Module 3 Tungkulin at Responsibilidad NG Mananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Filipino sa Piling Larang

(Akademik)
Modyul 3 – Ikatlong Linggo
Unang Markahan

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-
21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PANIMULA
Ang Modyul na ito ay para sa lahat ng mga mag-aaral na kumukuha ng
asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) para sa Baitang 11 o 12 ng
Senior High School. Nakapokus ang nilalaman ng modyul na ito sa iba’t ibang anyo
ng pagsulat na lilinang sa kakayahan ng mga mag-aaral na maging mabisa,
kritikal, at maingat sa pagkatha ng mga sulatin sa larang ng akademik.
Binuo ang modyul ng mga awtor ayon sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) mula sa Kagawaran ng Edukasyon upang maipaabot sa mga mag-aaral
bilang alternatibong kagamitan sa pagkatuto. Isinaalang-alang ang mga
katangian, kalikasan, at kailangan ng mga mag-aaral sa Panahon ng Bagong
Normal.
Sa pamamagitan ng mga modyul ng asignaturang ito, layuning makamit ang mga
sumusunod:
a. Malaman ang angkop na proseso sa pagsulat,
b. Mahasa ang kakayahan (lingguwistik, diskorsal, sosyolingguwistik, diskorsal,
at istratedyik) ayon sa akademikong larang, at
c. Makabuo ng orihinal na kalipunan ng mga akademikong sulatin na naaayon sa
pormat at teknik;
Magiging katuwang ito ng guro at mag-aaral sa proseso ng pagtuturo at
pagkatuto sa pagsulat sa larang ng akademik gamit ang Wikang Filipino.
Ang mga matatamong kasanayan ay inaasahang magagamit bilang produktibong
kasapi ng lipunan at mapakikinabangan sa realidad ng buhay ng mga
propesyunal.

Alamin Natin

Ang Modyul 3 ay naglalaman ng Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik.


Panahon ang kinakailangan sa pangangalap ng mga datos sa pagbuo ng
pananaliksik. Hindi biro ang maging isang mananaliksik sapagkat kailangan
magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman sa pamamaraan ng pagsulat ng
isang pag-aaral. May mga katangian din dapat na taglay ang mananaliksik at

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
pananagutang dapat isaalang-alang- sarili, mga hanguan, mambabasa, at saysay
sa lipunan.

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a)Layunin
(b)Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo

2. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
(CS_FA11/12EP-0a-c-39)

Subukin Natin

Paunang Pagtataya:
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin lamang ang titik nang wastong
kasagutan sa bawat bilang.
1. Kakambal ng tiyaga. Sa pangangalap ng datos, kailangan maging pasensosyo ang
isang mananaliksik.
A. Masipag
B. Matiyaga
C. Kritikal
D. Mapanuri
2. Kung magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang mga datos.
Kakulangan ng katibayan para sa kanyang mga pahayag at mga hindi
mapangatwiranang solusyon.
A. Mapanuri
B. Maingat
C. Sistematik
D. Masipag
3. Kailangan sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa
pagkakasunod-sunod.
A. Masipag
B. Masinop
C. Sistematik
D. Kritikal

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
4. Kailangang tiyakin ng isang mananaliksik ang paghihimay-himay ng mga
makabuluhang datos. Lalo na sa pagkilala sa pinagkuhaan ng mga datos o ideya.
A. Sistematik
B. Mapanuri
C. Maingat
D. Masipag
5. Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain. Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
A. Maingat
B. Mapanuri
C. Sistematik
D. Matapang
6. Di madaling kunin ang datos. Kaya’t kailangan gunawaan mga paraan kung paano
ito makukuha.
A. Matiyaga
B. Mapamaraan
C. Sistematiko
D. Analitikal
7. Ang pagsasaad na may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan mo.
A. Kritikal
B. Responsible
C. Matapat
D. Analitikal
8. Katangiang nangingibabaw sa pagkilala sa mga pinaghanguan ng datos.
A. Matapang
B. Sistematik
C. Mapanuri
D. Maingat
9. Ito ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod, himig at iba pa
na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.
A. Palagyarismo
B. Pangongopya
C. Pagnanakaw
D. Pagsisinungaling
10. Ito ay pamantayang moral na sinusunod sa anomang disiplina.
A. Tapang
B. Kredibilidad
C. Progama
D. Etika
\

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Modyul Tungkulin at Responsibilidad ng
3 Mananaliksik

A. Dapat na taglay ng isang Mananaliksik


B. Etika at Responsibilidad
C. Plagyarismo

Balikan Natin

Gawain 1
Panuto: Balikan ang kalikasan ng pananaliksik. Bumuo ng
parehong grap na nasa ibaba. Pagkatapos ay magtala ng tatlong
suliraning kinakaharap ng ating lipunan.

Gawin 2: Ipaliwanag sa isang buong papel kung paano


makatutulong ang pagsasagawa ng pananaliksik sa mga
isinulat ng suliranin. Magsaliksik ng 3-5 sandigan sa pagsagot.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Tuklasin Natin

Sa bahaging ito, aalamin natin ang halaga ng moral na pagkilos na dapat ay


umiiral sa isang mananalikisk. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, may mga
mahalagang katangian at pagpapahalaga ang dapat na isaalang-alang sapagkat
ang pagbuo ng isang pag-aral ay may malaki at mabigat na responsibilidad.

Basahin ang diyalogo ng dalawang magkaibigan.

http://
clipart-library.com/ toddler-
walking-cliparts.html

https://www.middleweb.com/ 34940/tips-for-working-with-
millennial-teachers/

Oras ng uwian. Nagkasabay sina Ding at Pedro sa paglalakad


Karlo: Ding, uuwi ka na? Magpapasama sana ako.
Ding: Saan? Gagawa ako ng research sa Chemistry. Punta tayo sa laybrari.
Karlo: Tara! Gagawin ko na rin ang akin.
Napangiti si ang guro na si Bb. Mari Kit. Humanga siya.

Sa aklatan, nagtanong ang dalawa sa laybraryan. Agad na nagtungo


upang kunin ang aklat na kailangan. Binuklat ang mga pahina at
nagkatanguan. Tinungo ang Photo Copying Center.
Dalawang mag-aaral: Sa wakas, tapos na tayo sa Research natin!
Sa tagpong ito, nagkrus muli ang dalawang mag-aaral at ni Bb. Mari Kit.
Napailing na lamang ang guro sa kanyang nakita. Ang tuwa noong una ay
napalitan ng lungkot at panlulumo.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga tanong mula sa nabasang diyalogo, ay ang
sumusunod: (Ilagay sa papel ang sagot)
1. Ano ang pinatutunayan ng sitwasyong nabasa?
2. Anong katangian ang taglay ng dalawa sa pagbuo ng pananaliksik?
3. May mga dapat bang isaalang-alang bilang mananaliksik?

Talakayin Natin

Modyul: 3 Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik


A. Dapat na taglay ng Mananaliksik

Ang isang mananalik ay dapat na nagtataglay ng sapat na


kakayahan at kaalaman. Sa sinusundang modyul, tinalakay ang
dapat na katangian ng pananaliksik. Kung gayon, ikaw rin ay
makahihinuha kung anong dapat na taglayin ng isang
mananaliksik.

Bigyan natin ngayon ng diin ang esensyal na mga katangian ng


mananaliksik mula kay Bernales, et al. (2003), ay ang sumusunod:

1. Masipag. Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng


mga datos at pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig ng
pinapaksa ng pananaliksik.
2. Matiyaga. Kailangan pagtiyagaan at maging pasensyoso ang isang
mananaliksik. Kapag inaakala niyang kumpleto na ang lahat,
maaari pa rin na magmungkahi ang tagapayo ng pananalikisk
hinggil sa pagkalap pa ng datos sa iba’t ibang hanguan.
3. Maingat. Sa pagpili at paghimayhimay ng mga makabuluhang
datos, kailangang maging maingat ang isang mananaliksik.
4. Sistematiko. Kailangan sumunod ng mananaliksik sa mga
hakbangin sa pagbuo ng pananaliksik.
5. Kritikal o mapanuri. Ito ay isang iskolarling gawain. Ibinubuhos
ang isip at panahon sa pagtitimbang at pagsusuri ng mga
impormasyon.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Dagdag pang katangian mula kina Constantino at Zafra (2016), ay
ang sumusunod:

6. Analitikal. Sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa


at mga kaugnay na paksa.
7. Matapat. Ito ay pagiging tapat sa mga datos na inilalalgay kung
saan tunay na hango; ang pagsasaad ng paksa na may nauna ng
pananaliksik.

B. Etika at Responsibilidad

Sa anomang gawain, may etikang sinusunod upang maging maayos


ang ugnayan at daloy ng mga gawain.

Narito ang mga etikang taglay ayon kina Constantino at Zafra


(2016), ay ang sumusunod:

1. Kilalanin ang ginamit mong ideya.


2. Huwag kumuha ng datos ng walang permiso.
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na
kung negatibo.
4. Huwag kang mag-shortcut.
5. Kilalaninmo ang mga ginamit mong ideya.
Mula pa kina Atienza, et al. (sa Bernales, 2003), ang isa pang
napakahalagang pananagutan ay mapanindigan ang lahat ng
interpretasyon na kanyng nilahad sa pag-aaral.

C. Isyu ng Plagyarismo

Isyung katapatan ang usaping plagyarismo.

Mula kay Atienza (sa Bernales, 2003), ang plagyarismo ay


pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at
balangkas ng isang akda, programa, himih at iba pa na hindi
kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.

Halos pareho lang din ang kina Constantino at Zafra (2016),


itinuturing ang plagyarismo na isang teknikal na salita kaugnay sa
pangongopya ng gawa ng iba na walang pagkilala.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Sina Atienza, et al. (sa Bernales 2003), ay nagtala ng ilang
halimbawa ng plagyarismo.

a. Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita na di itinala


ang pinagkuhaan
b. Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang
pagpapahayag ngunit di kinikilala ang hanguan.
c. Kung nagmula sa iba’t ibang sanggunian. Pagtapos ay
pinagtagpi-tagpi.

Pagyamanin natin
Nalaman mo ang mga katangian na dapat mayroon ang mga
mananaliksik sa pagbuo ng isang pag-aaral. Narito ang hamon na
makapagbigay ka pa ng katangiang di nabanggit sa talakayan.

Gawain 3

Panuto: Isulat sa unang hanay ang iba pang katangian at sa ikalawang


hanay ang sariling paliwanag. Isulat sa malinis na papel ang sagot.
Iba pang katangian Paliwanag
1.
2.
3.
4.
5.

Tandaan natin

Wika nina Atienza, et al (sa Bernales), walang nagtitiwala sa


isang magnanakaw at sinungaling. Kung matuklasan na ninakaw
lang ng mananaliksik ang ginawang pag-aaral, sapat na ito para
mabura ang lahat ng pinaghirapan.
Alalahaning kung madali para sa sinomang estudyante ang

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
mangopya, magiging madali rin para sa kanya ang gumawa ng
korupsyon kung siya ay may trabaho na.

Gawain 4

Hindi biro ang ang pagbuo ng pananaliksik. Mabigat ang


responsibilidad at pananagutan dito. Kaya’t isang gawain para sa iyo
na magsaliksik at magtala ng di bababa sa tatlong mga batas/
tuntunin na may kaugnayan sa plagyarismo.

Isabuhay natin

Sa pananaliksik ay may sinusunod na etika. Katulad ito ng


anomang disiplina na may istriktong code of ethics. Samakatuwid may
mga napatunayan ng nagsagawa ng plagyarismo. Sino at ano ang nangyari
sa kanila?

Gawain 5

Panuto: Sumipi ng isang balita na may kinalaman sa isyung plagyarismo.


Maaaring ito rin ay napakinggan sa radyo o napanood sa telebisyon.
Isalaysay ito sa isang buong papel ang pangyayari.

Tayahin natin

Gawain 6

Pangwakas na pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin lamang ang titik nang wastong
kasagutan sa bawat bilang.

1. Sa pangangalap ng datos, kailangan maging pasensosyo ang isang mananaliksik.


Kakambal ito ng tiyaga.
A. Mapanuri
B. Matiyaga
C. Kritikal

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
D. Masipag
2. Mahahalata ang kakulangan ng kanyang mga datos. Kakulangan ng katibayan para
sa hindi mapangatwiranang solusyon.
A. Mapanuri
B. Maingat
C. Sistematik
D. Masipag

3. Kailangan sumunod ng isang mananaliksik sa mga hakbang nito sa pag-aaral.


A. Sistematik
B. Masinop
C. Masipag
D. Kritikal
4. Kailangang tiyakin ang pagkilala sa pinagkuhaan ng mga datos o ideya.
A. Sistematik
B. Mapanuri
C. Maingat
D. Masipag
5. Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain. Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
A. Maingat
B. Matapang
C. Sistematik
D. Kritikal
6. Kailangan gumawa ng mga paraan kung paano makakukuha ng mga impormasyong
kailangan.
A. Matiyaga
B. Mapamaraan
C. Sistematiko
D. Analitikal
7. Ang pagsasabi na may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan mo.
A. Kritikal
B. Responsible
C. Matapat
D. Analitikal
8. Tinitiyak na maitala ang mga pinaghanguan ng impormasyon.
A. Matapang
B. Sistematik
C. Mapanuri
D. Tapat
9. Ito ay pangongopya ng impormasyong hindi kinikilala ang kinopyahan.
A. Palagyarismo
B. Pangongopya
C. Pagnanakaw
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
D. Pagsisinungaling
10. Ito ay pamantayang moral sa anomang disiplina.
A. Talino
B. Kredibilidad
C. Progama
D. Etika

Gawin natin

1. Magsaliksik hinggil sa Panghihiram ng mga salita. Isulat sa isang buong papel


ang mga makakalap na impormasyon ukol dito.

2. Maghanda para sa Modyul 4.

Repleksiyon ng Natutuhan

Panuto: Gamitin ang isang potograpo. Ihalintulad ang mananaliksik na nasa


larawan sa paglalahad ng iyong pagkatuto sa modyul na ito.

Sanggunian

Mga Aklat
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., Pascual, Maria Esmeralda A. 2016.
Filipino sa Piling Larangan Akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.
Bernales, Rolando A., Atienza, Glecy C., Talegon, Vivencio, Jr., Rovira, Stanley G.,
2009. Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungi sa Pananaliksik.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Constantino, Pamela C., Zafra, Galileo S. 2016. Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Elektronikong Hanguan

https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Akademik
https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS

You might also like