Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

______1. Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita?

a. Pang-angkop b. Pandiwa c. Pang-uri

______2. Anong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng salitang nagtatapos sa patinig na e,


a, i, o, u?
a. ng b. na c. g
______3. Anong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng salitang nagtatapos sa katinig
maliban sa n?
a. ng b. na c. g
______4. Ano ang pang-angkop na ginamit sa salitang mabangong bulaklak?
a. ng b. na c. g

______5. Ano ang pang-angkop na ginamit sa salitang mabangis na ahas?


a. ng b. na c. g

______6. Ano ang pang-angkop na ginamit sa salitang sariwang gulay?


a. ng b. na c. g

______7. Ano ang pang-angkop na ginamit sa salitang dilaw na mangga?


a. ng b. na c. g

______8. Anong pang-ankop ang dapat na ilagay sa patlang? uhaw ___ uhaw
a. ng b. na c. g

______9. Anong pang-angkop ang dapat na ilagay sa patlang? maganda___ dalaga


a. ng b. na c. g

______10. Tama ba o mali ang paggamit ng pang angkop sa salitang magandang gabi?
a. Oo, tama ang paggamit ng pang-angkop sa salitang magandang gabi.
b. Mali ang paggamit ng pang-angkop sa salitang magandang gabi.
c. Hindi matukoy kung tama o mali ang paggamit ng pang angkop sa salitang
magandang gabi.
______11. Ano ang tawag sa pangungusap na nagpapaliwanag o naglalarawan?
a. Pangungusap na Padamdam b. Pangungusap na Patanong c. Pangungusap
na Pasalaysay
______12. Ano ang tawag sa pangungusap na may tandang pananong sa dulo ng pangungusap?
a. Pangungusap na Pautos b. Pangungusap na Patanong c. Pangungusap na
Padamdam
______13. Ano ang tawag sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin?
a. Pangungusap na Padamdam b. Pangungusap na Pakiusap c. Pangungusap
na Pautos
______14. Ano ang tawag sa pangungusap na nag-uutos?
a. Pangungusap na Pautos b. Pangungusap na Pasalaysay c. Pangungusap na
Padamdam
______15. Ano ang tawag sa pangungusap na gumagamit ng salitang maaari, paki-, at pwede ba?
a. Pangungusap na Patanong b. Pangungusap na Pakiusap c. Pangungusap na
Pautos
______16. Kapag may itatanong ka sa kaklase mo, anong pangungusap ang dapat mong gamitin?
a. Pangungusap na Pasalaysay b. Pangungusap na Pautos c. Pangungusap na
Patanong
______17. Gusto mong ipaliwanag kung bakit ka nahuli sa klase, anong pangungusap ang dapat
mong gamitin?
a. Pangungusap na Patanong b. Pangungusap na Pasalaysay c. Pangungusap
na Padamdam
______18. Maraming dapat tapusin bago magbagong taon. Sa dami ng gawain kinailangan mong
pakiusapan ang kaibigan mo na tulungan ka. Alin sa baba ang dapat mong sabihin sa kaibigan mo?
a. Maari mo ba akong tulungang tapusin ang mga gawain bago mag bagong taon?
b. Tulungan mo akong tapusin ang mga gawain bago magbagong taon.
c. Tutulungan mo ako tapusin ang mga gawain bago magbagong taon.
______19. Isang araw naligaw si Raffy sa pupuntahan niyang bilihan ng mga aklat. Kaya naman
naisipan niyang magtanong sa malapit na pulisya kung saan ito. Ano ang dapat na sabihin ni Raffy
sa pulis?
a. Magandang araw po. Saan po ba ang bilihan ng mga aklat dito?
b. Bibili po ba kayo ng aklat?
c. May benta po ba kayong aklat dito?
______20. Alin sa baba ang hindi halimbawa ng pangungusap na Pautos?
a. Kunin mo ang mga aklat na ito sa silid-aklatan.
b. Pakilagay naman ng mga aklat na ito sa silid-aklatan.
c. Dalhin mo nga ang mga aklat na ito sa silid-aklatan.
______21. Uuwi na ba kayo bukas sa inyong bayan? Ano ang tanda na ang pangungusap na may
salungguhit ay pangungusap na patanong?
a. Nagsisimula ito sa Malaking titik ang nagtatapos sa tandang pananong.
b. Ang pangungusap ay nagtatanong.
c. a at b
______22. Naku po! Nahulog ang bata sa bangin! Bakit pangungusap na padamdam ang
nakasalungguhit?
a. Dahil ito ay may tandang padamdam sa hulihan ng pangungusap.
b. Dahil ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin.
c. a at b
______23. Ano-ano ang mga pananda na ginagamit sa tao o taong nagmamay-ari?
a. ni, nina, kay, at kina b. nina, kina, at ng mga c. ng at ng mga

______24. Ano-ano ang mga pananda na ginagamit ng pangngalang maramihan?


a. ni, nina, kay, at kina b. nina, kina, at ng mga c. ng at ng mga

______25. Ano-ano ang mga pananda na ginagamit ng karaniwang ngalan ng tao o bagay?
a. ni, nina, kay, at kina b. nina, kina, at ng mga c. ng at ng mga

______26. Aling pangungusap ang nagpapakita ng wastong paggamit ng panandang ng mga?


a. Luma na ang sapatos ng mga mag-aaral.
b. Wala ng mga ibon.
c. Alisin mo dito ng mga gamit na ito.
______27. Aling pangungusap ang nagpapakita ng wastong paggamit ng panandang ni?
a. Si Alwiza at Darren ay kaibigan ni magkapatid.
b. Si Alwiza at Darren ay kaibigan ni Yusop.
c. Si Alwina at Darren ay kaibigan ni Ghadz at Quuenie.
______28. Nasa ____ Abdulraffy ang lapis mo. Anong pananda ang tamang gamitin sa
pangungusap?
a. kay b. kina c. ni
______29. Masarap ang tradisyunal na pagkain ____ Tausug. Anong pananda ang tamang gamitin
sa pangungusap?
a. nina b. ng c. ng mga
______30. Kakilala ka ba ___ ina? Anong pananda ang tamang gamitin sa pangungusap?
a. ng b.ni c. kay

______31. Ang bango ng mga bulaklak na nadaanan natin. Bakit ng mga ang ginamit sa
pangungusap?
a. Dahil gustong ipahiwatag ng nagsasalita na marami silang nadaanan na bulaklak.
b. Dahil isang bulaklak lang ang nadaanan nila.
c. Dahil mabango nadaanan nilang bulaklak.
______32. Ilang araw ang bumubuo sa isang linggo?
a. 7 b. 12 c. 14

______33. Ilang buwan ang bumubuo sa isang taon?


a. 7 b. 12 c. 14

______34. Alin sa baba ang hindi pangalan ng araw sa isang linggo?


a. Lunes b. Enero c. Sabado

______35. Alin sa baba ang hindi pangalan ng buwan sa isang taon?


a. Hulyo b. Sabado c. Hunyo

______36. Alin sa baba ang tamang pagkasunod-sunod ng mga araw sa isang linggo?
a. Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo
b. Biyernes, Martes, Huwebes, Lunes, Sabado, Linggo, Miyerkules
c. Miyerkules, Sabado, Linggo, Martes, Biyernes, Huwebes, Lunes
______37. Alin sa baba ang tamang pagkasunod-sunod ng mga buwan sa isang taon?
a. Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktobre,
Nobyembre, Disyembre
b. Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Disyembre, Nobyembre, Oktobre, Setyembre, Agosto,
Enero, Pebrero, Marso,
c. Disyembre, Nobyembre, Oktobre, Setyembre, Agosto, Enero, Pebrero, Marso, Abril,
Mayo, Hunyo, Hulyo
______38. Anong araw ang susunod pagkatapos ng Biyernes?
a. Sabado b. Lunes c. Huwebes
______39. Ano aang pangalan ng araw bago ang Lunes?
b. Biyernes b. Martes c. Linggo

______40. Anong buwan ang susunod pagkatapos ng Enero?


c. Marso b. Pebrero c. Disyembre

______41. Ano ang pangalan ng buwan bago ang Agosto?


d. Setyembre b. Mayo c. Hulyo

42 – 43. Basahin ang kuwento at sagutan ang susunod na tanong.

Binisita ni Raffy ang kapatid niya sa tirahan nito. Isang araw, naligaw si Raffy sa lugar na
pinuntahan nila ng kapatid niya. Gusto niyang tawagan gamit ng telepono ang kapatid niya
ngunit numero lang nito ang meron siya kaya naman nagtanong siya sa taong dumadaan
kung saan may malapit na bayarang telepono. Tinuro sa kanya ng kanyang napagtanungan
kung saan ito. Agad-agad naman siya nagtungo doon at tinawagan ang kapatid. Sa unang
pagtawag niya ay walang sumagot sa telepono. Muli niya itong tinawagan at laking
pasasalamat niya nasagot ng kapatid niya ang tawag.
______42. Alin ang mainam na wakas ng kwento?
a. Pinuntahan si Raffy ng kapatid niya sa bayarang telepono at nagpatuloy sila sa
kanilang lakad bago umuwi.
b. Tinanong ni Raffy ang kapatid niya kung saan ito. Pagkatapos ay pinuntahan niya ang
kanyang kapatid at sabay silang umuwi.
c. Umuwi ng mag isa si Raffy pagkatapos nilang nag usap ng kapatid niya.
______43. Ano ang wastong buod ng kuwento?
a. Bago lamang nabisita ni Raffy ang kapatid sa lugar nito kaya nung lumakad sila,
naligaw siya. Sa tulong ng ibang taong dumadaan, natawagan niya ang kanyang
kapatid.
b. Namisita si Raffy. Naligaw si Raffy. Nagtanong si Raffy. Tumawag si Raffy. Sinagot ng
kapatid niya.
c. Wala sa a at b.

44 – 45. Basahin ang kuwento at sagutan ang susunod na tanong.

Isang araw, nakakita si Ana ng punong bayabas. Maraming bunga ito. May malaki at
maliliit. May hinog at berde. Gusto niyang kumuha ng bunga kaya namn lumukso siya.
Ngunit hindi niya maabot ang mga hinog na bunga. Nag-isip siya. Umuwi siya sa bahay.
Kumuha siya ng panungkit. Pagkatapos ay binalikan niya ang punong bayabas na nakita niya
at sinungkit ang mga hinog na bayabas.
______44. Ano ang mainam na wakas ng kuwento?
a. Sobrang saya niyang umuwi sa dami ng bungang nakuha niya.
b. Malungkot siyang umuwi sa dami ng bungang nakuha niya.
c. Kinain niya lahat ng bungang nakuha niya at hindi siya nagdala ng kahit isa pauwi.
______45. Ano ang wastong buod ng kuwento?
a. May nakitang punong bayabas na maraming hinog na bunga si Ana. Kumuha siya ng
panungkit sa bahay nung hindi niya ito maabot at sinungkit ang mga hinog na bunga.
b. May nakitang punong bayabas si Ana. Hindi niya ito maaabot kaya umuwi na lamang
siya.
c. May nakitang punong bayabas si Ana. Inakyat niya ito para makuha ang hinog na
bunga. Marami siyang bungang nakuha kaya masaya siyang umuwi.

You might also like