Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

FILSOS 1115

PANUNURING PAMPELKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG TEORYANG PAMPANITIKAN

PAGSUSURI SA PELIKULANG

(ML)

Nina

JESSICA A. ALMARIO
KEN C. BUENAVENTURA
ARIES Y. MANUEL
VINCE KARL D. REBOTON
GIEBBON DL. YAMBOT
JUDGE B. ZARASATE
BSCE 3-1

AIRA G.CANTORNE
GURO

GAWAING PANGKLASE
Unang Semestre 2020-2021
I. Panimula
Ang kasaysayan ay isang pagtatala ng mga nakaraang pangyayari o kaganapan
na pinagkasunodsunod sa paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa mga pangyayaring
naganap na. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay naglalayon upang mapa-usbong ang puso
ng mga mag-aaral tungo sa masusing pagsusuri upang maintindihan ang kasagutan sa
ma yugto ng pangyayari. Tunay ngang napakalaki ng impluwensiya ng kasaysayan sa
buhay nating mga tao. Makikita natin ito sa mga laro, sa mga lumang gusali, at lalong
lalo na, sa industriya ng pelikula.

Bilang isang Pilipino, nakagawaian na natin ang panonood ng mga pelikulang


Pilipino tungkol sa ating nakaraan o kasaysayan. Atin itong kinapupulutan ng aral at
tayo ay natututo mula sa mga pangyayari sa mga nagdaang taon. Sa papel na ito,
tatalakayin at susuriin natin ang pagkakakilanlan ng pelikulang pinagbibidahan ng
batikang aktor na si Eddie Garcia sa pelikulang pinamagatan na ML noong 2018. Ang
pelikula ay isinulat ni Benedict Mique Jr. Ang pelikula ay kapakikitaan ng kaharasan
gaya ng pag torture bilang pagpapakita ng buhay noong panahon ng Martial Law.
Sinusuri dito ang dahilan ng pagtatanggol ni Carlo sa Martial Law, kung paano siya
hinamon ng kanyang guro upang patunayan ang kanyang pahayag. Sapagkat, sa
kanyang paghahanap ng kasagutan, kasama ang kanyang kasintahan at kaibigan,
nakilala nila ang isang matandang retiradong sundalo na magiging daan sa pagtuklas sa
katotohanan. Sisipatin dito kung talaga bang mananatili ang magandang pagtingin ni
Carlo matapos ang lahat ng mga kaganapan.

II. Buod ng Pelikula


Si Carlo (Tony Labrusca), isang pro martial law millennial student, ay
nakapanayam kay retired Colonel Dela Cruz (Eddie Garcia) tungkol sa kanyang
karanasan at serbisyo sa ilalim ng rehimeng Marcos noong panahon ng martial law.
Lingid sa kaalaman ni Carlo, talagang delusional at psychopathic ang Colonel.
Tulad ng pagsisimula ng panayam sa tahanan ng Koronel, hinampas niya si Carlo
sa ulo dahilan upang siya ay mawalan ng malay. Nang magising si Carlo, nakita niya
ang sarili niyang nakatali sa isang upuan sa basement. Nalilito sa nangyayari, hiniling
niyang pakawalan siya ng Koronel ngunit sinagot lamang ito ng pisikal na baterya.
Kalaunan ay pinahirapan siya sa maraming paraan ng delusional na Koronel habang
nagtatanong sa kanya ng mga tanong na wala siyang ideya kung tungkol saan. Ang
kanyang matalik na kaibigan na si Jaze at ang kaibigang babae na si Pat ay naakit sa
parehong basement sa pamamagitan ng panlilinlang na mga text message. Pinahirapan
silang tatlo sa harap ng bawat isa. Parehong binugbog at nakuryente sina Carlo at Jaze.
Si Jaze ay nilagyan ng tubig at kalaunan ay pinatay ng russian-roulette. Si Pat ay itinali
at sinunog ng sigarilyo sa kanyang pribadong bahagi at nilabag din ng isang bote.

Kalaunan ay itinapon ang bangkay ni Jaze sa isang sementadong may karatula


na nagsasabing “Huwag tularan, pusher” para magmukha siyang casualty sa drug war
ni Duterte. Si Carlo at Pat lang ang nakatakas. Nagawa nilang i-report sa pulisya ang
kanilang kaso ngunit naabsuwelto si Koronel Dela Cruz sa anumang kaso dahil walang
nakitang matibay na ebidensya na maaaring gamitin laban sa kanya.

Gutom sa hustisya, bumalik si Carlo sa tahanan ng Koronel isang gabi at planong


patayin siya. Nakalusot siya sa bahay ngunit nalaman lamang na namatay na ang
matandang Koronel sa kanyang pagtulog.

III. Mga Teoryang Pampanitikan na Makikita sa Pelikula


Linya ng tauhan/Eksena/Sitwasyon:
"Sa totoo lang, sir, hindi naman masama ang Martial Law eh. After ng EDSA
Revolution dahil sila na ang nasa pwesto. Pinasama lang ng mga Aquino and friends
nila ang ibig sabihin nito" - Jace
Running time:5:06-5:18

Teoryang Ginamit: Teoryang Klasismo

Pagpapaliwanag/Pagtatalakay:
Nasa loob ng silid ang mga mag-aaral at nagpapahayag ng kani-kanilang mga
opinyon tungkol sa Martial Law. Sa pahayag na binitawan ni Jace, naipapakita kung ano
nga ba ang nasa isip ng mga kabataan patungkol sa Martial Law. Malinaw na sa
panahong ito, laganap pa rin ang mga 'fake news' na nagbibigay ng agam-agam sa
mga tao ngayon. Sa kabila ng daang daang mga pag-aaral sa naganap na Martial Law,
sarado pa rin ang isip ng ibang mga tao sa tunay na nangyari noong panahon ng
Diktadurang Marcos.

Linya ng tauhan/Eksena/Sitwasyon:
Tinatahulan ng aso si Colonel habang sya ay nagbubukas ng kaniyang gate.
Pagkapasok nya ng kaniyang bahay, kumuha sya ng pagkain para ibigay sa aso. Lingid
sa kaalaman ng hayop, may dalang martilyo ang matanda. Habang kumakain ito,
pinukpok nya ng martilyo hanggang ito ay mamatay.

Running time: 3:04-4:51

Teoryang Ginamit: Teoryang Humanismo

Pagpapaliwanag/Pagtatalakay:
Sa eksenang ito, ipinapakita ang ugali ng bida at kung paano sya mag-isip ng
solusyon sa mga problemang kaniyang kinahaharap. Hindi pa nakakausad si Colonel sa
kaniyang gampanin bilang Martial Law torturer hanggang sa panahong ito kaya naman
nais nya itong muli't muling gawin. Ang kaniyang karanasan ang naging dahilan ng
kanyang kasalukuyang pagkatao hanggang sya ay tumanda na.
Tagpo:Pilit pinapaamin ng karakter ni Eddie Garcia ang mga karakter na ginagampanan
naman ni Tony Labrusca at Henz Villaraiz

Linya ng Tauhan:
"Nasaan ang Valkrie?" - Eddie Garcia

Teoryang Ginamit:Teoryang Realismo.

Pagpapaliwanag/Pagtatalakay:
Kahit na nangyari ang tagpong ito sa kasalukuyang panahon, hindi pa rin
maikakaila na ang tagpo at mga tauhan nito at hango mula sa mga kaganapan sa
panahon ng Batas Militar.
Sinasalamin at kinakatawan ng tagpong ito ang madilim na kaganapan sa
panahon ng Rehimeng Marcos. Ang mga pagpapahirap, sapilitang pagpapaamin, at
pananakit sa pisikal na katawan, ay ilan lamang sa mga kahindig-hindig ngunit tunay na
nangyari sa panahong mabuti na lamang ay hindi inabutan ng ilan sa atin. Ito ang
madilim na parte ng ating kasaysayan na sana ay huwag nang maulit pa.

IV. Pangkalahatang teorya


Teoryang Ginamit: Teoryang Realismo

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
Sa eksena kung saan si Colonel Dela Cruz ay kabod kabod na laang inatake si
Carlo at dinala sa basement. Kung saan siya ay tinorture at inalipusta sa kanyang mga
tanong.

Pagtalakay/Paliwanag:
Ang eksena na ito ay nagpapakita dito ng pagkabighani ni Colonel Dela Cruz sa
kanyang mga delusyon ng kapangyarihan at kawalan ng pagkakaalam sa kanyang
tunay na kalagayan. Pinapakita nito ang epekto ng pagkakaroon ng kapangyarihan sa
isang tao na nauuwi sa kanyang pagkabaliw. At kung paano ang mga taong may
kapangyarihan ay maaaring maging mapanakop at mapanakit dahil sa kanilang
impluwensya. Ito ay nagpapakita rin ng panganib ng pagpapabaya sa mga taong may
mga delusyon at mental health issues na nasa mga mataas na puwesto.

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
Sa eksena kung saan si Jace ay na water-board at pinatay sa pamamagitan ng
Russian roulette. Ipinapakita dito ang mala-barbarikong paraan ng pagtrato ni Colonel
Dela Cruz sa kanyang mga biktima, na nagdudulot ng labis na trauma at takot.

Pagtalakay/Paliwanag:
Ang eksena na ito ay isang makapangyarihang halimbawa ng kung paano ang
mga tao ay maaaring maging desensitized sa karahasan kapag sila ay regular na
nasasangkot dito. Sa pamamagitan ng water-boarding at Russian roulette, pinapakita
ng pelikula kung paano ang Colonel Dela Cruz ay nagiging marahas at walang habag sa
kanyang mga biktima, kabilang si Jace. Sa mga ganitong sitwasyon, ang mga tao ay
maaaring makaranas ng pagkawala ng kanilang pagiging tao at kababaang-loob, at sa
halip ay naging mga instrumento ng karahasan
Ito ay nagpapakita ng kung gaano kalalim ang epekto ng kapangyarihan at
awtoridad sa pagbabago ng ugali at katuwaan ng mga tao, lalo na kapag sila ay
ginagamit ito para sa masasamang layunin. Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng
pagsusuri ng mga pangyayari na nagaganap sa ilalim ng isang otoritaryan na rehimen,
at kung paano ito nakakaapekto sa kalusugan ng isang lipunan.

V. Komento at at Rekomendasyon
Simple lang ang konsepto ng ML: paano kung ang mga kabataan ngayon ay
nabuhay sa panahon ng Martial Law ni Marcos? Apela ito sa mga pilit naniniwala sa
baluktot na bersyon ng kasaysayan ng Pilipinas, na ginintuang panahon ang Martial
Law, na maayos na Presidente si Marcos.
Matalas ang pampulitikang pagsusuri ng ML. Hindi nito niluluwalhati ang mga
sumunod na rehimen pagkatapos kay Marcos, bagkus ay pinaninindigan ang
sistematikong problema ng lipunan. Siyang tunay, ang burgis na eleksyon ay
mekanismo lamang ng mga naghaharing-uri upang panatilihin ang kontrol nila sa
lipunan. Sa isang bahagi sa pelikula, naitaas pa ang antas ng diskurso sa anti-
imperyalistang kritika sa dominasyon ng US sa larangan ng ekonomya at pulitika.
Nagkomento rin hinggil sa institusyonal na pyudalismo at pasismo sa kapulisan. Maayos
din ang juxtaposition ng Martial Law ni Marcos sa war on drugs (at de facto martial law)
ni Duterte.

Gayumpaman, tingin namin nagkulang ito sa execution. Maayos ang mga linya
pero awkward ang pagkakasabi, kaya ang resulta masyadong naging "preachy" ang
pelikula, para kaming nanonood ng history lesson. At kung ang target audience nito ay
ang mga Marcos apologists, baka hindi umubra ang approach na ito. Ang daming
binanggit sa mga sanhi at epekto ng Martial Law sa bansa, ngunit mas tinalakay ng
pelikula sa torture scenes. Sa maraming bahagi, hindi rin namin makuha ng seryoso
ang "gimmick" ng movie na naranasan ng mga kabataan na bersyon ng Martial Law ni
Marcos. Masyadong literal na "multo ng nakaraan."

Sa teknikal na aspeto, maganda kung paano nila ginamit ang kulay pula. Ang
kakaiba lang na lahat ng bahay sa subdivision doon ay may red neon lighting sa loob ng
bahay. Maganda rin kung gumamit pa sila ng ibang Filipino folk rock songs. Wala pa
ring kupas sa pag-arte si Eddie Garcia.

Sa pangkalahatan, ang aming masasabi sa ML ay hindi talaga ito nawala sa


bansa. Nag-iiba ang antas ng pagpapatupad nito, ngunit hangga't nananatili ang
parehong sistemang panlipunan, patuloy na darami ang mga Colonel, Marcos, at
Duterte sa lipunan. At kailangan nating kumilos laban dito.

You might also like