Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang “Information age”, na kilala sa pamamagitan ng paglago ng mga bagong teknolohiya at

online na plataporma, ay malaki ang naging tulong sa mabilis na pagkalat ng parehong tama at
maling impormasyon, kaya lumawak ang kalat ng pekeng balita. Ang panahong ito kung saan
nagbabago na ang teknolohiya ay nagpapakita ng mga kahanga-hangang pagkakataon para sa
mabilis at malawak na paghahatid ng iba't ibang anyo ng impormasyon. Sa kasamaang-palad,
itong mga teknolohiyang ito ay inaabuso at ginagamit para sa pagpapalaganap ng mga fake
news.

noong panahon nga ng pandemya ayon kay Baclig ng Inquirer, makikita sa Pilipinas ang
malaking pag-usbong ng mga subscriber ng broadband, habang ang serbisyo ng internet ay
naging mahalagang pangangailangan para sa mga Pilipino na napilitang mag-aral at
magtrabaho sa bahay dahil sa mga global health restrictions. Bilang resulta, mas marami ang
umaasa sa mga digital na plataporma at kanilang mga mobile device. Nagdulot pa ito ng mas
madaliang pagkalat ng maling impormasyon dahil sa pag-usbong ng mga online na
pinagkukunan ng balita at mga plataporma para sa social media.

Bunga nito, ang karamihan ng fake news at historical distortions ay nagbunga ng pagka-wala ng
tiwala sa mga karaniwang pinagkukunan ng impormasyon tulad ng mainstream media. kaya
nagiging mapanuri na ang mga tao ngayon sa mga eksperto at etablisyadong institusyon. Mas
nakababahala, maraming mga grupo ang kumukha ng pagkakataong ito upang baguhin ang
mga kasaysayan ayon sa gusto nilang salaysay.

Ang mga tao tulad ng mga mamamahayag at mga historyador ay may malaking papel sa
pagtugon sa mga hamon ng information age kaya
Iwasan dapat ng mga mamamahayag na magpakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan
ng pag-iiwas sa pagsusuri ng maling alegasyon. Sa halip, dapat palagi nilang itaguyod ang
totoo na impormasyon habang kinokorekta ang mga maling alegasyon.

Gayundin, ang mga historyador ay dapat nang malinaw na tutulan ang mga kasinungalingan sa
kasaysayan at aktibong makipag-ugnayan sa publiko upang ituwid nila ang mga pagkakamali
sa tinuturong kasaysayan.

Marami tayong hindi alam sa kasaysayan dahil ang ating pang-unawa sa nakaraan ay batay sa
impormasyon at ebidensiyang makukuha sa panahon na iyon. Habang nagtatagal ang
panahon, natutuklasan natin ang mga bagong kaalaman sa pamamagitan ng patuloy na
pag-aaral, pagsusuri, at pananaliksik. pati Ang mga pananaw at kuwento ay maaaring magbago
sa paglipas ng panahon. Maaaring lumabas ang mga bagong ebidensiya na naglalaban o
nagpapabago sa ating dating pang-unawa. Halimbawa lang yung bagong teorya ukol sa kung
paano nakarating ang mga unang tao sa Pilipinas, and Austronesian Migration theory.

Meron din akong napanood na dokumentaryo ni Jay Taruc tungkol kay Lapu-Lapu, tas
natuklasan ko na ang mga paksang pangkasaysayan ay madalas magdulot ng iba’t ibang mga
paniniwala. Halimbawa, ang pangalan, pinagmulan, relihiyon, at mga pangyayari noong mga
panahon ni Lapu-Lapu ay patuloy na pinag-aawayan. Ito'y dahil sa kakulangan ng mga
dokumento mula sa panahong iyon, na nagiging hadlang sa pagkumpirma ng mga detalye.
Hangga’t walang bagong ebidensiya na mapagkakatiwalaan natin, hindi talaga tayo magiging
sure sa totoong kasaysayan. At dahil walang matibay na tamang sagot, kung minsan ay
iniaangkop natin ang mga katotohanan upang tumugma sa kung ano ang itinuturi nating
angkop. Halimbawa, limitado lang ang katiyakan natin tungkol sa itsura ni Lapu-Lapu, ngunit
ang kanyang mga representasyon ay naglalarawan sa kanya bilang isang matipunong lalaki, na
nakaayon sa mga katangiang iniuugnay natin sa kanya, tulad ng lakas at katapangan.

You might also like