Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 42

(Kahulugan, Katangian, Varayti, at Pamamaraan ng Paglikha ng Salita)

Inihanda ni:
Reynele Bren G. Zafra PhD
KASANAYANG LILINANGIN

1.1 Nasusuri ang kahulugan at katangian ng wika.

2. Naipapaliwanag ang kahalagahan at gamit ng wika sa


iba’t ibang larangang buhay.

3. Natutukoy at naipapaliwanag ang iba’t ibang varayti ng


wika.

4. Nailalarawan ang iba’t ibang dahilan sa paglikha ng salita.

© Reynele Bren G. Zafra


Ano ang wika?
ANG KAHULUGAN NG WIKA

Ayon kay Henry A. Gleason ng


University of Michigan, ang
wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
© Reynele Bren G. Zafra
PAGIGING MASISTEMA NG WIKA
Nakatuon ang PONETIKA sa artikulasyon ng mga tunog, inaaral dito ang katangian
ng iba’t ibang tunog at kung paano binibigkas ang bawat isa. Tinatalakay sa
ponolohiya ang pagsasaayos ng mga makabuluhang tunog o ponema. Bunga nito,
nakabubuo ng pantig o silabol sa wika.

Sa MORPOLOHIYA tinatalakay ang pagbuo ng mga salita, mula sa pagsasama-sama


ng mga pantig. Tinatawag na morpema ang pinakamaliit na yunit ng salita na
nagtataglay ng kahulugan, katulad ng mga salitang-ugat, gayundin ng mga panlapi.

Pagbuo ng pangungusap ang binibigyang-pansin sa SINTAKS, mula sa mga bahagi


nito hanggang sa pagpapalawak ng mga ito.
May kinalaman sa pagbibigay-interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at
pangungusap ang SEMANTIKS na siyang mahalaga sa higit pang ikatatagumpay ng
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga gumagamit ng wika.

© Reynele Bren G. Zafra


ANG KAHULUGAN NG WIKA

Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong


simbolo ng mga tunog na ginagamit ng mga tao
sa loob ng isang komunidad para sa
komunikasyon. Sistematiko, MALIKHAIN, at patuloy
na nagbabago ang wika. Mayroon itong iba’t
ibang anyo at gamit (Paz, 2003).

© Reynele Bren G. Zafra


ANG KAHULUGAN NG WIKA

Ayon naman kay Virgilio


Almario ng Komisyon sa
Wikang Filipino, ang wika ay
karugtong ng ating pagkatao.
Magwika ka at malalaman ko
ang iyong pagkatao.

© Reynele Bren G. Zafra


ANG KAHULUGAN NG WIKA

Walang matayog, mahirap, at


abstraktong kaisipan na hindi
maaaring ihayag sa sariling
wika (David,1999).

© Reynele Bren G. Zafra


ANG KAHULUGAN NG WIKA

Ang wika ay instrumento ng


pagkontrol at pag-establish ng
kapangyarihan. Ito ay
kasangkapan kapwa ng
eksploytasyon o
pagsasamantala at ng
liberasyon o pagpapalaya
(Constantino, 1996).
© Reynele Bren G. Zafra
ANG KAHULUGAN NG WIKA
“Nilimot ninyong lahat ang katotohanang habang pinananatili at
pinangangalagaan ng mga mamamayan ang kanilang wika,
pinananatili at pinangangalagaan din nila ang tanda ng kanilang
kalayaan, gaya rin ng pagpapanatili at pangangalaga ng tao sa
kanyang kalayaan habang kanyang pinanghahawakan ang sarili
niyang paraan ng pag-iisip.”

(“You forget that while a people preserves its language, it preserves the marks of its liberty,
as a man keeps his independence while he holds to his way of thinking.”)

(Simoun, El Filibusterimo) Salin ni San Juan


.
© Reynele Bren G. Zafra
KATANGIAN NG WIKA

1. Ang WIKA ay masistema


2. Ang WIKA ay kabuhol ng kultura

3. Ang WIKA ay arbitraryo

4. Ang WIKA ay malikhain

© Reynele Bren G. Zafra


KATANGIAN NG WIKA

5. Ang WIKA ay makapangyarihan.

6. Ang WIKA ay dinamiko.


7. Ang WIKA ay pantay-pantay

© Reynele Bren G. Zafra


Varayti ng Wika

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA

Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging


katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang
sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang
partikular na varyasyon o varayti ng wika (Liwanag, 2007).

Nagkakaroon ng varyasyon ng wika dahil sa interaksyon ng


mga gumagamit ng wika gaya ng pangangalakal, salik ding
maituturing ang heograpikal na estado, kultural at kasaysayan.

© Reynele Bren G. Zafra


PANGKALAHATANG
VARAYTI NG WIKA

Permanente Pansamantala

Dayalek Register
Sosyolek Creole
Idyolek Pidgin
Jargon

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA: PERMANENTE

1. Dayalek/Wikain. Ito ang tawag o varayti ng wika na


nalilikha batay sa dimensyong heograpiko o etnisidad. Ito
ang mga bahagi ng wikang ginagamit sa isang partikular na
rehiyon. Sa pag-aaral, tinatayang may mahigit 400 ang
dayalektong ginagamit sa Pilipinas ayon kay Ernesto
Constantino. Maituturing na mutually intelligible ang isang
dayalek ng isang wika. Makikilala rin ang dayalek sa
pagkakaiba ng diin, bigkas, tono, o haba.

© Reynele Bren G. Zafra


DAYALEKTO ILOKANO
TAGALOG ILOKANO-ISABELA
ILOKANO-ILOCOS SUR
TAGALOG-QUEZON ILOCANO-ILOCOS NORTE
TAGALOG-BATANGAS ILOKANO-LA UNION
TAGALOG-CAVITE
TAGALOG-RIZAL
TAGALOG-BULACAN
(1) Siyá ay pumuntá sa páaralán ngayón.
(Wikang Tagalog)
BIKOL
(2) Siyá ay napuntá sa páaralán ngáy-on.
BIKOL-CAMARINES NORTE (Tagalog-Batangas)
BIKOL-CAMARINES SUR
BIKOL-ALBAY
© Reynele Bren G. Zafra
VARAYTI NG WIKA: PERMANENTE

Sa katunayan, sa Pagbilao, Quezon, o maging sa mga


kalapit bayan, kalimitang ginagamit ang panlaping “na”
upang ilarawan ang isang aksyon o pangyayari.
• Nakain imbes na kumakain
• Nainom imbes na umiinom
• Natakbo imbes na tumatakbo
• Nasigaw imbes na sumisigaw
• Naiyak imbes na umiiyak

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA: PERMANENTE

2. Sosyolek. Ito naman ang tawag sa barayting nabubuo


batay sa dimensyong sosyal o panlipunan. Tinatawag din
itong “social dialect”. Ayon kay Ocampo (2002), ito ang
baryasyon ng wikang ginagamit sa speech communities
ayon sa uri, edukasyon, edad, at iba pang panlipunang
sukatan.

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA: PERMANENTE

Ang tinatawag na swardspeak o gaylingo ay isa sa mga


halimbawa nito. Tinatawag din itong Bekimon na ipinakilala ni
Jesus Hernandez, tagapangulo ng Departamento ng
Linggwistiks sa Unibersidad ng Pilipinas bilang sosyolek noong
2010. Halimbawa: echos, charot, wis.

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA: PERMANENTE
V

Isa pang halimbawa ay ang wika ng mga conyo. Ito ay mga


wikang madalas na ginagamit ng mga nasa middle at upper
class. Kapansin-pansin na dalawang wika ang ginagamit dito.

Halimbawa:

• Dude, pupunta ka ba sa birthday celebration ni Niña on Saturday o


hindi na because you have other things na dapat ayusin gaya nang
nabanggit mo last time?

© Reynele Bren G. Zafra


SOSYOLEK
1. Oh my God, nakatabi ko kanina sa Filipino class ang crush
ko! Tapos nakasabay ko pa siyang mag-lunch sa cafeteria.
(Conyo)

2. Ano ikamo, wala pa ang kuya n'yo diyan? Aba, saan na


naman kaya napunta ang damuhong iyon? (Matanda)

3. Kosa, malabo 'yang plano nating pagpuga. Mukhang nagdagdag ng mga parak ang hepe! (Preso)

4. Ang chakabels naman ng jowaers mo. Luz valez, day! (Bekimon)

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA: PERMANENTE

3. Idyolek. Tumutukoy ang idyolek kung paano gamitin ng


isang indibidwal ang wika. Ito ay wika na personal sa ispiker.
Ayon kay Paz (2003), maituturing din itong kabuoan ng mga
katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal.
Halimbawa nito ay ang natatanging boses ng
mga reporter tulad ni Mike Enriquez, kasama na rin ang
paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino.

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA: PANSAMANTALA

1. Jargon. mga teknikal o espesyalisadong mga


salita. Ginagamit ito sa mga tiyak na propesyon.
Halimbawa sa larang ng Finance, may tinatawag na
ROI o Return of Investment. Sa
Matematika/Computer Science, ginagamit ang
salitang Algorithm.

© Reynele Bren G. Zafra


JARGON
Arraignment Exhibit Pleading Appeal fiscal Amicus
curiae

Account Debit Credit Revenue Net Cash flow


income

Antibiotic Diagnosis Anaphylaxis Amniocentesis Pulmonary Prognosis

Appetizer Flambee Balsamic Crème Menu Ala carte


vinegar brulee

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA: PANSAMANTALA

2. Pidgin. Ito ay varayti ng wika na ginagamit upang


magkaintindihan ang dalawang magkausap na may
magkaibang wikang sinasalita. Halimbawa gumagamit
ng Pidgin ang dalawang nagsasalita na ang wika ay
wikang Tsino at wikang Filipino nang sa gayon ay
magkaunawaan sila bagaman magkaiba ang wikang
ginagamit nila.

© Reynele Bren G. Zafra


VARAYTI NG WIKA: PANSAMANTALA

3. Creole. Ito ay nagmula sa pagiging pidgin na nalinang


at di nagtagal ay naging unang wika. Halimbawa nito
ay ang Chavacano. Ang Chavacano ang bunga ng
pinagtagpong Espanyol at mga katutubong wika sa
mga interaksyon ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Ang
ilang bokabularyo at estruktura nito ay sa Espanyol
ngunit nagkaroon na ng adaptasyon ang mga Pilipino.

© Reynele Bren G. Zafra


PAGLIKHA NG SALITA

© Reynele Bren G. Zafra


NEOLOGISMO

Ang “neologismo” isang bagong salita, katawagan


o parirala na nilikha upang ipahayag ang isang
bagong konsepto, ipangalan sa isang bagong
bagay, o kaya’y bigyan ng bagong kahulugan
ang isang dati nang katawagan. Ayon sa tala,
sinasabing nabuo ang “neologismo” noong 1800.
Ito ay mula sa wikang Griyego na “neo” (bago),
“logos” (salita), at hulaping “ismos (Batnag at
Petras 2009).
© Reynele Bren G. Zafra
MGA DAHILAN NG
PAGLIKHA NG SALITA

1. Lumilikha ng salita bunga ng daluyong ng


modernisasyon sa teknolohiya at siyensiya.

2. Lumilikha ng salita bunga ng nagaganap na


pagbabago sa kultura, tradisyon at paniniwala ng
isang lipunan.

© Reynele Bren G. Zafra


MGA DAHILAN NG
PAGLIKHA NG SALITA

3. Lumilikha ng salita upang bumuo ng


pagkakakilanlan/identidad.

4. Lumilikha ng salita bunga ng ekonomikong


salik.

© Reynele Bren G. Zafra


URI NG NEOLOGISMO

1. Kombinasyon ng mga bahagi ng isang salita.


Buhay na halimbawa nito ang mga salitang tapsilog
(tapa, sinangag, itlog), tocilog (tocino, sinangag,
itlog), amboy (American Boy), punlay (punla ng
buhay), altanghap (almusal, tanghalian, hapunan),
at FilAm (Filipino-American) at iba pa.

© Reynele Bren G. Zafra


URI NG NEOLOGISMO

2. Pagbuo ng Akronim o Pagdadaglat. Ilan sa


mga neologismong nabuo sa ganitong
pamamaraan ng pagbuo ng salita ay ang
USB, CCTV, CD, RAM, DPWH, DOH, DND, UST,
PUP, UP, DLSU, ADMU, at iba pa.

© Reynele Bren G. Zafra


AKRONIM/DAGLAT
• USB=Universal Serial Bus
• CD=Compact Disc
• RAM=Random Access Memory
• CCTV=Closed Circuit Television
• UP=University of the Philippines
• DLSU=De La Salle University
• PUP=Polytechnic University of the Philippines
• UST=University of Santo Tomas
• ADMU=Ateneo de Manila University
• DPWH=Department of Public Works and Highways
• DND=Department of National Defense
• DOH=Department of Health
© Reynele Bren G. Zafra
URI NG NEOLOGISMO
3. Lumang Salita, Bagong Kahulugan. Ang ganitong
neologismo ay bunga ng pagbabago ng kultura, pagiging
malikhain ng wika at daynamiko nito. Ilan sa mga
halimbawa nito ang salitang hataw, hanep, silahis, bato,
hugot, nganga, lagay, bola, karir, luto, at iba pa.

HATAW. Sa orihinal na kahulugan tumutukoy ito bilang pagpalo ng


malakas. Ngayon, ginagamit na ito upang ilarawan halimbawa ang kita king
pelikula. “Humahataw sa takilya ang bagong pelikulang pinagbibidahan ni
Piolo Pascual. Mapapansin na bagamat nangangahulugan pa rin itong
“malakas” hindi na naman ito may kaugnayan sa pisikal na katangian.

© Reynele Bren G. Zafra


HUGOT. Hindi na lamang ito simpleng paghugot ng pitaka sa
bulsa. Tumutukoy na rin ito sa damdamin o saloobin ng isang
indibiduwa. Halimbawa, “Anong hugot mo ngayon? Tila ikaw ay
malungkot.”
BATO. Produkto ng kalikasan na ginagamit sa pagtatayo ng
bahay o estruktura gayundin bilang pambato. Subalit ngayon ito
ay ngangahulugan na bilang “shabu”. Halimbawa, “May
darating bang delivery ngayon ng bato sa bayan?”
HANEP. Batay sa orihinal na kahulugan, ito ay isang maliit na
insekto. Ngayon tumutukoy na ito bilang pamamaraan ng
pagpapahayag ng paghanga o pagkagusto sa isang bagay.
‘Wow, hanep sa ganda ang bahay nina Yugo Mateo.”
© Reynele Bren G. Zafra
NGANGA. Katumbas ito ng pagbuka ng bibig. Subalit ngayon,
nagpapahayag na ito ng isang pakiramadam ng isang tao na may
kaugnayan sa pagkabigo o dismaya. Halimbawa, “Oh, sinabi ko na sa
iyo na huwag mong ibigay lahat ang iyong pagmamahal sa taong
iyan, oh ngayon, nganga ka!”

LUTO. Tumutukoy ito sa pagluluto ng pagkain. Ngayon katumbas na


ito ng salitang “daya”. Halimbawa, “Nanalo nga si Juan laban kay
Pedro, pero alam nating lahat na luto ang laban.

KARIR. Nangangahulugan itong trabaho o propesyon. Subalit sa


paglipas ng panahon, tumutukoy na rin ito bilang paglalarawan ng
pagbibigay ng labis na pagsisikap o pagpupursige. “Naku, talagang
kinakarir ni Julian ang kaniyang proyekto sa Filipino.”

© Reynele Bren G. Zafra


URI NG NEOLOGISMO
4. Paggamit ng pangalan ng tao, samahan o partido.
Ginagamit ang pangalan ng tao partido o organisasyon
upang ilarawan ang ugali ng isang tao, isang pangyayari o
sitwasyon. Buhay na halimbawa nito ang mga pahayag na
“na-Duterte”, DDS, Dilawan, “Quixotic” at Orwellian”.

NA-DUTERTE. Mula sa pangalan ng pangulong Duterte na


nangangahulugang naloko. Bunga ito ng mga bigong pangako
ng nasabing pangulo. “Maraming Pilipino ang na-Duterte sa
kasalukuyang panahon”.

© Reynele Bren G. Zafra


DDS. Bagaman ito ay isang akronim mula sa salitang
Duterte Diehard Supporters, nagkaroon ito ng kahulugan
bilang labis-labis na paniniwala sa pangulong ito kaysa sa
kanyang bayan. Subalit para sa iba, tumutukoy rin ito bilang
isang paglalarawan ng katangahan---mga degoratoryong
salita na ikinakabit sa ilang Pilipinong na tila hindi nakikita
ang kamalian at pagiging diktador ng nasabing pangulo.
DILAWAN. Umusbong ang terminong ito noong panahong
namamayagpag ang pagpuna sa mga maling gawi ni Pangulong
Duterte na nilikha ng mga panatiko ng nasabing pangulo. Sa
katunayan, kahit sinong indibiduwal na pumuna kay Pangulong
Duterte ay tinatawag na panatiko ng Liberal party. Ang Dilawan
ay iniuugnay sa Partido Liberal na ang kulay na dinadala ay dilaw
bilang simbolo ng pag-asa/liwanag. Halimbawa, “Dilawan iyang
kapitbahay naming, ayaw na ayaw kay Pangulong Duterte.

© Reynele Bren G. Zafra


URI NG NEOLOGISMO
5. Paggamit ng Bilang o Numero. Ginagamit sa paglikha ng
salita ang mga numero upang bigyang kahulugan ang
isang salita o pahayag. Bukod sa nagkakaroon ng
katawagan, nagiging mabilis din ang proseso ng
komunikasyon sa ganitong pamamaraan.

123=naloko
50-50=agaw-buhay; alanganin
143=iloveyou

© Reynele Bren G. Zafra


SANGGUNIAN
Ampil, R. & Asuncion, A. eWika: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO.
(2014).Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.

Ampil, R., Mendoza, E. & Breva, O. Akademikong Filipino sa Komunikasyong


Globa. 2010. Manila. UST Publishing House.

Austero, C., Mateo, E. et.al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


(Binagong Edisyon). 2008. Pasig City. UNLAD Publishing House.

Batnag, A. E., & Petras, J. D. (2009). Teksbuk sa Pagsasalin. Lungsod ng Quezon,


NCR: C & E Publishing.

Bernales, Rolando, et.al., Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong


Komunikasyon. 2011. Malabon City. Mutya Publishing.

You might also like