Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

LEARNING ACTIVITY SHEETS

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


IKA-APAT NA MARKAHAN/ UNANG LINGGO/ UNANG ARAW

Layunin:
Sa araling ito ikaw ay inaasahang makapagpakita ng tunay na pagmamahal sa kapuwa
tulad ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa at sa kinabibilangang
pamayanan.

Balik- Aral
Lagyan ng ( / ) kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng gawaing
nakatutulong sa bansa at ( X ) naman kung hindi.
_______ 1. Pakikiisa sa kampanya ng DOH na pagsunod sa social distancing.
_______ 2. Pagkakalat ng fake news sa pamamagitan ng facebook
messenger.
_______ 3. Pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan ukol sa covid-19
_______ 4. Pagpopost ng mga nagawang tulong sa facebook.
_______ 5. Nakikilahok sa mga programa ng pamahalaan.

PANIMULA
ARALIN 1
Ang tao sa kaniyang pamumuhay ay nangangailangan ng masasandalan at mahihingan
ng tulong sa panahong nakakaranas siya ng kagipitan. Naipapakita ang pagmamahal
sa kapuwa sa bawat pagkakataon na pagbibigay ng paggugol ng panahon anumang
oras na walang hinihinging kapalit.

Gawain 1
Mahalaga sa isang pamayanan ang pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa ating
kapuwa na hindi tayo nanghihingi ng kapalit.
PANUTO: Lagyan ng / kung nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at bayan at X
kung hindi.
_____________1. Ipadama ang pagdamay sa kapuwa.
_____________2. Pagbibigay ng tulong sa karatig bayan na nakaranas ng baha.
_____________3. Pagbabahagi ng tulong pinansyal sa ibang nangangailangan.
_____________4. Awayin ang kapuwa kung hihingi ng tulong.
_____________5. Laging galitin ang kapwa o kasama sa bahay.
Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
_____________6. Awayin ang kaibigan na walang ginagawang masama sa iyo.
_____________7. Bigyan ng pansin ang taong nangangailangan ng pagkalinga.
_____________8. Alalahanin ang ating mga magulang sa pag-aalaga sa kanila.
_____________9. Kilalanin lang ang taong kilala.
_____________10. Ipakita ang pagmamahal sa tao kahit mahirap ito.

Gawain 2
Panuto: Upang mas lalong mapalalim ang pang-unawa sa pagmamahal sa kapwa
at bayan, punan ang graphic organizer sa ibaba ng mga hinihingi nitong
impormasyon.

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
Gawain 3
Panuto: Gamit ang graphic organizer, magbigay ng mga paraan upang maipakita
ang pagmamahal sa kapuwa at pamayanan?

Paglalahat
Ano ang mga dapat mong tandaan upang maipakita ang pag-sasaalang-alang mo
sa iyong kapwa?
Maipapakita ko ang aking pagsasaalang-alang sa aking kapwa sa pamamagitan ng
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

Pagpapahalaga
Sukatin mo ang iyong sarili kung gaano mo naisasaalang-alang ang iyong kapwa.
Lagyan ng tsek kung gaano mo kadalas ginagawa ito.

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
IKA-APAT NA MARKAHAN/ UNANG LINGGO/ IKALAWANG ARAW

Alam nating lahat ng ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kapwa tulad ng pag-
sasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa at kinabibilangang pamayanan.

Aralin
Nakakita ka na ba ng isang pamilyang nakatira sa tabi ng lansangan? Ano ang iyong
naramdaman nang makita mo sila? Basahin at unawaing mabuti ang tula.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang kalagayan sa buhay ng pamilyang naging tampok sa tula?
2. Ano ang nais ipahiwatig sa iyo ng tula?
3. Nakaranas ka na bang tumulong sa iyong kapwa?
4. Ano sa palagay mo ang maaari mong maiambag para sa kapakanan ng tulad nilang
may pinagdadaanan sa buhay?
5. Naniniwala ka bang ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng
pagmamahal sa ating Panginoon?
Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
Bakit mahalaga ang pagsasaalang-alang natin sa ating kapwa, iyong alamin.
Tunghayan ang graphic organizer upang lubusang mong maunawaan ang kahalagahan
ng ating kapwa.

Gawain 1
PANUTO: Basahin ang kwento at sagutin ang tanong.
Si Aling Rosing ay lagging tinutulungan si Lola Asyang sa pamimitas ng mga gulay sa
kanyang bakuran na kanyang itinitinda. Tinatalian ang ibat ibang gulay tulad ng
kangkong, talbos ng kamote at saluyot. Inayos sa bilao ang panindang gulay ni Lola
Asyang. Lagi ni Aling Rosing binibigyan ng pagkain si Lola Asyang dahil magsolo na ito
sa buhay. Kaya’t tinuturing ni Aling Rosing na kamag-anak niya si Lola Asyang.
Mga tanong:
1. Sino ang tauhan sa kwento?

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
2. Ano ang ginagawa ni Aling Rosing araw-araw?

3. Ano ang hanapbuhay ni Aling Asyang?

4. Paano ipinapakita ni Aling Rosing ang pagmamahal sa kapwa?

5. Sa iyong palagay, dapat bang tularan natin ang ipinakita ni Aling Rosing na ugali?

Gawain 2
Panuto: Isulat sa bawat puso ang tao o grupo ng mga tao na gusto mong
paglingkuran. Sa ibaba nito, isulat ang inyong pangako kung paano mo sila
mamahalin.

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
Gawain 3
PANUTO: Sumasang ayon ba kayo na dapat ipakita ang pagmamahal sa kapuwa?
Punan ang tsart ng buong katapatan. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ayon sa iyong
sagot.
LS – Lubos ma sumang-ayon
S – Sumasang-ayon
HS – Hindi sumasang-ayon
LHS – Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Paglalahat
PANUTO: Sa tulong ng inyong magulang/guardian, tapusin o buuin ang
pangungusap/ pahayag na nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa.
Bilang isang mag-aaral natutunan ko na ang pagmamahal sa kapuwa dapat ay ang
mga sumusunod:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
IKA-APAT NA MARKAHAN/ UNANG LINGGO/ IKATATLONG ARAW
Layunin

Ang pagkakaroon ng pag-aalala sa ating kapuwa ay isang tunay na nagpapakita ng


pagmamahal. Hindi natin pinabayaan ang isa’t-isa sa pagtulong sa kanila.

Balik- Aral
Panuto: Isulat ang Wasto sa patlang kung pahayag ay nagsasaad ng pagsasaalang -
alang sa kapakanan sa kapwa at Di-wasto kung hindi.
________ 1. Tumulong ng walang alinlangan ang pamilya Diaz sa biktima ng bagyo.
________ 2. Paggalang sa opinyon ng iba.
________ 3. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay kailangang taglay natin sa tuwina.
________ 4. Nagpapahiram sa nangangailangan ngunit pinatutubuan.
________ 5. Ikinalulugod ng Diyos ang ginagawa nating pagsasaalang-alang sa
kapakanan ng ating kapwa.

Aralin
Ang Magkaibigan

Sina Isha at Anna ay matalik na magkaibigan simula pagkabata. Magkaiba man ang
katayuan sa buhay, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan. Kung anong
meron si Isha ay ibinabahagi niya ito kay Anna.
Inanyayahan ni Isha na maglaro si Anna sa kanilang tahanan isang araw. Sa masayang
paglalaro ay di sinasadyang nasagi ni Isha ang cellphone ng kanyang ina at nabasag
ang screen ito, takot na takot ito sa nangyari na tila maiiyak. Agad na lumapit si Anna at
sinabing, “huwag kang mag-alala sasamahan kitang ipaliwanag ang nangyari” at
sumang-ayon si Isha.
Magkasamang nagtungo ang magkaibigan sa ina ni Isha upang sabihin ang nangyari.
Imbes na magalit ay ikinatuwa ng ina ang pagsasabi ng totoo at pinayuhan sila na mag-
ingat sa susunod.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Sino ang dalawang magkaibigan sa kuwento?
2. Anong nangyari habang naglalaro sila Isha at Anna?
3. Sang-ayon ka ba sa desisyong ginawa ng dalawang magkaibigan?
4. Anong pagsasalang-alang sa kapanan ni Isha ang ginawa ni Anna?

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
Pagsasanay
Pagsasanay 1

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung nagsasaad ng pagsasaalang-alang ng

kapakanan ng kapwa at malungkot na mukha kung hindi.


__________ 1. Iniiwasan ni May na makisali sa usapan ng matatanda.
__________ 2. Nakita ni Faith na walang baon ang kanyang kaklase kaya’t binigyan
niya ito ng kanyang kinakain.
__________ 3. Hindi gumagamit ng po at opo si Axel habang nakikipag-usap sa
matanda.
__________ 4. Nakikipagtalo ang pinuno sa kaniyang miyembro dahil nais niyang siya
lamang ang masunod.
__________ 5. Tahimik si John na gumagawa ng kanyang takdang -aralin habang ang
ate niya ay nasa online class.

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang PK kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kapwa at HPK naman kung hindi.
__________ 1. Pamimintas sa kasuotan ng iba.
__________ 2. Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa nakatatanda.
__________ 3. Pagbibigay kasiyahan sa mga lolo at lola.
__________ 4. Pagsingit sa mahabang pila upang mauna.
__________ 5. Pakikinig sa mga payo ng mga magulang.

Pagsasanay 3
Panuto: Isulat ang maaaring mong gawing tulong sa mga larawang iyong nakikita.

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS

Paglalahat
Ipaliwanag ang isang Bible Verse mula sa mga Hebreo 13:16.

Pagpapahalaga
Ikaw ay napiling pinuno ng inyong pangkat para sa isang gawain. Nagkaroon kayo ng
pagpupulong online upang mapagplanuhan ninyo ang inyong gagawin. Ang bawat
miyembro ng pangkat ay nagbigay ng mungkahi, nagkataon na isa sa mga ito ay galing
sa iyong kaibigan at siya ay umaasa na ang kanyang mungkahi ang masunod. Ano ang
iyong gagawin?
___________________________________________________________________

_________________________________________________________
___________________________________________________________________

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
IKA-APAT NA MARKAHAN/ UNANG LINGGO/ IKAAPAT ARAW

SUBUKIN NATIN (Pagtataya)


PANUTO: Basahin ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
______1. Nakasalubong mo ang iyong kaibigan na tahimik at naiyak. Ano ang gagawin
mo?
A. Kausapin siya C. Huwag pansinin
B. Huwag magtanong D. Pabayaan nalang
______2. Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa iyong lolo ay lola?
A. Hayaan na magutom C. Bibigyan ng pagkain
B. Sisigawan sila D. Pababayaan sila
______3. Nakita mo ang iyong nanay na nahihirapan sa pag-aasikaso sa mga kapatid
mo. Ano ang gagawin mo?
A. Aalis ako ng bahay C. Sisigawan ko siya
B. Di ko siya papansinin D. Tutulungan ko ang aking nanay
______4. Nagkaroon ng sakuna sa inyong lugar. Nasugatan ang iyong kapitbahay.
Paano mo maipakita ang pagtulong sa kanila?
A. Iiwasan ko siya C. Hindi ako makikialam
B. Gagamutin ang nasugatan D. Pababayaan ko kasi malaki na sila
_______5. Ang kapitbahay mo ay nawalan ng trabaho ngunit naghahanap naman siya.
Anong tulong ang iyong maibibigay sa kanya?
A. Bibigyan ng pagkain habang wala pa siyang trabaho
B. Huwag pansinin
C. Pabayaan nalang siya
D. Hintayin mo na lang kung siya ay kakatok
______6. Alam mong nag-iisa na sa bahay si Lola Maria. Paano mo maipapakita ang
pagmamahal kay Lola Maria?
A. Murahin nalang siya
B. Dalhin sa tahanan ng matatanda
C. Alagaan ko siya
D. Hahayaan na lang

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
_____7. Ang iyong nakababatang kapatid ay iyak nang iyak. Paano mo siya patahanin
sa pag-iyak?
A. Papaluin siyang tumigil
B. Pabayaan siyang umiyak
C. Sisigawan dahil ang ingay
D. Aamuin para tumigil umiyak
______8. Ang iyong nanay ay may karamdaman. Ano ang iyong gagawin upang
maipakita mo ang iyong pagmamahal?
A. Bibigyan ko siya ng malamig na pagkain
B. Hindi ko papansinin
C. Wala akong gagawin
D. Paiinumin ng gamut
______9. Ang iyong kapatid ay nangangailangan ng tulong pinansyal. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Bigyan ng pera kung kailangan
B. Alamin kung kailangan talaga
C. Huwag bigyan ng pera
D. Huwag pansinin
______10. May nakasakay kang may kapansanan na matandang babae. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sipain ko siya
B. Alalayan sa pagbaba
C. Hindi ko siya papansinin
D. Wala akong pakiaalam sa kanya
______11. Mabagal nang lumakad ang iyong tatay. Paano mo ipapakita ang iyong
pagiging anak sa kanya?
A. Hindi tulungan
B. Tawanan habang naglalakad
C. Alalayan sa paglalakad
D. Hindi papansinin
______12. Paano mo maipapadama ang pagmamahal sa iyong nanay?
A. Pabayaan ko na lang siya
B. Balewalain ko ang aking nanay

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
C. Pagalitan ko siya
D. Bibigyan ko ng higit na oras siya
_______13. Humihingi ng tulong sa iyo ang iyong matalik na kaibigan dahil wala siyang
pambili ng gamot. Ano ang gagawin mo?
A. Bibilhan mo ng gamot
B. Hindi ko siya papansinin
C. Tatalikuran ko siya
D. Tatawanan ko na lang
_______14. Binilhan ka nang nanay mo ng bagong damit, ngunit ang iyong kapatid ay
wala at kailangan din niya ito. Ano ang gagawin mo?
A. Lalo ko siyang lolokohin
B. Hindi ko ibibigay sa kanya
C. Ibibigay ko na lang sa kapatid ko
D. Pabayaan ko siyang umiyak
______15. May humingi ng tulong sa kung maaaring makituloy ng isang araw dahil
nawalan sila ng tirahan. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko papatuluyin
B. Iniisip ko baka magnakaw
C. Pabayaan ko sila sa kalye
D. Patutuluyin ko dahil kawawa naman
______16. Ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba ay dapat ginagawa _______
A. kung nais mo lang.
B. kung may kapalit.
C. sa abot ng makakaya.
D. kung may nakakikita.
______ 17. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsasaalang-alang sa kapwa?
A.Ayaw makipaglaro ni Dina kay Isha dahil sa ito’y mahirap.
B. Si Jessa lamang ang tinulungan ni Alma dahil sa kaibigan nya ito.
C. Ipinagmamalaki ni Yen ang bagong biling cellphone ng kanyang ina.
D. Si Mark ay taimtim na nanalangin sa Diyos para sa mabilisang paggaling ng kanyang
amang may sakit.
______18. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay __________________________
A. nakapagtataas sa sarili.
Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
B. laging humihingi ng kapalit
C. nagbibigay kasiyahan sa puso.
D. nakapagdudulot ng pagiging sikat.
______19. Ang sumusunod ay naglalahad ng pagsasaalang-alang sa kapwa maliban sa
isa, alin ito?
A. Pagbibilang ng mga naitulong sa kapwa.
B. Pagdarasal para sa kapakanan ng bawat isa.
C. Pag-iisip ng ikabubuti ng kapakanan ng bawat isa.
D. Pagpapaabot ng kayang tulong sa mga nangangailangan.
_______20. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapanan ng iyong
kapwa, ikaw ay _____.
A. giginhawa ang buhay.
B. kawiwilihan ng lahat.
C. gagantihan ng iyong kapwa.
D. gagantimpalaan ng iyong natulungan.
_______21. Tinutukso si Miya ng mga bata sa kanila dahil sa luma niyang kasuotan.
Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali ako sa panunukso kay Miya.
B. Sasabihan ko ang ang mga bata na mali ang kanilang ginagawa.
C. Mananahimik lang at panunuorin ang panunukso ng mga bata.
______22. Nasunugan ang iyong kaklase at halos wala silang naisalbang gamit, Anong
tulong ang maaari mong gawin?
A. Magbigay ng damit at pagkain.
B. Balewalain ang nangyari sa kanila.
C. Hayaang iba ang tumulong sa kanila.
______23. Mahiyaing bata si Liezel, hindi siya masyadong nakikipag-usap sa iba, nais
mo siyang isali sa inyong paglalaro, ano ang iyong gagawin?
A. Pilitin mo siyang makipaglaro sa inyo.
B. Tatakutin siya upang makipaglaro sa inyo.
C. Kumbinsihin siya na nais mong makipaglaro at makipagkaibigan.
______24. Inutusan ka ng iyong ina na bumili sa tindahan, sa paglalakad mo ay may
nakasabayan kang babaeng nagmamadali at hindi niya napansin na nalaglag ang
kanyang wallet. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi sasabihin at pasekretong kukunin ang wallet.

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS
B. Pupulutin ang wallet at tatawagin ang babae upang maibigay.
C. Hindi papansinin ang nangyari at patuloy na maglalakad papuntang
______ 25. May ipinagagawang proyekto sa sining ang inyong guro. Tinawagan ka ng
iyong kaklase at gusto niya ay magpagawa sa iyo ngunit nais mong tumanggi dahil bilin
ng inyong guro na kayo ang gagawa. Ano ang iyong sasabihin sa kanya na hindi
masasaktan ang kanyang damdamin?
A. Pasensya ka na, marami akong ginagawa.
B. Pasensya ka na, hindi kita pwedeng ipaggawa kung gusto mo tutulungan na lang
kita.
C. Pasensya ka na, baka mapagalitan tayo kapag nalaman ng ating guro na
ipinaggawa kita ng ating proyekto.

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS

Performance Task
PANUTO: Ngayon ay natutunan mo na ang papapakita ng pagmamahal sa kapuwa.
Sumulat ang isang pangako na kung saan iyong maiipapakita ang pagmamahal sa
iyong kaibigan o kapuwa tulad ng iyong natutunan sa aralin.

Rubrics:
Criteria 4 3 2
Paragraph All paragraphs Paragraphs include Paragraph structure
Construction include introductory related information was not clear and
sentence, but were typically sentences were not
explanations or not constructed wel typically related
details, and within the
concluding paragraphs
sentences
Organization Information is very Information is The information
organized with organized, but appears to be
wellconstructed paragraphs are not disorganized
paragraphs and wellconstructed
subheadings
Focus/Main Point Information clearly Information relates Information has
relates to the main to the main topic. little or nothing to
topic. It includes No detail and/or do with the main
several supporting examples are given topic
details and/or
examples

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________


LEARNING ACTIVITY SHEETS

Prepared by: J.L San Pascual MELC CODE: EsP5PD - IVa-d – 14


Pangalan: ______________________________________ Petsa: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Pangkat: _____________

You might also like