Professional Documents
Culture Documents
Mga Designer Methods NG Dekada
Mga Designer Methods NG Dekada
INTRODUKSYON
a. Ang Community Language Learning b. Ang Suggestopedia c. Ang Silent Way d. Ang Total Physical
Response e. Ang Natural Approach
TALAKAYAN
Ayon kay Badayos (2008),naging makulay at makahulugan ang dekada ‘70 dahil sa dalawang
kadahilanan:
2. Ikalawa,nabuo ang ilang inobasyon kung hindi man mga “rebolusyonaryong” paraan sa pagtuturo.
Ang mga designer methods ay ibinahagi sa maraming guro bilang pinakabago at pinakamahalagang
bunga ng pananaliksik-pangwika(Nunan, 1989). Narito ang mgapangunahing mga pamaraan noong
dekada ’70:
1. Ang Community Language Learning (CLL)Ang Community Language Learning (CLL)ay isang
klasikong pamaraan sa ilalim ng designer methods noong dekada ‘70. Noong panahong iyon,
kinilala ng marami ang pagpapahalaga sa damdamin ng mga mag-aaralsa wika at isa ang
pamaraang ito sa lumalabas noon na may pagbibigay-diin sa likas nadamdamin ng tao.Sa
pamaraang ito, nababawasan ang pagkabahala dahil sa ang klase ay isang komunidad ngmag-
aaral na laging nag-aalalayan sa bawat sandali ng pagkaklase. Ang guro ay tumatayong tagapayo
at laging handa sa anumang pangangailangan ng mag-aaral.
“Bubuo ng isang maliit na bilog at nakaupo ang mga mag -aaral. Ang titser ay nasa labas ng bilog.Kung
may gustong sabihin ang isang mag-aaral sa grupo o isang kasamahan, sasabihin niya ito sa kanyang
unang wika at isasalin ito ng guro sa target na wika (e.g., Filipino). Uulitin ng mag-aaral ang salin at
gagawin ito ng lahat ng kasama sa pangkat. Iteteyp ang isinagawang usapan sa target na wika upang
mapakinggan ng pangkat at makakuha sila ng ilang impormasyontungkol sa wikang pinag-aaralan.
Maaaring magbigay ng kaukulang direksyon ang guro upang maipaliwanag niya ang ilang mahalagang
tuntuning pambalárila.”
4. Wala itong tiyak na paraan ng pagtatáyâ. Ang mga integratibong pagsusulit ang ginagamitkaysa mga
obhektibo o tiyak.
5. Hinihikayat din ang sariling pagtatáyâ upang mabatid ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unlad.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito ay mula sa paniniwaa ni George Lozanov (1979), isang sikologongBulgarian,
na ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa
tamang kalagayan sa pagkatuto. Ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y
isinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-
aaral at relaks ang kanilang isipan.
1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag-aaral ang sarilinilang
pagkatuto.
2. Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig samag-
aaral; nagsasalita lamang siya siya upang magbigay hudyat (clues), pinapayagan anginteraksyong mag-
aaral sa mag-aaral.
3. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit unang wika ay itinuturing na pinagmumulan ng kaalamanng mag-
aaral.
4. Ang Total Physical Response (TPR)
Ang pamamaraang ito’y pinaunlad ni John Asher (1977) na humango ng ilang kaisipan sa Series
Method ni Gouin na nagsasabi na ang pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawakaugnay ng
wikang pinag-aralan. Ang isang tipikal na TPR na pamaraan ay gumagamit ng maraming kayarian sa
pagsasalita nanag-uutos. Ang mga pag-uutos ay payak at madaling isagawa.Isang halimbawa nito ay:
Isara mo ang pinto, tumayo, umupo, pulutin mo ang kalat at ilagay ito sa iyong bag.
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na isinasagawa ngmga mag-
aaral.
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mgakamaliang global
lamang ang iniwawasto
Ang mga teorya ni Stephen Krashen (1992,1991) hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika
aynaging mainit na isyu nang mahabang panahon. Ang pinakatampok na bunga ng mga pananawni
Krashen ay ang pamaraang Natural Approach na dinebelop ni Tracy Terrel.Naniniwala sila na kailangang
komportable at relaks ang mga mag-aaral sa isang klasrumpangwika.Nakikita rin nila ang pagsasaisang-
tabi muna ng pagsasalita sa wikang pinag-aaralan hanggangsa sumapit ang panahong naroonang
intensyon at pagkukusa sa pagsasalita.Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa
panimulang lebel ng pagkatuto kung saan mahalaga ang mga “comprehensive input” upang mapasigla
ang pagtatamo ng wika.
https://www.scribd.com/document/361282893/Module-Sa-Designer-Methods