Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

sa Ika-6 na Baitang

I. Layunin

Sa loob ng 60 minuto na aralin sa Filipino 6, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang pang-uri sa isang pangungusap.

b. Nakapagbibigay ng halimbawa ng pang-uri at uri ng pang-uri.

c. Nakakagamit ng pang-uri sa pagsusulat.

II. Paksang Araling

Sanggunian

Paksa: Pang-uri

Sanggunian

https://noypi.com.ph/pang-uri/

https://philnews.ph/2018/12/20/ano-ang-pang-uri-kahulugan-halimbawa-pang-uri/

Kagamitan: Slide Presentation

III. Pamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Paunang Gawain

a. Panalangin

Pangungunahan ni __________ ang ating “Tayo’y manalangin. Sa lahat po ng aming


panalangin ngayong umaga. pinaniniwalaan…”

b. Pagbati
“ Magandang Umaga, Klase”

“Magandang Umaga po, Bb. Salinas”

c. Pagtala ng liban

Nakaayon ang patala ng liban sa sit plan.

“Siguraduhing nasa tamang upuan na nakaayon


sa sit-plan upang maitala nang maayos ang ating
attendance ngayong umaga.”

2. Pagganyak

Bugtong

“Bago tayo magsimula, gisingin muna natin ang


ating isip sa paglalaro ng bugtong. Pamilyar ba
kayo sa bugtong? Huhulaan ninyo ang bagay na
tinutukoy mula sa inilalarawan ng mga linya.
Simulan natin? Magtaas na lamang ng kamay ang
nais sumagot”

1. Tumingin ka sa akin at ang makikita mo’y ikaw


rin

Sagot: Salamin (Sagot)

2. Lumalakad ng walang paa at lumuluha ng


walang mata

Sagot: Ballpen (sagot)


3. Isang pasukan, tatlo ang labasan

Sagot: damit (Sagot)

3. Paglalahad

“Sa pagsasagot natin ng palaisipan, nahulaan


natin ang tinutukoy ng mga linya sa pamamagitan
ng paglalarawan dito. Tulad ng katangian ng
pang-uri na ating tatalakayin ngayon umaga.”
4. Pagtalakay

Pang-uri

Ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng tao,


bagay, hayop, pook, o pangyayari.

Halimbawa:

Mapait

Maputi

Matalino

Uri ng Pang-uri

1. Pang-uring Panlarawan

Ito ay nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang


pangngalan o panghalip. Nagsasaad ito ng laki,
kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa, o hugis.

Halimbawa:

 Malaki ang katawan ni Arnold.

 Itim ang kulay ng buhok ni Pinky.

 Ang dagat ay malawak.

 Malinis ang ilog sa Bicol.

 Ang tambakan ng basura ay mabaho. (sagot)


“Ano pang mga halimbawa?”

(magtatawag)

Pang-uring Pantangi

Sinasabi ng pang-uring pantangi ang tiyak na


pangngalan. Binubuo ito ng isang pangngalang
pambalana at isang pangngalang pantangi.

Ang pangngalang pantangi na nagsisimula sa


malaking titik ay naglalarawan o tumutukoy sa uri
ng pangngalang pambalana.
Halimbawa

 Niyakap na natin ang wikang Ingles.

 Ipagmalaki natin ang kulturang Pilipino.

 Ang pagkaing Bikolano ay dapat


matikman mo.

 May kaibigan akong lalaking Amerikano.

 Bumili ka ng sukang Ilocos.


(sagot

“Ano pang mga halimbawa?”

(magtatawag)

Pang-uring Pamilang

Nagsasabi ito ng bilang, dami, o posisyon sa


pagkakasunod-sunod ng pangngalan o panghalip.

Mayroon itong anim (6) na uri ang pang-uring


pamilang: ang patakaran, panunuran, pamahagi,
pahalaga, palansak, at patakda.

Patakaran o Kardinal

Ito ang mga likas na bilang na pinagbabatayan ng


pagbibilang. Nagsasaad ito ng aktuwal na bilang
ng tao o bagay.

Mga Halimbawa

 Isa ang pinya sa lamesa.


 Walo ang aso ni Rudy.

 Labing isa ang pumasok ngayon.

 May apat na lalaking sumusunod kay


Adelle.

 Ang bola ko ay dalawampu.

Panunuran o Ordinal

Nagsasaad ito ng pagkakasunod-sunod ng


pangngalan o posisyon ng tao o bagay. Sinasabi
din nito kung pang-ilan ang tao o bagay sa
pangungusap.

Halimbawa:

 Si Raymond ang pangatlo sa pila.


 Ang Pilipinas ang una sa may
pinakamagandang dagat sa Asya.
 Ako sana ang ikalawa sa klase kung hindi
ako lumiban at nagkasakit.
 Si Brownie ang ika-apat kong aso.
 Mula dito ay panglima ang bahay namin.

Pahalaga

Pera ang tinutukoy dito. Nagsasaad ito ng halaga


ng bagay o anumang binili o bibilhin.

Halimbawa:

Pabili po ng sampung pisong kendi.


Nakatanggap ako ng sampung libong pisong
bonus ngayong pasko.
Kumita ako ng walong daang piso ngayong araw.
Mayroon akong isang libong piso.
Nay, pahingi po ng limang piso.

Pamahagi

Ginagamiti ito sa pagbabahagi o pagbubuklod ng


ilang hati sa kabuuan.

Kung minsan ay ginagamitan ito ng


unlaping tig- para sa pantay na pamamahagi o
kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o
natanggap ay pare-pareho.

Mayroong anyong bahagimbilang o hating-bilang


din ang pamahaging pamilang. Maaaring gamitin
ang mga salitang bahagdan, persentahe, o
porsiyento.

 Kumuha kayo ng tig-dalawang tinapay ng


kapatid mo.
 Kalahating kilo ang bilhin mong bigas.

 Nakakuha ako ng sampung porsentong


bawas sa bag na binili ko.

 Nakakuha ng tig-isang bahay sa Bulacan


sina Sussy at Susan.

 May tig-limang tsokolate kayo ni Pam


galing kay Mimi.

Palansak
Tinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang
pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama. Ito’y
grupo o maramihan at inuulit ang unang salita
nito o kaya ay nilalagyan ng panlaping han/an.

 Dosehan ang laman ng van.

 Sampu-sampu lang ang tumpok ng


kamatis.

 Kaunting siksik pa po dahil animan ‘yan.

 Dose-dosena kung mangitlog ang pato ni


Kiko.

 Isa-isa lang ang kuha ng lumpia.

Patakda o Tiyak na Bilang

Nagsasaad ito ng tiyak na bilang ng pangngalan.


Ang bilang na ito ay hindi na madadagdagan o
mababawasan pa.

Ang pag-uulit sa unang pantig ng salitang bilang


ang palatandaan nito.

 Iisa lang ang ating lahi at lipi.

 Dadalawa ang dala kong panyo.

 Tatatlo ang binili kong itlog. (sagot)

 Aapat ang kasama sa piknik.

 Lilima ang pupunta sa pulong.


“Magbigay ng tig-isang halimbawang (sagot)
pangungusap ng pang-uring pamilang”

(magtatawag)

“Salamat, maari ka nang maapu


(sagot)
binibini/ginoong…”

(muling magtatawag)

(sagot)
“Salamat, maari ka nang maapu
binibini/ginoong…”

(muling magtatawag)

(sagot)
“Salamat, maari ka nang maapu
binibini/ginoong…”

(muling magtatawag)
(sagot)

“Salamat, maari ka nang maapu


binibini/ginoong…”

(muling magtatawag)

“Salamat, maari ka nang maupo

binibini/ginoong…”

(muling magtatawag)
“Salamat, maari ka nang maapu
binibini/ginoong…”

6. Pagtataya o Ebalwasyon

Panuto: Salanguhitan ang pang-uri at Isulat sa


patlang ang uri nito.

_______1. Masangsang ang amoy ng mga korona.

_______2. Isang bungkos ng saging ang nabili ng


mama.

_______3. Tatlong piraso pa ang ulam nating


isda.

_______4. Nakabili ako ng pancit lucban

_______5. Malakas ang tunog na nagmumula sa


parada.

7. Takdang Aralin

Pumares sa katabing upuan, kilalanin ang mga


katangian at hilig ng iyong kaklase at sumulat ng
lima hanggang sampung pangungusap gamit ang
mga pang-uring naglalarawan sa kaniya.
Salangguhitan ang mga pang-uring ginamit at
tukuyin ang uri nito, isulat ito sa ibabang bahagi
ng papel.

You might also like