Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay Eroles Soslit
Sanaysay Eroles Soslit
Ryan C. Eroles
Ang patuloy na pag-unlad ng isang lipunan ay tila kapares ng paglago ng isang halaman
sapagkat makikita sa mga sanga nito kung gaano kalusog ang pundasyon o mga ugat nito.
Samakatuwid, ang sektor ng manggagawa at magsasaka ay dalawang mahahalagang bahagi
ng lipunan na bumubuo sa pundasyon ng ekonomiya. Ngunit sa kabila ng kanilang papel na
nagpapayaman sa bansa, mapapansin natin ang ilang mga isyung patuloy na kinakaharap ng
sektor na ito.
Panahon na upang ang bawat kabataang Pilipino ay maging boses o tinig ng mga sektor
na nagsisilbing ugat ng progresibong tinatamasa ng ating lipunan. Sa huli, mainam at sabay
sabay nating ipaglaban ang karapatan ng bawat magsasaka at manggagawang Pilipino.