Feature Writing

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Endorser ng katol(ewan)

Katatawanan ay isa sa mga pangunahing parte ng showbiz ngayon, at si Vice Ganda ang isa sa
mga unang maaalala kapag ito ay nababanggit. Kilala siya sa kanyang kalokohan, talino, at kakayahang
makapag-isip ng mabilis. Milyon milyong mga Pilipino ang napapasaya ng pangalang Vice Ganda, at ito ay
prominente at sinusuportahan ng mga madla. Sa sulating ito, ating tuklasin ang mga nakakatawang
kalokohan ni Vice Ganda at kung paano nakuhang makipagbiro sa iba pang mga artista.

Sa mundo ng showbiz na kung saan ito ay puno ng paligsahan at kompetisyon, papasok ang isang
Vice Ganda na nagpapasaya sa pamamagitan ng kalokohan kasama ang iba pang mga katrabaho o kung
minsan ay damay rin sila sa kanyang kalokohan, ngunit hindi ito mula sa anumang masamang intensyon,
kundi mula sa pagmamahal. Ang mga katangian niyang ito ay ang nagpamahal sa kanya ng mga
tagasubaybay at kapwa niya artista.

Kamakailan ay nag-post ang aktres na si Nadine Lustre sa kanyang Instagram account nang
ibahagi niya ang isang quote na “From this life in to the next We’re all just [trying to] make it through”
ngunit ang nakapukaw ng pansin sa komedyante na si Vice Ganda ay ang larawan na ibinahagi ng aktres
kasama ito.

Noong Martes, Setyembre 19, ipinakita ng aktres ang isang pang-ibabaw na kuha sa isang
malawak na bukirin na may spiral na disenyo at makikita sa gitna ang isang lalaki at babae na nakahiga.

Nag-comment naman ang komedyanteng si Vice Ganda at sinabing “Wow, parang may ie-
endorse kang katol soon! Chozzzz! Love [you]!” Tumugon naman ang aktres at sinabing, “dragon kung
umusok, lamok siguradong tepok.”

Nang nagbiro si Vice Ganda kay Nadine Lustre, ito ay hindi isang atake sa kanyang pagkatao
kundi isang pagdiriwang ng kanyang tagumpay. Ang uri ng kalokohan na ito ay nagpapakita na ang mga
artista ay tao rin, at kayang magpatawa tulad ng iba sa atin. Ito ay isang paalala na ang kakulitan ay isang
makapangyarihang kasangkapan na nagbubuklod sa mga tao, kahit sa isang kompetitibong industriya.

Ang kanyang kakayahan na magdulot ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagpapatawa habang


nagkakamit ng respeto at suporta mula sa iba ay nagpapakita ng kanyang likas na kaharian sa larangan ng
komedya. Binibigyang-diin nito na sa isang mundong kinukumpleto ng kaharian ng mga bituin at
kasikatan, ang magandang tawanan ay may kakayahan na magdulot ng kaligayahan, magsilbing tulay
para sa pagkakaisa, at magbigay ginhawa sa maraming tao

You might also like