Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paranaque

ARALING PANLIPUNAN 7
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at


Timog-Silangang Asya

Mga Kasanayang Pampagkatuto (Essential Competencies)


-Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismong mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
pagdating nila sa Silangan at Timog Silangang Asya (AP7KISIVA-1.1)
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong
kasanayan:
1. Nasusuri ang mga dahilan ng pagpasok ng mga Kanlurang bansa sa
Silanganat Timog Silangang Asya
2. Nakagagawa ng isang poster tungkol sa pananakop ng tungkol sa pananakop ng mga
Europeo saSilangan at Timog-Silangang Asya

Balikan Natin
Panuto: Isulat sa patlang ang TA kung ang kotribusyon ay mula sa Timog Asya at KA kung
Kanlurang Asya.

1. Taj Mahal sa India

2. Mecca sa Saudi Arabia

3. Arabian Nights ng Iran

Unawain Natin: Basahin ang Teksto


Pagdating ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya
- Silangang Asya
Ang mga taga Silangang Asya ay may matagal ng ugnayan sa mga Kanluranin o mga
Europeodahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan.
Kahit ang China ay nagpatupad ng paghihiwalay nito sa mga bansa sa
mundo ;(isolationism)dahil sa mataas na pagtingin nito sa kanyang kultura, hindi pa din
siya nakaligtas sa pananakop ng mga bansang kanlurain. Nang makapasok ang England
sa China pumayag ang emperador nito na
magpasok ng produktong opyo isang halamang gamot na kapag inabuso ay makasasama sa
kalusugan.Dahil sa hindi naging magandang epekto nito sa mga Tsino ay ipinagbawal na ang
pagpasok nito na nagdulot ng mga Digmaang Opyo at ng pagkatalo ng China sa England at
gayun din sa France na kumampi sa England na nagdulot ng panghihimasok ng mga ito sa
kanilang mga patakarang pulitikal.
Ang Japan naman ay hindi din nakaligtas sa mga kanluranin, napilitan silang magbukas
ng kanilang mga daungan sa pangunguna ng United States ng ipinadala si Comodore
MatthewPerry upang hilinging buksan ang mga daungan nito. Dahil sa nakitang malakas
na puwersang
dala ng United States, walang nagawa ang Japan kundi buksan ang kanilang mga daungan.
Sinamantalanaman ng England, France, Germany, Russia at Netherlands ang pagpasok dito.

Timog-Silangang Asya

Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay madaling nasakop ng mga Kanluranin.


Ang Pilipinas ay kaisa-isang bansa sa Asya na nasakop ng Spain. Ito ay unang natagpuan ni
FerdinandMagellan isang Portuges na manlalayag na naglingkod sa hari ng Spain ng sila ay
napadpad sa pulo ng Homonhon sa Samar, naging maganda ang pakikitungo ng mga
katutubong Pilipino at ang kanilang mgapinuno sa mga dayuhan. Nagsagawa sina Magellan ng
misa sa Limasawa at binyagan sa Cebu upang lubusang maipalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo.
Ngunit siya’y napatay at ang ilan niyang mga kasamahan ng mga tauhan ng pinuno
ng Mactan na si Lapu Lapu sa labanan na naganap dito. Ngunit hindi doon natapos sa
kanilang pagkatalo ang naisin ng Spain na sakupin ng Pilipinas kayat nagpadala uli ng
mga ekspedisyon ang hari nito upang masakop ang bansa. Ang ekspedisyon ni Miguel
Lopez de Legaspi ang nagtagumpaysa pananakop sa Pilipinas at nagtatag ng
pamahalaan at mga patakaaran sa bansa.

Ang Indonesia ay nasakop ng mga bansang Portugal, Netherlands at England. Ang bansang ito
ay mayaman sa mga pampalasa na matatagpuan sa isa sa kanilang pulo na Moluccas o kilala
sa tawagna Spice Island. Ang mga Dutch ng bansang Netherlands ay nagtayo ng
kompanyang Dutch East IndiaCompany sa Indonesia para sa pakikipagkalakalan. Ginamit nila
ang divide and rule policy (pinag- aaway-away ang mga lokal na pinuno) upang masakop ang
Indonesia.

Ang Malaysia ay nasakop naman ng Portugal, Netherlands, at England. Ang bansang


ito ay kilala sa malawak na plantasyon ng goma (rubber) at lata (tin) na siyang pinagkakitaan ng
mgaIngles.

Kilala ang Singapore sa tawag na Singapura na galing sa salitang Malay na ibig


sabihinay Lion City dahil dati itong bahagi ng Malaysia ngunit nasakop ng England.

Burma ang dating pangalan ng Myanmar na hindi nakaligtas sa pananakop ng England.


Nagkaroonng mga Digmaang Anglo-Burmese dahil sa pagtutol ng mga Burmese sa mga
patakaran ng mga Ingles. Nanalo ang England sa labanan na naging dahilan ng mas
malawakang pagkontrol ng mga ito sa Burma (Myanmar)
Ang mga bansang Laos, Vietnamn at Cambodia ay tinawag na French Indo-China
dahil sa may pinaghalong kultura ng India at China na nasakop ng bansang France.
Ilapat Natin

Panuto: Alamin natin ang inyong natutunan sa aralin. Isulat sa tsart


ang lahatng mga bansang Kanluranin na nanakop sa bawat
bansa sa Silanganat Timog-Silangang Asya at ang naging
epekto ng pananakop ng mga ito.

Mga Bansa Kanluraning nanakop Epekto


1.
China 2.

1.
2.
Japan 3.
4.
5.
6.

Pilipinas 1.
Suriin Natin
Panuto: Sa gawaing ito mapapalalim pa ang inyong kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Isulat kung sa anong bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya naganap ang mga pangyayari
sa larawan. Piliin ang letra ng tamang sagot sa gilid ng larawan.

1. 2.
A. Japan A. Japan
B. China B. Pilipinas
C. Pilipinas C. Indonesia

Digmaang Opyo Pagdating nina Magellan sa Homonhon

3. A. China 4. A. Vietnam, Laos, China


B. Malaysia B. Vietnam,Laos, Cambodia
C. Singapore C. Malaysia,Singapore,Laos

Lion City French-Indo China

5. 6.
A. Pilipinas A. Vietnam
B. Indonesia B. Myanmar
C. Malaysia C. Cambodia

Unang misa sa Limasawa Digmaang Anglo-Burmese

Tayain Natin

Panuto: Sukatin natin ang inyong natutunan sa inyong mga napag-aralan. Basahing
mabutiang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa paghihiwalay ng China sa mga bansa sa mundo?


A. Isolationism C. Separatism
B. Patriotism D. Sinocentrism

2. Ano ang ipinasok na produkto ng England sa China na naging sanhi ng digmaan.


A. tsaa B. opyo C. tabako D. asukal

3. Ang mga sumusunod ay mga reaksyon ng mga katutubo sa pagdating nina Magellan,
I. nagalit ang mga katutubo III.. nakipaglaban ang mga katutubo
II. nakipagkaibigan ang mga katutubo IV..malugod silang tinaggap ng mga
katutuboAlin sa mga ito ang ginawa ng mga katutubo sa pagdating nila sa
Pilipinas?
A. I at II B. I at III C. II at III D. II at IV
4. Ang Indonesia ay ginamitan ng bansang Netherland ng paraang tinatawag na
divide and conquer. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag dito?
I. Pinag-aaway- away ang mga naninirahan sa isang lugar.
II. Pinagkaisahang palayasin ang mga katutubong Indones.
III. Pinag-aaway-away ng mga Dutch ang mga lokal na pinuno nito.
IV. Paggamit ng mananakop ang isang tribo upang masakop ang
ibang tribo
A. I, II at III B. II, III at IV C. I, II at IV D. I, III at IV

5. Alin sa mga sumusunod ang mga pangyayari na naging dahilan ng pananakop ng mga
Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
I. Krusada III. Merkantilismo
II. Rebolusyong Industriyal IV. Paglalakbay ni Marco Polo
A. I, II at III B. II, III at IV C. I, III at IV D. I, II at IV

Likhain Natin

POSTER NG PANANAKOP SA SILANGAN AT


TIMOG- SILANGANG ASYA

Layunin Makagawa ng isang poster tungkol sa pananakop ng mga


(Goal) Europeo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
1.

Gampanin Isang artist na nagnanais na ipakita ang ginawang pananakop


(Role) ng mga Europeo sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Manunuod Mga mag-aaral, guro. magulang


(Audience)
Mag-aaral na nagnanais madagdagan ang kaalaman sa mga
Sitwasyon pananakop na ginawa ng mga Europeo sa Silangan at Timog
(Situation) Silangang Asya

Produkto Isang Poster na nagpapakita ng pananakop ng mga Europeo


(Product Performance) sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Pagsunod sa panuto sa paggawa ng poster


Pamantayan (Standard)
Panuto: Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng poster.
1. Magsaliksik ukol sa mga pananakop ng mga Europeo sa Silangan at Timog Silangang Asya.
2. Ilista ang mga mahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Europeo sa isang burador
na papel.
3. Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pananakop ng mga Europeo sa Asya.
4. Iguhit ito sa isang short bond paper sa paraang patayo (portrait).
5. Maaring lagyan ng caption o pamagat ang iginuhit.

6. Maaring lagyan ng Kuhanan ito ng larawan at ipasa sa inyong FB messenger ng guro para
ito ay mamarkahan. Pagkatapos itong mamarkahan ay i-popost ito sa FB messenger
group ng klase sa hudyat ng iyong guro.

RUBRIK NG PAGMAMARKA

Pamantayan 10 8 5 Puntos
Naipakita ang Naipakita ang Naipakita ang
kaugnyan ng kaugnyan ng kaugnyan ng poster
poster sa 3 o higit pang poster sa 2 sa 1 konsepto ng
konsepto ng pananakop ng konsepto ng pananakop ng mga
mga Europeo sa Silangan at pananakop ng mga Europeo sa Silangan
Timog Silangang Asya Europeo sa Silangan at Timog Silangang
Nilalaman at Timog Silangang Asya
Asya

Gumamit ng Katamtaman ng Hindi gaanong


magandang kombinasyon ng kombinasyon ng maganda ang
kulay, at eksakto ang guhit kulay at hindi kombinasyon ng
ng mga larawan sa paksa. gaanong kita ang kulay, at hindi makita
kaugnayan ng mga ang kaugnayan ng
Pagkamalikhain guhit na larawan sa mga guhit na larawan
paksa sapaksa
Malinaw ang May ilang hindi ‘Di gaanong
pagkaguhit ng larawan. malinaw ang malinaw ang
Malinis at maayos ang pagkaguhit ng pagkaguhit ng
kabuuang presentasyon. larawan. Malinis at larawan.
maayos ang May karumihan at
Presentasyon kabuuang lukot ang kabuuang
presentasyon presentasyon.
KABUUAN

You might also like