Popular Na Babasahin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

*AYAW INI Republika ng Pilipinas

1
PAGSURATI BISAN KAGAWARAN NG EDUKASYON
NANU. Rehiyon VIII
*AYAW NA INI IG SANGAY NG HILAGANG SAMAR
UPOD PAGPASA. CATARMAN
MATAAS NA PAARALAN NG LOPE DE VEGA
Distrito ng Lope de Vega

PANGALAN: _____________________________________ Sanayang blg. 1__________


TAON/SEKSYON: _________________________________ Petsa: ___________________

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 8

IKATLONG MARKAHAN
UNANG LINGGO
POPULAR NA BABASAHIN

Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel na
ibinigay sa inyo. Ibalik ang sanayang papel na ito. Iwasto ang iyong sagot sa mga Gawain gamit ang susi ng
kasagutan. Papermahan sa magulang ang sagutang papel.

Simulan Mo!
Ang sanayang papel na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Naglalaman ito ng iba’t ibang gawaing pagkatuto tungkol
sa isang particular na paksa lamang.
Sa sanayang papel na ito, inaasahang matutuhan ang mga kompetensing ito:

1. naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng
pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap (F8PB-IIIa-c-29)
2. nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multimedia (F8PT-IIIa-c-29)

Kumusta Ka? Marami ka bang natutunan sa mga aralin sa ikalawang Markahan? Naibigan mo ba
ang ating mga Gawain? Magaling kung ganoon.
Ngayon naman ay sisimulan natin ang ating mga aralin sa Ikatlong Markahan. Huwag kang mag-
alala, madali lang ang mga aralin at tiyak na mawiwili ka pa.
Unang Pag-aaralan natin ang mga panitikan sa kasalukuyang panahon.
Tara! Simulan na natin.
Alam mo ba?
Popular na Babasahin Ang mga isinulat para sa masa at inilathala o ipinakalat para sa maraming mambabasa
ay kinikilala bilang popular na babasahin o tinatawag na panitikang popular. Ito rin ang kasalukuyang mga umiiral na
babasahin na naglipana kahit saan. Ang pangunahing layunin sa pagsulat nito ay magbigay-aliw (entertain) at
sumalamin sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay. Ang pagiging malikhain ng ganitong uri ng panitikan ay
kakaiba sa mga tradisyunal at sinaunang panitikan.
Mga uri ng kontemporaryong Panitikan
1.Pahayagan- Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita,
impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may
espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan
Uri ng Pahayagan
A. Broadsheet - ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprenta sa malaking papel at nakasulat sa
Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng bansa,
naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan. Maging ang palitan ng piso sa
dolyar ay makikita din dito. Ang target reader nito ay ang mga taong may mga kaya sa buhay.
B. Tabloid – Isang uri ng impormal na pahayagan na naglalaman ng mga pang-araw-araw na kaganapan na
ang kadalasang paksa ay tungkol sa karahasan, korapsyon o seks. Mapapansin na ang laman ng balita ay
tungkol sa korapsiyon kung saan apektado ang lahat ng Pilipino. Narito ang isang halimbawa ng tabloid.
2. Magasin - Isang babasahin na naglalaman ng mga artikulo at ads ng mga negosyong may kinalaman sa
industriyang nakapaloob sa paksa. Ang isa sa pinakasikat na magasin sa Pilipnas ay ang Liwayway na sinimulang
ilathala noong Nobyembre 18, 1922. Ilan sa mga halimbawa ng mga kilalang ads ng softdrinks at shampoo ang
larawan sa ibaba.
Uri ng Magasin
A. Yes! – Tungkol sa showbiz ang balitang ito. Ang nilalaman ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na
larawan at malalaman na detalye tungkol sa buhay ng mga pinakasikat na artista sa bansa.
B. FHM (For Him Magazine) – Ang magasin na ito ay para sa mga kalalakihan upang pag-usapan ang tungkol sa pag-
ibig, buhay at iba pa nang walang pag-aalinlangan. Target nito ang mga mambabasang nasa tamang gulang
sapagkat ang ibang bahagi ng babasahin ay sensitibo.
C. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo nito ay nag- sisilbing gabay patungkol sa
kagandahan, kalusugan, aliwan at iba pang mainit na isyu na pupukaw sa atensyon ng kababaihan.
D. Good Housekeeping – Isang magasin na para sa mga abalang ina. Laman nito ang mga artikulong
magsisilbing gabay upang matugunan ang mga gawain at responsibilidad upang maging mabuting maybahay.
E. Metro – Tampok dito ang mga nangungunang “style” ng damit, shopping at iba pang may kinalaman sa
pagpapaganda ng sarili. Isa itong fashion at lifestyle magasin na kinawiwilihan ng kadalagahan.
F. Candy – Ito ang magasin ng kabataan. Binibigyang pansin nito ang suli- ranin at kagustuhan ng
mambabasa. Hindi lamang mga babae ang nahihilig sa magasing ito, maging ang mga lalaki ay nawiwili din
sapagkat nakakukuha sila ng ideya kung paano makisalamuha at makuha ang loob ng kanilang naiibigan.
G. Men’s Health – Isyung pangkalusugan para sa kalalakihan ang pokus ng magasing ito. Naglalaman ng mga
artikulo tungkol sa pagbabawas ng timbang, iba’t ibang ehersisyo, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusug- an at marami pang iba na makatutulong sa kalalakihan.
H. T3 (Tomorrow’s Technology Today) – Usapang “gadget” naman ang mga impormasyon na mababasa rito.
Ipinakikita rito ang pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan. Mababasa rin dito ang mga gabay
upang maalagaan ang mga “gadgets” at tumagal pa ito.
I. Entrepreneur – Magasin para sa mga may negosyo at nais magtayo ng negosyo.
3. Komiks - a y i s a n g g r a p i k o n g m i d y u m na k u n g s a a n an g mga salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng
isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba.
Mga Bahagi ng Komiks

4. Dagli - ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maiklingmaikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang
pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
Halimbawa ng Dagli

Dahil ang mga sumusunod ay karaniwang nasa makabagong anyo (kasabay ng pagbabago ng paraan ng
pagsulat) kaalinsabay ng madalas na paggamit ng multimedia, lumilikha rin ang mga manunulat (kasama ang
kabataang tulad mo) ng mga bagong terminolohiyang sumasabay sa pagbabagong ito. Narito ang ilang mga salitang
karaniwang mababasa mo sa multimedia:

1. salakam – malakas 5. Erp – pre


2. LF – looking for 6. 2ll – utol o pare o kaputol
3. Leg8 – legit 7. Omsim – mismo
4. Gobas – sabog 8. N e wazeee – anyways

Mga Sangkap na Kailangang Isaalang-alang sa Pagsusuri

1. Tono (tone) - Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. Ito ay maaaring mapagbiro,
masaya o malungkot.

2. Layon (objective) - tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor sa kanyang
mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat, mang-impluwensiya, mangaral, magtanggol, mang-aliw, manlibang,
magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magturo ng kabutihang asal at iba pa. Ang
isang teksto ay maaaring may dalawa o higit pang layunin depende sa hangarin ng manunulat.

3. Paksa (topic)- tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan o nilalaman nito.

4. Pananaw (point of view)- Ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang- alang o pagsusuri sa isang bagay
suliranin o pangyayari. Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng naglalahad at ng
pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad.

5. Pagkakabuo ng salita- tumutukoy sa mga salitang pinili ng may-akda. Maaaring pang-araw-araw na salita
matalinghaga, o malalim na mauunawaan ng mga mambabasa.

Halimbawa ng Pagsusuri sa Popular na Babasahin


Magtulungan tayo!
Mga Gawain:

I. Panuto: Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong at salungguhitan ito.
1. Maituturing na kabilang sa panahon ng (Amerikano, Kontemporaryo ) ang pag-usbong ng Facebook,
Twitter at Instagram

2. Ang ating panitikan ay nasa anyong pasulat at (paawit, pasalita)

3. Itinuturing na isa sa mga pinakasikat na magasin ang (Liwayway, FHM) na namayagpag noon.

4. Naging popular ang pagpapalabas ng (dula, fliptop battle) kasabay nito ang pagpapatayo ng mga gusali
katulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater at Metropilitan Theater.

5. Dahil sa paggamit ng makabagong (teknolohiya, armas) higit na umunlad ang komunikasyon at panitikang
Pilipino.

II. Panuto: Punan ng titik ang kahon upang mabuo ang hinihinging salita sa bawat tanong.

1. Terminong ginagamit sa pagbabahagi ng mga post sa social media


H A E

2. Isang personal na website na ang isang tao ay regular na nakakapag-post ng kanyang mga bidyo.
V G
3. Sistema sa pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan
ng impormasyon.
S C L M D A
4. Isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na larawan
o tunog.
E L B S N
5. Isa sa pinakatanyag na online social media sa Pilipinas
F C E O K

Magagawa Mo!
III. Panuto: Paghambinging ang dalawang dagli na nasa ibaba. Punan ang tsart na nasa ibaba.

Dalawang Patong na Hollow Blocks


Ni Gerwin L. Cortez
Kaparehong araw rin kagaya nito. Medyo umuulan-ulan lang noon. May badya ang langit na masungit.
Naghalo na sila ng semento. Inihanda ko ang aking mga kagamitan para magdiwang ng aming Christmas Party sa
bahay ng isa sa mga matalik kong kaibigan. Naipatong na ang unang hollow block. Masaya. Di magkasya ang
kasayahan sa ikatlong palapag. Tawanan. Mga repleksyon sa buhay. Mga plano. Mensahe ng pasasalamat. Kaunting
iyakan. PUNO NG PAGMAMAHALAN. Naipatong na ang ikalawang hollow block. Krrrrengggg! Krrrrenggg! "Umuwi ka
na. Pupunta kaming pagamutan." Hindi ko alintana ang lahat. May kaunting pagmamadali para umuwi. Nakita ko ang
malungkot na mukha ni Sta. Rosa sa daan. "O, bakit ngayon ka lang? Anong oras kang dumating?" malamig na
malamig na tinig. Malamig na malamig ding katawan. Tagaktak ang pawis sa lamig. Natibag ang dalawang patong na
hollow blocks. Bisperas iyon ng Pasko. Tila may reunion. Kasama namin lahat ng kamag-anak na nagmula sa karatig
at malalayong lugar.

Si Ma'am Kasi
ni Eros Atalia
Final exam ng mga graduating. Make or break. Terorista ang prof nila sa major subject na ito. Walang
pakialam kung graduating ka o hindi. Kung bagsak, bagsak.
Parang barangay tanod ang prof. Ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat ng kahina-hinalang kilos, lingon o
titig ng mga estudyante, sinisita nito.
May nag-vibrate na cellphone na nakapatong sa armchair.
"Turn it off! Or keep it away!" bulyaw ng prof.
Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpupumilit na mai-off o itago ang cellphone. Balik uli ang lahat sa
pagsasagot. Maya-maya, yung estudyanteng yun ay tumingin uli sa phone at pagkatapos ay sa prof. Nagduda na ang
prof. Gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone.
Lumalapit pa lang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiyak na ang estudyante. "Give me your phone,
you're cheating."
Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa teacher, dinampot na nito ang bag, at saka bumira ng takbo
papalabas ng classroom.
Iniwan ang test paper. "Class, you're all my witnesses, your classmate is cheating. Will you read kung anong
nakalagay sa message?" Tumayo ang estudyanteng inutusan.
Binasa ang phone. "Y di u sagot tawag namin? Wala na si Dad. D niya na-survive ang operation. D2 kami
hospital."

Ihambing ayon sa: Dalawang Patong na Hollow Blocks “Si Ma’am Kasi”
a. paksa
b. layon
c. tono
d. pananaw
e. paraan ng pagkakasulat
f. pagbuo ng salita
g. pagbuo ng pangungusap

_________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

Inihanda ni: Iwinasto ni:

GNG. MARY ANN C. PALAGAR NORALYN S. CASCO


Guro Master Teacher II

Pinagtibay ni:

NIMFA G. SANICO
Principal II
Sagutang Papel Blg. 1

1
*Didi isurat im
Filipino 8
answer
IKATLONG MARKAHAN
*ini nala a ibalik UNANG LINGGO
POPULAR NA BABASAHIN
PANGALAN: _____________________________________ Sagutang Papel Blg. 1
TAON/SEKSYON: _________________________________ Petsa: ___________________

Magtulungan Tayo!
I. II.
1.__________________________ 1. H A E
2.__________________________
3. __________________________ 2.
V G
4. __________________________
5. __________________________ 3. S C L M D A

4. E L B S N

5. F C E O K

Magagawa Mo!

Ihambing ayon sa: Dalawang Patong na Hollow Blocks “Si Ma’am Kasi”

a. paksa ____________________________________ _______________________________


____________________________________ _______________________________

b. layon ____________________________________ _______________________________


____________________________________ _______________________________

c. tono ____________________________________ _______________________________


____________________________________ _______________________________

d. pananaw ____________________________________ _______________________________


____________________________________ _______________________________

e. paraan ng ____________________________________ _______________________________


pagkakasulat ____________________________________ _______________________________

f. pagbuo ng salita ____________________________________ _______________________________


____________________________________ _______________________________
g. pagbuo ng ____________________________________ _______________________________
pangungusap ____________________________________ _______________________________

______________________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like