Professional Documents
Culture Documents
RP1 P1 Eusebio
RP1 P1 Eusebio
RP1 P1 Eusebio
Maituturing na isang paglalakbay para sa akin ang pag-aaral ukol sa wika. Sa pagbabasa
ng mga artikulo nina Lyons, Haugen at Kelman, at pakikinig sa isang malalim na talakayan kasama
si Chomsky, iba’t ibang pagpapakulugan sa wika ang aking naengkwentro. Masasabing habang
maraming binabasa, lalong lumalawak at nabubuksan ang ating pagtingin. Ganito ang naganap
sa akin matapos mabasa at mapanood ang mga nabanggit—nagkaroon ng pagbabago sa aking
mga pananaw at nadagdagan ang aking mga personal na katanungan ukol sa wika.
Kung babalikan ang aking personal na pagtingin ukol sa wika mula sa nakaraan, masasabi
ko na napakababaw ng aking paggalugad ukol dito. Bilang isang medyor sa Filipino noong
kolehiyo, pinalaki ako sa mga kahulugang, ang wika ay isang masistemang balangkas (Gleason,
n.d), at iba pang kahulugan na madalas na nating nakakaharap. Paulit-ulit ko itong naririnig at
nababasa ngunit hanggang sa isip ko lang nanatili ang mga kaalamang ito at hindi kailanman
nakarating sa aking puso ang kahalagahan nito para sa akin. Gayunpaman, batid ko pa rin naman
na mahalaga ang wika sa pagkakakilanlan natin bilang isang bayan kaya nga noong tinanggal ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil sa pagpapatupad ng CMO 20, nakiisa ako sa mga protesta
na pinangunahan ng Tanggol Wika pero batid ko rin na hanggang doon lamang ang aking alam at
minsan nga ay tinatamad pa ako at natatakot na makilahok. Baka nga kasi hindi ko talaga alam
bakit kailangan kong ipaglaban ang wikang ito at bakit kailangan pang makialam sa usaping
pangwika. Marahil ay hindi ko alam ang aking nilalakbay o kaya naman ay nakatengga ako sa
isang lugar na hindi ko kilala, o baka ang mahalaga lang sa akin ay ang paroroonan at hindi mismo
ang proseso ng paglalakbay.
Myla Eusebio
Repleksyong Papel FIL 225
Ano nga ba ang mga ito para sa akin matapos mabasa ang mga babasahin? Hayaan
ninyong isa-isahin ko ang aking mga napagtanto at kung paano ko nailapat ang mga ito sa aking
personal na buhay at sa mga pangyayaring umiiral mismo sa lipunang aking ginagalawan. Gamitin
natin ang konsepto ng baon, nakukuha at iniiwan sa paglalahad ng aking personal na repleksyon.
Baon ang siyang tumutukoy sa aking kaalaman ukol sa konsepto, ang nakukuha naman ay
tumutukoy sa mga bagong kaalamang tumimo sa akin at ang iniiwan naman ay ang mga dating
kaalaman na dapat nang baguhin at kalimutan matapos magkaroon ng pagbabago sa pananaw.
Unahin natin ang artikulong “Dialect, Language, Nation” ni Haugen. Ipinakita niya sa
artikulong ito ang pagkakaiba sa mga terminong ‘wika’ at ‘dayalekto’ at sa kabuuan ng pagtalakay
ay inilatag niya kung ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika sa
paghubog ng nasyonalismo sa isang bansa at ibinigay niya rin rito ang mga hakbang na maaaring
maisagawa ng isang bansang nais na magtatag ng isang pambansang wika. Ang baon ko bago ko
basahin ang artikulong ito at bago mapag-aralan ang konsepto ng wika at dayalekto noon pang
mga nakaraang semestre, ay para sa akin noon, ang dayalekto ay pangmababang-uri lamang at
para lamang ito sa mga hindi nakapag-aral. Ang perspektibong ito ay sinulsulan ng hindi
magandang pagtanaw ng lipunan sa mga wikang ito kaya bilang taga-Maynila ay ganon na rin ang
pagtingin ko. Noon pa nga ay madalas pa akong nakikisali sa pagtawa sa mga kaklaseng taga-
probinsya at mayroong mga accent o punto, sapagkat para sa akin ay hindi dapat ganon, parang
hindi maganda sa pandinig at nakatatawa talagang maituturing. Ngunit nakuha ko mula sa mga
pag-aaral na ang dayalekto naman pala noong una ay hindi itinuturing na mababa. Sa katunayan,
sa Gresya na kung saan unang ginamit ang terminong dayalekto ay ginagamit ang mga ito sa
pasulat na paraan at mayroong mayaman na kodipikasyon, kumbaga ito ay highly functional at
kahit kalian ay hindi naging mababa ang pagtingin nila sa mga ito, ngunit sa paglipas ng panahon,
dahil sa paghihiram ng ibang bansa sa mga terminong ito, ay nagkroon ng panibagong pagtingin
at pagpapakahulugan dito lalo na nang ginamit ito ng mga Ingles. Mula sa pagiging mataas ng
dayalekto, tiningnan nila ito bilang wika ng mga impormal at mga hindi nakapag-aral. Ganoon din
naman ang naipasa nilang pagtingin sa atin simula nang tayo ay sakupin ng mga Amerikano, kaya
nga nagpumilit sila na Ingles ang maging pangunahing wika ng mga Pilipino sa panahon ng
kanilang pananakop sapagkat niniwala sila na wikang barbaro ang mga wikang sariling atin. Kaya
Myla Eusebio
Repleksyong Papel FIL 225
ganoon na lamang siguro ang kanilang impluwensya sa atin magpasahanggang ngayon, at ang
malala pa ay kahit Filipino na ang ating wikang pambansa ay sa Ingles pa rin natin itinutuon ang
ating mga sarili sapagkat ganoon tayo pinaikot ng mga naghaharing uri, maging ng mga taong
nasa pamahalaan natin at lalo pa ng mga magulang natin. Naalala ko ang sanaysay ni Ponciano
Pineda na “Ang Amerikanisasyon ng Isang Pilipino”, ipinakita niya rito sa kung paanong ang mga
magulang ay mayroong malaking gampanin sa kung paano nila palalakihin ang kanilang anak nang
may pagmamahal sa sariling wika. Nakalulungkot basahin na maging ang ating mga magulang ay
naniniwala na Ingles ang magsasalba sa atin sa kahirapan. Inihalimbawa ni Pineda sa kaniyang
sanaysay ang pagkausap ng mga magulang sa kanilang anak sa wikang Ingles at pagpupumilit na
mailapit ang mga konseptong hindi naman likas sa atin tulad ng snow. Kaya habang lumalaki ang
bata ay mga konseptong kolonyal ang kaniyang nakikilala at hindi ang kaniyang sariling
pagkakakilanlan. Ganoon din sa sistema ng ating edukasyon na siyang mayroon ding malaking
gampanin sa paghubog ng mga batang siyang magtataguyod ng ating bayan, pinaniniwala rin tayo
na Ingles ang sagot upang makasabay sa globalisasyon, kaya nga nagkaroon tayo ng K-12 para sa
Asean Integration at lingid sa kaalaman (o sinasadya) ng mga tagapagtatag ng polisiyang ito na
kinakalakal nila ang mga mag-aaral na mayroon sanang malaking potensyal upang mapaunlad
ang ating bayan. Kaya’t hayun, imbes na manatili sa bayan upang maglingkod at ilaan ang kanilang
talino at kakayahan sa Pilipinas ay naeengganyo sila na sa ibang bansa na lamang magtrabaho
sapagkat sa kanilang paniniwala ay mas maibibigay nito ang kaniyang mga pangangailangan.
Dahil sa mga realisasyon na ito aking iiwanan ang pagtingin sa dayalekto bilang pangmababang-
uri lamang bagkus mas lalo kong pagsusumikapan na maiparating sa aking mga mag-aaral ang
kahalagahan ng bawat wikang umiiral sa ating bayan. Mas magiging bukas ako sa mga baryasyon
na aking naiengkwentro mula sa mga taong nakakasalamuha ko. Lalo at higit pa akong mananatili
sa aking sariling bayan upang makapaglingkod kahit na ang hirap-hirap salubungin ang agos ng
mga patakaran at maling pananaw ukol sa wika. Dahil din dito ay sumasagi rin sa aking isipan na
sana ay maging kabilang ako sa mga nagpaplano sa wika, nais ko sanang maging bihasa sa
pagpaplanong pangwika upang hindi makompromiso ang ganda at potensyal ng mga wika natin
sa bansa nang dahil lamang sa pagbibigay dito ng malisya at pagbabahid dito ng politika. Nais
Myla Eusebio
Repleksyong Papel FIL 225
Sunod naman nating pag-usapan ang artikulo ni Kelman na “Language as an Aid and a
Barrier to Involvement in the National System”. Kaniyang pinangatwiranan sa artikulong ito na
ang na ang pagkakaroon ng isang komon na wika ay mayroong malaking ambag upang mas
mapalakas ang pambansang identidad at magkaroon ng pambansang pagkakaisa ang isang
bayan, gayunpaman, kung anong kabutihang naidudulot ng isang komon na wikang ito, ay ito rin
ang maaaring maging dahilan upang magkagulo at magkawatak-watak ang isang nasyon—kung
hindi man sa lahat ng pagkakataon ay maaaring mangyari sa mga bansang multi-etniko. Ang baon
ko sa usaping ito ay ang buong akala ko ay laging maganda ang dulot ng pagkakaroon ng isang
pambansang wika, na dapat lahat ng bansa sa buong mundo ay mayroon nito at ang ganda-ganda
ng konsepto ng pagkakaroon ng iisang wika dahil maninirahan tayo nang mapayapa at
nagkakaunawaan ang bawat isa sa iisang bansa ngunit nakuha ko mula rito sa mga inilatag ni
Kelman na hindi laging maganda ang dulot ng pagkakaroon ng isang komon na wika.
Nakadepende pala ito sa pangangailangan at sitwasyon ng isang bansa. Kung ilalapat ko ang
usaping ito sa Pilipinas, napatanong ako na kailangan ba talaga ng Pilipinas ng isang komon na
wika at nagagampanan ba ng pambansang wikang ito ang kaniyang tungkulin para sa bansa at
para sa mga mamamayan? Hati ang aking pagtingin dito sapagkat kung ating tataluntunin ang
kasaysayan ng ating pambansang wika, sadyang napakabata pa nito at hindi pa rin matapos-tapos
ang mga debate at pagtatalo ukol dito. Tunay naman na maganda ang dulot nito sa Pilipinas, at
nagkaroon naman ng inisyatibo ang pamahalaan sa pagpapanatili at pagpapaunlad nito. Sa
katunayan nga ay ginagamit natin ang wikang Filipino na de facto na kung saan ay nagagamit
natin ito bilang lingua franca lalo na kung tayo ay pupunta sa ibang panig ng Pilipinas, talaga
namang nakakapag-ugnayan tayo sa iba kapag ito ang ating sinasalita at ito rin naman ay de jure
sapagkat nasa batas na kailangang gamitin, gawing opisyal at pagyamanin ang wikang Filipino na
ito. Ngunit, sa bahagi ng pagiging de jure nito, medyo nagkakaroon ng pagtatanong na talaga
bang tinuturing na opisyal na wika ang Filipino at talaga bang pinauunalad natin ito? Lalo na kung
babagtasin ang usapin ukol sa mga wikang ginagamit ng mga tao sa pamahalaan at mga
nakaimprintang mga opisyal na papel at ang pagtataguyod ng CMO 20, tila ba tumataliwas tayo
Myla Eusebio
Repleksyong Papel FIL 225
Myla Eusebio
Repleksyong Papel FIL 225
Sa huli, masalimuot mang lakbayin ang mga usapin at babasahing ito, aking napagtanto
na mas mahalaga pala talaga ang proseso ng paglalakbay kaysa sa paroroonan mo. Sigurado ako
na hindi lamang hanggang dito ang mararating ko at maaaring hindi lamang iisa ang paroroonan
ko. Nasasabik na akong muling maglakbay sapagkat sa paglalakbay ay mas lumalalim ang
naiiwang mga yapak at mas nakadadagdag ito ng kulay sa ating mga pananaw at buhay.
Myla Eusebio