Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

RIDERS MAGKAISA: ITATAG ANG

KOOPERATIBA
Salman D. Ali – TF Research |Oct 24, 2023

SA ISANG PAG-AARAL sa UP Diliman ukol sa Transport Network Vehicle


Services (TNVS) 6 taon na ang nakalilipas* ay napag-alaman na ang mga riders
ay sobrang nalulugi at kumikita lamang ng mababa pa sa minimum wage. Iyan
ay dahil sagot nila ang walang kaabog-abog na commission ng Transport
Network Companies (TNCs), gas costs, maintenance costs, loan interest, at
depreciation costs.

Ito ang masakit na kinasasadlakan ng mga riders samantalang ang


industriyang kanilang pinaglilingkuran ay ubod ng yaman. Noong 2017 pa nga
lang, sa Metro Manila na may 36,000 Transport Network Vehicles (TNVs), ay
nagpapatakbo na ito sa sirkulasyon ng pinansya ng kulang-kulang isandaang
milyong piso kada araw.

Habang napakalaking ambag sa ekonomiya ng bansa ang nagagawa ng


TNVS ay namamatay naman sa pagkalugi ang mga riders na siyang bumubuhay
sa industriyang ito.

Ito ay dahil may mga TNCs na pagpapairal ng mapagsamantalang sistema


na sila lamang ang nabibiyaan ng maka-isang panig na kapangyarihang
magpasya sa presyo ng serbisyo at hatian ng kita.

Sa pagsusuri ay may dalawang pamamaraan na pagpipiliang gawin: itaas


ang presyo ng serbisyo ng mga riders o paliitin ang komisyong nakukuha ng
mga TNCs.

At para umiral ang check and balance sa industriya ng TNVS ay alisin na


lang ang papel ng TNCs at ilipat ito sa isang Kooperatiba na lahat ng mga
riders at operators ang may patas na kapangyarihang magpapasya.

*Ang TNVS noong 2017 ay nagbibigay ng mga serbisyo ng UberX, UberPool, UberXL, UberBlack,
GrabCar, GrabCar 6-seater, GrabCar Premium, at GrabShare.

salmanranaw@gmail.com

You might also like