Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Title: BES ang Batang Superhero!

Topic:MGA NATATANGING PILIPINONG NAKIPAGLABAN PARA SA


KALAYAANFormat: School-on-the-Air
Length: 15 minutes

Scriptwriter: Kristine Jane F. Romero


Objectives: Pagkatapos makapakinggan ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 6 ay
inaasahang Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa Kalayaan.

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. BIZ: MSC UP AND UNDER

3. TINE: Magandang Buhay mga kabataang pag-asa ng

4. ng bayan!

5. SONIA: Ito ang radyo ng mga batang superhero para sa ikaanim na baitang. (PAUSE).

6. Kami ay natutuwa na makasama kayo uli dito sa radyo ng mga batang Pilipino, BES ang

batang superhero. Ako si

7. Teacher Sonia, mula sa Grade VI Venus.

8. TINE: at ako naman si Teacher Tintin ang inyong lingkod mula sa ikaanim na baitang.

9. BIZ: MSC UP AND UNDER

1. SONIA: Ngayong umaga tayo ay tutuklas nanaman tayo ng bagong kaalaman na

kapupulutan ninyo ng aral. (PAUSE).

2. TINE: At Alam kong excited na kayo sa ating bagong aralin!

222… BEST RADIO

3. BIZ: MSC UP AND UNDER

4. TINE: Kailangan ninyong makinig nang mabuti dahil mamaya ay mayroon tayong

maikling pagsusulit.

1. BIZ: MSC UP AND UNDER


2. SONIA: Bago tayo magsimula sa bago nating aralin, nais kong pumikit muna kayo

3. At isipin ang paborito niyong superhero. Nakaisip na ba kayo? Ayan! Mamaya

sasabihin niyo sakin bakit sila ang superhero niyo.

4. BIZ: MSC UP AND UNDER

5. TINE: Pero bago tayo dumako sa bago nating leksyon, ano na kasi ang ating tinalakay

noong nakaraang linggo? (PAUSE)

6. TINE: Aba Magaling!Naalala niyo pa ang ating leksyon!

7. SONIA: Tungkol nga ito sa PAKIKIBAKA NG MGA PILIPINO SA PANAHON NG

DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO

8. SONIA : na kung saan ang digmaang ito ay nagsimula noong 1899 at nagtapos noong

1903. ANG UNANG PUTOK SA PANULUKAN NG SILENCIO AT SOCIEGO, STA.

MESA, at ang BALANGIGA MASSACRE O MASAKER SA BALANGIGA

333… BEST RADIO

9. TINE: Mga bata, alam kong ready na kayong matuto at handa narin ang inyong guro na

si Gng. Sonia.

1. SONIA: Magandang umaga mga bata! Ako nga pala si teacher

2. Sonia. Ngayon, ay ang ating tatalakayan ang mga MGA NATATANGING

PILIPINONG NAKIPAGLABAN PARA SA KALAYAAN.

3. Ready na ba kayo? (PAUSE) Very good! Simulan na natin.

4. MSC:

5. BIZ: CROSSFADE

6. SONIA: May mga natatanging bayaning Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan na


7. tinatamasa natin ngayon. Ang iba ay nakipaglaban sa pamamagitan ng kanilang

pagpapahayag ng kaisipang liberal gaya nina Jose Rizal,

8. SONIA: Graciano Lopez Jaena, Marcelo H.

9. del Pilar, Mariano Ponce, at magkapatid na Juan at Antonio Luna at mayroon din namang

10. mga bayaning nakipaglaban sa pamamagitan ng dahas.

11. TINE: Makabuluhan ang naging parte ng mga kilalang bayaning Pilipino na laging

nababasa sa aklat ng kasaysayan. Maliit man o malaki ang ambag ay bayani pa ring

maituturing ang

12. mga natatanging Pilipinong ito:

13. SONIA: Kilala niyo ba si Heneral Emilio Aguinaldo?

14. Tama! Si Heneral Emilio Aguinaldo ay lumaban para sa himagsikan laban sa Espanya at

sa digmaan laban sa mga Amerikano. Siya din ang unang Pangulo ng Pilipinas sa

Republika ng Pilipinas

15. SONIA: Susunod naman ay isa HENERAL ANTONIO LUNA. Isa siya sa

pinakamahusay na heneral noon, Commander in Chief sa pamumuno ni Aguinaldo. At

lumaban sa himagsikan laban sa Espanya.

16. TINE: Eh si Apolinario Mabini? Kilala niyo ba siya? Tama! Kilala siya bilang Utak ng

Himagsikan, at ang “Dakilang Lumpo.” Siya ay Ipinatapon sa Guam dahil ayaw

manumpa at kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano.

17. TINE: Susunod naman ay si MELCHORA AQUINO. Tinaguriang Tandang Sora dahil

84 taong gulang na noong sumiklab ang himagsikang 1896 na pinamumunuan ni

AndresBonifacio. Kinalinga at kinupkop ang mga Katipunero at Tinaguriang “Ina ng

Katipunan”.
444… BEST RADIO

18. TINE: Kilala niyo kaya ang aking susunod na babangitin? Tignan nga natin. Isa din sa

mga nakipaglaban para sa ating kalayaan ay si HENERAL FRANCISCO MACABULOS

na isinalang sa Lapaz, Tarlac! Tama siya nga ay taga Tarlac.

1. SONIA : Nagtatag ng sangay ng Katipunan sa Tarlac. Nagtatag ng sariling pamahalaan sa

Gitnang

2. Luzon matapos ang Kasunduan sa Biak na Bato. Namuno sa pakikidigma laban sa mga

Amerikano

3. sa Tarlac, Pampanga at Nueva Ecija.

4. SONIA: SI HENERAL ARTEMIO RICARTE naman ay namuno sa pag-atake sa kampo

ng mga Espanyol sa San Francisco De Malabon.

5. Siya ay ipinatapon sa Guam dahil ayaw kilalanin ang

6. kapangyarihan ng mga Amerikano.

7. SONIA: SI HENERAL GREGORIO DEL PILAR naman ay ang pinakabatang heneral sa

gulang na 24.

8.  Lumaban sa himagsikan laban sa Espanya at sa digmaan laban sa mga Amerikano.

9.  Ipinagtanggol ang Pasong Tirad,

10. kasama ang 60 kawal, upang hadlangan ang mgaumutugis kay

11. Aguinaldo na mga Amerikano.Tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad.”

12. SONIA: Sino na kasi ang pinakabatang heneral? Wow! Very good! Si heneral gregorio

del pilar nga.

13. TINE : Sino sino ang mga nabanggit na bayani?


14. SONIA: Magaling! Si Apolinario Mabini, Melcjora Aquino, Hen. Emilio Aguinaldo,

Hen, Antonio Luna , Hen. Artemio Ricarte, Hen. Francisco Macabulos at Hen. Gregorio

Del Pilar.

15. (insert timer 5 seconds)

16. TINE : Ngayon ay maghanda na ng isang malinis na papel at kunin na rin ang iyong

ballpen para sa maikling pagsusulit.

17. (insert timer 5 seconds)

18. SONIA: Panuto: Magbigay ng tatlong bayani o natatanging Pilipinong nakipaglaban

para sa kalayaan

19. ng ating bansa na iyong hinahangaan. Ilarawan siya sa pamamamagitan ng pagsulat sa

kanyang nagawang kabayanihan

20. SONIA: Bibigyan namin kayo ng dalawang minuto para makapag-isip.

1. BIZ: MSC UP AND UNDER

2. SONIA: Ayan! Sigurado ako na may mga sagot na kayo. Tunay nga na napakahusay

niyo!

3. TINE: Kagaya ng mga bayani natin noong panahon ng digmaan, alam kong kaya niyo din

maging bayani sa ibat’t ibang paraan. Kayong kabataan ang pag-asa at bayani ng bayan

na ito.

4. SONIA: Paalam BES superheroes!

5. BIZ: MSC SOA PROGRAM ID

6. MIC OFF

7. CUT

You might also like