Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

November 6, 2023

Pribilehiyo Talumpati ni Konsehal Marcelo Eric O. Manglo


Magandang Umaga po sa lahat ng naririto. Hayaan niyo pong aking
kilalanin at bigyang karangalan ang ating kababayan sa katauhan ni DAVE
ANDREW R. BALBA, sa kanyang pagtatapos ng may karangalan (with
honors).
Si Mr. Balba ay tubong Brgy. Ambulong, butihing anak ni Mr. Aris at
Mrs. Mary Ann Balba, nagtapos ng Bachelor of Science in Industrial
Engineering sa Lyceum of the Philippines University-Laguna noong
November 3, 2023.
Batid natin ang hirap ng kursong Engineering. Madaming taon ang
bubunuin bago ito matapos. Ngunit si Dave ay nagsikap at nagsakripisyo
upang makamit ang kanyang pangarap na makapagtapos. Dahil din sa
kanyang pagpupursige, nakapagtapos pa siya ng may karangalan (with
honors) na siguradong ikinatuwa at ipinagmamalaki ng kanyang mga mahal
sa buhay. Ito ay umpisa lamang ng kanyang malayong tatahakin sa buhay at
nawa ay magamit niya ito para sa mas lalong ikauunlad ng kanyang sarili.
Sa puntong ito, punong taga Pangulo, ako po ay nagmumungkahi sa
kapulungan na ito na magpasa ng resolusyon ng pagkilala at pagpuri kay Mr.
DAVE ANDREW R. BALBA sa kanyang pagtatapos ng may karangalan
(with honors). Maraming Salamat po!

Contact Number: 0917-142-3373


Address: #542 Purok 3 Brgy. Ambulong Tanauan City

You might also like