Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 43

Sua Elementary School

SY 2023-2024
4th Quarter

Klaster
Balik-aral
ay
aw
oy
iw
ay
Mga Layunin

1. natutukoy ang mga salitang may klaster,


2. naipapaliwanag ang kahalagahan ng tamang
pagpapantig at pagbasa ng mga salitang may
klaster, at
3. nakapagbibigay ng halimbawa ng mga salitang
may klaster.
Ang Batang si Markus
ni Loreta Bermudo

Si Markus ay pitong taong gulang. Mahilig siyang


gumuhit at maglaro. Gamit ang kanyang krayola
sa pagkukulay sa mga ginuhit niya. Trak, tren at
trumpo naman ang hilig niyang paglaruan.

Nag-aaral si Markus ng mabuti kaya matataas na


grado ang kanyang nakukuha. Siya rin ay
kumakain ng gulay, prutas at umiinom ng gatas
upang siya ay lumakas.
Mga Gabay na tanong

1. Sino ang tauhan sa kuwento?


2. Tungkol saan ang binasa mong kuwento?
3. Ano-anong mga salita ang may salungguhit sa
kuwentong iyong binasa?
4. Ano ang iyong napansin sa mga salitang may
salungguhit?
5. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
KLaster

Ang klaster o kambal-katinig ay ang mga


salitang mayroong magkadikit na dalawang
magkaibang katinig na matatagpuan sa
isang pantig na salita.

Halimbawa: br, bl, dr, kr, pl, gl, kw, dy, ts, pr
KLaster

Ang klaster o kambal-katinig ay maaaring


matagpuan sa unahan, gitna, o hulihan ng
salita.
Mga Salitang nasa Unahan ang Klaster

Blangko Plantsa
Prinsesa Tropeo
Tsokolate Globo
Dyaryo Klase
Krayola Dragon
Mga Salitang nasa gitna ang Klaster

Eskwela Tigre
Sobre Kontrata
Imprenta Eroplano
Mga Salitang nasa Hulihan ang Klaster

Tsart Keyk
Rekord Tayp
Klerk Alambre
Tukuyin mo
Panuto: Tukuyin ang klaster o kambal-katinig sa salita.

Dyip
Panuto: Tukuyin ang klaster o kambal-katinig sa salita.

Dyip
Sumbrero
Sumbrero
Nars
Nars
Gripo
Gripo
Biskwit
Biskwit
Magbigay ka
Panuto: Magbigay ng mga salitang may klaster at tukuyin ang mga kambal-
katinig sa salita.

Salita Klaster
Ang Kapangyarihan ng paggamit
ng Klaster

Isang matapang na mandirigma si Kiko ngunit siya ay may


problema sa tamang paggamit ng klaster. Humiling si Kiko sa
hari na turuan siya. Tinanggap naman ito agad ng hari. at
nagkaroon sila ng mga leksyon araw-araw.

Sa bawat araw, inaaral ni Kiko ang mga salitang may klaster.


Isang araw, sumapit ang malaking bagyo sa kaharian. Lubos na
nasira ang mga tahanan at gusali. Sa pag-aalala ni Kiko, itinayo
niya ang isang munting palengke at ipinamahagi ang mga
prutas, biskwit, tsinelas, blusa, at iba pang pangangailangan ng
mga tao.
Mga Gabay na tanong

1. Sino ang tauhan sa kuwento?


2. Tungkol saan ang iyong binasa?
3. Paano ginamit ni Kiko ang kanyang kaalaman sa klaster upang
makatulong sa mga tao?
4. Ano-ano ang mga halimbawa ng klaster ang nabanggit sa
kuwento?
5. Ano ang kahalagahan ng mga salitang may klaster sa kuwento?
6. Bilang mag-aaral, paano mo gagamitin ang iyong natutuhan
tungkol sa mga salitang may klaster?
Paglalahat

1. Ano ang klaster?


2. Paano natutukoy ang mga salitang may klaster o
kambal-katinig?
3. Saan maaaring matagpuan ang mga ito?
4. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga salitang may
klaster o kambal-katinig?
5. Bakit mahalaga na maunawaan natin ang mga
salitang may klaster o kambal-katinig?
Ebalwasyon

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang guhit sa unahan ng bilang


kung ang salita ay may kambal-katinig at ekis (x) kung
wala.

1. madre
2. klase
3. sisiw
4.klima
5. apoy
Takdang aralin

Bumuo ng tatlong pangungusap na may


salitang klaster o kambal-katinig at
bilugan ang mga salitang ito sa bawat
pangungusap.
Sua Elementary School
SY 2023-2024
4th Quarter

Klaster

You might also like