao ay kabilang sa Timog Pilipinas na sangay ng mga wikang
Malayo-Polynesian at malapit na nauugnay sa Ilanun at Maguindanaon, na sinasalita sa Sabah sa Malaysia, at sa ilang
bahagi ng Pilipinas.

Pamumuhay ng Maranao

Ang mga Maranao ay karaniwang mga magsasaka at may iilang mangingisda. Ang silangang bahagi ng lawa ng Lanao
ay mayabong para sa paglilinang ng bigas. Ang mayabong na lupa ang nagdadala ng ibat-ibang uri ng mais, mani,
kamote, kape, kalamansi, at klase-klasing uri ng tropikal na prutas. Magaling din silang maghabi ng tela at banig,
paglililok ng kahoy, tanso, pilak, at ginto. Kilala din sila para sa pagbebenta ng banig na dayami, ibat-ibang gamit sa
bakuran, kumot, at ilang uri ng produktong metal.

Kasuotan ng Maranao

Ayon sa isang blog at isang page na nangangalang “Balik-Tanaw Mindanao”, ang karaniwang kasuotan ng mga
Maranao ay ang malong. Ayon dito, “Ito ay malaki, makulay na tela na isinusuot sa pamamagitan ng pagtatapis sa
katawan”. Isinusuot ito ng kababaihan sa pamamagitan ng pagtatapis sa baywang na ang tupi nito ay nakalaylay at
isinasampay sa balikat o braso. Dagdag pa rito, “May mga kababaihang isinusuot ang malong sa ibabaw ng kanilang
blusa na ang tawag ay ‘arbita’. Ito ay ginagamit ding turban na tinatawag na ‘torbong’”. Pagdating naman sa
kasuotan ng mga kalalakihan, mayroon silang tinatawag na ‘Saul Laki’ para sa pangtaas at ‘Salwal B’laan’ para sa
pangbaba.

Ang kultura ng Maranao

Ang Maranao ay mga taong nakatira sa mga tabi ng dagat kaya tinawag silang” People of the Lake” o “tao sa ragat”
May malaking tribo na nasa timog , angp tirahan nila ay tinatawag na Torogan. Mayroon silang kilalang epiko na
Darangan. Ang paraan ng kanilang pagsulat ay Kirim na kung saan ito ay pre- Hispanic sa anyong Arabe. Kilala ang
sikat na sayaw na Singkil Sa Kanilang Torogan ang desinyo na inilalagay ay Okir. Ang Sarimanok, Papanoka “Mra” o
“Marapatik” na sumisimbolo sa isang makasaysayang ibon ng Maranao na isang sining. Ang instrumentong kilala sa
mga Maranao ay ang Kulintang.

Kilalang pagkain ng Maranao

Piaparan (or Manuk na Piaparan) Ito ay Isang Maranao na pagkain na gawa sa manok na niluto sa sabaw na
nakabatay sa gata ng niyog kasama ng mga gulay, Birds eye chilies, Spring onions, Bawang, Sibuyas, Luya, Turmerik,
at Palapa. Ang Piaparan ay nangangahulugang “tinadtad na niyog” sa Maranao. Tulad ng iba pang mga pagkaing
Maranao, ito ay napakasarap at maanghang ngunit kaaya-aya. Ang mga Maranao ay kilala sa kanilang mga
maaanghang na pagkain.

Tradisyon at Kaugalian ng Maranao sa pag-aasawa

Isa sa mga tradisyon ng mga Maranao pagdating sa pamilya ay ang “Parental” Marriage o ang napagkasunduang
kasal. Ang magulang ng nobyo at nobya ay magkakaroon ng kasunduan sa kung gaano karaming dowry ang ibibigay
ng nobyo. Ang dowry ay ang halaga ng pera na ibinibigay ng magulang na lalaki sa babaeng pakakasalan nito bago
tuluyang ikasal.
Isa sa tradisyon ng mga Maranao ay ang pagkakaroon ng poligamya o ang pag-aasawa ng higit sa isa. Noong unang
panahon, ang mga Maranao lider o silang may dugong maharlika ang nagkakaroon ng poligamya. Dahil sa kanilang
impluwensya, ito ay naging bahagi na ng kultura ng mga Maranao.

Ang Maranao ay kabilang sa mga Islamic na grupo ng Magindanao. Ang kasal or tinatawag na “Nikha” sa Islam ay
inilalarawan na isang banal na kontrata o kasunduan sa pagitan ng lalaking Muslim at babaeng Muslim. Mayroon
itong iba’t ibang mga batas at obligasyon na kailangan nilang sundin upang matupad nila ang kani kanilang mga
tungkulin bilang Muslim. Ang pagpapakasal o ang “Nikha” ay nagdidikta kung paano tatanghalin ng mag-asawa ang
serimonya at kung paano ang lalaki at babae kikilos bago at pagkatapos ng kasal. Sa Islam, ang pagpapakasal ay hindi
lang pagsasama ng lalaki at babae, kundi isa itong tungkulin at pangangailangan ayon sa banal na Quran.

You might also like