Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sintesis: “Prinsipyo ng Lipunang Pilipno”

Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat


karakter sa alamat ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali.
Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng
tao. Ang bawat Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong
na ginagawa ang lahat para sa ama na may sakit. Ang alamat ay hindi lang
ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat karakter
sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito
ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni
tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago makarating sa
puso ng saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at
pagsubok na tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi
lang pambata na kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa
lipunan na ang ibang tao gustong makuha kung ano ang gusto.

Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa


kasalukuyan ngayon ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa
panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider
ay gusto lang para umangat ang sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat
ni bab ong ay kailangan mong may disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito
nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging isang Pilipino ay
merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na umunlad
tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap sa
puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng
kakaibang kapangyarihan pag napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at
suhulan na nangyayari din sa ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon
na sihulan ang mga tao. Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na
kung saan pinipili ang kuneho para itong maging hari ng gubat.

Sa kabuuan ng kwento matutunan ng mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay


nagsasalita si matsing “Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya
mo bang ipag-utos sa mga hayop ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng
dangal at prinsipyo? Determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang
magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin mo bang magpadikta sa
bulong ng konsensya?” Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa huling
hamon: “Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay—sa
gubat”Ang mga salitang iyan ay mas bubuo sa pagkatao ng pagka Pilipino sa ating
bayan, bilang isang kabataan ito ang kaharap na pagsubok natin ngayon na naging
apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa paguugali kung paano ito dadalhin.

Wakas

You might also like