Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Eden Vi T.

Pagara
Grade 10- Determination

Ang simbahan ay isang makulay na bahagi ng buhay at


kultura ng mga tao, isinasalaysay ang mga kwento ng pananampalataya,
tradisyon, at pagkakaisa sa iba't-ibang aspeto ng buhay.
Ang larawan na nasa itaas ay ang paborito kung
larawan, ang altar ng simbahan. Bukod sa magandang pagkakakuha nito,
ang lugar na ito ay hindi lamang isang gusali na puno ng mga
relihiyosong tao, ito'y naging kanlungan, paaralan, at ilaw sa madilim na
bahagi ng aking personalidad.
Sa harap ng mga hamon ng buhay, ang Simbahan ay
naging aking kanlungan. Dito ako nagsisilbing malapit sa Diyos, at sa
Kanya ko nahanap ang kalakasan na labanan ang mga pagsubok na
dumating sa aking landas. Ang mga pangaral tungkol sa pagtitiwala,
pag-asa, at pagmamahal ay nagbigay-liwanag sa mga madilim na
sandali, at ito'y nagdulot ng kalakasan at determinasyon.
Ang mga araw ng Linggo ay hindi lamang simpleng
ritwal, kundi pagkakataon na mapagtanto ko ang aking sarili sa harap ng
Diyos. Dito ko natutunan ang kahalagahan ng pagiging mapanuri at may
malasakit sa kapwa, kasanayan na hindi lamang naging pang-araw-araw
na batayan ng aking moralidad, kundi naging gabay din sa pagtuklas ko
ng sariling kapasidad at potensyal. Sa aking sariling buhay, malaki ang
naging impluwensiya ng Simbahan. Dito ko natutunan ang mga
pundamental na prinsipyo ng kabutihan, at pag-asa. Ito ang nagsilbing
ilaw sa aking landas, na nagbigay-kahulugan sa mga pagsubok at
pagkakataon. Dahil sa Simbahan, naging mas bukas ako sa pag-unawa
ng kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa at pagtitiwala sa Diyos.
Sa kabuuan, ang simbahan ay may malaking ambag sa
aking pag-unlad bilang isang indibidwal at nagdala ng liwanag sa aking
paglalakbay. Sa pamamagitan ng Simbahan, naging mas malinaw ang
landas ng aking buhay, at naging mas magaan ang aking paglalakbay
tungo sa aking mga pangarap. Para rin sa akin ang Simbahan ay hindi
lamang isang simbolo ng relihiyon, kundi isang haligi ng ating kultura at
pagkakakilanlan. Ito'y nagdadala ng kalakasan sa mga taong
nagpapakumbaba, nagmamahal, at umaasa sa harap ng buhay na puno
ng pagsubok. Ito'y isang sentro ng espirituwal na kaginhawaan, kung
saan muling nagiging magaan ang buhay ng bawat isa.

You might also like