Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paranaque

ARALING PANLIPUNAN 7
Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Linggo

PAGLAYA AT IDEOLOHIYA NG MGA BANSA SA


SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA

Mga Kasanayang Pampagkatuto


• Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaidig sa
kasaysayan ng mga bansang Asyano
• Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng
nasyonalismo at kilusang nasyonalista

Layunin
Matapos ang araling ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa
mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
2. Nasusuri ang mga ideolohiya na ginamit ng mga Asyano sa pagtatag ng
bansa
3. Natataya ang kaalaman ukol mga paksang karansan, paglaya, pagtatag ng
bansa at ideolohiyang ginamit ng mga bansang Asyano
4. Nailalarawan ang mga karanasan ng mga Asyano noong Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

Balikan Natin
Panuto: Tukuyin ang bansang pinagmulan ng mga sumusunod na pinuno.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

1. Sun Yat-Sen A. Japan


2.Emperador Mutsuhito B. Vietnam
3.Ho Chi Minh C. China

Unawain Natin
Basahin at Isa-isip!

Upang mas lalong maunawaan ang teksto sa araling ito, marapat na basahin
at isa-isip ang mga mahahalagang konsepto.

Balance of power – ang paghahati ng kapangyarihan sa mga bansa upang walang estado
ang maghari/maging mas makapangyarihan sa iba pang estado
Ideolohiya – Ang ideolohiya ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Galing ito sa salitang ideya
o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

Demokrasya – Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa


demokrasya ay maaaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran.

Komunismo - Ang komunismo ay naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas


o pag-uuri-uri (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng
lipunan. (Projet EASE Mga Ideolohiyang Lumaganap sa Daigdig. n.d)

I. Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya

A. Paglaya ng China
• Sa pagnanais ng Japan na na mapanatili ang kapangyarihan sa China, nagsagawa ito
ng mga pag-atake sa China.
1. Manchuria Incident – Paglusob ng Japan sa Manchuria noong Setyembre 1931
2. Rape of Nanking – Paglusob ng Japan sa kapitolyo ng pamahalaang Tsino (Nanking)
noong Hulyo, 1937

Sa paglaon ay tuluyan nang nasakop ng Japan ang kabuuan ng China. Upang


mapalaganap ang kapangyarihan ay nakipag-alyansa ito sa Germany at Italy noong
Setyembre 1940. Lumagda sa kasunduan na Tripartate Act at tinawag ang kanilang alyansa
na Axis Powers. Tuluyang sumali ang Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang nilusob
nito ang Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 8, 1941.

• Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig:


1. Natalo ang Japan
2. Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng pangkat ng mga Komunista (Mao Zedong) at
Nasyonalista (Chiang Kai Shek)
3. Nagtagumpay ang mga Komunista - nagdeklara ng pagiging Republika ng China
noong Oktubre 1, 1949
4. Ang mga Nasyonalista ay tumungo sa Formosa (Taiwan) at doon nagtatag ng People’s
Republic of China noong Oktubre 1,1949 sa Formosa (Taiwan).

B. Paglaya at Paghahati ng Korea


• Ang Korea ay sakop ng Japan sa loob ng 35 taon
• Natalo ang Japan noong WWII na nagresulta ng paglaya ng Korea sa Japan
• Sa paglaya ng Korea ay nahati ang bansa sa dalawa dahil sa magkaibang ideolohiya
1. Komunismo - Hilagang Korea na sinuportahan ng Unyong Sobyet
2. Demokrasya - Timog Korea na sinuportahan ng Estados Unidos
• Pinangunahan ang pagtatag ng dalawang Korea nina Syngman Rhee (Timog Korean)
at Kim Il Sung (Hilagang Korea)
• 38th parallel – tawag sa linyang naghahati sa Hilaga at Timog Korea

II. Paglaya ng mga Bansa Timog-Silangang Asya

A. Paglaya at Pag-iisa ng Vietnam


• Lumaya mula sa pananakop ng mga Pranses noong Setyembre 02,1945
• Matapos ang WWII ay nahati ang Vietnam sa dalawa
• 17th parallel – tawag sa guhit na naghati sa Vietnam sa dalawa
1. Hilagang Vietnam – suportado ng Unyong Sobyet, kumiling sa ideolohiyang
komunismo sa pangunguna ni Ho Chih Minh

2
2. Timog Vietnam – suportado ng Estados Unidos, kumiling sa ideolohiyang
demokratiko sa pangunguna ni Ngo Ding Diem
• Vietnam War – Mahaba, mahal at mapaghating hidwaan sa pagitan ng Hilagang
Vietnam at Timog Vietnam at ang kaalyado bansa ng Estados Unitos (“Vietnam
War,”2009)
• Nilagdaan ni Pangulong Richard Nixon ang Paris Peace Accords na
nagsasaad ng direktang pagputol ng Estados Unidos sa pagkakasangkot sa
Vietnam War (“Vietnam War Timeline,” 2009)
• Nanalo ang Hilagang Vietnam, naganap ang pag-iisa ng Vietnam noong Hulyo 02,
1976 sa pangunguna Tôn Đức Thắng

B. Paglaya ng Pilipinas
• Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1902)
1. Benevolent Assimilation
A. Ipinahayag ni Pangulong William Mckinley noong December 21, 1898
B. Nagsasaad na kokontrolin at huhubugin ang pamahalaan ng PIlipinas
upang mapalawig ang kapangyarihan ng Estados Unidos sa Pilipinas
2. Sumailalim sa kapangyarihan ng Estados Unidos sa loob ng 37 taon
3. Manuel L. Quezon – commonwealth president of the Philippines
• Sinakop ng Japan noong May 8, 1942 hanggang July 5, 1945
• July 4, 1946 – ganap na lumaya at naitatag ang Ikatlong Republika ng Pilipinas sa
pangunguna ni Manuel L. Roxas bilang presidente

Iba-iba ang naging tugon ng pagtatag ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang


Asya.

Ang pagkakaroon ng dalawang Tsina ay resulta ng tagumpay ng komunismo sa Tsina at


ang pag-atras ng Partido Kuomintang sa Formosa (Taiwan). Ang paghahati ng Korea at
Vietnam ay bunga ng nagaganap na hidwaan sa ideolohiya na pinalalaganap ng Estados
Unidos (demokrasya) at Unyong Sobyet (komunismo). Sa kabilang banda ang Pilipinas ay
nagtatag ng Ikatlong Republika. sa kabila ng kalayaan, nanatiling nakikibaka ang bansa sa
impluwensiya ng mga dayuhan hanggang sa kasalukuyan.

Sa pangkalahatan ang digmaan ay nagdulot ng malaking pagbabago sa mga pamumuhay


ng mga Asyano. Lumaya at nakapagtatag ng pamahalaan ang mga bansang sakop mga
kanluranin. Malaki rin ang gampanin ng ideolohiya sa pagtatag ng mga bansa. Ang ilan ay
nahati at ang iba ay muling nabuo. Muling nakabangon ang Japan, muli naging
makapangyarihan ang bansang ito, kasama ang Tsina.

Ilapat Natin
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng konsepto ang mga sumusunod na
pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

A. Demokrasya B. Komunismo C. Nasyonalismo

1. Bumoto si Noe noong nakaraang halalan sa Baranggay Tambo.

2. Nilabanan ng mga HUKBALAHAP ang mga Hapones para sa Kalayaan ng bansa.

3. Naniniwala si Crizza na dapat walang pribadong pag-aari ang mga mamayan,


marapat na pantay-pantay ang turingan ng bawat isa.

3
Suriin Natin
Panuto: Suriin ang daloy ng mga pangyayari sa bawat bilang. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

Chiang Kai Shek China Japan Timog Vietnam

1. Ikalawang Natalo ang


Unang Digmaan Lumakas ang
Digmaang
Pandaigdig Japan
Pandaigdig _______

Naglaban ang Partido Natalo ang Partido ni Umatras ang Partido ni


nina Mao Zedong at Chiang Kai Shek at
2. nagtatag ng PRC sa
Chiang Kai Shek ________________ Formosa

Nahati sa 2 ang Nagkaroon ng


Lumaya sa Digmaan sa pagitan
Vietnam ng Hilagang Vietnam Muling napag-
3. pananakop ng
matapos ang isa ang Vietnam
at
France
WWII ________________

Tayain Natin
Panuto: Tukuyin ang titik ng pinakawastong sagot. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa kamalayan na may pagpapahalaga sa


pagiging kabilang sa isang nasyon na may iisang lahi, kasaysayan, kultura at wika?

A. Demokrasya B. ideolohiya C. komunismo D.nasyonalismo

2. Ano ang tawag sa isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong
magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito

A. Demokrasya B. ideolohiya C. komunismo D.nasyonalismo

3. Bakit sinabing nabago ang balance of power sa Asya na itinuturing na malaking


implikasyon ng Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Naging mas makapangyarihan ang ilang bansa sa Europa.


B. Pinaghati-hatian ang mga kolonya na nasa ilalim ng Central Powers.
C. Napag-iwanan ang mga bansa sa Asya tulad ng Japan sa aspektong pang-
ekonomiko.
D. Higit na naging makapangyarihan ang bansang Japan dahilan upang magkaroon ito
ng kakayahan na manakop ng mga karatig bansa sa Asya.

4. Paano nakaapekto ang komunismo sa Tsina?

A. Pinalitan si Sun Yat Sen ni Chiang Kai Shek sa pamamahala.


B. Tinulungan ng Tsina ang Hilagang Korea laban sa Timog Korea.

4
C. Umatras ang Partido Kuomintang sa Formosa (Taiwan) at doon nagtatag ng
pamahalaan.
D. Pumasok ang impluwensiya ng mga dayuhan na nagresulta ng pagkaroon ng tatlong
uri ng nasyonaslimo sa bansa.

5. Bakit sinuportahan ng Estados Unidos ang Timog Korea at Timog Vietnam sa


digmaang naganap sa bansa nito?

A. Dahil kalaban nito ang Unyong Sobyet


B. Malaki ang pakinabang nito kapag may digmaan sa Asya
C. Dahil ayaw nitong lumawak ang kapangyarihan ng Vietnam
D. Nababahala ito sa banta ng paglaganap ng ideolohiyang komunismo sa Asya

Likhain Natin DIGMAANG PANDAIGDIG

Layunin (Goal) Makalikha ng isang Film Strip tungkol sa mga


epektong panlipunan matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas
Gampanin (Role) Isang photographer
Mga manunuod Kamag-aral mula sa ika-pitong baitang, guro, at
(Audience) mga miyembro ng pamilya
Sitwasyon Sa pamamagitan ng film strip madaragdagan ang
(Situation) kaalaman sa epektong panlipunan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas
Produkto Film Strip tungkol sa mga epektong panlipunan
(Product) matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
Pilipinas
Pamantayan Pagsunod sa panuto sa paggawa ng Film Strip at
(Standards) paggamit ng rubrik sa pagmamarka

Mga hakbang sa paggawa ng Film Strip:


1. Magsaliksik ukol sa mga epektong panlipunan matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa Pilipinas
2. Maaaring gumamit ng mga editing apps tulad ng Canva, Photoshop etc. Sakaling
limitado ang kakayahan sa paggamit ng mga apps na ito ay maaaring iguhit ang
larawan na nagpapakita ng mga pangyayaring napili ukol sa mga epektong panlipunan
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas
3. Hatiin sa tatlong bahagi - iguhit ang tatlong larawan ng pahalang (landscape) sa isang
short bond paper
a. Lagyan ng title ang film strip at caption
4. Gawing gabay ang rubrik sa paglikha ng Film Strip.
5. Kapag natapos ang gawain ay kuhanan ng larawan at ipadala ang file sa FB
messenger ng iyong guro. Maari ring ipadala ang gawa sa paaralan..

Pic #1 Pic #2 Pic #3

5
Pamantayan 10 8 5 Puntos
Nilalaman Naipakita ang Naipakita ang Naipakita ang
kaugnayan ng Film kaugnyan ng Film kaugnyan ng Film
Strip sa 3 o higit Strip sa 2 konsepto Strip sa 1 konsepto
pang konsepto na na tinalakay sa Una na tinalakay sa Una
tinalakay sa Una at Ikalawang at Ikalawang
at Ikalawang Digmaang Digmaang
Digmaang Pandaigdig Pandaigdig
Pandaigdig
Pagkamalikhain Gumamit ng Katamtaman ng Hindi gaanong
magandang kombinasyon ng maganda ang
kombinasyon ng kulay at hindi kombinasyon ng
kulay, at eksakto gaanong kita ang kulay, at hindi
ang guhit ng kaugnayan ng mga makita ang
mgalarawan sa guhit na larawan sa kaugnayan ng mga
paksa paksa guhit na larawan sa
paksa
Presentasyon Malinaw ang May ilang hindi ‘Di gaanong
pagkaguhit ng malinaw ang malinaw ang
larawan. pagkaguhit ng pagkaguhit ng
Malinis at maayos larawan. larawan.
ang kabuuang Malinis at maayos May karumihan at
presentasyon ang kabuuang lukot ang kabuuang
presentasyon presentasyon

You might also like