Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGSUSULAT NG SANAYSAY

Ang Pagsulat ng Sanaysay ay isa sa pamamaraan upang matiyak kung may kaalamang natamo ang bawat
mag-aaral mula sa mga paksang tinalakay.

Kakibat ng patimpalak na ito ang hamon para sa mga mag-aaral na padaluyin ang mga naaangkop na
salita o konteksto upang maipahayag ang kanilang mga kaalaman sa epektibong pamamaraan.

Ibabatay ang tema ng Pagsulat ng Sanaysay sa mga paksang tinalakay sa Panggitnang Termino sa ating
asignatura.

PANUNTUNAN NG PAGSALI:

1. Ang mga lehitimong mag-aaral ni Dr. Vidal S. Mendoza, Jr. ang inaasahang sasali sa patimpalak na ito.

2. Ang paksa ng sanaysay ay nakatuon sa mga paksang tinalakay sa panggitnang termino.

4. Siguraduhin na hindi pa napapasa o naililimbag sa ano mang patimpalak ang sanaysay, sapagkat ang
bawat pyesa ay masusing susuriin ng mga miyembro ng mga piling hurado. Ang sino mang mahuling
nang-angkin ng nakaw na likha ay awtomatikong aalisin sa patimpalak at hindi mabibigyan ng
pagkakataon na makasali pa. Bibigyan din ng kaukulang disiplina ang sinumang mapapatunayang
nagnakaw ng ideya o konsepto. Kaya naman, magalang na hinihiling na gumamit ng APA style na paraan
ng citation.

5. Ang sanaysay ay binubuo ng lima (5) o higit pang talata (tiyakin na may panimula, katawan at
konklusyon o wakas) at may kaakibat na pamagat at sanggunian. Iminumungkahi na sundin ang 5
paragraph essay video na ipinadala sa ating group chat. Mangyaring lagyan ng pangalan, kurso/taon at
seksyon ang mga isusumiteng sanaysay bilang pagkakakilanlan. Ilagay din sa itaas na bahagi kung anong
pangkat ang ginawan ng sanaysay. Para sa mga nakapagpresenta, 2 lamang ang sanaysay ang inaasahang
ipapasa. Samantala 3 naman ang sanaysay para sa mga hindi pa nakapagpresenta. Maaaring kumonsulta
sa iba pang kamag-aral o kakilala para sa pagpapahusay ng sanaysay subalit tiyakin lamang na kayo ang
may gawa nito.

6. Opisyal na magsisimula ang pagtanggap ng mga sanaysay mula Oktubre 23-27, 2023. Antabayanan ang
ibang detalye sa ating opisyal na group chat.

7. Ang sinumang may pinakamahusay na sanaysay ay awtomatikong may 100 puntos sa panggitnang
pagsusulit at pagkakalooban ng Sertipiko ng Pagkilalal na igagawad sa loob ng klase.

PARAAN NG PAGSUSUMITE:

1. I-upload ang PDF File ng inyong sanaysay (1inch sa lahat ng side, 12 ang font size, times new roman
ang font name, 8x13 size) sa folder na isesend sa inyo ng kinatawan ng klase. Kapag naipasa na ay agad
na sabihan ang kinatawan ng klase upang masigurado na natanggap ang iyong pinasa para sa talaan ng
mga nagpasa. Mangyaring lagyan ng oras at araw ng pagpapasa sa talaan ng kinatawan ng klase.

2. Gumawa ng folder sa nasabing drive at sundin ang format: Apelyido_Unang


Pangalan_Kurso/Taon/Seksyon. Ipadala sa ating group ang opisyal na google drive link.
3. Ilakip din ang kopya ng mga balangkas o draft ng sanaysay (yung may lagda) katunayan na dumaan ito
sa proseso ng pagsulat (Pagplano, Pagsulat at Pagrebisa). Bawal magsumite ang sinumang walang lagda
ang draft o outline. Sakaling hindi nakagawa, sumulat lamang at ipadala sa akin kalakip ang patotoo ng
dahilan kung bakit di nakagawa.

PAALALA:

Sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong mga entry, binibigyan mo rin ang iyong propesor aapamahala
na gamitin at/o i-publish ang iyong mga sanaysay sa pamamagitan ng aming opisyal na group chat upang
maging basehan ng mga susunod na mag-aaral.

PAMANTAYAN NG PAG-GRADO:

Nilalaman ng Sanaysay.............................................................50%

Kaugnayan ng nilalaman sa Paksa.....................................................................20%

Wastong paggamit ng salita/grammar...................................................20%

Pagsunod sa Mekaniks………………………………………………………5%

Istilo ng Pagsulat..................................................................5%

Kabuuan............................................................100%

You might also like