Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 5

REPORT NI MISSY SHARK SHEESHABLE

PAGPAPAKADALUBHASA SA OPTALMOLOHIYA- AIYHOOLMLAPTO- JUMBLED


SHEESHABLE

• Dahil sa sakit ng kaniyang Ina na si Teodora Alonzo ay sinikap ni Rizal na makapag dalubhasa
sa optalmolohiya ngunit napagtanto niya na kailangan niya pang mag-aral sa mas mataas na
paaralan upang makakuha ng kalidad na edukasyon. Napagtanto niya ito noong siya ay
nagtungo ng Paris upang magbakasyon. Bagamat sa Alemanya naman daw ay mas mayroong
mataas na kalidad ng edukasyong pangmedisinang iniaalok.

• Sumabay pa rito ang kagustuhang maikasal sakaniya noong kasintahan na si Leonor Rivera
sa kabila ng kaniyang abalang oras sa pagsulat ng kaniyang nobela ngunit mas inuna niya ang
pagpapakadalubhasa niya sa panggagamot sa mata.

• Sa paghahanda ni Rizal patungong Alemanya ay nilisan niya ang Madrid ng buwan ng Hulyo.
Nanirahan siya sa bahay ni Maximo Viola nang bumalik siya sa Barcelona, isang Filipinong
mag-aaral na malapit ng magtapos ng kursong Medisina dito.

• Pansamantala siyang nakipanirahan sa estudyo ni Juan Luna at bumalik sa Paris huling


bahagi ng Hulyo taong 1885, habang siya ay nasa kalagitnaan pa siya ng pagsusulat ng
kaniyang Nobela.

• Dito rin niya natagpuan ang isang malaking klinika na pinamamahalaan ni Dr. Louis de
Wecker, itinuturing na pinakasikat na optalmolohista ng panahon na iyon sa Europa na
pangunahing nagsulong ng kaalaman sa pagtitistis sa mata partikular sa katarata. Nagkaroon
din siya ng pagkakataong makapagtrabaho sa klinikang ito mula Oktubre 1885 hanggang
Enero 1886. Maging sa puntong ito ay dalubhas na rin sa wikang Pranses ang batang doktor.

• Taong 1886 buwan ng Pebrero, lulan ng isang tren ay nilisan niya ang Paris patungong
Alemanya. Isa sa pinaka plano ni Rizal ay marating ang sentro ng makabagong pananaliksik
sa optalmolohiya sa Alemanya, ang Universitats Augenklinik sa Heidelberg.

• Habang siya ay nasa sentro ay nakatagpo siya at nakatrabaho ang isa ring espesyalista sa
mata at popular na maninistis, bagama't hindi kasing tanyag ni Dr. De Wecker. Ito ay Dr. Otto
Becker, isang propesor sa Unibersidad de Heidelberg. Dahil dito ay naka likha siya ng isang
tulang pinamagatang, A las Flores de Heidelberg, isang obra bilang pangaral sa magandang
tanawin sa lugar.

• Reberendo Karl Ullmer, isang Protestanteng Pastor. Na kalaunan ay naging magkaibigan din
sila ng pamilya ni Rizal at ng pastor, utang din ni Rizal sa pamilya Ullmer ang pagkabihasa nito
sa wikang Aleman. Nagamit niya rito ang natutunan niya sa mga Ullmer sa pakikitungo sa
paraang payapa at malamig na pakikipagtalakayan na nagtataglay ng higit na
makapangyarihan para makakumbinsi ng tao. Na nagamit niya sa pagwawasto ng kaniyang
nobela. Isa sa nakita niyang kahinaan ng ginamit na paraan ng paglalarawan ng pangunahing
kontrabida sa kaniyang nobela-- ang mga prayle.

• Sa kaniyang pagbabalik sa Wilhelmsfeld ay nagkaroon naman siya ng problema sa


pagpapalimbag nito. Dahil ang pangunahin sanang adhkain ni Rizal dito ay para lamang sa
kababayang Filipino at hindi para kumita ng pera. Sa mga oras na ito ay hindi pa sapat ang
pera ni Rizal kung kaya't sumulat siya kay Paciano para humingi ng tulong. Nagpasya siya na
sa Leizpig na lamang magpalimbag dahilm kahit na sa mababang halaga ay mataas na rin ang
kuwalidad ng paglimbag nito dahil wala pa rin siyang nakuhang sagot sa kaniyang kapatid na
si Paciano.

PAGPAPATULOY NG MGA GAWAING PANG-AKADEMIKO AT PAKIKIPAG-UGNAYAN SA MGA


DALUBHASA AT ISKOLAR NG SINING AT AGHAM.

• Agosto 1886 nang lisanin ni Jose ang Heidelberg. Narating niya ang Berlin gabi ng unang araw
ng Nobyembre. Isa sa plano ni Rizal ang makadaupang palad ang ilan sa mga tanyag na
iskolar at manunulat dito.

• Isa sa nakadaupang-palad niya si Ferdinand Blumentritt, tatlumpu't-tatlong gulang na iskolar


ay isang guro ng heograpiya at kasaysayan sa sikat na paaralan ng Antheneum Imperial sa
Leitmeritz na nakapagtala na ng ilang bilang na pag-aaral pangkasaysayan tungkol sa
Pilipinas, maging ang mga patungkol sa katutubong lahi sa PIlipinas at kanilang diyalekta.
Tulad ng pamilyang Ullmer ay naging matalik na kaibigan ni Rizal at naging batikan sa kani-
kanilang larangan. Naputol lamang ang kanilang ugnayan at sulatan ng liham nang mamayapa
si Rizal.

• Si Blumentritt ay isang dalubhasa at may malawak na koneksyon sa mga maimpluwensyang


siyentipiko, iskolar, alagad ng sining at panitikan sa buong Europa, pinayuhan din siya na
magtungong Berlin upang mas makilala ang iba pang kinikilalang mamamayan ng Europa.

• Nanatili muna si Rizal sa Europa dahil isa ito sa lugar na may pinakamurang pamumuhay.
Habang patuloy niyang iniwawasto ang kaniyang nobela ay namasukan muna siya bilang
isang proofreader sa isang palimbagan upang kumita ng ekstrang pera.

• Noong Oktubre ay nakatanggap siya ng sulat galing sa kanyang nakatatandang kapatid na


humihiling ito na padalhan siya ng 300 pesos para maipalimbag ang kaniyang aklat. Dito ay
binalak niyang lumipat ng berlin upang doon na ipalimbag ang kaniyang nobela at nabanggit
na rin sakaniyang kuya na siya rin uuwing Pilipinas sakaling matapos na mailimbag ang
kaniyang akda.

• Habang siya ay nasa berlin ay umupa siya sa isang mumurahing silid ng halos anim na buwan.
Naranasan niyang tubig na lamang ang panawid gutom niya, patatas at singkamas na lamang
sa tanghali at sa gabi naman ay natutulog na lamang upang makaligtaan ang hapunan. Sa
kalagitnaan ng Disyembre ay huminto na rin siya sa pinapasukang klinika at maging ang
pagsasanay sa gymnasium. Dahil nga sa hirap na kaniyang dinaranas sa mga panahong ito ay
nawalan na rin siya ng pag-asang maililimbag pa ang kaniyang nobela.

• Dumating si Maximo Viola na kaniya rin namang matalik na kaibigan sa Berlin na tila naging
hulog ng langit sa kaniyang kapaskuhan ang pagdating nito ay ginamot niya ang kaniyang
kaibigan at hindi rin nagtagal ay bumalik na sa dating pangangatawan at kalusugan.

• Taong 1887, nagkaroon ng pagkakataon na makilala ni Rizal si Feudor Jagor. German


scientist, traveler, and author of travels in philippines- paboritong libro ni Rizal nang siya ay
nag-aaral pa sa Manila.

• Raisen in den Phillippinen. naisulat noong 1873 sangayon sa pag-aaral ng pagkukumpara at


pag-aanalisa ng iba't-ibang kultura na kaniyang napag-aralin na sa paglalakbay sa Silangan.
Pangunahing laman nito ang pagsalungat ni Jagor sa sinasabi ng mga prayle sa PIlipinas
tungkol sa inperyoridad at pagiging mababang uri ng lahing Filipino.

• Jagor at Rudolf Virchow, ang namagitan upanmg makasali sa samahang Berlin


Ethnographic Society at Berlin Anthropological Society si Rizal. Si Virchow naman ang
tumatayong pangulo ng Anthropological society noon.

• Sa puntong ito ay masasabing naabot na ni Rizal ang rurok ng kaniyang karera dahil sa
pagkakasali sa prestihiyosong samahan sa Berlin. Naging hinog ang karanasan na meron si
Rizal. Handa na nga si Rizal para sa gampanin niya sa bayan.

HULING PAGWAWASTO NG KANIYANG NOBELA-SI MAXIMO VIOLA BILANG TAGASAGIP NG


PAGPAPALIMBAG NITO.

• Maghahating gabi ng Pebrero 21, 1887 nang matapos miyamg iwasto sa huling pagkakataon
ang manuskrito ng Noli Me Tangere-- makalipas ang dalawa at kalahating taon. Sinamahan
naman siya ni Viola sa Berlin upang maghanap ng pinaka murang palimbagan.

• Dumating din naman si Silvestre Ubaldo, kaniyang bayaw na asawa ni Olympia dala-dala ang
hininging halagang 300 mula kay Paciano para sa pagpapalimbag ng aklat.

• Dahil sa kagipitan noong siya ay umuupa sa Berlin ay inuna niyang mabayaran ang mga ito na
nagresulta sa hindi kasapatan ng perang ipinadala sa kaniya. Bilang isang mabuting kaibigan
ay nagkusang loob si Maximo Viola na magpahiram ng salapi at ang lahat ng gastusin kay
Rizal upang maipalimbag na niya ang kaniyang nobela, sa una ay tumanggi si Rizal ngunit
kalaunan ay napapayag din ito at naging kasunduan nila na ito ay perang hiram at hindi bigay.

• Ikatatlong linggo ng Marso, naipamahagi na ni Rizal ang unang kopya ng Noli Me Tangere sa
kaniyang mga piling kaibigan lamang. 2,000 ang naunang nilimbag na sipi, na plano sanang
ikalat sa Espanya at mismong sa Pilipinas kabilang na ang ibibigay sa kasalukuyang
Gobernador-Heneral at Arsobispo ng Maynila.

• Nang naipamahagi na ang mga libro ay dumagsa ang mga papuri sa nobela niya ngunit pinaka
kinaludgan niya rito ay ang kanila Felix Ressurreccion Hidalgo-- isang kaibigan ni Rizal na
mayroong malaking ambag sa artistic tradtion ng Pilipinas, isang impressionist portrait,
landscape and religious subject painting. (Las Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho)
notable art work at Ferdinand Blumentritt.

• Kalagitnaan ng Abril, nakatanggap siya ng sulat galing kay Paciano at ibinalita niya dito na siya
ay magpapadala ng halagang 1,000 sa susunod na buwan, kasabay nito ang pagkumbinsi
sakaniyang ama na si Don Francisco sa pinaplanong pag uwi ng nakababatang kapatid sa
Pilipinas.
• Nang matanggap ni Rizal ang pera ay agad niyang binayaran ang kaniyang utang kay Viola.
Pagkagaling ng Berlin, nagtungo sa Bohemia ang dalawa bago Leitmeritz. Sa nasabing bayan
ay nagkita sina Blumentritt at may tatlong araw na nakapiling ang pamilya na naging daan
upang mas lumalim ang samahan nilang dalawa.

• Ang mga nalalabing araw nila Viola at Rizal ay ginugol nila sa pamamasyal. Nagmula sila sa
Leitmeritz, tinungo nila ang Prague bago ang Basel at Bern sa Switzerland hanggang sa
makarating sa Vienna.

• Hunyo 23, nang maghiwalay ang dalawang magkaibigan sa Switzerland. Si Viola ay pabalik ng
Espanya. Si Rizal naman ay tumuloy na sa Venice at Florence sa Italya. Pinakahuli niyang
estasyon ay Roma. Mula Italya ay sumakay siya ng tren papuntang Marseille (Pransya) at dito
ay muling sumakay ng Djemnah, ang barkong naghatid sakanya pauntang Europa, at pabalik
naman sa Pilipinas.

ANG PAGBABALIK SA LUPANG SINILANGAN

• Inabot ng higit-kumulang sa anim na taon bago muling nakabalik sa Pilipinas si Rizal.


Nagkarron ng sama ng loob ang Ama na Don Francisco sakaniyang anak dahil s apalihim na
pagtungo nito sa Europa at planong hindi tatanggapin sa bahay nila sa Calamba kung sakali
mang umuwi ito.

• Dahil nga ang nobela niya ay lumaganap na s aPIlipina sat karatig bansa ay hindi naiwasan na
magkaroon ito ng kontrobersiya. Kung kaya't sa huling sulat ni Paciano ay pinayuhan muna
siya na maghintay ng pahiwatig bago umuwi sa Pilipinas.

• Sa kabila ng mga hadlang ay determinado pa ring umuwi si Rizal sa Pilipinas dahil nais nitong
ipagpatuloy ang nasimulan niyang laban sa loob mismo ng sariling bansa. Maliban sa planong
operasyon sa kaniyang Ina, at malaman ang estado ng kaniyang nobela ay kinakailngan na rin
niyang muling makita ang kaniyang kasintahan na si Leonor Rivera.

• Gabi ng ika-5 ng Agosto, sakay ng barkong Haiphong galing Saigon dumating si Rizal sa
Manila at tumuloy ng pansamantala sahotel. Napag alaman niya na dahil sa kontrobersiya sa
kaniyang isinulat na libro ay iilan na lamang ang kopya na nakaligtas sa mahigpit na
patakaran.

• Ang mga nakaligtas na kopya sa maynila ay naipagbili sa La Gran Bretana na sa loob ng ilang
araw pa lamang ay patuloy na sa pagtaas ng presyo. Dumating na sa punto na ang isang
kopya na kabibili pa lamang ay ibinibenta bilang segunda hanggang tercera mano sa mga
sumunod na linggo, na may katapat na kaukulang pagtaas ng presyo.

• Lumipas ang ilang araw na mapagpasiyahan ni Rizal na umuwi na sa kanilang bahay sa


Calamba. Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Rizal dahil sa ilang taong hindi nakapiling
at nasilayan ang kaniyang pamilya. May mga tumutiligsa sa kaniyang Nobela kabilang ang
mga kababayan na nasa mataas na antas ng lipunan.

• Bilang isang filibustero imposibleng marapatin ng mga ito na siya ay makadaupang palad sa
anumang pagtitipon, kabilang na dito ang kaniyang pamilya. Sa kabila ng mga isipin ay naging
mainit ang pagtanggap sa kaniya ng kaniyang pamilya at ito ay naging mdamdamin ang muli
nlang pagkikita kita.

• Filibustero- kalaban ng pamahalaan at ng simbahan.

• Erehe- rebelde, kalaban ng pamahalaan at ng simbahan.

• Dahil nga sa kontrobersiya, ang naging daan ng mga prayle sa nobelang Noli ay nagpakalat
ang mga ito ng mga maling impormasyon patungkol kay Rizal. Na siya ay isang Alemanya,
Protestante, mason, at isang erehe na walang pag-asang maligtas ang kaluluwa.

• Ini-expect ni Rizal na hindi siya matutulungan ng kaniyang pamilya dahil sa alitan nila ng
kaniyang ama ngunit napaghandaan na pala ng kaniyang pamilya ang kanilang dapat gawin
kung sakaling umuwi si Rizal sa Calamba. Naging maingat at hindi muna nagpalapit o
tumanggap ng bisita ang pamilya simula nang siya ay makarating.

• Bagama't hindi natuloy ang pagtistis sa katarata ni Donya Teodora sapagkat hindi pa hinog
ang katarata nito. Sa huli. nagbukas ng klinika sa Calamba para sa kaniyang mga kababayan
si Rizal.

You might also like