Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANUKALANG PAGPAPAGAWA NG ISANG WASTO AT MAAYOS NA TERMINAL

NG SAKAYAN AT BABAAN NG MGA ESTUDYANTE

Mula kina: Ampaña, Vea Vianca Louisse A.


Cabungcal, Gabriel B.
Mejia, Angel Dave D.
Barangay, Palasinan
Ika – 18 ng Oktubre, 2023
Haba ng Panahong Gugulin: 2 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang transportasyon ay isang mahalagang aspeto sa pang araw – araw
na buhay ng mga estudyante. Ito ang nagbibigay sa kanila ng paraan upang
makarating sa paaralan ng Cabiao Senior High School nang maayos at ligtas.
Isa sa mga suliranin ng paaralan ng Cabiao Senior High School ang
hindi wasto at maayos na terminal para sa mga sasakyang papasok at
palabas ng paaralan ng Cabiao Senior High School. Ito ay nagdudulot ng
kaguluhang nagiging sanhi ng trapiko sa pagdating at pag – alis ng mga
sasakyan.
Dahil dito, nangangailangan ang paaralan ng Cabiao Senior High
School nang wasto at maayos na terminal ng sakayan at babaan ng mga
estudyante na nasa dalawampu (20) metro ang haba at nasa apat (4) na
metro ang lapad.
Kailangang maisagawa ang proyektong ito nang mabilisan para sa
kapakanan ng estudyante at gayon din ang mga traysikel drayber.

II. Layunin
Makapagpapagawa ng wasto at maayos na terminal ng sakayan at
babaan ng mga estudyante upang maiwasan ang kaguluhan na nagiging
sanhi ng trapiko sa pagdating at pag – alis ng mga sasakyan.

III. Plano na Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag – aaproba, at paglabas ng badyet. (2 linggo)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mangongontrata sa pagpapagawa
ng terminal ng sakayan at babaan ng mga estudyante. (1 linggo)
3. Pagpupulong ng mga namumuno ng paaralan ng Cabiao Senior High
School tungkol sa pagpili ng contractor ng gagawa sa proyekto. (1
araw)
4. Aktuwal na pagpapatayo ng terminal ng sakayan at babaan ng mga
estudyante sa ilalim ng pamamahala ng mga namumuno ng paaralan
ng Cabiao Senior High School. (1 buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng terminal. (1 araw)

IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
Halaga ng pagpapagawa ng terminal
ng sakayan at babaan ng mga
estudyante Php. 50, 000
(kasama na rito ang lahat ng
materyales at suweldo ng mga
trabahador).
Gastusin para sa pagpapasinaya at
pagbabasbas nito Php. 10, 000
Kabuuang Halaga Php. 60, 000

V. Kapakinabangan ng Proyekto
Ang pagpapagawa ng wasto at maayos na terminal ng sakayan at
babaan sa paaralan ng Cabiao Senior High School ay magiging kapaki –
pakinabang sa mga estudyante na nag – aaral dito. Ang kaguluhan na dulot
ng pagdating at pag – alis ng mga sasakyan ay nagiging sanhi ng trapiko.
Maiiwasan din ang maaaring pagkahuli ng pagpasok sa klase ng mga
estudyante dulot ng trapiko.
Higit sa lahat magkakaroon ng wasto at maayos na terminal ang mga
traysikel drayber at magkakaroon ng magandang daloy ang mga sasakyan sa
kalsada sa araw – araw.

You might also like