Professional Documents
Culture Documents
EsP GRADE 9 Q1
EsP GRADE 9 Q1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan
Aralin 1-4
DO-Q1_ESP7_Module 1-4 i
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Kagamitang Pagkatuto – Learning Packets sa EsP
Unang Markahan – Aralin 1- 4
Unang Edisyon, 2020
Ang mga hiniram na kagamitan gaya ng awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng
mga tatak, at iba pa na nakalagay sa kagamitang ito ay pagmamay-ari ng kani-kaniyang
tao na may karapatang-ari sa mga iyon. Ginawa ang lahat ng magagawa upang
matunton at makahingi ng permiso sa mga nagmamay-ari ng mga nabanggit na
kagamitan upang mailagay sa kagamitang ito. Ang mga may-akda at naglimbag nito ay
walang pag-aangkin na anoman sa mga nagtataglay ng karapatang-ari niyon.
ii
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Patnubay sa Magulang
Patnubay sa Mag-aaral
Aralin 1: Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat ___________________________________ 1-6
Aralin 2: Lipunang Politikal: Prinsipyon ng Subdiarity
at Prisipyo ng Pagkakaisa _______________________________ 6-12
Aralin 3: Lipunang Pang-ekonomiya ______________________________ 13-19
Aralin 4: Lipunang Sibil, Media at Simbahan ______________________ 20-25
Mga Sangunian __________________________________________________ 26
Panimula
Sa dalawang taon mong pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon
ka ng pagkakataong masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapwa.
Ngayong taon naman ay mamumulat ang iyong mata sa lipunang iyong ginagalawan.
Sa pagkakataong ito ay mauunawaan mo ang pagkakaiba at pagkakaugnay nito sa
mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa baitang na ito.
Patnubay sa Magulang:
Ang gabay na ito ay inilaan para matulungan ang mga magulang, tagapag-
alaga o kamag-anak ng mag-aaral upang gumanap sa kanilang mahalagang papel
sa pagkatuto at pag-unlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa panahon ng
pandemya. Ang tagubilin ay nasusulat sa simple at maikling salita. Ang
pangkalahatan at tiyak na patnubay sa bawat asignatura ay ginawang kapaki-
pakinabang para sa magulang upang madaling maibigay ang programa ng kurso.
Patnubay sa Mag-aaral:
Ang gabay para sa mag-aaral ay isang kasangkapan upang sila ay gabayan
na maunawaan ang nilalaman ng palatuntunan sa interaktibo at pansariling lapit
sa pagkatuto. Kasama na rin dito ang pangkalahatang impormasyon sa kabuuang
nilalaman ng bawat paksa. Ang patnubay ay nakasulat sa simple at maikling salita
kasama na rin ang mga hakbang at pamamaraan na magbibigay ng pagkakataon
upang matutong mag-isa at matutuhan nila ang kahalagahan ng pagkatuto.
iii
Aralin LAYUNING NG LIPUNAN:
1 KABUTIHANG PANLAHAT
Unang Linggo – Ikalawang Linggo
Ikalalawang Linggo
1.3 Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili
ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan; EsP9PL-Ib-1.3 at
1.4 Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor
sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
EsP9PL-Ib-1.4
I.Isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI
kung ito ay hindi wasto.
_________1. Ang lipunan ay nagmula sa salitang-ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat.
_________2. Ang kabutihang panlahat ay pangkalahatang kondisyong pantay na
ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang
lipunan.
_________3. Kakayanin ng taong mamuhay mag-isa sa lipunan.
_________4. Kung ang isang tao ay nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng
kabutihang panlahat, siya ay maaaring maging hadlang sa pagkamit
ng layunin ng lipunan.
_________5. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho
ng mga interes, ugali o pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular
na lugar.
1
Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Hindi lamang sa
ating bansa kundi maging sa buong mundo ay mapapansin ang patuloy nang paglala
ng pandemya na CORONA VIRUS DISEASE o COVID-19 na kung saan nagdudulot ito
ng matinding epekto sa bawat isa.
Gawain 1
Bilang isang mag- aaral na isa rin sa apektado ng nasabing pandemya, at
isang matalinong bata na may tunay na pakialam at pagpapahalaga sa ating mga
bagong bayani o “frontliners” inaaasahan kitang makabuo ng isang POSTER-
SLOGAN o POSLOG na nagpapakita ng pagsuporta at pagpapahalaga sa mga
frontliners
Gawain 2:
Gumawa ng pagsusuri sa bawat institusyon o sektor ng lipunan. Gamiting
gabay ang talahanayan sa ibaba.
2
“Walang sinumang ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Kinakailangan ng
taong makibahagi at mamuhay sa lipunan. Ang buhay ng tao ay panlipunan (Manuel
Dy Jr ,1994). Ang ating pagiging kasamang- kapwa ay isang pagpapahalaga na
nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao.
3
MGA ELEMENTONG BUMUBUO SA KABUTIHANG PANLAHAT
a) Human Rights – karapatan ng bawat isa
b) Social Justice – katarungan at patas na hustisya sa lipunan
c) Peace – kaayusan at kapayapaan
Gawain 3:
Gamit ang konseptong nauwaan mo sa aralin. Sumulat ng isang pagsusuri sa
iyong buhay kung saan naisaalang-alang mo ang kabutihang panlahat. Gamiting
gabay ang talahanayan sa ibaba.
Sitwasyon na nagpapakita ng
Ano ang naging resulta Ano ang naging resulta
pagsasaalang-alang ng
nito sa iyo? nito sa lipunan?
kabutihang panlahat
Gawain 4:
Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
4
Gawain 5: Awareness Campaign
1. Ginagamit ng tao ang kanyang bokasyon upang malinang ang kanyang sarili.
2. Malinis ang kapaligiran at maunlad ang sistemang-pangekonomiya.
3. Nabibigyan ng seguridad ang bawat kasapi ng lipunan.
4. Napoprotektahan ang karapatan ng tao sa pamamagitan ng pagkilala sa
kanilang dignidad.
5. Idinadaan sa diyalogo ang anumang problema upang hindi magresulta sa
away o alitan.
5
8. Nakikinabang sa benepisyo ng lipunan ngunit tumanggi sa bahaging dapat
gampanan.
Ang layunin ng lipunan ay makamit ang kabutihang panlahat.
Ikatlong Linggo
2.1. Naipaliliwanag ang: a. dahilan kung bakit may lipunang pampolitika, b.
Prinsipyo ng Subsidiarity, c. Prinsipyo ng Pagkakaisa; EsP9PL-Ic-2.1
2.2. Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, barangay, pamayanan o
lipunan/bansa ng: a. Prinsipyo ng Subsidiarity b. Prinsipyo ng Pagkakaisa;
EsP9PL-Ic-2.2
6
Ikaapat na Linggo
2.3. Napatutunayan na: a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya
makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o
organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural, at pangkapayapaan. b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity,
mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat
na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng
pamayanan. c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na
mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng
kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan
(Prinsipyo ng Pagkakaisa); EsP9PL-Id-2.3
2.4. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (barangay), at
lipunan/bansa. EsP9PL-Id-2.4
I.Ayusin ang mga nagulong LETRA upang makabuo salitang hinahanap sa bawat
pangungusap.
Suhestyon: Isaayos ang mga ginulong letra ng salita upang matukoy ang
kasagutan sa bawat pangungusap.
ANBARAHKAD 1. Saan inihambing ang isang pamayanan?
RAKTUUL 2. Ano ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan?
NPIUON 3. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang
nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
ITALMPAIKPO 4. Paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat
isa ay malayang magkaroon maayos na pamumuhay.
TBAAS 5. Tungkulin ng Pamalaan na gumawa ng mga _____ na naglalaman
sa mga pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan.
Gawain 1:
Batay sa iyong naunawaan sa unang aralin, punan ang Venn Diagram ng mga
angkop na impormasyon. Sa kaliwang bahagi ng diagram, isulat ang ang naunawaan
mong konsepto ng lipunan at sa kanang bahagi naman nito ang iyong
pagkakaunawa sa salitang politika. Sa gitnang bahagi naman ay isulat ang iyong
pagkakaunawa sa salitang Lipunang Politikal.
7
Gawain 2: Photo Collage
1. Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan
-lumang magasin -mga larawan na may sukat na 2x2
-gunting -panulat
-malinis na papel -pandisenyo (gamit ang recycled materials)
-pandikit -pangkulay
2. Gumawa ng isang photo collage na naglalaman ng profile ng samahang iyong
kinabibilangan. Pumili lamang ng isa sa mga sumusunod:
a. pamilya c. klase sa paaralan
b. barkada d. organisasyong kinaaaniban, at iba pa
3. Isulat ang kanilang mga pangalan at maaring malakip ng kanilang larawan.
4.Mahalagang maipakita sa paglalarawan kung paanong namumukod-tangi ang
bawat isa sa pangkat.
5. Tiyaking maipakikita ang pagkamalikhain sa isasagawang gawain.
6. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod:
a. Paano nakatutulong ang inyong pagkakapare-pareho sa pagiging isang
matatag na samahan?
b. Paano naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba upang mapanatili
ang magandang samahan?
8
ANO BA ANG PAMAYANAN?
Ang pamayanan ay parang isang BARKADAHAN. Sama-sama silang
bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May
mga kwento silang pinagdadaanan at nabubuo ang kanilang kultura.
LIPUNANG PAMPOLITIKA
Ugnayang naka-angkla sa pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang
nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Ginagawad sa kanilang ng pamayanan ang
buong tiwalang pamahalaan at pangunahan ang lipunan tungo sa kabutihan,
paglingap sa pangangailangan at pangangasiwa sa maayos na pagsasama – sama ng
bahagi ng lipunan. Ang pag – unlad ng lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito
ng pag – aambag ng talino at lakas ng pg mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng
lipunan.
9
katutubong yaman ng grupo at ang mga potensyal sa pag-unlad nila nang sama-
sama.
TANDAAN!!!
Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng
taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa
sa bayan.
Gawain 3:
Bumuo ng isang reyalisasyon. Gamiting gabay ang mga sumusunod na
tanong.
10
Gawain 4:
Ayusin ang mga salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap.
Gawain 5:
2. Idikit ito sa loob ng iyong kwarto upang madaling makita at matandaan. (Hal.:
Simula ngayon, magkukusa akong gawin ang mga bagay na sa aking palagay ay higit
na makatutulong sa aking kapwa at sa lipunan.)
11
I.Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng bawat pangungusap at MALI
naman kung hindi wasto.
12
Aralin
Lipunang Pang-Ekonomiya
3 Ikalimang Linggo – Ikaanim na Linggo
Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May
mahuhusay sa pagguhit. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May
magaganda at makisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersiyo. Mayroon din
namang tabain at kailangang mag-ingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito,
hindi maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa. Nagkakaroon ng inggitan.
Nagkakaroon din naman ng pakiramdam ng pagiging mas angat. Natural ang
ganitong mga pakiramdam. Subalit bago lumalim ang pakiramdam at tumungo sa
sama ng loob, marahil magandang balikan ang karanasan at tingnang mabuti kung
nagkulang ba ang pagmamahal sa ating magulang o sadyang naghahangad lang
tayo nang higit pa. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiya na
hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang letra
ng pinakaangkop na sagot at isulat sa patlang.
13
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos
14
Gawain: 1
Batay sa mga salitang iyong naisulat, ano ang mabubuo mong kahulugan o
paglalarawan sa dalawang uri ng lipunan?
Gawain 2
Magsagawa ng survey sa isang kamag-anak na kasama mo sa inyong
tahanan. Tanungin siya ng mga sumusunod:
a. Magkano ang kaniyang allowance o sahod sa loob ng isang araw?
b. Saan niya inilalaan ang allowance o sahod na ito?
c. Sapat ba o hindi ang kaniyang natatanggap na allowance o sahod?
Ipaliwanag
d. Kung hindi sapat ang natatanggap na allowance o sahod, paano niya
sinosolusyonan ang kakulangang ito?
e. Ano ang mga naidudulot ng kakulangan na ito?
15
Pantay – pantay ang lahat dahil likha tayo ng
Diyos. May mga nagsasabi naming hindi pantay –
pantay dahil may mga mayayaman at mga
mahihirap
Max Scheler “Bahagi ng pagiging tao ng tao ang
pagkakaroon ng magkakaibanglakas at kahinaan”.
Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating
maging isang sino. Dahil na rin hindi
pagkakapantay – pantay na ito, kailangan sikapin
ang pagkapantay – pantay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng yaman ng bayan
PRINSIPYO NG PROPORTIO
Sto. Tomas De Aquino “Ang angkop na pagkakaloob na naaayon sa
pangangailangan ng tao.”
Hindi man pantay – pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila,
kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa
pangangailangan.
LIPUNAN
-Tumutukoy sa mga taong sama – samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
EKONOMIYA
- EKONOMIYA hango sa salitang griyego na Oikos (bahay) at Nomos
(Pamamahala)
- Ito ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. May sapat na budget
ang namamahay. Kailangan pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang
makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao
(humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang
bahay.
16
Gawain 3
Gawain 4
Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa mga gawain at aralin
na binasa? Gamit ang graphic organizer, ibahagi ang naunawaan mong konsepto ng
Lipunang Politikal na may layuning maabot ang kabutihang panlahat.
Gawain 5:
17
Bumuo ng isang maikling dokumentaryo na magtataya ng lipunang
ekonomiya sa iyong barangay na kinabibilangan. Marapat na mailagay sa
dokumentaryo ang mga sumusunod na konsepto:
1. Proyekto ng barangay na nailunsad.
2. Layunin ng proyektong ito.
3. Naging bunga ng pagsasagawa ng proyektong ito
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang letra
ng pinakaangkop na sagot at isulat sa patlang.
18
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa
lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang
kakayahan.
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga Karapatan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng
pangangailangan ng mga tao.
19
Aralin
Lipunang Sibil, Media at Simbahan
4 Ikapitong Linggo – Ikawalong Linggo
20
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang letra
ng pinakaangkop na sagot at isulat sa patlang.
1. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating
magpatulong sa iba.
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
b. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
c. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
d. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
21
c. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
d. pagbanggit ng maliliit na detalye.
Gawain 1
Ano ang iyong kaisipan o opinyon patungkol sa paggamit ng media sa
kasalukuyan?
Gawain 2
22
Para sa walang internet. Manood ng mga napapanahong balita at tukuyin ang
sanhi at bunga ng mga balitang ito. HALIMBAWA: USAPIN TUNGKOL SA PATULOY
NA PAGDAMI NG KASO NG COVID–19
1. Italâ sa kuwaderno ang mga usapíng pinalutang ng mga kinapanayam.
2. Pag-isahin sa kuwaderno ang mga naitala mo.
3. Gumawa ng concept map ng mga usapíng ito.
4. Tukuyin kung alin ang pangunahing usapín.
5. Bumalangkas ng mga pagkilos na maaaring isakatuparan ng isang lipunang
sibil upang matugunan ang pangunahing usapín.
SIMBAHAN
- Gaano man karami ang iyong matamo para sa sarili, makadarama tayo
ng kakulangan kung wala tayong pananampalataya at ang simbahan ang
nagsisilbing daan tungo sa ating kapunan ng ating pananampalataya
o Papa Juan Pablo II – “Ang kapangyarihan ng Media ay hindi isang
lakas na nanalasa kundi isang pag – ibig na lumilikha”
o San Ignacio – “Kapag naglihim tayo doon magtatrabaho ang
demonyo”
o Malala Yousafzai – walong taong gulang nang magsimulang
sumulat ng blog na naglalarawan kung gaano kadelikado ang mag
– aral sa gitna ng panggigipit ng mga Taliban sa kanilang bayan,
hinaharap ito ng mga kabataang babae at buong tapang nilang
idineklarang “Ako si Malala”
LIPUNANG SIBIL
- Ang kusang pag – oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama – samang
pagtuwang sa isa’t isa
- Hindi nito isinusulong ng mga poltiko o ng mga negosyante na may
pansariling interes
23
- Ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan
ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan
at kalakalan (trade and businesses)
Gawain 3
Naunawaan mo ba ang mga konsepto ng aralin? Upang higit na masubok ang
lawak ng iyong kaaalaman at kakayahan, lumikha ng isang awit o rap na
naghihikayat sa iyong kapwa mag-aaral na gumawa o kumilos tungo sa kabutihang
panlahat.
Gawain 4
Punan ng angkop na konsepto ang Grahic Organizer sa ibaba.
Ang lipunang
Sa tulong ng Sa tulong ng
ekonomiya ay KABUTIHANG
media, simbahan,
may layuning PANLAHAT
_______________ ______________
__________
24
Gawain 5
Gumawa ng isang pagsasaliksik sa mga halimbawa ng lipunang sibil iyong
napapanood sa television, napapakinggan sa radyo o maging nababasa sa dyaryo at
anumang social media platform. Itala ang mga mahalagang datos, gamitin gabay ang
mga pamantayan sa ibaba.
a. Pangalan ng Lipunang Sibil (halimbawa: Green Peace)
b. Adbokasiya at kanilang layunin
c. Sariling pagtataya sa antas ng lipunang sibil na ito sa lipunan, mga naitulong
o nagawa at ang tagumpay ng kanilang adbokasiya
25
Sanggunian
26