Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere Buod NG Bawat Kabanata
Noli Me Tangere Buod NG Bawat Kabanata
Kabanata 1
Ang Pagtitipon
Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa
kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik
siya sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso
ng makilala nito na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na
binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating
lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si
Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito,
isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-
kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente
kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan
ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang
pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin
ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan,
inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan
Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama.
Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na
iyon.
Mga Alaala
Buod ng
Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina
nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na
ganda nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang
lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong nagsusugal,
iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong pakialam sa
buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin kapag ito ay
umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng kanyang asawa at
patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos. Naghanda ng masarap na
hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi nila madalas matikman sa
kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at sariwang
kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman
para kay Basilio, mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo. Sa kasamaang palad,
ang naunang dumating ay ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang
inihain niya para sa kanyang mga anak. Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan
nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng
dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala
na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang mga anghel.
Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata pagdating nito
mula sa simbahan. Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay
nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.
Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na siya
ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang
huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel. Sinabi rin nito sa
ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na
nangyari. Napag-alaman din ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng
dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa kanyang anak. Lingid sa
kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay ng Sakristan.
Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag-alala ng todo sa
kanyang ina ng malaman nito na dumating ang kanyang ama. Alam kasi nito ang
pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay
naisambulat nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo
na lamang. Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang
pinagdamdam ni Sisa. Para sa kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay
mamarapatin pa rin niyang magkakasama silang lahat. Nakatulugan ni Basilio ang
kanyang mga alalahanin at pagod. Binangungot ito sa kalagitnaan ng tulog sapagkat
nakita niya sa kanyang panaginip ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay
Crispin. Pinalo nila ng yantok si Crispin sa ulo hanggang ito ay duguang humandusay
sa lapag. Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at pinagtapat na lamang niya
ang pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto na sa
pagsasakristan kasama ni Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni
Ibarra, at pagsapit niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling
ng kapirasong lupa para sakahin. Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa
umunlad ang kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang
kanyang ina ay hihinto na sa pananahi. Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang
ina, lihim naman itong nasasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa
mga plano nito.
Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga
matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na
makausap ang Padre. Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre
Damaso ba or si Padre Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda
ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na
patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit
isang libong taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang
pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Sisa. May dalang
handog si Sisa para sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa
kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng
kumbento upang iayos ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga
sakristan at mga tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto.
Napag-alaman niya na maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din
siya sa nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng kanyang isa pang anak
pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa. Alam na ito ng mga gwardiya sibil at
kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang mga anak.
Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang magkapatid at higit
sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa.
Kabanata 19-Mga Suliranin ng Isang Guro
Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan
naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang
nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa
ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi
ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay
nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San
Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para sa mga
kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng
walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng
pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga
aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong
may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro
na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong
pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang
mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral
ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay
pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng
pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa
pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang
magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking
pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti
niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral.
Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa
ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit
na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang
matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong
babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.
Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-
uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na
iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o
lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng
Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo.
Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-
isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista,
at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa
bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang
ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don
Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat
may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa
plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo.
Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong
kasiya siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi.
Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang
pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat
mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga sariling
ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat
sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na
prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.
Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang
mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating
sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na
pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria
Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng
magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan.
Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay
nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil
sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si
Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni
Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng
ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang
isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.
Kabanata 24 – Sa Kagubatan
Kabanata 27 – Sa Pagtatakipsilim
Kabanata 28 – Sulatan
Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at
salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at
pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa.
Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas.
Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao
upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa
kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na
ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing
ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit
ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang
mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili
na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya
ng taga-pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang
prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay
ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga
nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan
Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.
Kabanata 30 – Sa Simbahan
Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at
nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay
pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring
David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya;
at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas sa wikang Kastila kung
kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi.
Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya
ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang
naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab,
lalo na si Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at
nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na din sa wakas ni Padre Damaso
ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra,
bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng
lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang.
Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito
upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon.
Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating oras sa
walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na
nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-
ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong
ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.
Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng
panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may
walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na
haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng
pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya
sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at
ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na
haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating
ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon,
naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin.
Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa
bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang
mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari
sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan
ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang
seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias
sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa
taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos
ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang
lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at
ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng
alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.
Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra.
Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayan ang katalinuhan
ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim na dumating si Elias
sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni
Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay
kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong dilaw na patayin si
Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita
ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad
ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napag-alaman
nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang
mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw sapagkat
marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay na sinalungat
naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw
dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa
pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay
kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa
paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan
ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.
Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap kung
kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay dumating
si Elias sa tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Ibarra na may sakit
si Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa Batangas.
Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra kung paano niya nasugpo ang kaguluhan ng
nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang magkapatid at napakiusapan niya na itigil
ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang magkapatid na gwardya sibil dahil sa kanilang
utang na loob kay Elias. Umalis na rin si Elias makalipas ang ilang sandali.
Nagmamadali naman na gumayak si Ibarra upang tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago.
Sa daan ay nasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si
Ibarra tungkol sa salapi na makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng
kanyang kapatid. Sinagot ito ng maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang araw
sapagkat siya ay patungo sa maysakit. Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit si
Ibarra. Bago pa man mawala ang pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang ito. Naiwan
si Lucas na nagpupuyos ang kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang dugong
nananalaytay sa ugat ni Ibarra at ang lolo nito na nagparusa sa kanilang ama. Maari
lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad ni
Ibarra.
Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay
walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang
inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay
walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng
tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-
inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria.
Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna pinagdiskitahan
ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago
at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si
Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para
na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan
na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na mainam nga na hindi
nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Sinalungat naman ito
ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni
Don Tiburcio. Hindi naman siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na
nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang
Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang kumpisal ang nakakabanas na si
Donya Consolacion. Wala namang naisago ang Pari kung kaya't tinagubilinan na
lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal.
Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng
gamot si Maria Clara at ininom nga nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal.
Ititigil lamang niya ang pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi.
Nalaman ni Maria kay Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging
ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si
Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito
tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria Clara. Sa
obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa sinasabi ni
Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba inaalam ang nasa isip
ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo,
namumutla, pawisan at kagat-labi.
Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don
Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang
tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa
kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng
alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya Consolacion. Ng magtama ang
kanilang paningin, sumibangot at dumura ang maybahay nang alperes na malaking
ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya Consolacion at nagkaroon ng
balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli naman ay tinungayaw
ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas ni
Donya Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si
Donya Victorina. Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat
namagitan ang kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang
kanilang away ay sadyang nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang
dalawa. Sinagot naman ng alperes ang kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang
Carliston’. Si Victorina naman ay inutusan ang kanyang asawa na hamunin ang alperes
ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil dito ay nahablot na naman ang
kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tyago ang mag-
asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan nito.
Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito na hamunin ang
alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi
naman malaman ni Linares ang kanyang gagawin. Habang humihingi ng paumanhin
ang binata sa Donya ay siya namang dumating ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng
Donya at nagdadaldal tungkol sa nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at
sinabing kung hindi ito gagawin ng binata ay marapat lamang na walang kasalang
magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara sa isang duwag. Nagpahatid naman
sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula sa Donya. Madilim na ng umalis ang mag-
asawang Tiburcio at Donya Victorina, dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni
Kapitan Tyago sa panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi
matahimik sa gipit nitong sitwasyon
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya,
kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni
Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap.
Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang
naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na
napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang
pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang
sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga
tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng
makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga
kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang
pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng
mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng
mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang
pantao.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala
satinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang
gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag
ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng
bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti.
Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi
ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng
mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot,
paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang
guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano
raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay
patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa
bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil
lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang
mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas
na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil
sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na
hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang
pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob
na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at
patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan.
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay
kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay
isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa
at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang
tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog.
Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay
ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng
daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na
sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng
kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit
hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping
pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae.
Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng
asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat
dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta
ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa
puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat.
Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa
nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay
ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang
angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang
ugali.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-
ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang
lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang
ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang
ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias ay nag-
aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia.
Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila
namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kaya’t umuwi silang magkapatid upang
asikasuhin ang kanilang kabuhayan.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang
ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t
sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang
bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito
ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga
ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito
natapos ang salaysay ni Elias.
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes
subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si
Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng
Donya.
Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang
tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra
kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan
ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero
anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari.
Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at
alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na
naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni
Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama
sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng
ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na
kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay
magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang
mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.
Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino
na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga
dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw
na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang
bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon
palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan
nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang
makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay
umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may
pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao
lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi
kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.
Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan
nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi
mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan
ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon
sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong
ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya
ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay
patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan
ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San Francisco,
may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang
narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito,
binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong
Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade
ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat
naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng
digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni
Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20
na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag
naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga
kabataan sa Europa ay nadadma na rin .
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong
humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng
bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang
asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng
alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari
na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-
aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng
isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang
kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila
ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na
nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng
mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang
mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang
paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin
sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa
tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo
nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra
ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si
Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay
Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay
mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa
bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib
kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din.
Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at
Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata, mabilis. Napadaan siya sa
hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang
tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang
mga nahuling lumusob.
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra.
Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan,
ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat
ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang
damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang
mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang
nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa
bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at
baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa
bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at
isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga
mga gas at saka sinilaban.
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni
isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang
buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at
inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas
ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw
ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap,
lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang
mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa
kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni
Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang
dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan
sa tulong ng mga sibil.
Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa
tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa
magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbaha’y nais
niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi.
Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman
ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.
Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang
sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang
alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot. Bago
mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina
Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan ang
salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam
si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si
Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo
ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay
umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na
asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong
walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang
alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong
katawan nito.
Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang
isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay
Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang
pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura
ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang
isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal,
humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga
nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang
alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata.
Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang
makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa
isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok
ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa
takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo
ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento,
kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad.
Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang
palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng
kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay
nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa
kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad
umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan
ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas
upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at
walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa
bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na
nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay
kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat
ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka
ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa
kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon,
mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang
may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng
mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil
sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat
ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni
Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa
kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan
kaibigan at magandang kinabuhasan.
Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod
na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong
kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi.
Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kanyang
bahay.
Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga
heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa
Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng
kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si kapitana
Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di
umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay
haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa
mga manghihimagsik.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga
mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang ibang
nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng
di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang
ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas
at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na maaaring
makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa
kanyang mga kasulatan.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga
paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol
sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may
bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay
magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si
Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin
na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang
katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban.
Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng
Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni
Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at
sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at
pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan.
At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng
bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong
dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra.
Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang
damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan.
Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong
talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa
dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra
lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan,
lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at
yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay
ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng
balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa
pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi
nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa
kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng
kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga
bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang
mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung
saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan
niya ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias
kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa
bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni
Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay
nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias.
Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang
akalaing siya ay taga-Peñafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at
ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra.
Nakalabas na sila sa ilog-Pasig
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang
palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito
ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong
patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila.
Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na
napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang
sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na
lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon
sabay sikad sa bangka.
Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias.
Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias
pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang,
nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay
umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng
baybayin ng pampang.
Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag.
Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o
pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya
dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng
kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na
ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang
bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.