Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 58

Ang kursong ito ay nakatuon sa masusing

pag-aaral sa masining, mabisa at matatas na


paggamit ng Wikang Filipino na
pinakainstrumento sa pagpapahayag.
Sumasaklaw ito sa maangkop at masining na
pagpili ng mga salitang gagamitin ayon sa
dalawang anyo ng pagpapahayag:
pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran. Lilinagin dito ang
kakayahan at kahusayang pangkomunikatibo
ng mga mag-aaral sa pagdidiskursong pasulat
man o pasalita.

GEE 1- Masining na Pagpapahayag

Swelyn C. Artugue
Bruno Eimar Jr.
Esseyl M . Estaris
Joery Hermoso
Lovely Luces
Mary Jane Saligumba
Denmark Tandoy
Mga Guro

Vision
To be a leading university in science and technology by 2022

Mission
The University shall provide quality, relevant, and responsive
scientific, technological and professional education and advanced
training in different areas of specialization; and shall undertake
research and extension services in support to socio-economic
development of Antique, the Filipino nation, and the global community.

P a h i n a |1
Masining na Pagpapahayag
KABANATA

ANG RETORIKA
I
Ang pagpapahayag nang malinaw, naaiintindihan, may pananagutan, puno ng lohika at
may kasiningan ay isang kasanayang dapat taglayin ng bawat isa. Ito ay daan tungo sa isang
mabisa at makabuluhang kumunikasyon. Napakahalaga ng kasanayang ito upang matagumpay
na maipahayag ng bawat isa ang kaniyang iniisip, desisyon at pagpupunyagi. Higit na mas
makabuluhan at naiintindihan ang isang talakayan kung mayroong kaugnayan at kaisahan ang
mga pangungusap na namumutawi sa pagpapahayag.

Kaya, ang kursong ito ay ginawa sa layong maging kongkreto ang “basic” o pangunahing
kaalaman sa balarila at kasiningan sa pagbuo ng mga mag-aaral ng kanilang mga diskurso sa
Wikang Filipino. Kapansin-pansin sa henerasyon ngayon ang mga karaniwang kamalian hindi
lang sa kanilang diksyon kapag sila ay nagsasalita kundi maging sa kanilang mga komposisyong
nasusulat. Kapansin-pansin ito sa kanilang mga status sa facebook at iba pang mga social
media. Ilan sa mga pagkakamaling ito ay ang paggamit ng pang-ukol at pangatnig na “ng at
nang” kasama na ang mga kamalian sa paggamit ng mga Ingklitik na “rin at din” at lalong higit
sa paggamit ng mga bantas. Masasabing maliit itong pagkakamali sa balarila ngunit malaki ang
epekto nito sa semantika at sa katuturan ng pagpapahayag.

Ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito ay makatutulong sa lalong pagpapatibay ng


pangunahing kaalaman sa pagbuo ng isang pangungusap tungo sa pagbuo ng isang
komposisyong may kaisahan at kaugnayan. Napakahalaga nitong kasanayan tungo sa pagkamit
ng layon ng kursong ito na makapagpahayag nang masining ang mga mag-aaral mapapasalita
man o pasulat.

Bilang pagtitiyak, sa pag-aaral ng kursong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakatatalakay ng mga kalikasan, simulain at estratehiyang panretorika at


pandiskurso;

b. Nakagagamit nang wasto at angkop na pananalita sa pagpapahayag ng kaalaman,


karanasan at saloobin;

c. Nakasusuri ng estilo ng mga modelong akda tungo sa malay na pagbuo ng sariling


estilo sa pagsulat;

d. Nakasusulat ng iba’t ibang anyo ng pagpapahayag na personal at malikhaing ‘di


piksyon na nagpapahayag ng mga ideya o kaisipan mula personal patungong lokal at
global.

Siyang tunay na ang lapis ay namumurol din tulad ng ating memorya kaya’t muling balikan ang
mga araling nakasalubong na ngunit unti-unting nawawala sa ating iskema. Maging
mapagmatyag at paglakbayin ang haraya tungo sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul
na ito.

P a h i n a |2
Masining na Pagpapahayag
ARALIN 1. KAHULUGAN, KASAYSAYAN, KANON, SINING,
SAKLAW AT GAMPANIN NG RETORIKA

Mga Layunin:
Pagganyak na Gawain:
Pagkatapos ng
aralin, ang mga
mag-aaral ay
inaasahang:
Basahin at bigyan ng angkop na interpretasyon ang maikling
monologo sa ibaba. Maaaring ibidyu ang inyong sarili at ipakita ito
sa klase. Sa pagsasagawa ng gawain, himuking makinig sa iyo ang
1. Nasusuri ang mga
mga kasama mo sa bahay, maaaring ito ay iyong mga kapatid,
konsepto hinggil sa
pinsan o ang iyong mga magulang. Suriin nang mabuti kung
kasaysayan at iba’t
nakukuha ba nila ang emosyong namamayani sa monologo.
ibang mga
pagpapakahulugan
hinggil sa retorika;
Bakit kayo nakangiti?
Bakit nga?
2. Nakapagbibigay ng Bakit ninyo ako pinagmamasdan mula ulo hanggang paa?
sariling
(Mula ulo hanggang paa)
pagpapakahulugan Aaah, dahil ba sa akoý isang pilay at buo ang isang paa?
sa retorika; at
Iyan ba ang dahilan kung bakit minamaliit ninyo ang aking alok
na paglilingkod?

3. Naiisa-isa ang mga Mga Ginoo, nagkakamali kayo!


mahahalagang Ako’y naparito upang lumaban!
pangyayari sa Hindi upang tumakbo.
kasaysayan tungkol
sa pagkakapanday PANTULONG NA TANONG:
ng retorika ng
kasalukuyan. Sa pagsasagawa ng gawain, anong emosyon ang naramdaman ninyo?
Sagot: ____________________________________________
Ano ang damdaming namamayani sa monologo?
Sagot: ____________________________________________
Ano ang layon ng nagsasalita sa paglabas niya ng kanyang nararamdaman?
Sagot: ____________________________________________
Matagumpay mo ba itong naisagawa o naipabatid sa iyong mga tagapakinig?
Sagot: ____________________________________________

P a h i n a |3
Masining na Pagpapahayag
TALAKAYIN NATIN!

A. Kahulugan

Sa website na http://www.gsu.edu, matutunghayan ang mga iskolar na depinisyon


ng Retorika. Binigyang kahulugan at inilarawan ang disiplinang ito ng mga
pangunahing awtoridad sa iba’t ibang lunan at panahon. Ang mga sumusunod ay
ilan sa mga ito:

Ang retorika ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa


nangangahulugang isang guro at mananalumpati o tagapagsalita sa isang
pagpupulong;

Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang


maimpluwensyahan ang damdamin ay kaisipan ng ibang tao; at

Ito ay ang paggamit ng mga simbulo na may kakayahang pumukaw sa ating


kalikasan na tumutugon sa mensaheng ipinahahatid ng mga naturang simbolo.

Ang retorika ay tumutukoy sa malawak, wasto at mayamang kaalaman sa


pagpapahayag. Tumutukoy ito sa kaakit-akit, kaiga-igaya at magandang
pagsasalita at pagsusulat (Lorenzo, Carmelita, et. al);

Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at


magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga
tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit –akit na pagpapahayag (Tumangan Sr.
13).

Retorika ang pakulti ng Ang Retorika ay isang arte


pagtuklas ng lahat ng o talent na ginagamitan ng
abeylabol na paraan ng diskurso tungo sa layuning
panghihikayat sa maglinaw ng pag-unawa,
anumang partikular na umaliw ng imahinasyon,
magpakilos ng marubdob
kaso. Ito rin ay isang
na pagnanasa o
bahagi o sangay ng Larawan 1. ARISTOTLE Larawan 2. CAMPBELL
makaimpluwensiya ng
diskurso na nauukol sa panghihimok o
disposisyon (George Campbell).
persweysyon (Aristotle).

P a h i n a |4
Masining na Pagpapahayag
Larawan 3. PLATO

Bilang paglalagom, ang Retorika kung gayon ay isang teorya at praktika ng pagpapahayag
o elokwens, pasalita man o pasulat. Ang pasalitang retorika ay tinatawag na oratoryo.
Binibigyang kahulugan ng Retorika ang mga tuntunin sa pagsulat ng komposisyon at
pagbibigkas ng oratoryo na dinisenyo upang makaimpluwensiya sa pagpapasya o
damdamin ng ibang tao (http:encarta.msn.com)

P a h i n a |5
Masining na Pagpapahayag
B. KASAYSAYAN NG RETORIKA

Mahahati ang pag-aaral ng kasaysayan ng Retorika sa tatlong yugto:

1. Klasikal na Retorika,
2. Retorika sa Gitnang Panahon o Midyibal at Renasimyento, at
3. Modernong Retorika.

Panoorin ang pinaikling pagtatalakay nito sa https://youtu.be/tGhc63k644.

Pinagmulan ng Retorika

 Nagsimula ang retorika sa Mesopotamia. Ilan sa mga unang halimbawa ng retorika ay


makikita sa mga lumang sulatin ng mga maharlika at mga babaylan noon.
 Noon pa ma’y umiral na rin ang retorika sa sinaunang Ehipto, ang mga tao noon ay
nagtataglay ng kabihasaan sa pagsasalita. Ito ay isang angking kakayahan na may mataas
na kahalagahan sa kanilang lipunan.
 Nagsimula rin ang retorika sa sinaunang China, sa pamamagitan ng mga Chinese
Philosophers katulad ni Confucius na di kalaunan ay nagpasalin-salin sa mga tagasunod nito.
 Sinasabi din na nagsimula ang retorika bilang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, Sicily
noong ikalimang siglo. Bago dumating si Cristo.
 Si Corax ng Sicily, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento,
Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailangan ang maayos at
masistematikong pagpapahayag ng mga katwiran.
 Nakasentro ang pamamaraan ni Corax sa talumpati na kakikitaan ng limang
mahahalagang elemento: proem o introduksyon; ang salaysay; ang mga
pangunahing argument; mga karagdagang pahayag; at ang konklusyon.
 Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang
sa mga konkretong katibayan. Makikita natin dito sa sadyang ginagamit ang retorika sa
pag-apila sa emosyon.

KLASIKAL NA RETORIKA

 Pasalita ang retorika ng Klasikal na Panahon


 Sa panahon ni Aristotle, sapagkat ang mga mamamayan ay karaniwang bahagi ng politikal
na usapin ng bayan, deliberatibo o intensyunal ang paggamit ng retorika.
 Naging kasangkapan sa paggawa ng mga polisiya at sa pagtatalakay ng mga isyung
pampulitika ang retorika.
 Ibinabatay sa consensus ng mga tagapakinig ang anumang magiging pagpapasya ng
pamahalaan noon at dahil doon ang ganitong sitwasyon ay nag-iiwan ng bigat ng tungkulin sa
mga retor.
 Layunin ng retor na maiimpluwensyahan ang isipan ng mga tagapakinig.
 Bahagi ng pagiging retor ang maging malikhain sa pagbuo ng kanyang pahayag,
magtaglay ng estilo at maging mapanghimok.
 Ang ganitong kalagayan ay napakabuting oportunidad para sa mga sophists.
 Ang mga sophists ay mga gurong dalubhasa at marunong pagdating sa epektibong
pananalita. Ang salitang Sophist ay galing sa salitang griyego na ‘Sophos’ na ang ibig sabihin
ay karunungan.
 Ayon sa mga sophist, ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang politikal sa
pamamagitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglaban at estilo sa pagbigkas.
 Sila rin ay mga binabayarang guro upang magsanay ng mga retor na magtaglay ng
kakaibang kasanayan sa paghabi ng mga salita sa paglalahad ng usapin, di matawarang galing
sa paggamit ng wika upang makaapekto sa emosyon at kakaibang fleksibilidad sa pag-

P a h i n a |6
Masining na Pagpapahayag
angkop sa kanilang tagapakinig.
 Sa aklat na Rhetoric ni Aristotle, binigyan-diin niya na ang mga talumpati ay dapat na
nagsasaalang-alang sa logos, pathos at ethos.
 Tinalakay rin ni Aristotle ang iba’t ibang emosyonal na kalagayan ng mga tagapakinig at
gumawa siya ng sikolohiya ng mga uri nito na sa tingin niya ay dapat na malaman ng retor.
 Hinati ni Aristotle ang ugali ng tao : ang ugaling panlalaki- batay sa gulang at swerte.
 Ayon sa kanya, ang mga batang lalaki ay may malakas na silakbo ng damdamin, maka-
ideyal at sobra kung magtiwala.
 Ang mga matatandang lalaki ay karaniwang masungit, hindi madaling maniwala,
mapanghinala at makitid ang pag-iisip.
 Ang mga lalaking nasa hustong gulang ay may tamang balanse ng mga ugali.
 Payo rin ni Aristotle na dapat isaalang-alang ng retor ang mga “biyaya ng kapalaran”.
 Ayon din sa kanya, naiiba ang mga pilisopikal na tagapakinig sa mga pampublikong
tagapakinig.
 Nang ang mga sophists ay naging tanyag dahil sa husay nilang humubog ng mga retor,
kinatatakutan ni Aristotle ang maaaring maging epekto nito sa usaping pambayan.
 Binabatikos naman ni Socrates (c. 470-399 B.C.) ang mga sophists sa pagsasabing walang
hangad ang mga ito maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang
kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo at hindi
sustansya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa
mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
 Kinilala si Homer ng maraming Griyego bilang ama ng oratoryo.
 Ang pagkakatatag ng mga demokratikong institusyon sa Athens nong 510 BC ay nagtakda sa
lahat ng mga mamamayan ng pangangailangan ng serbisyong publiko kaya naging esensyal na
pangangailangan na rin ang oratoryo.

Mga Pangunahing Retor/ Retorisyan

 Ang mga Sophist:


 Mga binabayarang guro na nagsasanay ng mga mag-aaral upang maging mahusay na retor.
 Nagtuturo ng mga aralin gaya ng politika, gramatika at matematika.
 Ayon kay Jarrat, sila ay naglalakbay upang hasain ang karanasan ng mga mag-aaral.
 Naniniwala ang mga sophists na ang katotohanan ay nakabatay sa mga batas,
paniniwala at gawi ng tagapakinig sa isang konkretong oras at panahon.

1. Protagoras
Kauna-unahang Sophist at isa sa mahuhusay na sophist. Nagsagawa ng pag-aaral
sa wika at nagturo sa kanyang mga mag-aaral kung paanong ang mga mahihinang
argumento ay magagawang malakas sa isang pahayag o talakayan. Naniniwala siya na ang
pagpanig sa alinmang argumento sa debate ay mabuti sa kadahilanang ang mali sa ibang
tao ay maaaring tama sa iba. Siya rin ay isang humanist at tagasunod ng pananaw ni
Heraclitus. Tinaguriang Ama ng Debate at nagtayo ng paaralan at nagturo ng gramatika.’

2. Corax
Sinasabing siya aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham. Naninirahan sa
Syracuse na nagsabing ang Retorika ay artificer o persuasion at umakda ng unang
handbook hinggil sa sining ng retorika.

3. Tisias

P a h i n a |7
Masining na Pagpapahayag
Naninirahan din sa Syracuse na mag-aaral ni Corax, Gorgias ng Leontini at Thrasymachus ng
Chalcedon na nagturo rin sa Athens. Guro ni Isocrates

4. Antiphon
Una sa itinuturing na Ten Attic Orators, kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika
ng retorika.

5. Isocrates
Dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC, ang nagpalawak sa sining ng
Retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning
praktikal. Isa sa pinakatanyag at pinakamahusay na guro noon ng mga Griyego.
Naging estudyante ni Socrates at Gorgias. Si Isocrates ay di kagalingan sa pagsasalita na
batid ng nakararami dahil sa paminsanang pagharap at pagsasalita sa madla ngunit maindayog
at masining ang kanyang pagkakatugma sa mga salita na nasa anyong tuluyan.
Si Isocrates ay kilala rin bilang manunulat ng talumpati ng mga orador.

6. Plato
Ipinanganak sa isang pamilyang mayaman at aktibo sa politika. Isa siya sa mga
pinakamaimpluwensyal na sinaunang teorista. Tinutulan niya ang teknikal na pagdulog sa
retorika. Binigyan-diin ang paghikayat kaysa katotohanan sa akda niyang Gorgias at tinalakay
ang mga simulain bumubuo sa esensya ng retorikal na sining sa Phaedrus. Siya ay isang mag-
aaral ni Socrates. Nang mamatay si Socrates, naglakbay si Plato patungong Italya at Sicily sa
sandaling panahon upang harapin ang ilang pag-uusig mula sa mga pinuno ng gobyerno.
Ang pagkamatay ng kanyang guro na napilitang uminom ng Hemlock bilang hatol sa
kanyang prinsipyo ang naging dahilan upang bumaba ang pagtingin ni Plato sa oratoryo.
Nagtayo siya ng paaralang kilala bilang “Akademya”

7. Aristotle
Anak ng manggagamot kaya’t nakatanggap siya ng maagang pagsasanay sa
biyolohiya.
Noong siya’y 17 nagtungo siya sa Athens upang mag-aral sa Akademya ni Plato.
Inilalarawan niya sa akdang Rhetoric na ang tungkulin ng retorika hindi bilang isang
panghihikayat ngunit ang pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan ng katotohanan at
hindi ng panghihikayat sa pamamagitan ng pag-apil sa emosyon.
Siya rin ang nagdisenyo ng pagpapalagay ng mga mabubulaklak na mga salita sa talumpatian na
kadlasang ginagamit bilang pagpuri sa mga natatanging panauhing pandangal.
Naging guro siya ng Akademya at nagturo ng retorika o diyalektik.
Ipinakikita ang di matatawarang galing ni Aristotle sa pamamagitan ng kanyang mga
kontribusyon sa larangan ng lohika, retorika, pilosopiya at biyolohiya.
Noong 335 BCE, nagsimula siyang gumawa ng sariling paaralan at tinawag niya itong“Lyceum”.

8. Cicero at Quintillian
Tinaguriang dakilang maestro ng praktikal na retorika. Si Cicero ang umakda ng On the
Orator, Institutio Oratoria at the Training of an Orator na hanggang sa kasalukuyan ay
ipinapalagay na masusing pagdulog sa mga simulain ng Retorika at sa kalikasan ng elokwens o
mahusay na pagsasalita. Ayon din kay Cicero mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting asal
upang maging mabuting mananalumpati.

Hanggang sa unang apat na siglo ng Imperyo ng Romano, ang Retorika ay itinuturo ng


mga tinatawag na Sophist na sa panahong iyon ay naging isang titulong akademiko.

Pamana ng Klasikal na Retorika

P a h i n a |8
Masining na Pagpapahayag
1. Oral ang Midyum ng Panghihimok
2. Mapanghikayat ang Pagdidiskurso
3. Pampubliko ang Pagdidiskurso

RETORIKA SA GITNANG PANAHON/ MIDYIVAL AT RENASIMYENTO


 Ang Retorika sa panahong to ay isang sabdyek ng trivium o tatlong sabdyek na
preliminary ng pitong liberal na sining sa mga unibersidad, kasama ang gramar at lohika.
 Sa panahong ito, ang Retorika ay nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa tinawag na
tatlong “artes”; paggawa ng sulat, pagsesermon at paglikha ng tula.

Pangunahing Midyibal na Awtoridad sa Retorika

1. Martianus Capella- isa sa mga iskolar sa ikalima hanggang ikapitong siglo na may awtoridad
sa retorika.
- awtor ng isang ensayklopidya ng pitong liberal na sining (aritmitik, astronomi,
dyometri, musika, grammar, lohika at Retorika)

2. Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus- isang historyan at tagapagtatag ng mga monastery


na umakda ng Institutiones Divinarium et Humanarum Lec-tionum.

3. San Isidore ng Seville- isang kastilang arsobispo na nagkompayl ng isang akdang


ensayklopedik tungkol sa ancient world.

Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo), muling ibinatay ang pag-
aaral ng retorika sa mg akda ng mga klasikal na manunulat tulad ni Aristotle, Cicero at
Quintillian.
Ilang mga kontemporaryong disertasyon ang nalikha sa panahong ito kabilang ang The
Art or Crafte of Thethoryke ng Inglaterong punong guro at manunulat na si Thomas Wilson.
Nakilala naman sina Pierre de Courcelles at Andre de Tonquelin, mga retorisyanong Pranses.
Sa buong panahon ng renasimyento, ang Retorika ay itinakdang sabdyek sa mg
akolehiyo at unibersidad na may kalakip na pagsasanay sa publiko at mga kompetisyon na
nakatulong upang panatilihing buhay ang praktika ng Retorika.

MODERNONG RETORIKA
 Nabawasan ng importansya ang retorika sa simula ng ika-18 na siglo, bagama’t sa teoretikal na
aspeto lamang at hindi sa praktikal, sapagkat nagpatuloy ang paglaganap ng mga oportunidad
para sa epektib na oratoryo sa pulitikal na arena.
 Sa ikalawang hati ng siglo, patuloy na nabawasan ang mga eksponent ng retorika.
 Akdang naging popular sa panahong ito kabilang
1. Hugh Blair - paring Scottish na sumulat ng Lectures on Rhetorics (1783)
2. George Campbell- isang teologong Scottish na may-akda ng Philosophy of Rhetoric
(1776)
3. Richard Whatley- isang britong eksperto sa lohika na sumulat ng Rhetoric (1828)

 Sa unang hati ng ika-21 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng pag-aaral ng pormal na


Retorika bunga ng pagganyak ng mga eksponent ng Semantiks, isang agham ng Linggwistika.
Ito ay naganap sa kabuuan ng lahat ng mga bansang gumagamit ng wikang Ingles sa daigdig.

P a h i n a |9
Masining na Pagpapahayag
C. MGA KANON NG RETORIKA
Ayon kay Bernales (2018) retorika bilang sining ay nahahati sa limang pangunahing
Kategorya o kanon:

1. Invensyon
Ang invensyon ay mula sa salitang Latin na invenire na ang kahulugan ay to find.
Samakatwid, ang kanon na ito ay nakatuon sa karaniwang kategorya ng pag-iisip na nagging
kunvensyonal nang hanguan ng mga retorikal na materyales.

2. Pagsasayos o / Arrangement
Ang pagsasaayos ay nakatuon sa kung paano pagsusunud-sunurin ang isang pahayag o
akda.

3. Istayl /Istilo
Ang istayl ay nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Kung ang invensyon ay
nauukol sa ano ang sasabihin, ang istayl ay nauukol sa paano iyon sasabihin.

4. Memori/ Memorya
Sa una, maaring isipin na ang memori ay may kaugnayan sa mnemonics o memory aids
na tumutulong sa isang orador na sauluhin ang isang talumpati. Ngunit ang kanon na ito ay higit
pa sa pagmememorays ng isang inihandang talumpati para sa re-presentasyon.

5. Deliveri/ Paghahatid
Ang deliveri ay orihinal na tinatawag na pasalitang retorika na ginagamit sa mga
pampublikong konteksto, ngunit ito ay maaari ring ituring bilang isang aspeto ng retorika na
nakatuon sa pampublikong presentasyon ng diskurso, pasalita man o pasulat.

D. RETORIKA BILANG SINING


Ayon kay Bernales 2018, katulad ng pag-awit, ang Retorika ay isang sining. Sa pamamagitan ng
mga simbolo na maaaring pasalita o pasulat, lumilikha ito ng isang likhang-sining na may taglay
na sariling halagang estetiko na naiiwan o nagkakabisa sa ating kaisipan, damdamin at kaasalan.
Isng sining ito na may sumusunod na katangian.

1. Pantaong sining
Ang mga pamantayan ng tao sa sining ang siya ring ginagamit na pamantayan upang
mapaghusay ang retorika. Nagiging extra ang mga ordinaryong pahayag. Ang tao ay may
katangiang magsalita at ipahayag ang kanyang sariling damdamin.

2. Buklurin o Kooperatibong sining


Sa pamamagitan ng sining na ito, makikita ang pagbubuklod o pagkakaisa at
pagkakasundo sa diwa ng naghahatid ng mensahe sa tumatanggap tulad ng isang pulong
para sa isang proyekto o programa.

3. Pansamantala o Temporal na sining


Walang permanente sa mundong ating kinalalagyan. Ang sining at retorika ay gayundin

P a h i n a | 10
Masining na Pagpapahayag
ang mga salita na ginagamit noon ay hindi sa mga salita na ginagamit ngayon at sa
darating na panahon. Nagbabago ang sining ng retorika batay sa panahon at kalakaran ng
lipunan na ating ginagalawan.

4. May Hangganan o Limitadong sining


Hindi lamang pansamantala ang sining, kundi may hangganan rin tulad ng karaniwang
bagay sa mund. Bagaman sa awit, tula at iba pang larangan ng panitikan ay maari nating
amrating ang ibayong daigdig, sa katotohanan ay may hangganan o limitasyon din ang
anumang sining kasama na ang sining sa retorika.

5. Sining na may kabiguan


Bagaman mabuti at nakahahalina ang sining sa retorika, may pagkakataon din na ito ay
nagdudulot ng kabiguan o frustration sa ilang pagkakataon tulad ng paggamit ng maling
parirala at pangungusap. Nakabatay rin ito sa naghahatid ng mensahe kung angkop bas a
oras, pook at tagapakinig ang inihahatid sa kaisipan.

6. Sining na Lumalalang o Sumusupling


Ang retorika ay tulad ng isang batis na patuloy na bumubukal at dumadaloy sa
kabundukan, mga burol at kaparangan. Gayundin ang retorika na dumadaloy at nagbibigay
sigla sa makatatanggap nito. Bunga nito, magkakaroon siya ng reaksyon na lumalang ng
mga bagay na pakikinabangan ng kanyang kapwa at ang makikinabang naman ay ang
susunod na manlalalang.

E. GAMPANIN o TUNGKULIN NG RETORIKA


Ang pag-aaral ng retorika ay nakatutulong sa isang indibidwal sa pamamagitan ng
limang aspekto.(Bernales, 2018)

1. Nagbibigay-ngalan o Katawagan
- ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay dumating o ipinanganak nang walang leybel.

Halimbawa, ang isang kamera ay naging Kodak, ang isang toothpaste ay naging colgate, ang isang
gasolinahan ay naging Caltex at ang isang kotse ay naging Toyota.

2. Nagdidistrak
- Dahil sa pakikinig natin sa iba o sa pagbabasa natin ng mga akda, maaaring nadidistrak ang
ating isipan sa mga masasakit na realidad.

Hal: Sa pakikinig ng tula sa radyo o pagbabasa ng mga nobela, pansamantala nating


naitutuon ang ating atensyon at konsentrasyon sa dulang pinakikinggan o nobelang binabasa, malayo
sa mga suliranin o agam-agam na bumabagabag sa atin.

3. Nagpapalawak ng pananaw
- sa tuwing tayo’y nakikinig o nagbabasa, maaaring may natututunan tayong bagong
kaalaman na mahalaga. Hindi nga ba’t sinasabing ang retorika ay isang sining na nagsusupling at
nagpapasa ng mga kaalaman? Bunga nito, nagiging kapaki-pakinabang ang retorika sa isang tao
dahil sa pamamagitan nito, lumalawak ang pananaw niya sa buhay.

P a h i n a | 11
Masining na Pagpapahayag
4. Nakapagbibigay Kapangyarihan
- ang isang taong kimi at hindi gaanong palakibo ay maaring lumawak ang kapangyarihang
sosyal kung malilinang ang kakayahan sa masining na pagsasalita at pagsulat. Lumalabas siya sa
kanyang hawla sapagkat magiging mabisa ang kanyang pagkumbinsi at pagpapahayag.

- Dahil sa retorika, napakaraming tao ang naging prominente at makapangyarihan. Ang


mga pulitiko, halimbawa, ay nahahalal dahil sa kanilang husay sa pananalumpati. Ang mga
matatalinong ideya, malalalim na paniniwala at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika
ay pinagmumulan din ng mga kapangyarihan at kalakasan. Kabilang na rito ang mga paniniwala,
konsepto at teorya ng mga sinaunang pilosopo at paham.

5. Nagiging daan sa Komunikasyon ( paraan ng talamitam)


- sapagkat ang prosesong komunikatibo ay kinabibilangan ng kakayahan at husay
sa epekibo at masining na pagpapahayag. Ang mga salitang hindi madaling masabi ay nagpapabisa
at nagpapadali ng retorika.

- ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita o
pasulat na paraan upang maunawaan ng ibang tao. Samakatuwid, dahil sa retorika, ang dalawa o
higit pang tao ay nagkakaroon ng komunikasyon.

Tandaan!

Ang layunin ng retorika ay makapanghikayat ng kapwa sa paraang pagsulat at pasalita.


Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag
ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang
tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng
wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan
sa pakikipagtalastasan.

P a h i n a | 12
Masining na Pagpapahayag
Paglalapat

Panuto: Gumuhit ng bagay na maglalarawan sa Retorika gamit ang bond paper.

Rubriks sa Pagguhit ng Larawan

Kalinisan- 5 puntos

Kaangkupan sa paksa-10 puntos

Kasiningan-10 puntos

Kabuoan- 25 puntos

P a h i n a | 13
Masining na Pagpapahayag
MASINING NA PAGPAPAHAYAG KABANATA

KABANATA 2
ANG BALARILA AT ANG RETORIKA
II
Mga Layunin: Kailan
ko ba
Pagkatapos ng Simulan natin
aralin, ang mga
mag-aaral ay gagamitin ang “ng” at kailan naman ang “nang”? Ano ba ang
inaasahang: binubuksan, ang pinto o ang pintuan? Dapat ko bang pahirin o
pahiran?

1. Nailalahad ang Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang mga karaniwang kalituhin
kahalagahan ng at kamalian sa diksyon o tamang pagpili ng mga salita upang magamit
balarila sa sa pagpapahayag. Matiim nating tatalakayin ang kahulugan ng balarila
pagpapahayag ng at kahalagahan nito sa proseso ng masining at mabisang
masining; pagpapahayag.

2. Nagagamit nang A. ANG BALARILA SA PROSESO NG MASINING AT MABISANG PAGPAPAHAYAG


tama ang mga salita
sa pagpapahayag; Ang mga mithiin at hangarin ng tao sa buhay ay nakasalalay sa
at kahusayan at kasanayang magsasalita. May pang-akit at kapani-
paniwala ang isang tao kapag mahusay magsalita. Saan man siya
magtungo ay makatatagpo siya ng kaibigan at mga kapalagayang-loob.
Sa lahat ng larangan ng ating lipunan, nakalalamang ang taong
marunong, sanay at mabisang magsalita. Ang taong may ganitong
3. Nasusuri ang mga katangian ay nagkakaroon ng ganap na tiwala sa sarili sapagkat higit
karaniwang niyang nadarama ang kaganapan sa kanyang pagkatao kung
kamalian sa naipahahayag niya nang maayos, malinaw, tama at buong kasiyahan
paggamit ng mga ang kanyang nararamdaman at naisasalin ang mga kaalamang nais
salita sa pagbuo ng niyang ibahagi sa pinakamadali at pinakamabisang paraan-pasulat man
diskurso at sa social o pasalita.
media. Ang kahusayan at pagiging mabisa sa pagpapahayag ay
natututuhan. Ito ay nalilinang sa pamamagitan ng pagsasanay.
Dalawang bagay ang dapat maunawaan ng mga mag-aaral upang maging mabisa sa
pagpapahayag - Retorika at Balarila.

14
B. KAHULUGAN AT KATUTURAN NG BALARILA

Ang balarila (mula sa bala + (ng) + dila) ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika
na kinabibilangan ng mga sumusunod: pakakabalangkas ng mga salita
(morpolohiya); ng sintaks(syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging
makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; at
ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala. Tumutukoy din ang balarila sa
pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). mga
kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.

C. ANG RELASYON NG BALARILA AT RETORIKA


Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang
pangwika: Ang balarila at retorika. Ang retorika ay nagbibigay-linaw at kagandahan sa
pagpapahayag samantalang ang balarila ay nagdudulot ng kawastuan sa pahayag.

Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag kung


hindi wasto ang tungkulin at ugnayan ng mga salita. Samakatuwid, ang relasyon ng
balarila at retorika ay napakahalaga upang makamit ang mabisang pagpapahayag.

D. PAPEL O TUNGKULIN NG BALARILA SA PROSESO NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Tatlong mahahalagang bagay ang saklaw ng balarila o grammar:

1. Pag-aaral ng anyo at uri mga salita


2. Tamang paggamit ng mga salita
3. Tamang pagkakaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng
malinaw na kaisipan o diwa.

· Mga salita ang mahalagang sangkap ng ano mang wika. Ang Fiipino, ang
Ingles, ang Kastila at iba pang mga wika ay may kanya-kanyang anyo at uri ng mga
salita. Ano ba ang salita? Saltik daw ng dila ang salita ayon kay Lope K. Santos, ang
itinuturing na AMA ng balarilang Tagalog. Maaari ring sabihin na ang salita ay sagisag
na binubuo mula sa pinakamaliit may unit ng tunog na binigyan ng tiyak na kahulugan
ng tao upang magamit sa pakikipag-unawaan.

Ang Filipino tulad din ng ibang mga wika sa daigdig ay mayaman sa mga salita.
May iba’t ibang paraan ng pagpaparami at pagbubuo ng mga salita at ang iba’t ibang
kahulugan sa salita kaya dapat lang bigyan din ng pansin ang kahulugan ng bawat
salita batay sa paraan kung paano ito nabuo at gayundin kung paano ito ginamit o
ginagamit sa pangungusap.

15
Kung alam na ang tiyak na kahulugan ng isang salita, magagamit ito nang
tama. Ito ang dahilan kung bakit sa pag-aaral ng wika, mahalagang bahagi ang
morpolohiya at

pagpapalawak ng bokabularyo. Halimbawa, ang mga salitang nabubuo sa pamamagitan


ng

panlapi. May mga panlapi tayong makauri, makangalan, makadiwa, makaabay.


Ang bawat panlaping ikinakabit sa isang salitang-ugat ay may taglay na kahulugan,
gamit at katuturan.

Kung alam ng manunulat ang iba’t ibang paraan ng pagpapalawak ng


bokabularyo at nalinang na ang kanyang kaalaman tungkol dito, napipili niya ang mga
salitang dapat na gamitin at naiaangkop niya sa paksang susulatin. Narito ang ilan sa
madalas na kamaliang nakikita sa mga sulatin ng mga mag-aaral:

Sulatin Kamalian Dapat

1. Tumaas ang halaga ng Ang pagkakagamit ng Tumaas ang halaga ng


langis kaya’t tumaas din salitang kinakailangan. langis kaya’t tumaas din
ang presyo ng mga ang presyo ng mga
pangunahing pangunahing
kinakailangan ng tao. pangangailangan ng
tao.

2. Tinutukoy ng marami ang Ang pili ng salitang Ginagamit ng marami


internet bilang “tinutukoy”. Marahil lalong ang internet bilang
“information angkop ang salitang “information
superhighway”. ginagamit sa halip na superhighway”.
tinutukoy.

3. Sa pangalawang araw ay Ang pagkakagamit ng mga Nang ikalawang araw


himala ang ingay na salitang: Sa panglawang ay higit na ingay ang
nililikha ng aming araw, himala, nililikha, at nilikha ng aming
pagkakakilanlan. pagkakakilanlan. pagkikila-kilala.

16
E. WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Wastong paggamit ng SUBUKIN at SUBUKAN

SUBUKIN
Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang tao o bagay.
Mga halimbawa:
1. Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
2. Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
3. Susubukin ng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.
SUBUKAN
Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng
isang tao o mga tao.
Mga halimbawa:
1. Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
2. Ani Erap noon, “Wag n'yo akong subukan!”
3. Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya sa kanyang
paroroonan.

Wastong paggamit ng PAHIRIN at PAHIRAN


PAHIRIN
Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay, alisin ang
bagay.
Mga halimbawa:
1. Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
2. Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.

PAHIRAN
Dalawa ang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.
a. Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na pinahid.
Sa ganitong gamit ang pahiran ay may layon.
b. Nagagamit din ang pahiran sa kahulugang paglalagay ng kaunting bagay at
karaniwan ay sa bahagi ng katawan.
Mga halimbawa:
1. Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
2. Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang buhok.
3. Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga kamay?

Wastong gamit ng OPERAHIN at OPERAHAN


OPERAHIN
Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.

17
Mga halimbawa:
1. Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.
2. Kailan nakatakdang operahin ang iyong bukol sa dibdib?
3. Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.
OPERAHAN
Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
1. Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na may sakit.
2. Inoperahan na si Emil kahapon.
3. Si Vic ay kasalukuyang inooperahan sa pagamutan ng St.Luke.

Wastong gamit ng RIN, RAW, DAW at DIN


RIN at RAW
Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Halimbawa:
1. Tayo ay kasama rin sa mga inanyayahan.
2. Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating
pamantasan.
3. Sasakay raw siya sa unang bus na daraan.
DIN at DAW
Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:
1. Takot din siyang magsinungaling kagaya mo.
2. Masakit daw ang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.
3. Malakas din ang patahian nila katulad ng patahian ninyo.

Wastong paggamit ng “NG” at “NANG”


NG
a. Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang-uring pamilang.
Mga halimbawa:
1. Bumili si Rex ng apat na tinapay para sa anak niya.
2. Naglabas ang nanay ng walong baso ng tubig para sa mga bata.

b. Ginagamit ang “ng” sa mga pangngalan.


Mga halimbawa:
1. Pumunta ng paaralan ang guro.
2. Kinuha ng bombero ang balde sa kusina.

c. Ginagamit ang “ng” upang magsaad ng pagmamay-ari.


Mga halimbawa:
1. Ang tiwala ng tao ay mahirap makuha kaya ingatan mo ito.

18
2. Ang silid-aralan ng mga bata ay ibinaha.

d. Ginagamit ang “ng” kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri.


Mga halimbawa:
1. Bumili ng magandang damit ang tatay para ibigay kay nanay.
2. Kinuha ng masunuring bata ang basura at iniligay sa nararapat nitong kalagyan.

e. Ginagamit ang “ng” upang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.


Mga halimbawa:
1. Binigay ng guro ang mga libro sa mga mag-aaral niya sa ikaapat na baitang.
2. Inalis ng matanda ang mga nakaharang na bakod sa daan.

NANG
a. Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga pandiwang inuulit
Mga halimbawa:
1. Takbo nang takbo ang bata sa parke sa sobrang kaligayang naramdaman niya.
2. Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya ay yung tipong bigay
nang bigay sa ibang tao.

b. Ginagamit ang “nang” pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa
pangungusap.
Mga halimbawa:
1. Umaga nang dumating si Jose sa bahay nila. (Umaga na ng dumating si Jose sa
bahay nila.
2. Sobra nang pagkamasungit ni Alysa. (Sobra na ang pagkamasungit ni Alysa.)
3. Hayaan mo na na kunin niya yung mga gamit niya. (Hayaan mo nang kunin niya
yung mga gamit niya.”

c. Ginagamit ang “nang” sa pang-abay na pamaraan na sumasagot sa tanong na paano.


Mga halimbawa:
1. Nag-aral nang tahimik ang magkapatid.
2. Magsalita ka nang malakas at malinaw sa klase.

d. Ginagamit ang “nang” kung ang katumbas nito ay salitang “when” sa Ingles.
Mga halimbawa:
1. Nang dumating ka sa buhay ko, lahat ay nag-iba.
2. Nang bata pa ako, tinuruan ako ng aking lolo ng Tango.

Wastong paggamit ng KUNG ‘DI, KUNG DI at KUNDI


a. Ang kung 'di (if not) ay pinaikling kung hindi.

19
b. Ang kung di ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
c. Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.

Mga halimbawa:
1. Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.
2. Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.
Wastong gamit ng KINA at KILA
a. Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.
b. Walang salitang kila sa Balarilang Filipino at ang paggamit nito ay karaniwang
pagkakamali.
Mga halimbawa:
1. Papunta na kami kina Ms. Katipunan.
2. Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.

Wastong paggamit ng PINTO at PINTUAN

PINTO
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito
upang ilagay sa pintuan.
Mga halimbawa:
1. Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok angt lamok.
PINTUAN
Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging
daraanan kapag bumukas na ang pinto.
Mga halimbawa:
1. Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya
maisara ang pinto.

Wastong paggamit ng HAGDAN at HAGDANAN


HAGDAN
Ang hagdan (stairs) ay mga baytang at inaakyatanat binababaan sa bahay/gusali.
Halimbawa:
1. Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
HAGDANAN
Ang hagdanan ( stairway) ay bahaging bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
1. Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang
hagdan niyon matapos ang lindol

Wastong gamit ng IWAN at IWANAN


IWAN

20
Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/dalhin.
Halimbawa:
1. Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.

IWANAN
Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng
kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
1. Iwanan mo ako ng perang pambili ng pananghalian.

Wastong paggamit ng TUNTON, TUNGTONG at TUNTONG.


TUNTON
Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng anumang bagay.
Halimbawa:
1. Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.

TUNGTONG
Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
Halimbawa:
1. Hindi Makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.
TUNTONG
Ang tuntong ay pagyapak sa anumang bagay.
Halimbawa:
1. Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.

Wastong paggamit ng MAY at MAYROON.


MAY
a. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
Mga halimbawa:
1. May pera ka ba?
2. Lahat sila ay may regalong matatatanggap.

b. Kapag sinusundan ng pandiwa


Mga halimbawa:
1. May sasabihin ko sa’yo.
2. May pupuntahan ako sa Sabado.

c. Kapag sinusundan ng pang-uri


Mga halimbawa:
1. May magandang anak si Mang Jose.
2. May mahalagang bagay kang dapat matuklasan.

21
d. Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari
Mga halimbawa:
1. Bawat miyembro ay may kani-kanilang hinaing.
2. Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
3. Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
e. Kapag sinusundan ng pang-abay na pamaraan.
Halimbawa:
1. May dahan-dahan na pumasok sa silid-aralan.
f. Kapag sinusundan ng pantukoy na “mga” at pang-ukol na “sa”.
Mga Halimbawa:
1. May mga nilalang ng Diyos na nakalilimot tumawag sa Kaniya.
2. Tayo ay may mga tungkuling nararapat at gampanan sa ating pamahalaan.

Wastong paggamit ng MAY at MAYROON.


MAYROON
a. Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.
Mga halimbawa:
1. Mayroon pa bang magsasalita ukol sa paksang ito?
2. Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
3. Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.

b. Ginagamit na panagot sa tanong.


Mga halimbawa:
1. May bagyo ba? Mayroon.
2. May takdang aralin ka ba ? Mayroon po.
3. May maasahan ba akong tulong sa kanya? Mayroon naman.

c. Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka-may-kaya sa buhay


Mga halimbawa:
1. Ang mga Morales ay mayroon sa bayan ng Dolores.
2. Hindi magandang magpanggap na mayroon sapagkat matutuklasan din
sa bandang huli ang totoong kinatatayuan sa buhay.

Wastong paggamit ng KUNG at KONG.


KUNG
Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
1. Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa
paghawak ng pera.
KONG

22
Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
1. Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking
kaarawan.

Wastong paggamit ng KITA at KATA.


KITA
a. Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap
Halimbawa:
1. Nakita kita sa Baguio noong Linggo.
KATA
a. Ang kata naman sa magkasamang nagungusap at kinakausap.
Halimbawa:
1. Kata nang kumain sa kantina.

Wastong paggamit ng PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN.


PAHIRIN AT PUNASIN
a. Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.
Mga halimbawa:
1. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
2. Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
PAHIRAN AT PUNASAN
b. Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.
Mga halimbawa:
1. Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
2. Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

Wastong paggamit ng WALISIN at WALISAN

WALISIN
Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o
lilinisin.
Halimbawa:
1. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig
WALISAN

23
Ginagamit ang walisan (to sweep the place) kung tumutukoy naman sa lugar.
Halimbawa:
2. Walisan ninyo ang sahig.

Wastong paggamit ng IKIT at IKOT

IKIT
Ginagamit ang salitang ikit na katumbas ng “counter-clockwise” sa Ingles o ang
pagpihit nang kaliwa o papasok.
Mga halimbawa:
1. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng
kuweba.
2. Iikit mo ang pisi ng saranggola.
IKOT
Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas. Ginagamit ang salitang ito na
katumbas ng “clockwise” sa Ingles o ang pagpihit nang pakanan
Halimbawa:
1. Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob
nito bago nila nakita ang daan palabas.

Wastong paggamit ng SUNDIN at SUNDAN


SUNDIN
Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral
Halimbawa:
1. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon
sa iyong kabutihan.
SUNDAN
Ang sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Mga halimbawa:
1. Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.
2. Sundan mo siya baka siya maligaw.

Wastong paggamit ng HATIIN at HATIAN


HATIIN
Hatiin (to divide) – partihin
Halimbawa:
1. Hatiin mo sa anim ang pakwan
HATIAN
Hatian (to share) – ibahagi
Halimbawa:
1. Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

24
Wastong paggamit ng IWAN at IWANAN

IWAN

Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama


Halimbawa:
1. Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.
IWANAN
Iwanan (to leave something to somebody) – bigyan
Halimbawa:
1. Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

Wastong paggamit ng NABASAG at BINASAG

NABASAG

Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto


Halimbawa:
1. Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga plato.
BINASAG
Ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
Halimbawa:
1. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.

Wastong paggamit ng BUMILI at MAGBILI

BUMILI

Bumili (to buy);


Halimbawa:
1. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
MAGBILI
Magbili (to sell) – magbenta
Halimbawa:
1. Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

Wastong paggamit ng KUMUHA at MANGUHA

KUMUHA

Kumuha (to get)

25
Halimbawa:
1. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
MANGUHA
Manguha (to gather, to collect)
Halimbawa:
1. Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

Wastong paggamit ng TAGA at TIGA

Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping
taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi.
Mga halimawa:
1. Si Juan ay taga-Bikol.
2. Taganayon ang magandang babaeng iyon.

Wastong paggamit ng LAWIT at BITIN

LAWIT
Ginagamit kapag may labis na umusli pababa na pantay mata lamang ng tumitingin.
Halimbawa:
1. May gagambang nakalawit sa kanyang harapan.

BITIN
Ginagamit kapag may labis na umusli pababa na kailangang tingalain ng tumitingin
Halimbawa:
1. Mabilog ang nakabiting bunga ng mangga.

PALAWAKIN NATIN

PAGPILI NGn MABISANG SALITA SA PAGBUO NG KAHULUGANG NILALAYON

Karaniwang kalituhan ang dala ng mga salitang magkasingkahulugan ngunit may


magkakaibang mga gamit. Kabisaduhin natin ang mga ito.

Alisin tanggalin sa kinalalagyan


Alisan lugar o pook na pinagtanggalan ng bagay

26
Bumangon gumising mula sa pagkatulog
Magbangon pagtatayo o pagtatatag

Mabango kasiya-siya ang amoy na nanatili at nadarama


Masamyo kasiya-siyang amoy na nadarama nang bahagya at panandalian

Mataas ginagamit sa paglalarawan ng taas ng bagay o hayop


Matangkad ginagamit sa paglalarawan ng taas ng tao
Matayog ginagamit sa napakataas na paglalarawan ng isang bagay

Kaanak kabilang sa pamilya, kapamilya


Kamag-anak may maw
lawak na saklaw, kabilang sa angkan

Kilik dala sa baywang


Pasan dala sa balikat
Sunong dala sa ulo
Kipkip dala sa kilikili
Bitbit dala sa kamay

Tingin mababaw na pagbibigay-pansin


Titig matagal na pagtingin na may kalakip na pagsusuri
Tanaw pagtingin sa malayo
Sulyap panakaw tingin

Ngiti nagpapakita ng kasiyahan ng nagpapahiwatig ng labi at mata


Tawa kasiyahang may bahagyang tunog
Halakhak malakas na tawa
Hagikhik tawang may kasamang galaw ng mga balikat
walang control na pagtawa, kung minsan may kasamanh
Hagalpak
tadyak at hampas ng kamay
pananakit na gamit ang paa o paggalaw sa anumang
Sipa
bagay sa pamamagitan ng paa
Sikad sipang may kasamang pwersa, palayo sa may katawan
Tadyak higit na malakas na sipa
Tapakan daganan ang paa
Tuntong patungan ang paa, walang pwersa na di gaya ng tapak

Bulyaw malakas na pagsasalita na may himig na galit


Sigaw pagsasalita nang malakas

Iwan ginagamit kung ang tinutukoy ay tao o lunan

27
Hal. Iwan ninyo si Elena.
Iwanan ginagamit kung ang tinutukoy ay ang mga bagay.
Hal. Iwan ninyo si Elena

Sampal pananakit na gamit ang kamay at sa pisngi ang tama


Tampal pananakit na gamit pa rin ang palad subalit sa ibang bahagi ng
katawan

Bumagsak isang bagay na nakatayo na gumuho tulad ng gusali, poste,


punong kahoy, atb. O kaya naman ay bagay nasa himpapawid
na nawalan ng control sa hangin.
Nahulog isang bagay o sangkap na mula sa mataas na kinalalagyan ay
nalaglag.

Pag-ibig masidhing damdamin na inuukol ng tao sa Diyos,


magulang,anak at malalapit na kaanak.
Pagmamahal karaniwang damdamin na nagpapakita ng pag-aaruga sa mga
malalapit na tao, bagay, hayop at mga halaman.

Kahingian requirement sa Ingles, mga bagay na hinihingi dahil kailangan

Mabait magandang ugali, mapagbigay o mapagparaya


Maamo sang ugaling kaayaaya na karaniwang ginagamit sa hayop ,
tulad ng maamong tupa.

MASINING NA PAGPAPAHAYAG KABANATA

Mga Layunin:
KABANATA 3:
WASTONG GAMIT NG BANTAS
III
Pagkatapos ng
aralin, ang mga
mag-aaral ay:

1. Nakikilala at 28
natutukoy ang mga
tiak na gamit ng
Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbolo na nagpapakita ng kayarian at
kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali (pagtigil
na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas.

Sa nakasulat na Tagalog, ang bantas ay mahalaga


upang maging malinaw ang kahalugan ng mga pangungusap. Ang mga panuntunan ng
pagbabantas ay pabagu-bago ayon sa wika, lokasyon, rehistro at panahon (oras) at
patuloy na umuunlad at nagbabago.

Ang mga anyo ng wika na takigrapiko, katulad ng mga ginagamit sa


pagsasatsatan sa Internet at mga mensaheng teksto, ay maaaring may malawak na
kakaibang panuntunan.

29
MGA URI NG BANTAS AT PAGGAMIT NITO

1. TULDOK o PERIOD ( . )
Ginagamit ang bantas na tuldok sa katapusan ng pangungusap na paturol
(pasalaysay), pautos at sa mga salitang dinadaglat (abbreviation).
Paturol at Pautos
Mga halimbawa:
1. Si Simang ay isang magandang binibini.
2. Mahalin mo nga ako kahit kaunti.
a. Sa pangalan at salitang dinaglat (abbreviation)
Mga halimbawa:
1. Si G. A.B. Manansala ang lalaking bumihag sa aking puso.
2. Si Bb. Kabalyero ang kontrabida sa buhay pag-ibig mo.

2. TANDANG PANANONG o QUESTION MARK (?)


Ginagamit ang tandang pananong sa katapusan ng mga pangungusap na
patanong at sa bahaging pag-aalinlangan na inilalagay sa loob ng panaklong.
a. Sa pangungusap na patanong.
Mga halimbawa:
1. Bakit hindi ka niya magawang mahalin?
2. Bakit ka niya iniwan?
b. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang hindi sigurado o pag-aalinlangan
sa diwa ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Ikaw ang huling (?) babaeng mamahalin niya.

3. TANDANG PANAMDAM o EXCLAMATION POINT ( ! )


Ang bantas na tandang padamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga,
parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Mga halimbawa:
1. Mabuhay ang mga sawi ang puso! Mabuhay!
2. Aray! Ang sakit naman ng ginawa mo.

4. KUWIT o COMMA ( , )
Ang kuwit (,) ay ginagamit sa paghihiwalay ng isang sinipi. Ito rin ay ginagamit
sa mga sumusunod na pama maraan:

Masining na Pagpapahayag
a. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-
uri.
Mga halimbawa:
1. Sid, mahal mo ba ako?
2. Unang ginisa ang bawang, sibuyas, at luya.
b. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-
pangkaibigan.
Mga halimbawa:
1. Lubos na gumagalang,
2. Mahal kong Mia,
3. Nagmamahal,
c. Pagkatapos ng Oo at Hindi.
Mga halimbawa:
3. Oo, hindi na kita mahal.
4. Hindi, niloko lang talaga kita.
d. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Mga halimbawa:
1. Si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ay isa ring doktor.
2. Si Marco, ang iyong kasintahan, ay isang manloloko.
3. Si Simang, isang manunulat, ay mahilig mangulangot.
e. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at
lalawigan sa pamuhatan ng isang liham.
Mga halimbawa:
1. March 3, 2017
2. Project 8, Quezon City
f. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng
pangungusap.
Mga halimbawa:
1. Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa
hayop at malansang isda."
2. "Hindi na kita mahal", wika ng iyong kasintahan.

5. KUDLIT o APOSTROPHE ( ' )


Ginagamit ang kudlit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga
letrang nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay
ikinakabit sa unang salita.
Halimbawa:
1. Siya'y hindi magiging iyo.
( Siya'y = Siya ay )

Masining na Pagpapahayag
6. GITLING o HYPHEN ( - )
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
a. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
1. Masayang-masaya ako nang mag-wave back siya.
2. Gabi-gabi kaming nag-uusap kaya naghuhulog na ang loob ko sa kaniya.
3. Umiiyak ako dahil dala-dalawa pala siya kung magmahal.
b. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang
kahulugan.
Mga halimbawa:
1. Magaling siyang mang-uto ng babae.
(Kapag hindi nilagyan ng gitling ang salitang 'mang-uto' ay magiging
'manguto' ito na may ibang kahulugan.)
2. Nasanay na akong mag-isa sa buhay.
c. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Mga halimbawa:
1. pamatay-insekto (pamatay ng insekto)
2. humigit-kumulang (humigit at kumulang)
3. bahay-aliwan (bahay na aliwan)
d. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang
bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang
pagbabago sa ispeling.
Mga halimbawa:
1. taga-Bulacan
2. maka-Duterte
3. mag-Japan
e. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay
nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan.
Mga halimbawa:
1. magja-Japan
2. magzo-Zonrox
3. magjo-Jollibee
f. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Mga halimbawa:
1. Naghiwalay kami nang ika-4 na buwan ng aming relasyon. (ika-4 na
buwan)

Masining na Pagpapahayag
2. Tumwag siya sa akin kaninang ika-10 ng umaga. (ika-10 ng umaga)
g. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Mga halimbawa:
1. isang-kapat (1/4)
2. lima't dalawang-kalima (5-2/5)
3. tatlong-kanim (3/6)
h. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o
asawa.
Mga halimbawa:
1. Simang Kabalyero-Europa
2. Anne Curtis-Smith

7. TUTULDOK o COLON ( : )
Ginagamit ang tutuldok matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga
sumusunod:
a. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
1. Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas,
Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
b. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.
Mga halimbawa:
1. Dr. Garcia:
2. Bb. Zorilla:
c. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa
kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa:
1. 8:00 a.m Juan 16:16

8. TULDUKUWIT o SEMICOLON ( ; )
Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan
ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig.
a. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating
panimula ng liham pangalakal.
Mga halimbawa:
1. Bb;
2. Ginoo;
b. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi
pinag-uugnay ng pangatnig.
Mga halimbawa:

Masining na Pagpapahayag
1. Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
2. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip niya ang magpatiwakal.
c. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad ng halimbawa, gaya ng, paris ng, kung
nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Halimbawa:
1. Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan
ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

9. PANIPI o QUOTATION MARK ( " " ) ( “ ” ) ( ‘ ’ )


Ang mga panipi ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa ganitong mga
kaparaanan:
a. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang
sipi.
Halimbawa:
1. “Hindi kita mahal,” sabi niya sa iyo.
b. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin,
aklat, awitin at iba't ibang mga akda.
Mga halimbawa:
1. Paborito kong panoorin ang "Ang Probinsyano."
2. Maaari kayong sumali sa grupong "TINTAkilya."
c. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.
Mga halimbawa:
1. Ang natapos kong kurso ay "Business Administration."
2. Mahilig akong magbasa ng mga libro tungkol sa "Computer
Programming."

Paalala!

Ang tuldok sa hulihan ng pangungusap ay ilinalagay bago ang closing


quotation mark.

10. PANAKLONG o PARENTHESES ( ( ) )


Ang panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi
direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng ginamit sa mga sumusunod:

Masining na Pagpapahayag
a. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa:
1. Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me
Tangere.
b. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.
Mga halimbawa:
1. Si Anton ay nagkaroon na ng dalawampu't tatlong (23) kasintahan
2. Tatlong libong (3000) katao ang dumalo sa kanilang kasal.
c. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.
Halimbawa:
1. Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
d. Ito rin ay puwedeng gamitin sa matematika.
Mga halimbawa:
1. 2 (3+6x) = 9
2. 5 (25-5y) = 10

11. TUTULDOK-TULDOK o ELIPSIS ( ... ) ( … )


Ang tutuldok-tuldok o elipsis ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita
ang karugtong ng nais na sabihin.
Ang elipsis ay tatlong magkakasunod na tuldok na matatagpuan sa isang
pangungusap, at maaaring ito ay nasa umpisa, gitna o hulihang bahagi nito.
Mga halimbawa:
1. Umiyak na lamang siya nang umiyak at hinintay ang mga susunod na
mangyayari...
2. "Crispin… Crispin... anak ko!" sigaw ko.

12. GATLANG EN o EN DASH ( – )


May dalawang uri ng gatláng (dash): ang gatlang en at gatlang em. Noong wala
pang computer, karaniwang ginagamit ang gitling sa gamit na para sa gatlang en.
Ngunit ang gatlang en ay iba sa gitling at may mga tiyak na gamit.
Ang gatlang en ay mas mahaba sa gitling at mas maikli naman sa gatlang em.
Ginagamit ang gatlang en upang katawanin sa simbolo ang salitang “hanggang.”
Mga halimbawa:
1. 1971–1986 (petsa)
2. 9:00–11:00 (oras)
3. Taón II–IV (mga tomo ng jornal)
4. 78–89 (mga pahina ng aklat)

13. GATLANG EM o EM DASH ( — )

Masining na Pagpapahayag
Ang em-dash (—) ay isang uri ng bantas na naghuhudyat ng biglaang pagtigil ng
daloy ng isang pangungusap. Isang salita ang dapat tandaan upang maiwasan ang
kalituhan kung saan at kailan ba dapat gamitin ang em-dash— Interruption!
Kung gagamit tayo ng Figurative, ipinapakita rito ang pakiramdam ng biglaang
pagtigil. Halimbawa na lamang na kung ikaw ay nakasakay sa isang sasakyan at
biglang nagpreno. Maihahalintulad ito sa "Interruption Effect." Para rin iyang kilig na
kilig ka na tapos bigla kang iiwan sa ere ng happy pill mo.
MGA GAMIT NG EM-DASH
a. Em-dash sa dialog/dialogue:
Ito ang pinakamadaling gamit ng em-dash. Kung isa kang manunulat na
gumagawa ng dialogue ng mga karakter, ito ang pangyayari kung saan
mapapatigil ang pagsasalita ng unang karakter dahil sa pagsabad ng ikalawang
karakter. Para rin itong pagmamahalan ninyo na nabitin dahil sa may umepal na
iba.
Mga halimbawa:
1. “Hindi tayo p'wedeng maghiwalay! Alam mo kung gaano kita kama—"
“Tumigil ka na! Hindi na kita mahal!”
2. "Hoy, girl! Ikaw ha, hindi mo sinasabi na may gusto ka pala kay—"
"Sshh! Huwag ka ngang maingay! Baka marinig ka niya."
b. Em-dash sa pangungusap bilang kahalili ng colon, commas, o parentheses.
Maliban sa em-dash, ang colon, commas, at parentheses ay maaaring
gamitin na hudyat sa pagtigil ng daloy ng isang pangungusap.
Tandaan: Ang kaibahan ng em-dash sa colon, commas, at parentheses sa
mga sumusunod na halimbawa ay ang “Interruption! Effect.”
a) Em-dash Vs. Colon
Ang colon ay ginagamit sa pag-introduce o pag-enumerate.
Halimbawa:
Gamit ang Colon
1. Ito ang mga lugar na gusto kong puntahan: Cebu, Bohol, at
Davao.
Gamit ang Em dash
1. Sa Cebu, Bohol, at Davao— ito ang mga lugar na gusto kong
puntahan.

Pansinin: Ang pangungusap na ginamitan ng colon ay mas


pormal kaysa sa pangungusap na ginamitan ng em-dash.

b) Em-dash Vs. Commas

Masining na Pagpapahayag
Kung ang comma ay ginamit upang isingit ang isang phrase
(parirala) o clause (sugnay) sa pagitan ng isang pangungusap, maaari rin
iyong gamitan ng em-dash.
Halimbawa:
Gamit ang Commas
1. Ang isang manunulat, baguhan man o datihan, ay dapat
magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat.
Gamit ang Em-dashes
1. Ang isang manunulat— baguhan man o datihan— ay dapat
magpatuloy sa pagsasanay sa pagsusulat.

Tandaan: Ang pangungusap na ginamitan ng


dalawang kuwit (commas) ay mas malumanay kaysa sa
pangungusap na ginamitan ng em-dash.

Sa madaling sabi, ang tanging pagkakaiba nila ay ang


diin at ang “Interruption Effect” na tinalakay sa unahan ng
araling ito. Ibig sabihin, mas mayroong “emphasis” ang
phrase na nakapaloob sa pagitan ng em-dashes kaysa kung
ang phrase ay nasa pagitan ng dalawang commas.

c) Em-dash Vs. Parentheses


Ang paggamit ng em-dash bilang kahalili ng parentheses ay
kaugnay ng paggamit ng em-dash bilang kahalili ng comma (na tinalakay
sa B).
"Ang isang manunulat, baguhan man o datihan, ay dapat
magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat." Ang linyang “baguhan man o
datihan” ay isang parirala o phrase. Ang tawag sa mas pormal na termino
sa wikang Ingles ay “Parenthetical Phrase.” Kung clause naman o sugnay
ang ginamit sa halip na phrase, ang tawag doon ay “Parenthetical
Clause.”

Halimbawa:
Gamit ang Parentheses
1. Ang isang manunulat (baguhan man o datihan) ay dapat
magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat.
Gamit ang Em-dashes

Masining na Pagpapahayag
1. Ang isang manunulat— baguhan man o datihan— ay dapat
magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat.

Tip: Dahil ang comma ay isang “common punctuation


mark,” ito ay mas madalas na ginagamit sa isang pangungusap
o talata. Upang maiwasan ang tinatawag na sobrang paggamit
(overusing) ng comma, mainam na ihalili ang em-dash o hindi
kaya ay ang parentheses.

Upang makatulong kung ano ba sa mga nabanggit na


punctuation marks ang mainam na gamitin sa isang sentence
na may Parenthetical Phrase/Clause, dapat alamin mo kung ano
bang “effect” o “impact” ang nais mong iparamdam sa
mambabasa.

Ipagpalagay natin na ang commas, parentheses, at em-


dashes ay katulad ng volume settings sa cell phone.

LEGEND:
Em-dashes = loudspeaker mode
Commas = normal mode
Parentheses = mute or silent mode

Balikan ang naunang halimbawang pangungusap sa B at C. Basahin ito


nang malakas gamit ang volume mode na legend sa itaas. Sa ganitong paraan,
mas madaling mararamdaman at mapupuna ang pagkakaiba ng 'effect' o
'impact'

Commas (normal mode)


"Ang isang manunulat, baguhan man o datihan, ay dapat magpatuloy sa
pagsasanay sa pagsulat."
 Mapapansin na pantay-pantay ang gaan ng daloy ng buong
pangungusap.

Parentheses (muted or silent mode)

Masining na Pagpapahayag
"Ang isang manunulat (baguhan man o datihan) ay dapat magpatuloy sa
pagsasanay sa pagsulat."
 Ang pagbabasa ng "(baguhan man o datihan)" ay naging inner
thought na lamang. Kapag ang isang salita o grupo ng mga salita ay
ipinaloob sa parentheses, pinahihiwatig lamang na ito ay hindi talaga
kasali sa nasabing pangungusap. Nagsisilbi lamang iyong additional
remark o paalala.

Em-dashes (Loudspeaker mode)


"Ang isang manunulat— baguhan man o datihan— ay dapat magpatuloy
sa pagsasanay sa pagsulat."
 Ang pangungusap na ginamitan ng em-dash ay mas may diin,
kumpara sa mga pangungusap na ginamitan ng commas at
parentheses.

Masining na Pagpapahayag
Pagsasanay
Paggamit ng Wastong Bantas

Pangalan ___________________________________ Petsa ___________ Marka ______

Panuto: Kopyahin ang pangungusap sa sagutang papel at lapatan ng tamang bantas upang
maging buo ang diwa ng pangungusap.

1. Opo Nanay Magsasaing na po ako sagot ni Maricel

______________________________________________________________.

2. Saklolo Tulungan nyo kami

______________________________________________________________

3. Nagluto ako ng almusal naglaba nagwalis sa sala at saka nagpahinga


_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

4. Kailan binaril si Ninoy Aquino sa Manila International Airport


_______________________________________________________________

5. Ipinanganak si Bb Lena Flores noong ika 7 ng Agosto 1990


_______________________________________________________________

6. Mag uumpisa nang 6 00 ng umaga ang prusisyon mula sa simbahan


_______________________________________________________________

7. Talaga Totoo ba ang sinasabi mo

_______________________________________________________________

8. Ang huling tula na isinulat ni Jose P Rizal ay ang Mi Ultimo Adios


________________________________________________________________

9. Di lang maganda mapagbigay at maunawain si Gng Tess Hernandez matalino rin siya
________________________________________________________________
________________________________________________________________

10. Ibat ibang prutas at gulay ang ibinibenta ng may ari ng tindahan
________________________________________________________________

Masining na Pagpapahayag
Kakayahan: Nagagamit ang wastong bantas sa pagsulat ng mga pangungusap

11. (bating pambungad ng liham na pangkaibigan) Mahal kong Sarah


_________________________________________________________________

12. Araw araw ka bang hinahatid ng kaibigan mo na taga Makati


_________________________________________________________________

Masining na Pagpapahayag
13. Hoy Bawal magtapon ng basura riyan pahiyaw na sabi ng pulis
_________________________________________________________________

14. Maraming hayop ang nakita ng mga bata sa zoo elepante tigre leon unggoy buwaya at ahas
____________________________________________________________
___________________________________________________________________

15. (bating pambungad ng pormal na liham) Kagalang galang na Hukom


___________________________________________________________________

Masining na Pagpapahayag
16. Ay Nalulunod ang bata
___________________________________________________________________

17. Magandang umaga po masayang bati ni Roel sa lahat


____________________________________________________________________

18. Ang pagdiriwang ay gaganapin sa Gerrys Grill Restaurant Tomas Morato Avenue Quezon
City
__________________________________________________________________________
______________________________________________________________

19. Magsusuot ng barong at barot saya ang mga binatat dalaga sa programa
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Masining na Pagpapahayag
Ang pangungusap ay may dalawang pangkalahatang bahagi, ang
paksa/simuno o ang siyang pinag-uusapan at panaguri o ang bahaging nagsasabi
tungkol sa paksa. Sa tulong ng mga salita/ leksikon na nakahanay ayon sa tamang
20. Ang limang lungsod sa Pilipinas na may pinakamataas na populasyon ay ang mga lungsod
gramatika sa loob ng pangungusap (SINTAKS), ito ay nabubuo. Samantalang ang
ng Quezon Maynila Caloocan Davao at Cebu
mensahe namang ipinaabot nito ay tumutukoy sa SEMANTIKA. Isaisip din na may
____________________________________________________________________
mga pangungusap na nakalantad ang paksa at mayroon namang hindi lantad ang
____________________________________________________________________
paksa (Cueto-Cantre at Cruz, 2013).
MASINING NA PAGPAPAHAYAG KABANATA

KABANATA 4: PANGUNGUSAP

Mga Layunin:
Sa puntong ito ay dapat nating mabatid na
mayroong dalawang ayos ang pangungusap. Ito ay
karaniwang kamalian o nagdudulot ng kalituhan sa mga
IV
Pagkatapos ng mag-aaral kahit magpahanggang kolehiyo, kaya kabisaduhin natin
aralin, ang mga ito.
mag-aaral ay: Pansinin ang mga ito ayon kay Cueto-Cantre at Cruz, 2013.

A. AYOS NG PANGUNGUSAP
1. Nakikilala ang iba’t
Ang dalawang ayos ng pangungusap ay inuuri sa Karaniwan
ibang uri ng
at Di-Karaniwan
pangungusap ayon
sa ayos, anyo, 1. Karaniwan ang ayos ng pangungusap kung nauuna ang
gamit, at kayarian; Panaguri at sinusundan ng Simuno kaya’t hindi litaw ang
ay.

Halimbawa:

Bibili ng aklat si Rigor.


2. Nakabubuo ng mga P S
Pagtalakay sa Paksa
angkop na mga
Ikinagagalit ko ang balita sa television.
pangungusap sa
P S
tiyak na sitwasyon;

2. Di-Karaniwan naman kung nakalantad ang “ay” sa loob ng


pangungusap. Nauuna ang Simuno at sinusundan ng
Panaguri.
3. Nakabubuo ng iba’t
Halimbawa:
ibang uri ng
pangungusap nang Ang balita sa telebisyon ay ikinagagalit ko.
S P
may kahusayan, at
kasiningan na
naangkop sa mga Ang ekonomiya ng ating bansa ay patuloy na
pagbabago.
panuntunan.
S P

Masining na Pagpapahayag
Alam kong ang araling ito ay nadaanan na ninyo noong kayo ay nasa elementarya ngunit
ang lapis ay pumupurol din gaya ng inyong mga memorya. Ngayon ay muli nating balikan ang
iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at kayarian. Kaibiganin ang mga salita at
paglakbayin ang isip upang makabuo ng sarili mong mga halimbawa.

B. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

1. Paturol
Ipinapahayag ng uring ito ng pangungusap ang isang katotohanan o kalagayan
ayon sa paraan ng pagkakapahayag. Palagiang sa tuldok tinatapos ang pangungusap na
nagsasaad ng katotohanan.
Halimbawa:

a. Napakagandang pamana ang edukasyon.

b. Totoong masaya ang buhay, may lungkot man o ligaya.

2. Pautos
May himig ng pag-uutos ang diwa ng pangungusap. Ang pag-uutos ay nauuri sa
dalawa.
a. May paggalang sa kapwa sa tulong ng unlaping paki o maki.

Halimbawa: Pakiabot ng aking sapatos.


Makikuha ng gamit ko
b. Pag-uutos na walang paggalang o pasintabi.

Halimbawa: Abutin mo ang sapatos ko.


Kunin mo ang gamit ko.

3. Patanong

Pangungusap na may himig ng pagtatanong. Tanong na may paglilinaw ng


bagay na itatanong. Sa dulo ng bawat pahayag, gumagamit ito ng bantas na tandang
pananong (?).

Halimbawa: Alin ba ang higit na mainam, pera o pinag-aralan?


Paano mo matutulungan ang iyong kapwa?

4. Padamdam

Ginagamitan ng tandang padamdam (!) ang bawat pangungusap na may himig


ng matinding emosyon. Ang tandang padamdam ay maaaring ilagay sa una o sa hulihan
ng pangungusap.

Halimbawa: Naku po! Dumating na ang ating mga bisita.


Ayun! Siya ang magnanakaw!

Masining na Pagpapahayag
Kay ganda ng sikat ng araw!

C. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN

Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa kayarian ayon kina
Cueto-Cantre at Cruz, 2013.

1. Payak - ito ang pangungusap na may iisang paksang pinag-uusapan na kumakatawan


sa iba’t ibang anyo. Bagamat payak, may inihahatid itong mensahe.

Mga anyo ng Payak na Pangungusap:

a. PS - PP- Payak na Simuno at Payak na Panaguri

Halimbawa: Masipag na mag-aaral si Jose.


PP PS

b. PS - TP- Payak na Simuno at Tambalang Panaguri

Halimbawa: Matalino at masipag na mag-aaral si Jose.


TP PS

c. TS - PP – Tambalang Simuno at Payak na Panaguri

Halimbawa: Kapwa matulungin sina Jun at Lito.


PP TS

d. TS - TP- Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri

Halimbawa: Mapagkandili at maalalahanin sina mama at papa.


TP TS

2. Tambalan - ito ay pangungusap na may dalawang kaisipang ipinapahayag. Pinag-


uugnay o pinagdurugtong ito sa tulong ng pangatnig. ( Para sa karagdagang kaalaman,
magsaliksik ng mga pangatnig na ginagamit para sa tambalang pangungusap at iba
pang halimbawang pangungusap).
Halimbawa: Si Luis ay mahilig mang-asar at si Loraine naman ay mapagmahal.

Unang Kaisipan: Si Luis ay mahilig mang-asar.


Ikalawang Kaisipan: Si Loraine ay mapagmahal
Pangatnig: at

Masining na Pagpapahayag
3. Hugnayan - ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o
higit pang sugnay na di makapag-iisa. ( Para sa karagdagang kaalaman, magsaliksik ng
mga pangatnig na ginagamit sa hugnayang pangungusap at mga pangungusap na may
kaugnayan dito).
Halimbawa: Di malayong uunlad ang Pilipinas kung ang mga mamamayan ay
magtutulong-tulong.

Sugnay na makapag-iisa: Di malayong umunlad ang Pilipinas.


Sugnay na di-makapag-iisa: kung ang mga mamamayan ay magtutulung-tulong
Pangatnig: kung

4. Langkapan - ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na


makapag-iisa o sugnay na di makapag-iisa. Ang dalawang sugnay ay may magkaugnay
na diwa. (Para sa karagdagang kaalaman, magsaliksik ng mga pangatnig na ginagamit
sa langkapang pangungusap at mga pangungusap na may kaugnayan dito ).
Halimbawa: Makakapasa talaga siya at siya ay makatatamo ng diploma kung
magsisipag sa pag-aaral at magtiis sa hirap.

Ang dalawang sugnay na makapag-iisa ay ( makapasa talaga siya) at


(makatamo ng diploma) samantalang ang dalawang sugnay naman na di
makapag-iisa ay (kung magsisipag sa pag-aaral) at (magtiis sa hirap)

Pangatnig: kung

D. URI NG PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA

Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa kayarian ayon kina
Cueto-Cantre at Cruz, 2013.

Alam Niyo Ba?

Anumang salita o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri basta’t may diwa o
mensaheng ipinaabot, ito’y maituturing na pangungusap na walang paksa. Ang mensaheng
ipinaabot ay maaaring magpakilos sa kapwa dahil nauunawaan ito.

Masining na Pagpapahayag
1. Eksistensyal. May mga bagay na umiiral sa himig/tono ng pangungusap sa tulong ng
katagang may o mayroon. Na kahit dalawa o tatlong mga salita ang ginamit may diwang
ipinaabot.

Halimbawa: May tumatakbo!


May dumating.
Mayroong panauhin.
Mayroong napapaayon.

2. Sambitla. Ito ay isa o dalawang pantig ng salita na nagpapaabot ng diwa/kaisipan.


Kadalasan isang ekspresyon ang pahayag.

Halimbawa: Yehey! Yahoo! Wow! Walastik!

3. Penominal. Nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang ang babanggitin, may diwa
nang ipinaaabot na sapat upang mabigyang kahulugan ang pahayag.

Halimbawa: Umuulan! Bumabagyo! Maalinsangan. Makulimlim na


naman.

4. Temporal. Nagsasaad ito ng kalagayan o panahong panandalian. Karaniwan na itong


pang-abay na pamanahon.

Dalawang uri:
4.a. Oras, Araw at Petsa

Halimbawa: Umaga na. Lunes na Bukas. Ala singko palang ng


hapon.

4.b. Panahon at Selebrasyon

Halimbawa: Labor day na bukas. Magbabakasyon lang. Pasko na


Bukas.

5. Pagtawag. Ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan ng isang tao ay may sapat
na kahulugang ipinaaabot. Ang tinatawagan ay agad lalapit dahil baka may iuutos ang
tumawag.

Halimbawa: Luis! ; Maria! ; bunso!

Masining na Pagpapahayag
6. Paghanga. Ito ay parang ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga.

Halimbawa: Ang ganda nya! Ang talino mo! Galing!

7. Pautos. Salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot na diwa o mensahe kaya’t
hindi pwedeng di sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo may diin.

Halimbawa: Kunin mo. Lakad na. Takbo. Sayaw.

8. Pormularyong Panlipunan o Amenidad. Magagalang na pananalita o ekspresyon na


mahalaga sa pakikipagkapwa tao.

Halimbawa: Magandang umaga!


Magandang gabi!
Paalam!
Salamat po.
Paumanhin po.

Pagsasanay

A. Panuto: Alamin kung nasa anong ayos ng pangungusap ang mga sumusunod
pangungusap.

1. Ang mga aso kasama na ng mga pusa ay nakakataba ng pusong alagaan. – Di-Karaniwan

2. Magluluto ako ng kalamares pag-uwi. – Karaniwan

3. Tinubos ko na ang lahat ng sakit gamit ang luha. – Karaniwan

4. Ang katahimikan ay nakabibingi. – Di-karaniwan

5. Naglalaro sa aking gunita ang alaaala ng kanyang mga halik. – Karaniwan

B. Panuto: Suriin ang mga pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pangungusap
ayon sa kayarian ang mga ito.

1. Mahilig mag-alaga ng iba’t ibang hayop ang kapatid ko. – P

Masining na Pagpapahayag
2. Dahil masipag at desidido siya, nakatayo siya ng sarili niyang negosyo. – H
3. Umalis ako sa bahay nang maaga subalit wala akong masakyan na dyip.- T
4. Ang pangulo ay umakyat sa entablado at nagbigay ng talumpati. – P
5. Mamasyal kami sa plaza pagkatapos naming magsimba. - H
6. Malalaki ang mga silid-tulugan at malinis ang malaking bakuran. – T
7. Pumasok ang mga bata nang marinig nila ang tunog ng kampanilya – H
8. Ang blusa ay maganda ngunit hindi ito kasya sa akin. – T
9. Kung wala akong kasama, hindi ako papayagan na umalis ng bahay. – H
10. Nahuli sa klase si Tom dahil hinatid pa niya ang kanyang kapatid. – H

C. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang bawat
bilang.

1. Lumilindol - penominal
2. May namatay sa amin. - Eksistensyal
3. Ang bait mo naman. - Paghanga
4. Malapit na. - Pamanahon
5. Ewan. - Sambitla
6. Paalam po. - pormulasyong
panlipunan
7. Salamat po. - pormulasyong
panlipunan
8. Mayroong asong nangangagat -
Eksistensyal
9. Mahal kita. - Pormulasyong
panlipunan
10. Kanina pa. - Temporal

KABANATA

MASINING NA PAGPAPAHAYAG V
KABANATA 5. DISKURSO
Mga Layunin:

1. Nagagamit ang iba’t


ibang batayang uri
ng diskurso sa
Masining na Pagpapahayag
paglalahad ng
kanilang mga ideya,
“Good company and good discourse are the very sinews of virtue.”
– Izaak Walton.

Ang DISKURSO, ayon sa Diksyunaryong Ingles-Filipino (1984) ay nangangahulugang


magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan. Ayon naman sa Webster’s New World
Dictionary (1995), ang diskurso ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o
pasalita. Sa karaniwang pagpapakahulugan, ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-
usap o ano mang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

Tandaan, na ang diskurso ay maaring nasa anyong pasalita o pasulat. Bagama’t maituturing na
magkatulad ang layunin ng pasalita at pasulat na diskurso, ang makapagpahayag ng kaisipan,
may pagkakaiba sa dalawa.

Ayon kay Bernales (2007), sa pasalitang diskurso, karaniwang magkaharap ang mga partisipant
kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit ay pinagtutuunan din ng pansin
ang ibang sangkap ng komunikasyon gaya ng paraan ng pagbigkas, tono, diin, kumpas, tindig
at marami pang iba. Samantalang sa pasulat na diskurso naman, higit na pag-iingat ang
isinasagawa ng manunulat. Sakaling mayroong mga pagkakamali, sa balarila o sa mismong
nilalaman, maaaring maging simula ito ng hindi pagkakaintindihan.

Dahil sa hinihingi ng ating sitwasyon ngayon, mas pagtutuunan natin ng pansin ang
diskursong pasulat.

Pagtalakay sa Paksa

Kung mahilig kang magpalusot, maglahad ng mga argumento at makipagdebate


maaring hindi mo lang napagtatanto ay nasasanay mo na ang iyong kasanayang pandiskurso.

APAT NA BATAYANG URI NG DISKURSO

Sa ating pag-aaral ng masining na pagpapahayag, ating pagtutuunan ng higit na pansin


ang apat na batayang uri ng diskurso:

Masining na Pagpapahayag
1. Paglalarawan/Deskripsyon 3. Paglalahad/Eksposisyon
2. Pagsasalaysay/Narasyon 4. Pangangatwiran/Argumentasyon

1. PAGLALARAWAN
Ang paglalarawan ay isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng sapat na detalye o
katangian ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang ang mambabasa o
tagapakinig ay makalikha ng isang larawang mental kung ano ang inilalarawan. May
dalawang uri ng paglalarawan. Ito ay Karaniwan at Masining na Paglalarawan.

Ang Karaniwang Paglalarawan sa isang bagay, direkta at hindi gumagamit ng


mga idyoma, tayutay at malalalim na pagbibigay katangian.

Halimbawa:

Maganda at madaling pakibagayan si Kath. Isinasabuhay niya parati kung ano


ang tama. Panganay siya sa magkakapatid at isang responsableng anak. Lingid sa
kaniyang kaalaman ay namumukod-tangi ang kaniyang personalidad at pinipuntuho siya
ng lahat.

Samantalang ang Masining na Paglalarawan naman ay ang magarbo, grandyoso


at makulay na pagpili ng mga salitang higit na magbibigay-buhay sa kanyang
inilalarawan. Ang mga salitang ito ay yaong kikiliti sa guni-guni ng kanyang
mambabasa o tagapakinig. Karaniwang gumagamit ito ng tayutay at idyomatikong
pahayag para maisakatuparan ang kanyang layon.

Halimbawa:

Ang ating pagtatagpo ay parang pisikal na pormasyon ng kalawakan. Ikaw ang


buwan at ako ang bituin. Malayo tayo sa isa’t isa na parang edad natin kung
ikukumpara. Pero nakakatuwa na pareho tayong bahagi ng mundong iyong nakagisnan.
Pareho tayong nagbibigay liwanag sa karimlan. Tanging tadhana na lamang ang
magiging estadista kung kailan, na ang uri ko ng bituin ay maging akmang kapares mo
bilang buwan ng mundong bubuuin para sa kinabukasan.

Hango sa “Ang Bituin at Ang BUwan” ni Kaloy

Pamilyar ka ba sa pahayag na:

“Show, do not tell” o “Ipakita, huwag sabihin”?

Ito ay kumbinasyon ng karaniwan at masining na Paglalarawan kung saan hindi


lang natin bastang sinasabi o direktang inilalarawan ang isang bagay bagkos ito’y ating
ipinakikita at ipinaparanas sa ating mga mambabasa.

Masining na Pagpapahayag
Madaling sabihin na: Maganda si Kathryn Bernardo. Pero paano natin ito
ipapakita o ipaparanas?

Karaniwan nang hanggang kabilang kanto ang pila ng mga manliligaw ni Kath.
Balingkinitan ang kaniyang katawan at mala-porselana ang kaniyang kutis. Bilugan ang
mata at matangos ang kaniyang ilong. Ito ay akmang akma para sa matingkad at
maitim na buhok ng dalaginding. Siya ay Venus ng makabagong henerasyon.

Ang kasanayang ito ay dapat nating malinang kung Masining na Pagpapahayag


ang ating pag-uusapan.

2. PAGSASALAYSAY/NARASYON

Ang narasyon ay isang anyo ng diskursong nagpapahayag ng mga magkakaugnay na


pangyayaring may tiyak na simula tungo sa isang tiyak at makabuluhang wakas. Dito,
isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang partikular na pangyayari upang
maibahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o kaya ay ang mga bagay na ating
nasaksihan, nabasa o napakinggan.

Halimbawa:

Huwag Po Itay!

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi
ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't maalinsangan ang simoy ng
hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa


lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok
niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya. Binuksan
ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking
mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang
kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi, sa aking mga labi. Napasigaw ako.

"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!" Nguni't parang walang
narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang
aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya
ang kanyang ginagawa sa akin.

Masining na Pagpapahayag
Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan,
"Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang
kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang
akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong
gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin
ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman
palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong
nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo
akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan.
Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,

BADONG

3. PAGLALAHAD O EKSPOSISYON

Ang eksposisyon ay pagpapaliwanag. Ito ay anyo ng diskursong nagpapahayag ng mga


ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at
malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at/o dagdag na
kaalaman ng ibang tao. Pupwedeng maging hulwaran sa pagsasagawa ng diskursong ito ang:
Pagbibigay-depenisyon; Pag-iisa-isa; Pagsusunod-sunod; Paghahambing at Pagkokontrast;
Problema at Solusyon; Sanhi at Bunga. Ang Sanaysay ay ang pinakamahusay na halimbawa
nito.

*Pansinin ang Paglalahad bilang isang diskurso na gumamit ng hulwarang Paghahambing


at Pagkokontrast.

Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukyan, ito ay ang presidensyal at


parlyamentari. Ang pinakamataas na nanunungkulan sa presidensyal ay tinatawag na Pangulo
samantalang ang sa parlyamentari ay tinatawag na Praym Minister. Gayon pa man, parehong
demokrasya ang pinaiiral sa dalawang uri ng pamahalaan. Ang karapatan ng mamamayan,
kapayapaan at hustisya ay pinangangalagaan kapwa ng dalawang anyo ng pamahalaan.

Masining na Pagpapahayag
4. PANGANGATWIRAN/ARGUMENTASYON
Ang argumentasyon o pangangatwiran ay isang anyo ng diskurso na nakatuon sa
pagbibigay ng isang sapt at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang
makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig. Dito makakasalubong natin ang
ilan sa mga uri ng Maling Pangangatwiran o Logical Fallacies sa Ingles gaya ng Argumentum ad
Hominem, Argumentum ad baculum at marami pang iba na alam kong natalakay na ninyo sa
inyong mga aralin sa Senior High School.

Sa pangkalahatan, may dalawang uri ng pangangatwiran na tinukoy ni Tumangan, et al,


(1997):

1. Pabuod na Pangangatwiran. Ang pangangatwiran na ito ay nagsisimula sa isang maliit


at espisipik na halimbawa o katotohanan at magtatapos sa
isang panlahat na simulain. Itinuturing na makaagham ang
pamamaraang ito dahil makailang ulit na dumaraan sa
iba’t ibang obserbasyon at pagsusuri bago ang paglalahat.

2. Pasaklaw na Pangangatwiran. Dito, ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapit


sa isang tiyak na pangyayari. Nagsisimula ito sa isang
malaking kaisipan patungo sa paghahati nito sa maliit
na kaiisipan.

Pagtibayin Natin!

Maligayang Pasko
ni Eros S. Atalia

Pinatay niya na ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang oven. Paluto
na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang hamon, hotdog at bacon. Nasa gitna na
ng mesa ang mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin ang keso de bola. Timplado na rin
ang juice. Inilagay na niya sa mesa ang morcon, lechon manok, embutido, paella at pinasingaw
na sugpo. Naglagay siya ng tatlong pinggan, baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin ang
napkin.

Masining na Pagpapahayag
Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang nakabalot na ulam.

Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan. Habang


naglalakad, sinilip niya ang laman ng supot. May apat na balot. Hindi niya maaninag kung ano-
ano ang laman ng mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang anak at sa kanilang mag-asawa
ang bitbit na pabaong Noche Buena.

Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.

- Mula sa Wag Lang Di Makaraos (Atalia, 2011)


****************************************
Ang ibinahagi ko sa inyo ay isang anyo ng panitikan. Atin itong suriin at patuloy
pang kilalanin.

Alam Mo Ba?

Sinasabing sa anyong mga dagli, sa Ingles sketches, nagmula ang maikling kuwento?
Ang dagli ayon sa katuturang ibinigay ni Arrogante (2007) ay mga sitwasyong may
mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay,
mga paglalarawan lamang. Ito ay isang salaysay na lantaran at walang-timping
nangangaral, namumuna, nanunudyo, o kaya’y nagpapasaring.

Ang dagli ay napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles.


Ngunit ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas
(1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong
1990.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ang nauusong estilo ng maikling kuwento.
Mga kuwentong pawang sitwasyon lamang, plotless wika nga sa Ingles. Ngunit
kakaiba ang tema sa mga naunang dagli na nangangaral at nanunuligsa , itong
bago ay hindi lagi.
Masining na Pagpapahayag
Lumabas ang antolohiyang “Mga Kuwentong Paspasan” na pinamatnugutan ni
Vicente Garcia Grayon noong 2007. Si Eros Atalia naman ay naglathala ng
Pangkulminasyong Gawain.

Paglakbayin ang guni-guni mo sa kawalang-hanggan ng iyong haraya at bumuo


ng sarili mong Obra Maestra. Gamit ang kalamang ating napagtibay tungkol sa
Diskurso at ang iba’t ibang batayang uri nito ay magsulat ka ng sarili mong
dagli. Dapat ay masasalamin sa iyong pagsulat ang iba’t ibang batayang uri
ng diskurso.

Masining na Pagpapahayag
Masining na Pagpapahayag

You might also like