Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Beco, Ronaliza O.

Konsepto ng
Bayani

Hindi Lang Basta Tubero, Siya’y Ehemplong Bayaning Pilipino

Ayon sa balita, si Emil Reboja Vega na tubong Albuera, Leyte ay isang


overseas Filipino worker na nagtatrabaho bilang isang tubero sa Japan. Niligtas niya
ang isang Haponesa sa muntikan na nitong pagkitil ng sariling buhay. Dahil dito, siya
ay naparangalan at nakatanggap ng pagkilala sa bansang Japan. Ngunit makikita na
hindi lamang doon, kundi maging sa Pilipinas ay itinuturing siyang bayani, isang
idolo, at isang magandang ehemplo. Nakabibilib kung paano niyang ibinandera ang
mga Pilipino, hindi lamang sa pagiging matulungin, kundi pati sa pagiging matapang,
pagtulong sa nangangailangan nang walang inaasahang kapalit at pagkakaroon ng
mabuting puso.

Tunay na si Vega ay kahanga-hanga. Hindi man nabanggit sa balita, marahil


na maraming mga Hapon ang natuwa at namangha sa walang pag-aalinlangan niyang
pagtulong. At bukod doon, sa ating bansa ay mahigit sa isang balita at artikulo onlayn
ang nagsilabasan tungkol sa kanya. Marami rin ang followers niya sa Facebook.
Umani rin ng maraming komento ang kaniyang post sa internet mula sa kaniyang
kapwa Pilipino na nagpapaabot ng paghanga sa kaniyang kabutihan. Sa makatuwid,
marami sa mga kababayan natin ang nakakilala sa kanya, at isa na ako sa mga
humanga at nabigyan niya ng inspirasyon. Tunay siyang maituturing na bayani at
“lodi” na karapat-dapat gayahin ng mga Pilipino.

Dahil sa ginawa ni Emil, muling naipakita sa ibang mga bansa na ang Pilipino
ay likas na matulungin. Katulad ng nabanggit ni Gallimore (2023) at Garao (2017),
likas sa mga Pinoy ang pagtulong at magiging mapagbigay, kahit pa sa mga hindi nila
kakilala. Hindi maikakaila na ganito mismo ang ginawa ni Vega. Kahit hindi man
niya kaano-ano o kakilala manlang ang Haponesa, agad niyang itinigil ang kaniyang
sinasakyang motorsiklo dahil alam niyang nangangailangan ito ng tulong. Kahit pa
marahil ay pagod siya galing trabaho, hindi siya napigilan nito na gawin ang tama.
Dito ay nailarawan rin ang pagpiling gawin ang makabubuti sa iba at hindi lang ang
nakabubuti sa sarili.
Hindi lamang iyon, naipakita rin sa kaniyang pagtulong ang katapangan.
Madalas, ang isang duwag na tao ay mas pipiliin na lamang na hindi kumilos at
intayin na lang na iba ang kumibo. Kinakailangan ng tapang at lakas ng loob upang
makayanang rumisponde sa mga sitwasyon na tulad ng kinaharap ng Haponesa. Sa
makatuwid, salamat sa katapangang naipakita ni Emil, dahil kung hindi, marahil ay
isa nanamang tao ang nawalan ng buhay.

Dagdag pa roon, habang tumutulong ay hindi ang kapalit nito ang kaniyang
iniisip. Mayroon man o walang kabayaran, habang tumutulong ay isa lamang ang
kaniyang iniisip: ang makapagligtas ng buhay. Ngunit tama nga ang kasabihan na
kung may itinanim, mayroon kang aanihin. Siya ay naparangalan at nakatanggap ng
pagkilala at ito ay karapat-dapat niyang matamo dahil sa kagandahang-loob niyang
naipakita.

Higit sa lahat, maipagmamalaki rin si Vega dahil sa pagiging mabuti niyang


ama at asawa sa kaniyang pamilya. Makikita sa kaniyang facebook account ang
kanilang mga litrato ng kaniyang kabiyak kasama ng kanilang dalawang magigiliw na
mga anak, at mapapansin na sila ay buo at masayang naninirahan sa Japan. May mga
reels din na naglalarawang siya ay kuwela at maalagang padre de pamilya.

Tunay ngang hindi lang basta-bastang tubero si Vega, kundi isang bayani para
sa Japan, sa Pilipinas, at pati na rin sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang angking
kabutihan at katapangan sa pagtulong sa iba ay isang magandang ehemplo sa mga
Pilipino. Siya ay sagisag na may maganda parin tayong pag-uugaling
maipagmamalaki sa ibang mga bansa. Kaya’t dapat natin siyang tularan at ang
kuwento niya ay ating isabuhay. Maliit man o malaking pagtulong at pagsisilbi sa
ating kapwa, tayo ay maituturing na ring bayani at magandang ehemplo sa iba.
Sanggunian

Franco, V. (2022). Tuberong PInoy sa Japan, kinilala ang kabayanihan nang iligtas
ang isang Japanese. PEP.Ph. Retrieved November 12, 2023, from
https://www.pep.ph/lifestyle/extraordinary/165792/ofw-plumber-saves-saves-
japanese-a717-20220523

Gallimore, O. (2023). Understanding Filipino traits, values, and culture. Outsource


Accelerator. Retrieved November 12, 2023, from
https://www.outsourceaccelerator.com/articles/filipino-traits-and-values/

Garao, S. (2017). The positive side: Filipino traits and values that we should be
proud of. Discovering the Filipinos and Its Amazing Country. Retrieved
November 12, 2023, from https://sheenagarao.wordpress.com/2017/09/30/the-
positive-side-filipino-traits-and-values-that-we-should-proud-of/

https://web.facebook.com/profile.php?id=100000154714485

You might also like