Aralin 10 - Asya Sentral - AP Reporting Pangkat 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Aralin 10 – Asya Sentral – AP REPORTING PANGKAT 1

Intro:

Anika: May ideya ba kayo tungkol sa mga iba't ibang kabihasnan na ginawa ng mga
tao noon? Nakakita kana ba ng mga maaaring ninuno ng mga kabayo ngayon? Alam ba
ninyo na namuhay ng palipat lipat ng mga tirahan ang tao noon? Ganun paman ay
natuto ang mga tao na mabuhay at umanlad sa ano man ang meron sila. Lahat ng ito
ay malalaman niyo sa aralin natin tungkol sa Asya Sentral. Kahanga-hanga hindi ba?
Kung ganun, ay tara na at talakayin ang lahat ng ito.

Thirdy: Ayon sa mga pag-aaral, itinatayang nagsimula ang pagdating ng mga grupo ng
homo sapiens sa Asya sentral may mahigit 40 000 hanggang 50 000 taon na ang
nakalipas. 4 500 na taon naman bago ang kasalukuyan ay nagsimula ang pag-unlad ng
pagsasaka at pagtatag ng pamayanan. Ang kadalasang inaalagaan at ipinapaamo ng
mga nananahan sa rehiyon ay ang mga kabayo. Maaaring ang ninuno ng mga
sinaunang domestikadong kabayo ay ang tinatawag na przewalski (Equus przewalskii)
o maaari ding tawagin na Mongolian wild horse o takhi. Ito ay pinangalanan sa Russian
geographer at explorer na si Nikolay Przhevalsky. Malimit gamitin ang mga hayop
upang pagkunan ng karne at iba pang pagkain. Isinasama rin ang mga ito sa mga
paglalakbay at paglipat-lipat ng tirahan ng mga tao. Noong 4 000 BK natuklasan na
maaari rin gamitin ang mga ito para sa transportasyon. Sa panahon ding ito natuklasan
ang paggamit ng gulong, at nagsimula rin silang gumamit ng mga kariton o wagon.
Nang lumaon lumaganap naman ang mga chariot upang sasakyan pangdigma.

“Pangunahing Kabuhayan Sa Asya Sentral: Pastoral Nomadism”

Chanel: Mapalad o maswerte tayo dahil mayroon tayong sariling tahanan. Nakakatulog
tayo ng maayos, may sariling higaan, komportable ang ating tulog, yung iba sa atin ay
may aircon pa sa kanilang tahanan. Ngunit kung ating babalikan, dahil sa pangunahing
kabuhayan sa Asya Sentral ang pagsasaka, maraming pangkat ang palipat lipat ng
tahanan o tirahan upang maghanap ng pastulan sapagkat kasama nila ang kanilang
mga alagang hayop gaya ng tupa, kambing, kabayo at kamelyo. Ang ganitong gawain
ay TRANSHUMANCE. NOMADS ang tawag sa mga taong walang permanenteng
tirahan o palipat lipat ng tirahan. Ang mga nagsisilbing kanlungan, o tirahan ng mga
nomadiko ang YURT O TENT. Ito ay madaling tiklupin, at itayo kaya naging mahalaga
ito sa mga tao lalo na sa panahong kailangan ng nilang muling maglakbay at maghanap
ng panibagong mapagpapastulan. Ganito umiral ang Sistema ng pamumuhay lalo na sa
mga lugar na tigang ang lupa at hindi angkop sa pagsasaka. Ang palipat-lipat ng tirahan
dahil ubos na ang makakain o mapipitas sa lugar na tinitirhan ay tinatawag na
NOMADISM. Kailangan nilang umalis sa tirahan upang humanap ng bagong tirahan na
hitik ang kapaligiran sa bungang makukuha at makakain.

Crisha: Isang mahalagang paraan ng pamumuhay noong sinaunang panahon ang


NOMADISM. Dahil dito ay lubos na napakikinabangan at nagagamit ng mga tao ang
kanilang kapaligiran para suportahan ang kanilang pamumuhay dahil kasama sa
paglipat-lipat ang mga alagang hayop. Ilang halimbawa ng sinaunang kabihasnan na
nagtaguyod ng PASTORAL NOMADISM sa Asya Sentral ay ang Khalka-Mongol sa
Outer Mongolia at evenki sa gitnang Siberia. Naisagawa rin ang paraang ito sa iba pang
parte ng Asya, tulad sa Iran at Pakistan.

“Mga sinaunang kabihasnan sa asya sentral”

Charice: Sa mga lugar sa asya sentral, umuusbong ang iba’t ibang kabihasnan. Ang
Colchis ay isang sinaunang kabihasnan malapit sa Black Sea na kilala sa mitolohiyang
Griyego, partikular sa kuwento ni Jason at ang Argonauts. Ang Iberia ay mula sa
rehiyon ng Kaukasus at may mahusay na arkitektura at kalakalan. Ang Cumans ay
nomadikong grupo na nakatuon sa pastoralism at pangangalakal, habang ang
Scythians ay kilala sa kasanayan sa pakikidigma at sining. Ang mga kabihasnan na ito
ay may natatanging katangian at pamumuhay, at naging bahagi ng kasaysayan ng
kanilang panahon.

“Colchis”

Jillian: Ang teritoryong nasasakupan ngayon Ng bansang Georgia ay sinasabi Ng iba


na pinanirahan Ng mga Homo Erectus sa Panahon Ng lumang bato. Ang mga tribo na
proto- Greogian ay unang naitala sa kasaysayan noong 1200 BK.May nahukay rin na
mga labi at artifacts na nagpapahiwatig na Sila ay may mataas na antas sa kasanayan
sa pag gamit Ng kasangkapan na yari sa metal. Ang Colchis ay isa rin sa pinaka unang
na kabihasnang naipatupad Ng Georgia. Matatagpuan ito sa dagat itim at ito ay nasa
kanlurang bahagi Ng Georgia kung San matatagpuan ang lalawigang sameglero,
imirite, adjara, gurya, at racha.

Yohan: Hindi lamang sanay sa paggamit Ng kasangkapang yari Sa metal ang mga
colchian, pati ang pagtunaw ng metal ay madaling natutunan at naging bihasa din. Dito
ay nabuo na ang kasangkapang pang agrikultura na may mataas na antas na ginawa
nila na nakatutulong sa pagpaparami ng ani. Pati matatabang lupa at katamtamang
klima ay pwedeng idagdag. Bahagi ng sinaunang lahi ng mga Ehipsiyo ang mga
Colchian. Eto ay base kay Herodotus, kilalang "Ama ng kasaysayan". Eto daw ay dahil
kauna-unahang nagsagawa ng ritwal ng pagtutuli (circumcision) ang mga Colchian at
Ehipsiyo Ang mga Ehipsiyo ay mga mitolohiyang pananampalataya ng sinaunang
Ehipto. Maraming naging tagasunod ang mga dating diyos at diyosa ng sinaunang
Ehipto

Chance: Sa paggsapit ng 1 300 BK,isang kaharian ang Colchis dahil pagsanib pa ng


mga tribong nakatira malapit sa rehiyon. Lalo pa itong lumawak nang masakop ang
Deiuehi noong 750 BK. Subalit Nawala rin ang ilang lalawigan ng kaharian ,gaya ng
ildemusa , nang matalo ito sa digmaan noong 750 BK hanging 748 BK at 744 BK
hanggang 742 BK. Pagkalipas ng panahon ay unti-unting nahati ang kaharian
hanggang sa tuluyan na itong bumagsak at napabilang sa ika-19na satrapy o
lalawigang pinamamahalaan ng Persia.
Jc: Bukod sa Colchis, may ilang iba pang mga lungsod sa Asya Sentral na naging
sentro rin ng sinaunang sibilisasyon, kabilang ang Bukhara, Samarkand, Khiva, at
Tashkent. Ang mga lungsod na ito ay matatagpuan sa tinatawag na Silk Road o Daan
ng Seda.Ang Daan ng Seda ang itinuturing makasaysayang daan sa pagitan ng Europa
at Asya. Ang Silk Road ay isang daanan ng kanluran at silangan--mula sa China
hanggang sa mga bansang nakapalibot sa Dagat Mediteraneo.Ang pag-usbong ng mga
lungsod na ito sa Asya Sentral ay isang patotoo na mayroong isang kabihasnan sa
Asya bago dumating ang mga Kanluranin.

“Turkestan”
Zoe: Ang Turkestan ay binubuo ng limang republika at ang limang republika na ito ay
ang mga sumusunod: *Kazakhstan *Kyrgyzstan *Tajikistan *Turkmenistan *Uzbekistan
Mula sa mga pepublikang ito umusbong ang sentro ng unang sibilasyon sa asya
sentral. *Bukhara *Khiva *Samarkand *Tashkent Matatagpuan ang mga ito sa rehiyong
binabaybay ng makasaysayang Silk Road at bago pa man umunlad ang silk road ay
maunlad na ang sinaunang sibilisasyon sa mga lungsod na nabanggit.

Hailey: Natagpuan ng mga Arabeng Muslim ang kalakalan mula sa pagkakalatag ng


mga lungsod sa makasaysayang daan at sinakop. Naganap ito noong 704 hanggang
715. Binihag nila ang Bukhara at Samarkand at tumagal ang pamamayani nila sa
sinaunang lungsod na ito ng Uzbekistan. Nahikayat nila ang mga taga lungsod na
tanggapin ang relihiyong Islam. Bukhara ang ginawang kabisera ng pinuno ng
Dinastiyang Samanid na si Heneral Ismail. Si Ibn Sina o Avicenna ay isang tanyag na
pilosopong Muslim mula sa Bukhara. Nagwakas ang Dinastiyang Samanid noong
masakop ito ng mga Turkong Muslim at hindi nagtagal ay napasakamay ng mga
Mongol sa pamumuno ni Genghis Khan

“Khalka”
Fourth: Ang mga Khalka ay namumuhay sa Mongolia simula noong ika-15 kabanata
hangang ika-20.Sila ay nakatira sa mga tolda. Bawat toldang itinatayo ay para sa isang
pamilya, mahalaga sa kanila ang pagkakaisa. Sila rin ang nag alaga ng mga hayop
tulad ng Baka, Kabayo, Kambing, Kamelyo, Tupa, at Yak. Ang mga Khalka ay
marunong din sa pagbubukid at ito ay nagagamit nila sa pang araw-araw nilang
pangkabuhayan. Ang una nilang alaga ay Tupa marahil ito ay nagbibigay ng gatas,
mantika, keso at karne. Mayroong din tsaa ang mga Khalka na nilalagyan ng gatas ng
tupa na tinatawag na manja Sa kabila nito ang mga Khalka ay isang uri ng Budismo na
tinatawag na Lama buddhism o Tibetian buddhism.Ito ay pinapamumunuan ng isang
pari o guru na nagsisilbing gabay pang espiritwal ng mga tao upang makamtan ang
nirvania o kaluwalhatian.

Conclusion:
Emman: Sa araling ito, maraming naging pagbabago ang nangyari sa Asya Sentral
simula nung dumating ang mga Homo Sapiens. Ito ay nagpabago sa pananaw ng mga
Asyano, kung paano sila mamuhay noon at umunlad. Naging maunlad sila pagsasaka
at nagtatag ng mga pamayanan noong 4 500 taon bago ang kasalakuyan. Nagkaroon
sila ng mga hanap-buhay at mga naging gawain pang ekonomiya upang sumuporta sa
kanilang pamumuhay tulad ng pagaamo at pag aalaga ng mga hayop. Sa kabila nito,
may naging pangunahing kabuhayan ang mga ito, tinatawag itong Pastoral Nomadism
na nangunguhulugang paglipat-lipat ng tirahan upang makahanap sila ng mgabagong
pastulan.

Chloe: May mga naging sinaunang kabihasnan sa Asya Sentral. Ito ay ang mga
Colchis, Iberia, Cumans, Scythians, at maraming pang iba. Mga sinaunang kabihasnan
sa Asya Sentral: Ang bansang Georgia ay may malalim na historya ng kabihasnan.Mula
sa panahon ng mga Homo erectus, hanggang sa pagkatatag ng kaharian ng Colchis,
na bahagi ng sinaunang lahi ng mga Ehipsiyo. May mga lungsod na naging sentro ng
kabihasnan sa Asya Sentral. Ang Turkestan sa Sentral Asya ay binubuo ng mga bansa
tulad ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, at Uzbekistan. May mga lungsod tulad ng
Bukhara, Samarkand, at Tashkent na dating sentro ng kabihasnan. Sinakop ng mga
Arabeng Muslim at naging sentro ng pamahalaan ng mga Muslim sa Uzbekistan. Ang
Bukhara ay sentro ng sining at edukasyon, at nagmula rito si Ibn Sina , isang kilalang
pilosopo. At ang mga Khalka namas sa Mongolia ay naninirahan sa mga tolda, ang
kanilang relihiyon ay Budismo, at nag-aalaga ng hayop.

Outro
Anika: Dito nagtatapos ang ating aralin natin. Sana ay nahasa namin ang kaalaman
niyo tungkol sa Asya Sentral. Hanggang sa muli, kami ang pangkat isa

You might also like