Professional Documents
Culture Documents
Ap10q4 Reviewer
Ap10q4 Reviewer
Ap10q4 Reviewer
Sa Pilipinas, sa Saligang Batas nakasulat ang mga tungkulin at karapatan bilang isang mamamayan ng bansa.
Pagkamamamayan ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang
isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Alinsunod Seksyon 3 ng Saligang Batas, ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay maaaring mawala
ngunit ito ay maaaring maibalik. Ang sumusunod ay maaaring maging mga balidong sanhi ng pagkawala ng
pagkamamamayan ng isang Pilipino: (1) sa pamamagitan ng naturalisasyon sa ibang bansa, (2)
expatriation o kusang pagtalikod sa pagkamamamayan, (3) panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas
ng mga banyaga pagsapit ng 10-20 taon, (4) paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa, at (5)
pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan nito.
Ang isang banyaga ay hindi ibig sabihin na isa na itong mamamayan ng Pilipinas kung ito’y nakatira sa
bansang Pilipinas sa loob ng sampung taon
Pagbibigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong
nanirahan sa bansa ang nakapaloob sa dokumentong Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15,
1791.
Haring Cyrus ay isang hari na sumakop sa Persia at naging tahanan niya ang lungsod ng Babylon. Pinalaya
niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng isang relihiyon ayon sa kanilang kagustuhan.
Karapatan ang tinatamasang pribilehiyo ng isang tao mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang
kamatayan
Statutory Rights ay uri ng karapatang pantao na kung saan ito ay binuong batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas.
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatang pantao dahil sinisiguro nitong makapamuhay
Ang karapatang sibil (civil right) ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya.
Ang pagbibigay ng 20% pribilehiyo sa mga Senior Citizen at mga mag-aaral sa lahat ng pampasaherong
sasakyan ay halimbawa ng Statutory right
Pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng
pagpapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan.
Ang Pilipinas ay ay isang Estadong Republikano at Demokratiko ayon sa Artikulo II Seksyon I ng Saligang Batas
Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, ang wastong pagbabayad ng buwis, pagsunod sa batas,
pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan ay mga katangian ang isang mamamayan hinggil sa pagboto.
Lubhang makapangyarihan ang pagboto ng isang tao dahil maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng
mga Pilipino.