Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SI AWIE AT ANG MGA ITLOG

Kuwento ni: IVY CASIDSID CERILLO

“Itlog…Itlog…Itlog…, may itlog na ba kayo mga manok?” ito ang kadalasang maririnig

sa likod-bahay ng pamilyang Alvarado sa bayan ng Silway-otso. Maririnig ito tuwing umaga.

“Nangingitlog na ba kayo mga manok ko?” pakanta-kanta sabi ng isang batang paslit.

Araw-araw ito ang naririnig at bukambibig ni Awie, isang batang anim na taong gulang.

Mahilig siya sa mga manok. Kasa-kasama ng kanyang Lolo Ben sa likod ng bahay para kunin

ang mga itlog ng mga manok at ibinebenta sa palengke.

Isang araw ng Sabado at sadyang napakaaliwalas ng panahon. Maagang gumising si

Awie dahil sabik na sabik siyang kukuha ng mga itlog. Ngunit, dahil matagal dumating ang

kanyang Lolo Ben, tumakbo siyang mag –isa papunta sa kanilang manokan sa likod bahay.

Gulat na gulat si Awie sa kanyang nakita. “Wow ang galing niyo naman mga alaga, ang

dami ng inyong mga itlog. Tiyak na matutuwa si Lolo Ben nito, makabebenta kami nang

marami-rami ngayong araw,” ang tuwang-tuwa at palukso-luksong sabi si Awie sabay palakpak

ng kaniyang mga kamay.

Dahil hindi na makapaghintay pa si Awie sa kanyang Lolo Ben, kinuha niya ang mga

basket na nakasabit. Masaya niyang pinulot ang bawat itlog na nasa kulungan. Isa, dalawa, tatlo,

apat, ang pagbibilang ni Awie sa mga itlog na kanyang pinupulot. “Naku, nakakalimampung

itlog kami ngayong araw”, ang sabi ni Awie.

Limampung pirasong itlog ang nakuha ko. Matutuwa nito si Lolo, dahil lahat ng mga

manok namin ay nangingitlog”. “Salamat mga manok ko”, ang saad ni Awie na ngumingiti
habang palabas ng kulungan ng mga manok. Bukas ulit ha, huwag kayong magsawa sa

pangingitlog. Laking tulong ito sa amin.

Ngunit sa hindi-inaasahan, nasagi ni Awie ang isang bato at siya ay nadapa. Nabitiwan ni

Awie ang basket na puno ng mga itlog. Mangiyak-ngiyak si Awie habang siya ay nakaupo sa

tabi. Takot at kaba ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Tiyak na pagagalitan siya

ng kanyang Lolo Ben.

Halos lahat ng itlog ay nabasag. Isa, dalawa, tatlo. “Naku po, sampung itlog na lamang

ang natitira sa basket,” ang sabi ni Awie. Paano ito ngayon wala na kaming maibebenta sa bayan.

Ano kaya ang sasabihin ni Lolo kapag nakita niyang basag lahat ng itlog?

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Lolo Ben. Nanlaki ang kaniyang mga mata

sa nakita. Gulat na gulat si Lolo Ben sa nakitang mga nakakalat na basag na itlog. “Awie, anong

nangyari? Bakit nabasag na ang mga itlog?” ang tanging nasambit ni Lolo Ben.

“Patawad po, Lolo Ben. Hindi ko na po kayo nahintay kanina, sabik na sabik lang po ako

na makakita at makakuha ng mga itlog”, ang mahinahong sambit ni Awie. “Nasagi ko po ang

bato at dahil mabigat po ang basket nabitawan ko po ito, ang laluha-luhang sabi ni Awie,”

dadgag pa nito.

Awie, sa susunod huwag kang pumunta rito nang mag-isa, hindi mo pa ito kayang gawin.

“Oo at nakatutulong ka pero mali ang ginawa mo na hindi ako hinintay, ayan tuloy nasayang ang

mga itlog. Hindi na natin ito maibebenta pa,” paliwanag ni Lolo Ben.

Pasensya na po Lolo Ben, hindi na po ito mauulit, ang nahihiyang sabi ni Awie. Simula

noon, hindi na muli pang pumunta ng manokan si Awie upang manguha ng mga itlog nang mag-

isa, Hinihintay na niya ang kanyang Lolo Ben.


LEARNING COMPETENCIES

FILIPINO

Nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kuwentong napakingggan

F1PN-IIi-11

ESP

Nakapagpapakita ng ibat-ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang tulad ng:

a. Pagsunod sa tuntuning itinakda ng tahanan


ESP1 PPP-IIIa-1

Math

Visualizes, represents and counts numbers from 0 to 100 using a variety of material and methods

M1NS-Ia-1.1

Isang araw si Awie ay pumunta ng likod bahay upang kunin ang mga itlog ng mga alaga niyang

manok, Sabik na sabik siya na mag-ani ng mga itlog kaya hindi na niya hinintay pa ang kanyang

Lolo Ben. Mag-isa niyang kahuna ang mga itlog na hindi nagpapaalam ngunit sa di inaasahan

nadapa at nabitawan niya ang basket na puno ng Itlog. Sasabihin kaya ni Awie kung ano ang

nangyari sa mga itlog sa kanyang Lolo Ben?

You might also like