Poong Maykapal para sa bawat nilalang dito sa sanlibutan. Dapat natin itong ingatan at mahalin. Ito ang mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa kapakanan ng sumusunod na henerasyon. Ang mga bagay na makikita natin sa ating kapaligiran ay nagbibigay saya, kulay at buhay sa ating lahat. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Panatilihing malinis ang ating paligid dahil dito nakasalalay ang ating kalusugan. Ang lahat ng ating pagsisikap ay magkaroon ng katuturan kung ito ay ating isasapuso. Pagsisikap at determinasyon ang kailangan natin upang magkaroon ng katuparan ang lahat.Kapag hindi natin alagaan ang ating kapaligiran,ito ay magbubunga ng masamang epekto tulad ng pagkakaroon ng baha, landslide at polusyon. Sa halip na ating sirain ang kalikasan ay tutulong tayo sa paglilinis, pagbabawas ng basura,pagtitipid ng tubig at kuryente, ayusin ang mga sirang sasakyan o di kaya'y maglalakad kung malapit lang at pagiiwas sa mga gawain na makakadagdag ng butas sa ozone layer. Gamitin ang 5Rs at magtipid ng kuryente. Dapat isipin rin natin ang iba bago ang sarili. Kung tayo ay magtutulongan mas mabilis na ma-resolba ang lahat ng mga problema. Magdasal tayo sa Diyos at humingi ng tulong upang tayo ay magabayan sa lahat ng ating gagawin. Bawat lugar na maaring taniman ng punong-kahoy at halaman ay tamnan. Buhayin natin ang kagubatan upang ang kalikasan ay mabuhay at ang inang mundo ay maging masigla muli.Ang kaunlaran ay makamkamtan kung ang kalikasa'y napapangalagaan. Kapit-kamay nating iligtas ang kapaligiran!
Isang Pagsusuri: Diskurso NG Kakulangan Sa Suplay NG Tubig Bilang Pisyolohikal Na Pangangailangan NG Tao Gamit Ang Teorya at Hiyarkiya NG Pangangailangan Ni Abraham Maslow