Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Welcoming Remarks

Bago ang lahat, nais kong ipabatid ang aking pasasalamat sa lahat ng mga nakibahagi upang
maging possible ang pagdiriwang na ito. Sa board of directors, Ginang Corazon Recentes, Ginang
Rose Vidallon, Ginang Solmerita Suarez, Ginoong Rene Recentes, at Ginoong Roberto Suarez. Sa
aming masisipag at masagana na management at staff. Sa lahat ng mga kaibigan at mga kasosyo
na piniling makilahok bilang suppliers ngayong araw. At higit sa lahat, sa mga mag-pares na
ikakasal sa nalalapit na panahon. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Naging
possible lamang ang pagdiriwang na ito buhat ng inyong pagdalo ngayong araw.

Ang pangalan ng Montvida ay nanggaling sa mga apelyido ng aming mga ginang noong
pagkadalaga. Montanez-Vidallon-Arpilleda. MONTVIDA. Ngunit, ang Montvida ay isa ring
maligasgas na pagsasalin ng salitang prances na mon o “ako” at salitang respanyol na vida na
“buhay” na bubuo sa parirala na “buhay ko” o “My life”.

Bilang events place, ang kahulugan na ito ay para bang tadhana o very fitting sapagkat gusto
naming mabilang, o maging bahagi sa isa sa pinakamasaya na araw buhay niyo, na maging
bahagi sa isa sa pinakamatamis na ala-ala Ninyo, at maging simbolo ng isang matibay na batong
panulok sa simula ng pormal na pagsasama sa habang-buhay ng magkasintahan.

Kaya, ngayong araw, inihanda namin ang “flavors from the border”, isang grand food tasting na
para sa mga couple upang makatulong sa pagbuo ng kanilang wedding day. Kami po ay nag
imbita ng mga dalub-tagapag-ayos o coordinators, hosts, mga dalub-kosmetiko o makeup
artists, in house catering at grazing table services, wedding cake, lights and sounds, Photo at
video, mobile bar, bridal gown, at event styling. Sa mga couples, nawa’y mapili niyo kami at ang
aming mga naihanda na mga serbisyo para sa inyo ngayong araw. Maraming salamat po, at
magandang araw sa ating lahat!

You might also like