Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Cagamutan Norte, Leganes, Iloilo - 5003


Tel. # (033) 396-2291 ; Fax : (033) 5248081
Email Address : svcst_leganes@yahoo.com

COO – FORM 12

SUBJECT TITLE: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


INSTRUCTOR: LOUVELLA S. SOMOSA, LPT
SUBJECT CODE: FIL 1
_________________________________________________________________
MIDTERM MODULE
TOPIC 1: MABISANG PAGSASALITA
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. naibibigay at naipaliliwanag ang kahalagahan ng kasanayan sa mabisang pagsasalita;
2. naisa-isa at natatalakay ang mga pangangailangan sa mabisang pagsasalita;
3. natutukoy at naipaliliwanag ang mga kasangkapan ng isang epektibong tagapagsalita.
MGA NILALAMAN:
a. KAHULUGAN NG MABISANG PAGSASALITA
 Ang pagsasalita ay ang kakayahan ng isang tao na bigyang-ekspresyon ang kanyang
iniisip, damdamin o saloobin at maibahagi ang mga ito sa tagapakinig.
 Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya,
paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.
 Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang
kinakausap.
 Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita
at naririnig mula sa tagapagsalita
 Kahusayan o kapangyarihan ng isip sa pananalita na nangungusap o mga salita upang
maipahayag ang mga kuru-kuro.

KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
 naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
 nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
 nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
 naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang
panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa
pagpapatupad ng mga ito.
 madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao

b. MGA KAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA


―Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant
nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong
proseso ng komunikasyon‖.

Page 1 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
1. KAALAMAN - Upang maging isang epektib na tagapagsalita, kailangang may sapat
kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.
Una, kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan.
Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika.
Ikatlo, kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang
ginagamit mo, sariling kultura at kultura ng iyong kausap.

2. KASANAYAN- Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan kung kaya’t ito ay
isang kasanayang maaaring linangin.
Una, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling
panahon. (May mga sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind.)
Ikalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa
pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di- berbal.
Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre
tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.

3. TIWALA SA SARILI- Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging
kimi o hindi palakibo. Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng
tagapakinig o sa harap ng publiko. Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa
kanilang mensahe. Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o
makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.

c. MGA KASANGKAPAN SA MABISANG PAGSASALITA


―Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa
kanyang tagapakinig o di kaya’y sakakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang
tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang tagapakinig
sakanya‖.
Ngunit paano nga ba maging isang mahusay na tagapagsalita?
Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng kanyang mga kasangkapan sa pagsasalita.
1. TINIG
Pinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita. Kinakailangang ito ay
mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan. May mga sitwasyon na hindi
nangangailangan ng malakas na tinig. Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop
sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita.
Kaakibat ng tinig ay ang himig. May himig na mabagal, may himig na pataas at mayroon
ding pababa. Katulad ng lakas kailangan ang himig ay angkop din.

2. BIGKAS
Napakahalang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangan ito ay
mataas at malinaw sa pagbigkas ng mga salita. Ang maling pagbigkas ay maaaring
magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig. Lalo na’t ang ating wika ay
napakaraming Homonimo. Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang
pagbibigkas dito. Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin o
stress sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata
upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.

Page 2 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
3. TINDIG
Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon ay kailangan may magandang
tindig. Kinakailangang my tikas mula ulo hanggang paa. Hindi magiging kapani paniwala
ang isang mambibigkas kung siya’y parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin. Ang
isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugud-lugod hindi lamang sa pandinig ng
tagapakinig. Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siya’y
maging higit na mapanghikayat.

4. KUMPAS
Kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita. Kung walang kumpas ang
nagsasalita ay magmumukhang tood o robot. Ngunit ang pagKumpas ay kinakailangan
maging angkop sa diwa o salitang binabanggit. Tandaan na ang bawat kumpas ay may
kalakip ding kahulugan. Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa
kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas. Tandaan na kailangang
maging natural ang kumpas. Hindi rin maganda tignan ang labis, maging ang kulang o
alanganing kumpas ng kamay.

5. KILOS
Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw. Mga mata,
balikat, paa, at ulo. –ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa
isang nagsasalita. Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw ng mga mata o kawalan ng
panuunan ng paningin sa kausap. Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng
pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring
makatulong sa kanya. Ang labis na paggalaw naman ng ulo ay hindi angkop kagaya ng
pagtango o pagiling ay maaaring makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang
nagsasalita. Ang labis na paggalaw o paglalakas naman ay pwedeng maging dahilan ng
pagkahilo ng kanyang kausap.

GAWAIN:
1. Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagsasalita at anu-ano pa ang iyong
gustong malaman.
2. Anu-anong kaalaman ang kailangang taglayin ng isang tao upang siya’y
maging isang mabisang tagapagsalita.
3. Anu-ano ang kasanayang kailangang taglayin ng isang tao upang siya’y
maging isang mabisang tagapagsalita.
4. Anu-ano ang mga kasangkapan ng isang nagsasalita.
5. Magbigay ng tatlong kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsasalita.
Talakayin ang bawat isa.

Page 3 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
TOPIC 2: MABISANG PAGSASALITA (KARUGTONG)
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. maintindahan ang kahulugan ng pakikipag-usap;
2. magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa pakikipagdebate at mga hakbang sa
paghahanda sa pakikipagdebate;
3. maipapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng pagtatalumpati at ang mga layunin nito.

MGA NILALAMAN
a. MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA
 PAKIKIPAG-USAP
Ang pagpapalitan ng mga kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga
salita ay itinuturing na pakikipag-usap. Isa ring sining ang pakikipag-usap kaya may
masasabing mahusay na kausap at may kausap na walang buhay at nakababagot.
Magagamit ang pakikipag-usap sa iba’t-ibang layunin. Maaring gamitin ito bilang
instrument sa pagtuturo ng kamalian sa pagbigkas, malaman ang lawak ng
talasalitaan ng mag-aaral o ipagamit ang natutunan sa wika, linangin ang kasanayan
sa pakikinig at masanay sa pagdadala ng isang pakikipag-usap.
Mahalaga ang paksa sa pag-uusap. Kailangang nakawiwili at saklaw ng karanasan ng
mga mag-aaral ang paksa. Maaaring ito’y mula sa literatura, sa kasaysayan, sa
agham at sa iba pang asignatura. Isang malaking kamalian ang pag-usapin ang mga
mag-aaral sa paksang hindi nauunawaan nila at maging ng kanilang guro. Higit sa
makapag-usap ang mga mag-aaral sa mga paksang nauukol sa kanilang karanasan
at pangangailangan. Mabuting ang mga mag-aaral ang mamili ng paksang kanilang
pag-uusapan.

b. PAGTATALUMPATI
Sining ng pasalitang pagpapahayag ang pagtatalumpati na ang layunin ay
makaakit at makahikayat sa mga nakikinig.
May iba’t-ibang layunin ang talumpati:
1. Magbigay ng katuwaan na gaya ng talumpati sa mga salu-salo, mga pagtitipong
sosyal, mga miting ng mga klub at sa mga bangkete.
2. Magdulot ng impormasyon gaya ng talumpati sa pagbibigay-ulat o sa mga panayam.
3. Magpahayag ng katuwiran na gaya ng sermon ng pari, talumpati ng pulitiko sa
panahon ng kampanya, talumpati sa debate, o talumpati ng mga abogado sa
hukuman at ng mga mambabatas sa Kongreso.
4. Magbigay ng paliwanag gaya ng talumpati sa pagtatalaga sa isang bagong gusali,
talumpati sa anibersaryo o talumpati sa pagtatapos sa paaralan.
5. Mang-akit sa isang kilusan gaya ng talumpati sa rally at demonstrasyon.

May apat na paraan ng pagbigkas ng talumpati gaya ng:


1. Pagbasa sa isinulat na talumpati
2. Pagbigkas mula sa balangkas ng talumpati
3. Pagbigkas mula sa buodng mahalagang paksang-diwa ng talumpati
4. Pagbigkas nang hindi pinaghandaan o ekstemporenyos.

Page 4 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
Sa pagtatalumpati, higit dapat pahalagahan ng nagsasalita ang kanyang
tindig, galaw, at kumpas. Higit na nakawiwiling pakinggan ang nagtatalumpating
may tindig-maginoo, gumagalaw at kumukumpas sa pagbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi ng kanyang sinasabi. Tumitingin ang nagtatalumapti sa
kanyang mga pinagsasalitaan upang ipadama sa mga ito na kinakausap niya sila.
Mahalaga ring isaalang-alang ang paggamit ng tinig sa pagtatalumpati. Dapat na
may sapat na lakas ang tinig niya para marinig ng lahat: dapat ding pagpabagu-bago
ang lakas ng kanyang tinig ayon sa tindi at anyo. Ang lakas ng tinig ay ibagay sa
pagkakataon at ang taas-baba ng tinig ay dapat na ibagay naman sa diwang nais
ipahayag. Ang iisang hagod ng pagbigkas ay nakababagot na pakinggan.

May tatlong bahagi ang isang talumpati na gaya ng:


1. PAMBUNGAD. Ito ang naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati.
Layunin nito na maakit ang mga nakikinig kaya mainam na magsimula sa pagbibida ng
isang anekdotang nakapagpapatawa. Ang isang simpleng pasimula ay magagawa sa
pagtukoy tungkol sa okasyon.

2. KATAWAN. Dapat itong magtaglay ng kawastuhan, kalinawan at pang-akit. Ang


katawan ay siyang pinakakaluluwa ng talumpati. Dito tinatalakay ang paksa na nais
ipabatid ng nagtatalumpati.
May kawastuhan ang talumpati kung tama sa baralila at gumagamit ng pang-araw-
araw na pananalita. May kalinawan naman kung ito ay nauunawaan sapagkat gumamit ng
di-maligoy na pahayag, bumanggit ng mga bagay na alam ng nakikinig at gumamit ng
mga pangungusap sa payak at tuwiran ang kahulugan.
May pang-akit ang talumpati kung wasto ang pangangatuwiran at nanawagan sa
guniguni at damdamin ng mga nakikinig.

3. KATAPUSAN. Ito ang nagwawakas sa talumpati. Dapat maglaman ito ng pahayag ng


pinakamalakas na katibayan o katotohanang inilahad. Magandang magtapos sa pahayag
na naghahamon o kaya ay nagtatanong at humihingi ng sagot sa pag-iisip ng mga
nakikinig.

c. PAKIKIPAGDEBATE
Ang pakikipagdebate ay binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na
nagkakatuwiranan sa isang proposisyon na napagkasunduan nilang pagtalunan. Maaaring
nakasulat ang pagtatalo ngunit kadalasan ay binibigkas ito.
Kinaugalian ng mga ninuno natin na magdebate nang patula. Tinantawag natin
itong Balagtasan. Ngayon, mayroon tayong modernong Balagtasan na tinatawag naman
nating Batutian na hango sa sagisag sa panulat ni Jose Corazon de Jesus na Huseng
Batute. Si Jose Corazon de Jesus ang kinilalang unang hari ng Balagtasan at kinilalang
kapangalawa ni Balagtas sa larangan ng pagtula.
Ang paksa pinagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon. Ito’y isang pangungusap na
nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamgitan ng mga argumento.
Nagsasaad ito ng isang bagay na maaaring tutulan at panigan kaya mapagtatalunan.

Page 5 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
May tatlong uri ng proposisyon at bawat isa’y may kani-kanilang paraan ng pagsusuri,
sariling balangkas ng mga katuwiran at sariling paraan ng pagpapabulaan.

1. PANGYAYARI. Ito ay naninindigan sa katunayan o kabulaan ng isang bagay na


makatotohan.
Halimbawa: ―Maraming namatay sa nasunog na Superferry.‖
Masusukat ang katotohanan o kabulaanan nito sa pamamagitan ng pag-alam sa
tunay ng mga pangyayari.

2. KAHALAGAHAN. Ito ay isang paninindigan sa kahalagahan ng isang bagay. Madalas na


ang mangangatuwiran ay bumubuo ng mga argumento na nagtatanggol sa kabulaanan ng
isang bagay, isang palakad o isang pagkilos.
Halimbawa: ―Ang isang wikang pambansa ay lubhang mahalaga sa pagbuwag sa
makaaliping diwa. ―

3. PATAKARAN. Masasabing ang pinakamaraming bilang ng pangangatuwirang nasulat


ay iyong tumatalakay sa mga patakaran. Ang mga proposisyong ito ay naghahanap ng
isang paraan ng pagkilos o isang binalak na solusyon sa isang suliranin. Madaling makilala
ang ganitong proposisyon dahil sa paggamit ng salitang ―dapat.‖ Ito ay karaniwang
ginagamit sa mga pampublikong pagtatalo.
Halimbawa: ―Dapat baguhin ang Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.‖

KATANGIAN NG ISANG MABUTING PROPOSISYON


1. Walang kinikilingan. Magkasinlakas ang magkabilang panig na nagkakasalungatan ng
palagay.
2. Kawili-wili sa sumusulat at makikinig ang proposisyon.
3. Napapanahon ang paksa.
4. Hindi na napagpapasiyahan ang paksa.
5. Malinaw at tiyak ang proposisyon.
6. Maaaring patunayan ng mga ebidensya.
7. May larangang hindi malawak at hindi rin naman gaanong makitid.
8. Karapat-dapat ng pagtalunan.

Ilahad ang suliranin sa anyong kapasiyahan. Gawin ito sa pangungusap na


payak at paturol na may isa lamang suliraning patutunayan. Ipahayag ito sa
paraang pasang-ayon.
Halimbawa: ―Pasiyahan na nararapat amyemdahan ang Kasalukuyang Konstitusyon.‖
―Pasiyahin na buwagin na ang Board of censor sa Pelikula at
Telebisyon.‖

TATLONG HAKBANG SA PAGHAHANDA SA PAKIKIPAGDEBATE


1. PANGANGALAP NG DATOS. Ito’y ang mga katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid
at kinukuha ang mga ito sa napapanahong mga aklat, sanggunian at magasin.
Dalawang sanggunian karaniwang kunan ng mga datos, ang sariling karanasan at
pagmamasid at ang pagmamasid ng iba na awtoridad sa paksa. Awtoridad kapag siya ay
dalubhasa o taong kinikilala sa kanyang larangan.

Page 6 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
2. ANG DAGLI. Ito’y ang balangkas ng inihandang mga katuwiran. Sa ibang salita, ito’y
pinaikling pakikipagdebate. Mayroon itong simula, katawan at wakas. Sa simula inihahayag
ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Ginagawa rin dito ang
pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu. Sa katawan naman
inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin. Bawat isyu ay binubuo ng mga patunay, mga
katibayan ay mga katuwirang magpapatotoo sa panig na ipagtatanggol. Ang wakas ay ang
buod ng isyung binigyang patunay.

3. PAGPAPATUNAY SA KATWIRAN. Paglalahad ng mga dokumento at ebidensya na


magpapatotoo sa katwirang ginagamit.

ILANG PAALA-ALA SA PAGTATANONG SA DEBATE


1. Magtanong lamang ng mga tanong na ang sagot ay ―oo at hindi.‖
2. Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ang nagtatanong. Maaaksaya ang
iyong oras ng pagtatanong.
3. Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat ipaalam iyon sa
tagapangasiwa ng pagdedebate.
4. May panunuligsa (rebuttal) din sa debate.

MGA DAPAT TANDAAN SA PANUNULIGSA


1. Ilahad ang mga mali sa katuwiran ng kalaban.
2. Ipaalam ang walang katotohanang sinasabi ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang kahinaan ng katibayan ng kalaban.
4. Ipaalam na labas sa buod ang katuwiran o katibayan ng kalaban.
5. Magtapos sa pagbubuod ng sariling katuwiran at katibayan.

PARAAN NG PAGDEBATE
1. Narito ang mga katangian at paraan ng pagdedebate sa paraang Oregon-Oxford.
2. Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong kasapi. Mas madalas ang tatlo.
3. Ang oras ng talumpati ay walo o sampung minute.
4. Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa mayroon munang tatlong minutong
pagtatanungan.
5. Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon namang
tatlong sandali ng pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi subalit limang minuto naman
ang pagtuligsa at pagbubuklod ang puno ng bawat koponan.

PAGSASANAY
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan sa loob ng tatlo o higit pang
pangungusap.

1. Ano ang kaibahan ng pagtatalumpati at pakikipagdebate?


2. Bakit mahalaga ang pangangalap ng mga datos sa pakikipagdebate?
3. Ipaliwanag ang tatlong hakbang sa paghahanda sa pakikipagdebate.
4. Ipaliwanag ang tatlong bahagi ng talumpati.
5. Para sa iyo, bakit may iba’t ibang layunin ang talumpati? Ipaliwanag.

Page 7 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
TOPIC 3: MABISANG PAGBASA (KARUGTONG)
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. natutukoy ang kahulugan ng pakikipanayam;
2. naisa-isa at natatalakay ang mga kasanayan na kinakailangan sa pangkatang
talakayan;
3. natutukoy at naipaliliwanag ang mga estratehiya sa pagkukuwento.

MGA NILALAMAN:

a. PAKIKIPANAYAM
Ang pakikipanayam ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang
harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng
mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglayng ganap na kaalaman sa nais nating
mabatid.
Pag- uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao (tagapakinayam at ang
kinakapanayam) kung saan ang mga katanungan ay nanggagaling sa tagapakinayam upang
makakuha ng impormasyon mula sa pakikipag-usap. Tinatawag din itong primary source at
madalas itong isagawa kung may nais matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol
sa partikular na bagay, pangyayari, at iba pa.
Isang paraan ng pagkuha o pangalap ng impormasyon tungkol sa isang particular na isyu at
tungkol sa pangyayari, opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para sa mga piling
pagkilos.

MGA URI NG PANAYAM


Ang mga panayam ay maaaring maiuri, ayon sa kanilang istraktura, sa tatlong uri:
1. NAAYOS NA PANAYAM
Ang nakabalangkas na pakikipanayam ay isa kung saan ay inayos at paunang-plano ng
tagapanayam ang mga katanungan na hihilingin niya sa tagapanayam at sa kanyang order.
Karaniwan, naglalaman ito ng mga saradong katanungan upang gabayan ang tagapanayam
sa proseso.

2. SEMI-NAKABALANGKAS NA PANAYAM
Ang isang semi-nakabalangkas na pakikipanayam ay kilala bilang isang pakikipanayam kung
saan paunang tinukoy ng tagapanayam ang uri ng impormasyong nais niyang kunin mula sa
tagapanayam at, ayon dito, pinaplano ang kurso na ibibigay sa pakikipanayam. Naglalaman
ng bukas na mga katanungan.

3. HINDI NAKAAYOS NA PANAYAM


Ang hindi nakaayos na pakikipanayam ay hindi nagsisimula mula sa isang paunang natukoy
na plano, ngunit nakabalangkas ayon sa kung paano umuusbong ang pag-uusap sa
tagapanayam. Sa pangkalahatan, para sa ganitong uri ng pakikipanayam, dapat maghanda,
magbigay ng kaalaman at dokumento ang tagapanayam tungkol sa paksa, upang gabayan
ang pakikipanayam habang ito ay umuusad.

Page 8 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
b. PANGKATANG TALAKAYAN
Ang Pagtalakay sa Grupo ay maaaring tukuyin bilang isang malawak na
pamamaraan, na ginagamit upang masuri ang fitness ng isang indibidwal na patungkol sa
mga kinauukulang pamantayan para sa trabaho, pagpasok, atbp. Ito ay sinadya upang
pinuhin ang mga pananaw ng mga kalahok.
Ginagamit ito upang pag-aralan ang buong pagkatao ng isang tao tulad ng kanyang
saloobin, pananaw, pag-uugali, pang-emosyonal na pananaw, pananaw at iba pa.
Sa pamamaraang ito, isang paksa ang ibinibigay sa mga miyembro para sa
talakayan at ang pagpapalitan ng impormasyon at ideya ay nagaganap sa sistematikong
pamamaraan. Ang pag-upo ng mga kandidato ay ginagawa sa paraang magkaharap sila.
Ang isang panel ng mga hukom ay nagmamasid, naghahambing at bumubuo ng
isang opinyon tungkol sa mga kalahok, batay sa kanilang kakayahan sa intelektwal,
panlipunan, pamumuno at komunikasyon.
Ang talakayan ng pangkat ay nagsasangkot ng komunikasyon sa harapan ng mukha sa
pagitan ng mga kalahok, kung saan nakikipag-usap, nagbahagi, nagmula at talakayin ang
mga ideya at pananaw upang makarating sa isang pinagkasunduan.

MGA KASANAYANG KINAKAILANGAN SA PANGKAT NA TALAKAYAN


 Antas ng komunikasyon  Pamumuno
 Pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa loob  Pangangatuwiran
ng pangkat  Kaalaman sa paksa
 Bukas ang pag-iisip  Kakayahang hawakan ang mga tao
 Aktibong pakikinig  Wika ng katawan
 Pagtatanghal ng mga pananaw na  Kritikal na pag-iisip
nakakumbinsi  Pagtitiwala

DO'S AT DON'TS
 Panatilihin ang pakikipag-ugnay sa mata sa mga kapwa kalahok habang nagsasalita.
 Simulan ang talakayan ng pangkat
 Pahintulutan ang iba na magsalita, huwag makagambala sa iba kapag nagsasalita sila,
sa halip ay gumawa ng isang tala ng mga salungat na puntos at talakayin ang mga ito
kapag tapos na sila.
 Kalinawan at kagalang-galang sa pagsasalita
 Kontrolin ang iyong lakas ng tunog at bilis habang nagsasalita
 Ibalik ang talakayan sa track, kung ang pangkat ay lumihis mula sa paksa.
 Laging magkaroon ng positibong pag-uugali, huwag subukang mangibabaw kahit
kanino.
 Magsalita ng matino
 Ginustong mga detalye ng paksa habang ang mga intimate na detalye tungkol sa mga
kaganapan ay dapat na iwasan.
 Pormal na bihisan at iwasan ang kaswal na diskarte.

c. PAGKUKUWENTO
 pakikibahagi sa iba ng isang karanasan, ng isang pangyayaring nabasa, narinig,
nasaksihan o kaya’y isang likhang isip ng isang malikhaing guni-guni

Page 9 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
 mabisa din itong paraan ng pakikipagtalastasan.
 ginagamit na paraan sa pagtuturo.
 ito ay isang sining na nililinang natin sa ating mga mag-aaral.
 ang masining na pagkukuwento ay pagbibigay ng interpretasyon sa isang maikling
kuwento o salaysay sa pamamagitan ng madamdaming pagbabasa at madamdaming
pagkilos.

MGA ESTRATEHIYA SA PAGKUKUWENTO


1. MUKHA - palakihin ang mga mata at ibuka ang bibig kung natatakot, sumimangot
kung nayayamot, ngumiti kung masaya, atbp. Mainam gamitin kung nais manatiling
nakaupo habang nagkukuwento.
2. KATAWAN - takpan ng mga kamay ang mga mata kung natatakot, ibaluktot ang
baywang kung nasasaktan, yumuko kung nahihiya, ilahad ang mga daliri kung
nagbibilang, pumadyak kung nagagalit, iunat ang bisig kung may ituturo, palakihin
ang dibdib kung nagyayabang. - marahang paglakad sa harap ng mga
kinukuwentuhan kung kinakailangan ng katahimikan ng kuwento.
3. MAHALAGA ANG PAGGAMIT NG BOSES- kung higante ang nagsasalita, palakihin
ang boses, kung munting daga, paliitin ang boses.

MGA ELEMENTO
1. lakas ng tinig o boses
2. pagpapalit ng estilo ng tinig ayon sa iba't ibang tauhan
3. pagbabasa ayon sa iba't ibang damdamin
4. ekspresyon ng mukha
5. naaayon na aksiyon o kilos ng katawan
6. kasuotan

GAWAIN:
Naimbitahan kang maglahad ng isang masining na pagkukwento sa isang
palatuntunan na ang paksa ay "Salamin ng Kahapon, Bakasin natin Ngayon.‖
1. Anu-ano ang mga inaasahan mong maririnig nila mula sa kwento mo.
2. Anu-anong aral ang makukuha nila at paano nila ito maiiugnay sa kanilang
buhay?
3. Gumawa ng mga katanungan na maaaring gamitin sa pakikipanayam.
4. Paano isinasagawa ang pakikipanayam?
5. Ano ang kahalagan ng pangkatang talakayan?

Page 10 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
TOPIC 4: PAKIKINIG

MGA LAYUNIN NG PAGKATUTO:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. napagtatanto ang mga balakid sa pakikinig.
2. natatalakay ang kahulugan ng pakikinig.
3. nababatid ang ang mga bagay na nakakatulong upang magkaroon ng mahusay
na pakikinig.

NILALAMAN:
A. PAKIKINIG
APAT NA MAKRONG KASANAYAN
1. Pakikinig 2. Pagsasalita 3. Pagbasa 4. pagsulat

a. KAHULUGAN
PAKIKINIG
Ito ang kakayahang makilala at maunawaan ang sinasabi ng ating kausap. Inuunawa
dito ang diin at bigkas, gramatika, talasalitaan, at pagpapakahulugan ng nagsasalita.

LAYUNIN NG PAKIKINIG
1. Maaliw—pagbibigay-kasiyahan sa mga tagapakinig.
2. Makalikom ng impormasyon
3. Magsuri

URI NG PAKIKINIG
1. PASIBONG PAKIKINIG - nakikinig kasabay ng iba pang gawain; walang gaanong
konsentrasyon dahil abala sa iba pang gawain.
2. AKTIBONG PAKIKINIG – pinakikinggan nang mabuti ang tagapagsalita upang ang
lahat ng kanyang sinasabi ay lubusang maunawaan.
3. MASUSI O MAPANURING PAKIKINIG – sinusuri at hinahatulan ang kawastuan ng
mensaheng napakinggan.

ANTAS O LEVEL NG PAKIKINIG


1. APPRICIATIVE NA PAKIKINIG – Ginagamit ito sa pakikinig upang maaliw ang mga
awdyens. Ang mahusay na halimbawa nito ang pakikinig ng mga awit sa radyo o
konsyerto.
2. PAKIKINIG NA DISKRIMINATORI - Ito ay isang kritikal na pakikinig. Ginigamit ito
para sa organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan. Sa antas na ito,
inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga inpormasyong kanyang napakinggan.
3. MAPANURING PAKIKINIG - Ito ay ebalweytiv o selektiv ang pakikinig. Mahalaga rito
ang konsentrasyon sa napakinggan. Bukod sa pag-unawa ng napakinggan, ang
tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu
sa antas na ito.
4. IMPLAYD NA PAKIKINIG - Sa antas na ito tumutuklas ng isang tagapakinig ang mga
mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig, Ang hindi sinasabi ng tuwiran
ay inaalam ng tagapakinig sa level na ito.

Page 11 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
5. INTERNAL NA PAKIKINIG – Ang antas na ito ay ang antas na pakikinig sa sarili. Ang
pinagtutuunan ng pansin sa level na ito ay ang mga pribadong kaisipan ng isang
indibidwal na pilit niyang inuunawa at isinusuri sa antas na ito.

b. PROSESO NG PAKIKINIG
1. Tunog o mensahe na narinig sa pamamagitan ng tainga - Ang tainga ang
mahalagangbahagi ng katawan na gumaganap sa pagsagap ng tunog o mensahe,
antena ng tao. Sa tainga nakasalalay ang kawastuhan ng tunog o
mensaheng maririnig. Maliban sa tainga, ang tagapagsalita o tagabigay ng
mensahe ay mahalaga rin kung malinaw o wasto ang ibinibigay namensahe.

2. PAGDALA NG MENSAHE O TUNOG (AUDITORY NERVE) – ang mensahe o tunog


ay tama o maayos baang pagdadala, kung may diperensya o may kasiraan ang
daanan ng mensahe (auditory nerve), magkakaroon ng ibang tunog o mensahe.

3. Pagkilala ng mensahe o tunog - ang mensaheng tinanggap ay nasa pagkilala ng


tumanggap. Kung paano itong tinanggap, minsan depende sa damdamin o
sitwasyon ng tumanggap o kalagayan ng tumanggap.

4. INTERPRETASYON SA MENSAHE - nasa pagpapakahulugan o interpretasyon ng


tumatanggap ang mensahe o tunog. Minsan ang karanasan o kaalaman ng nakikinig
ang siyang nagbibigay ngpagpapakahulugan ng mensahe.

5. PAGSAGOT SA MENSAHE - ito ang sagot sa mensahe at pagpapakahulugan ng


tagapakinig. Kung tama at wasto ang tugon sa mensahe ang ibig sabihin may
pagkakaunawaan ang tagapagsalita attagapakinig. Minsan may iba ibang paraan ng
pagsagot, pagtango, pag-iling o sa ekspresyon ng mukha o kaya walang sagot.

Page 12 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
c. PARAAN SA MABISANG PAKIKINIG

ISTRATEHIYA SA PAKIKINIG
1. Magkaroon ng eye contact sa tagapagsalita.
2. Maging aktibo (sa pagtatanong, pagsusuri, atbp.).
3. Iwasan ang pagiging emosyonal.
4. Magpokus sa nilalaman o mensahe.
5. Iwasan ang distraksiyon.
6. Isaisip na ang pakikinig ay isang mapaghamong gawain na pang-mental.
7. Sanaying gamitin ang kakayahang makinig sa pagtala ng mga datos, magsuri at
magbigay-opinyon.

MGA TEKNIK SA MABUTING PAKIKINIG


1. Magpakita ng interes sa sinasabi ng tagapagsalita.
2. Mag-adap sa deliveri ng tagapagsalita.
3. Mag-adjas sa mga distraksyon.
4. Iwasan ang kunwaring pakikinig.
5. Alamin ang konsepto at pangunahing ideya.
6. Pakinggang mabuti ang mahihirap na pahayag na binabanggit.
7. Pakinggan muna nang mabuti ang buong mensahe bago maghusga o tanungin ang
inilahad ng tagapagsalita.

d. MGA ELEMENTONG NAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG


MGA BAGAY NA NAKAAAPEKTO SA PAKIKINIG
1. Oras 4. Pinag-aralan 7. Edad
2. Kultura 5. Tsanel o daanan 8. Konsepto sa sarili
3. Lugar 6. Kalagayang sosyal 9. Kasarian

KOMPONENT NG PRODUKTIBONG PAKIKINIG


1. AKTITUD AT INTENSYON NG TAGAPAKINIG
a. pisikal na kalagayan (physical condition)
b. bukas na isip
c. pagtatama ng sarili (self-correcting)

2. MATUTONG UMUNAWA MUNA


a. tingnan ang validity ng sinasabi ng e. pag-uulit ng pahayag
kausap f. paghikayat na magsalita
b. maging flexible sa pagtatanong at g. pagpapaunlad pang lalo ng mga
pagsagot naihayag na
c. pagtutulay (bridging) h. bukas na tanong
d. katahimikan

Page 13 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.
MGA SAGABAL SA PAKIKINIG
1. PAGBUO NG MALING KAISIPAN - may pagkakataon na tayo ay nakikipag-usap sa
ating sariling isipan habang nakikinig at sa pamamagitan nito, ang nabubuo ay kung
ano ang nabuong kaisipan natin at hindi ang kabuuang nilalaman ng ating
pinakikinggan.

2. PAGKILING SA SARILING OPINYON - nakabubuo tayo ng sarili nating kaisipan


habang nakikinig sa isang nagsasalita mula sa sarili nating opinyon na wala namang
matibay na basehan.

3. PAGKAKAIBA-IBA NG PAKAHULUGAN - ang nabubuo nating interpretasyon sa


ating narinig ay maaaring iba sa pakahulugan ng nagsasalita kaya kailangan dito ang
paglilinaw sa pamamagitan ng pagtatanong sa tagapagsalita kung anong kaisipan o
ideya ang narinig na gustong linawin.

4. PISIKAL NA DAHILAN - isa rin sa hadlang sa pakikinig ang epekto ng kapaligiran.

5. PAGKAKAIBA NG KULTURA - posibleng mangyari na hindi natin matanggap ang


mensaheng ipinadala ng tagapagsalita dahil sa kaibahan ng kultura.

6. SULIRANING PANSARILI - hindi natin gaanong mauunawaan ang ating


pinakikinggan kung namamayani ang ating pinakikinggan at umuukilkil sa ating isipan
ang ating sariling problema sapagkat nakapokus tayo sa problema at hindi sa ating
pinakikinggan.

7. AT IBA PANG KARAGDAGANG BALAKID SA PAKIKINIG


a. Mental at emosyonal na ingay
b. Lumilipad na diwa
c. Masyadong madaldal
d. Perseptuwal na salamin
e. Negatibong pananaw

GAWAIN
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod ng mga tanong/pahayag sa loob ng isa
hanggang dalawang pangungusap nang diretso at hindi maligoy (direct to the point). (5
puntos bawat isa).
1. Ano ang pagkakaiba ng naririnig sa nakikinig?
2. Paano natin masasabi na mabisa ang ating pakikinig?
3. Bakit sinasabi na ang taong may saradong isip ay mahirap makapakinig?
4. ―Mas madaling makarinig kaysa makakinig‖. Ipaliwanag.
5. Ano ang personal mong sagabal sa pakikinig? Paano mo ito
masosolusyunan?

MGA SANGGUNIAN:
Tumangan, A. et. al (2014). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Grandbooks Publishing Inc.
Retrieved fromhttps://www.scribd.com/doc/252108428/Kahulugan-ng-
Pagsasalita-docx.
Retrieved fromhttps https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/sining-ng-pagkukwento.
Retrieved fromhttps https://www.slideshare.net/zichara/ang-paghahanda-sa-
Pagkukuwento.

Page 14 of 14
EXODUS 20:15: “THOU SHALT NOT STEAL”.

You might also like