Boud

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG BUOD NG

MAIKLING KWENTO
“ANG KALUPI”
Linggo ng umaga ang bumungad sa gising ni Aling Marta. Para sa kanya ay hindi
lamang ito isang ordinaryong araw dahil ang kanyang unica hija ay magtatapos sa
mataas na antas ng pag aaral. Napag-isipan ni aling Marta na magluto ng masarap na
tanghalian. Agad na pumunta si aling Marta sa palengke upang bumili ng mga sangkap
ng kanyang lulutuin. Habang abala sa paglalakad ay nabunggo siya ng isang gusgusing
bata at natamaan ng siko ang kanyang dibdib, pinagalitan ni aling Marta ang bata at
agad na dumiretso sa kanyang bibilhan. Nang aktong magbabayad na si aling Marta ay
para siyang tinakasan ng kulay nang hindi niya maramdaman ang kanyang pitaka.
Agad na sumagi sa isip ni aling Marta ang batang kanyang nakabangga kaya hinabol
niya ito at naabutan. Pinagalitan ni aling Marta ang bata at pilit na pinaamin kung saan
nito nilagay ang kanyang pitaka. Todo tanggi naman ang bata na wala sa kanya ang
pitakang sinasabi ng ale. Tumawag si aling Marta ng pulis at ang pulis ang kumausap
sa bata. Nainip si aling Marta sa pagtatanong ng pulis dahil anong oras na at kailangan
na niyang makahain. Sa pag-alis sandili ng pulis ay agad niyang sinaktan ang bata
upang umamin. Nakaramdam ng sakit ang bata dahil sa kagagawan ni aling Marta
kaya nang makakuha siya ng panahon na makatakas sa kamay ng ale ay agad itong
kumaripas ng takbo at hindi namalayan ang padarating na tsuper. Nabangga ang bata
at duguan itong nakahandusay sa kalsada. Nagimbal si aling Marta nang makita ito at
sa kahuli hulihang hininga ng bata ay sinabi nito ang mga katagang “Kahit kapkapan
niyo ako ay wala kayong makukuha sa akin. Hindi ko dinukot ang pitaka ninyo.”
Habang nakatitig ang mga mata kay aling Martha.
Dahil sa nangyari ay hindi malaman ng ale ang kanyang gagawin. Natakot siya na baka
managot siya sa kinahihinatnan ng bata kaya tinanong niya ang kasamang pulis at
sinabing wala siyang pananagutan sa nangyari. Umalis kaagad si aling Marta ng
marinig iyon at nakuha pang isisi sa bata ang lahat pati na ang kanilang uulamin.
Nangutang si aleng Marta sa kakilala upang makauwi man lang ng kahit ano na
kanilang makakain. Habang naglalakad ay natanaw niya ang kanyang dalaga na
naghihintay sa labas at ito’y nabigla ng makita siyang may dalang supot ng mga
sangkap at tinanong kung saan ba siya kumuha ng pera. Sinagot naman ito ni aling
Martha na sa pitaka niya. Pero nang lumabas ang kanyang asawa at sinabing naiwan
niya ang kanyang pitaka ay nanlamig si aling Marta nang marinig niya ang sinabi ng
kanyang asawa. Unti-unti ay nawalan ng lakas si aling Marta at nahimatay ngunit, bago
mawalan ng ulirat ay paulit-ulit na nagtatanong sa kanyang isipan “ Bakit?...bakit?..”

You might also like