Professional Documents
Culture Documents
IBONG ADARNA WORKSHEET Part 4
IBONG ADARNA WORKSHEET Part 4
__________________________________ ___________________________
Pangalan at Seksyon Guro sa Filipino 7
____________ 1. Nong 1949, sa Pamamagitan ng matyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia ng iba’t
ibang sipi ng Ibong Adarna ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda particular ang mga sukat at
tugma ng bawat saknong.
____________ 2. Sa mga maraming koridong nalimbag at naisulat sa Pilipinas, ang Ibong Adarna ang higit na
tumanyag.
____________ 3. Ang Ibong Adarna ay tinuturing na panitikang pantakas sapagkat ang mahihirap ng Pilipino
na sakbibi ng hirap at sakit dahil sa kahirapang kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol.
____________ 4. Ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong panahong Medieval o Middle Ages.
____________ 5. Ayon kay Pura Santillan-Castrence ang akdang Ibong Adarna ay maaaring hinango lamang sa
kuwentong-bayan mula sa mga bansa sa Europa.
____________ 6. Hindi naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang
relihiyong Katolisismo sa bansa.
____________ 7. Ang Obrang Ibong Adarna ay maituturing na isang awit.
____________ 8. Dalawa lamang ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas.
____________ 9. Sinasabing ang kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating Inang Bayang ay
nagsimula noong 1565 nang dumating si Ferdinand Magellan sa bansa at nagtatag ng unang pamayanan sa
Cebu.
____________ 10. Lumaganap ang Korido sa panahon ng Amerikano.
C. Kilalanin ang mga tauhan sa Ibong Adarna. Bilugang ang titik ng tamang sagot.
1. Ang malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay sa Donya Leonora.
a. Lobo
b. Serpyente
c. Anaconda
D. Tukuyin ang mahahalagang detalye ng mga bahagi ng akdang narinig o nabasa. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
Ang Ibong Adarna ay lumaganap sa panahon pa ng mga Espanyol subalit hanggang ngayon ay
patuloyna pinag-aralan ng Kabataang Pilipino dahil sa kariktang taglay at sa mga pagpapahalagang maaaring
kapulutan ng mga aral sa buhay maging ng kabataan sa mga makabagong henerasyon.
Baon ang kaisipang ito, umisip ng mga pangyayari sa kasalukuyan (sa iyon pamilya, sa mga kakilala,
nabasa, napanood, o narinig) na maaari mong iugnay sa mga nakalahad nakalahad na pangyayari sa akda.
Tukuyin ang salita na nagpapamali sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kaharian ng Berbanya sa pamumuno ni Haring Fernando ay pulos gulo ang nasaksihan.
a. Berbanya
Punan ng wastong sagot ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.
Isulat sa bawat patlang ang tamang sagot upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. Sa pagtataksil ng mga kapatid, dalangin ni Don Juan sa Diyos ( parusa sa mga kapatid, kabayo at tubig,
patawad sa mga kapatid).
2. Unang naisip ni Don Juan ang pagtawag sa (Mahal na Ina, Mahal na Birhen, Mahal na Ama).
3. Hiniling ni Don Juan n asana ay mabuhay n asana ay mabuhay ang ( ina, ama, mga kapatid ).
4. Bilang kapatid, handa siyang ( maghiganti, magpatawad, magsumbong ).
5. Nabatid niya na kahit kapatid pala ay ( karamay, kaagaw, kaaway ).
6. Mula pagkabata, alam niyang mahal na mahal siya ng ( ama at ina, pamilya, mga kapatid ).
7. Nasa isip niyang magdaramdam sa ayos niya ang kanyang ( ama, ina, mga kapatid ).
8. Sa sakit ng kalooban, gumapang-gapang si Don Juan sa may (gulod, lupa,bangin).
9. Naroroon sa puso ni Don Juan ang ( pag-ibig, galit, tuwa ) para sa mga kapatid.
10. Sa hirap na dinananas ni Don Juan, siya ay napalupaypay sa ( sanga, ugat, bato ).
(Saknong 731-792)
Sa pamamagitan ng mga nakatalang pahayag ay suriin kung ano ang katangian ng mga tauhan sa akdang
binasa. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan mong matapos ang panata ko sa
panginoon.” Si Donya Leonora ay:
a. Maka-Diyos c. mahiling mapag-isa
b. Malungkutin d. masunuring anak
2. “Kaya haring mapagmahal, di man dapat kalakhan, kung ito po’y kasalanan patawad mo’y aking hintay”
Si Donya Leonora ay:
a. Maawain c. mapagpakumbaba
b. Mapagmaha; d. maka-Diyos
3. “O, Panginoong Haring mataas, Panginoong naming lahat, sa alipin mo’y mahabag na ituro yaong
landas.” Si Don Juan ay:
a. Maawain c. matatakutin
b. Mapamahiin d. madasalin
4. “malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayon pa man, prinsipe ko, pagpagurang lakbayin
mo.” Ang Ibong Adarna ay:
a. Maawain c. masayahin
b. Maalalahanin d. mapagpaubaya
5. “O, kasi ng aking buhay lunas nitong dusa’t lumbay ano’t di ka dumaratal ikaw kaya’y napasaan? Si
Donya Leonora ay:
a. Nangungulila c. natatakot
b. Nagagalit d. nayayamot
6. “huwag Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin; dito ako’y hintayin ako’y agad babalik din.” Si
Don Juan ay:
a. Mayabang c. mahilig sa pakikipagsapalaran
b. Maalalahanin d. gagawin ang lahat para sa minamahal
7. “Mga mata’y pinapungay, si Leonora’y dinaingan: Prinsesa kong minamahal, aanhin mo si Don Juan? Si
Don Pedro ay:
a. Mayabang c. mapang-alipusta
b. Mapag-alinlangan d. taksil sa kapatid
8. “Kapwa kami mayrong dangal prinsipe ng aming bayan, sapagkat ako ang panganay sa akin ang
kaharian.” Si Don Pedro ay:
a. Mayaman c. mayabang
b. Mapagmahal d. mapagpakumbaba
(Saknong 793-987)
Pagtambalin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Sanhi Bunga
_____1. Walang kapantay ang kagandahan ni Donya a. Puso nila’y umaawit sa Ligaya ng pag-ibig
Maria. b. Lubos na humanga si Don Juan sa prinsesa.
_____2. Sa kanyang pangungubli ay hindi na nakatiis c. Nahabag ang prinsesa kay Don Juan dahil sa
ang prinsipe sa pag-ibig na nadarama. ipinakitang pagpapakumbaba ng prinsipe.
_____3. Nalaman ng prinsesa na nawawala ang d. Ninakaw niya ang damit ng prinsesang
kanyang damit. sadyang marikit.
_____4. Inamin ng prinsipe na siya ang kumuha ng e. Ang prinsesa ay nagalit dahil sa pangyayari
damit.
_____5. Nabuo ang pag-iibigan sa puso nina Don Juan
at Donya Maria.
(Saknong 988-1285)
Tukuyin ang angkop na hinuha hinggil sa kung ano ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa mga nakatalang
bahagi ng akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Wala siyang itinira kapatak may sinaid na, ngunit laking pagtataka, puno pa rin ng makita!” Ang
naramdaman ni Don Juan pagkatapos niyang inumin ang tubig ay….
a. Nasabi niya sa kanyang sarili na ang kanyang naranasan ay isang himala.
b. Natakot si Don Juan sa naranasan sapagkat naisip niyang ang matanda ay isang engkanto.
c. Ninais din ni Don Juan na mapasakanya ang kapangyarihan taglay ng matanda.
2. “Doon ay kanyang dinatnan ang isang ermitanyong mahal, ang balbas ay hanggang baywang kasindak-
sindak pagmasdan.” Ang nangyari sa matanda nang unang makita si Don Juan ay…
a. Malugod na tinanggap si Don Juan at agad na pinatuloy sa kanyang tahanan.
b. Nagtago ang matanda nang makita nito ang binate na dumating sa kanyang lugar.
c. Nagulat at nagtaka ang matanda nang makita si Don Juan kung kaya naman inutusan niya ang
Binatang lumayo sa kanya.
3. “Pagkat di na makatiis na timpiin ang pag-ibig, ninakaw na yaong damit ng prinsesang sakdal-dikit.”
Ang naghari sa puso ni Donya Maria nang mabatid niyang ninakaw ni Don juan ang kanyang damit ay..
a. Natuwa at humanga siya nang makita niya ang makisig na binate.
b. Nagalit siya nang malaman niyang nawawala ang kanyang damit.
c. Natakot siya sapagkat inakala niyang may ibang taong nagmamasid sa kanila.
4. “Pagkat kita’y iniibig, pag-ibig ko’y hanggang langit, Don Juan nais mabilang ka sa naamis.” Ang ginawa
ni Donya Maria upang hindi mapahamak ang sinisinta ay….
a. Itinago niya si Don Juan upang hindi siya makita ng kanyang amang si Haring Salermo.
b. Inutusan niya si Don Juan na umalis na agad sa kanilang lugar upang siya ay hindi mapahamak.
c. Itinuro niya kay Don Juan ang mga bagay na dapat niyang isagot at gawin kapag siya ay
humarap kay Haring Salermo.
Sa pamamagitan ng mga nakatalang pahayag ay tukuyin ang mga napapahong isyu sa bansa na
masasalamin sa bahagi ng akdang tinalakay. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. “Iya’y munting bagay lamang.” Kay Donyang Mariang saysay. Huwag magulumihanan kaydali tang
malusutan.” Ipinakikita sa pahayag na ito na:
a. “Ang mga babae ay may taglay ring natatanging kakayahan tulad ng mga lalaki.
b. Likas sa mga babae ang maging mapagmataas o mayabang.
c. Higit na mapamaraan ang mga babae kaya sa mga lalaki.
2. Luha’t lungkot ay tiniis nang dahilan sa pag-ibig, pangiti ri’t walang hapis na sa sinta’y nagsulit.”
Masasalamin sa pahayag ba ito na:
a. Si Donya Maria ay larawan ng ilang kabataang babae sa kasalukuyan na gagawin o titiisin ang
lahat para sa kanyang taong minamahal kahit pa ito ay pagsuway sa kagustuhan ng magulang.
b. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa kasalukuyang nakararanas ng luha at pait sa
pagkabigo sa pag-ibig.
c. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa kasalukuyan na laging taglay ang kasiyahan
dahil sa puso nila’y naghahari ang tunay na pag-ibig.
3. “Nilapitan ang matanda buong suyong napaawa, siya nama’y kinalinga’t dininig sa ninanasa.”
Masasalamin sa pahayag na ito ang isang katotohanang:
a. Ang pagtulong sa matanda ay isang gawaing dapat panatilihin ng kabataang Pilipino sa
kasalukuyan.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay huwag nating limutin pagkat kung ano man ang itinanim ay siya ring
aanihin.
c. Walang tao ang maaaring mabuhay nang mag-isa, darating ang araw na ating kakailanganin ang
tulong ng iba lalo na sa panahon ng trahedya.
4. “Hindi mo ba nababatid, Don Juan kong iniibig, itong lilo mong kapatid sa ayaw ay namimilit.”
Ipinahihiwatig ng pahayag na sa ating lipunan ay may mga:
a. Taong taksil sa pag-ibig na madaling makalimot sa sinumpaang pag-ibig.
b. Taong labis na makulit o mapilit na kahit na mali ay patuloy pa ring igigiit ang kanyang nais.
c. Taong taksil o mandaraya na kahit maling paraan ay gagawin makamit lamang ang kanilang
hangarin.
5. “Sila nga’y nagging talunan nadaig sa karunungan ng haring aking magulang bato ang kinahangganan.”
Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na:
a. Gaya ni Haring Salermo ang mga taong nasa posisyon lalo na at mayaman minsan ay nagiging
mapang-abuso sa kapangyarihan.
b. Gaya ni Haring Salermo nagagamit ng mga taong nasa posisyon ang kanilang kapangyarihan.
c. Gaya ni Haring Salermo maaaring gawin ng taong nasa kapangyarihan ang anumang maibigan
niya kahit pa ito ay nangangahulugang pagkasawi ng kanyang kapwa.
DATE
ITEMS
SCORE
50
45
40
35
30
25
20
15
10