Professional Documents
Culture Documents
EGE 105 MODYUL Dula Mga Uri NG Dula at Pagsusulat NG Dula BEE EGE I 1
EGE 105 MODYUL Dula Mga Uri NG Dula at Pagsusulat NG Dula BEE EGE I 1
Pilipinas) Dula
Modyul
PANGKALAHATANG IDEYA
Ang daigdig ay isang malaking dulaan ng buhay, at ang panahon ang umaakda ng
mga pangyayaring itatanghal sa araw-araw at tayong lahat na nalikha sa ibabaw ng daigdig ang
mga tauhang kumikilos at gumagalaw sa malaking dulang iyon. Kung big nating makilala at
mapag-aralan ang kabuhayan, pag-uugali, hilig kabihasnan, kalinangan o kultura ng isang bayan o
lahi ay pumasok tayo sa kanilang dulaan at doon natin makikilala, di lamang ang kasalukuyan,
kundi ang kahapon at ang bukas ng bayan o lahing yan, palibhasa'y ang dulaan ay siyang tanghalan
ng mga bagay na nangyari, nangyayari at mangyayari sa isang kapookan bayan o lahi. Ang
tatalakayin natin sa modyul na ito ay tungkol sa dula, mga uri ng dula, at pagsulat ng dula.
MGA LAYUNIN
MGA NILALAMAN
DULA
- Ang dula ay isang genre ng panitikan na kinatha o isinulat para itanghal
- Naglalaman ito ng kuwento na iniaakto ng mga tauhan sa isang espasyo na kung tawagin ay
entablado.
Itinturing na ugat ng pinaka unang uri ng dula ay ang mga awit, sayaw, at tula dahil ito ay may
damdamin, kaisipan, at tunog a sumasaliw sa mga ito.
Hindi lamang sa entablado itinatanghal ang mga dula, mayroong mga dula na tinatanghal sa
tahanan at maging sa lansangan subalit dahil sa pagsulong ng teknolohiya hindi na nalilimitahan sa
mga entablado ang pagtatanghal ng dula. Gumagamit na rin ng mga studio at location set katulad
ng napapanood sa mga pelikula o teleserye.
2. Trahedya
- Isang uri ng dula na nagpapakita ng mabibigat o masasalimuot na mga pangyayari sa buhay
ng isang tao. Kalimitang nagtatapos ito sa kabiguan o kamatayan ng pangunahing tauhan o
mahalagang tauhan nito.
- Noong panahon ng griyego, ito ay nagtatampok ng mga tema ng pag-ibig, kabiguan,
kapangyarihan, at maging ang kaugnayan ng diyos sa tao.
Mga halimbawa ng Trahedya:
a. Oedipus Rex ni Sophocles - ito ay nakasentro sa buhay ng haring si Oedipus ng
Thebes na nakatadhanang papatay sa kaniyang ama at magiging asawa ng kanyang ina.
b. Macbeth ni William Shakespeare - ito ay tumatalakay sa buhay ni Macbeth na naging
hari ng Scotland dahil sa kaniyang kasakiman at kapangahasan sa kapangyarihan.
c. Kahapon, Ngayon, at Bukas ni Aurelio Tolentino - ito naman ay nakapokus sa
pakikilpaglaban ng mga Filipino sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas.
d. Moses Moses ni Rogelio Sikat - Ipinapakita ng dulang ito ang pag-abuso sa
kapangyarihan, paghihiganti, at ang pagmamahal at sakripisyo ng isang ina.
3. Melodrama
- Isang uri ng dula na mayroong malungkot, pagkabigo, o nakakaantig na tema sa simula
4. Parsa
- Ang layunin ng dulang ito ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang kilos o
pananalita ng tauhan.
Halimbawa ng Parsa:
a. Karaniwang Tao ni Joey Ayala
b. Mga skits na karaniwang mapapanood sa comedy bar.
5. Saynete
- Ito’y katawa-tawang dula na karaniwang pinapaksa ang katawa-tawang ugali ng tauhan.
- Ang paksa nito ay tungkol sa pglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa
kaniyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa.
Halimbawa ng Saynete:
a. La India Elegante Y Negrito Amanate ni Francisco Baltazar
6. Parodya
- Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pananalita, at pag-uugali ng tao
bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna, o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit
nkakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
Halimbawa ng Parodya:
a. Ang nakakamaong sapatos Y Ang pag-ibig ni Don Perlimplin kay Belisa sa
kaniyang hardin, kapwa ni Federico Garcia Lorica.
7. Proberbyo
- Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang kwento
ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kaniyang buhay.
8. Tragikomedya
- Sa dulang ito ay magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may mga tauhang
katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot
dahil sa kasawian o kabiguan ng mahalagang tauhan.
Halimbawa ng Tragikomedya:
a. Ang Ulong Ginang ni Lope de Vega
b. La Celestina ni Fernando de Rojas
PAGSULAT NG DULA
Pagsulat ng Iskrip ng Dula Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,” nagsisimula siya
sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito,
sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samu’t saring impresyon,
gunita, larawan, damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating.
Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip:
1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito
sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa katha.
2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang mga
gagamiting salita sa diyalogo.
3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng kuwento, anyo
(form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo.
5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong,
at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter
(character), tagpuan (location), paningin (point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa
pagsulat ng iskrip nararapat na lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda
ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.
Ang Iskrip at Diyalogo Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang
iskrip. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit maitatanghal
lamang ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng
iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging ng buong dula.
Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng dula.
Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo,
ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan Ang diyalogo ang sinusundan ng mga
aktor. Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan
sa pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula.
MGA AKTIBIDAD
1. Sa panahong ito, naimpluwensyahan ang dula ng mga temang panrelihiyon. Halimbawa nito ay
senakulo, komedya, panunuluyan, at iba pa. Sa anong panahon ito?
A. Dula sa Panahon ng mga Hapones
B. Dula sa Panahon ng mga Espanyol
C. Dula sa Panahon ng mga Amerikano
D. Wala sa nabanggit
SAGOT: B. DULA SA PANAHON NG ESPANYOL
2. Isang itong uri ng dula na may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain at ang kwento ay
pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kaniyang buhay.
A. Melodrama
B. Trahedya
C. Saynete
D. Proberbyo
SAGOT: D. PROBERBYO
3. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang
ito kung may ____ na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula.
A. Iskrip o Diyalogo
B. Eksena
C. Yugto
D. Tagpo
SAGOT: A. ISKRIP O DIYALOGO
4. Sa mga bahagi ng isang dula, ito ang nagsisilbing panahon ng paghahanda para sa susunod na
yugto at maging para sa sandaling makapagpahinga ang mga aktor.
A. Eksena
B. Tagpo
C. Yugto
D. Iskrip o Diyalogo
SAGOT: C. YUGTO
5. Isang uri ng dula na mayroong malungkot, pagkabigo, o nakakaantig na tema sa simula subalit
nagwawakas ito sa masayang pangyayari, tagumpay, at mababait na mga tauhan.
A. Parsa
B. Melodrama
C. Saynete
D. Parodya
SAGOT: B. MELODRAMA
6. Isang uri ng dula na nagtatampok ng mga katawa-tawang pangyayari sa buhay kalimitang ito
nagtatapos sa masaya dahil nagkakasundo ang mga tauhan nito.
A. Komedya
B. Parsa
C. Trahedya
D. Saynete
SAGOT: A. KOMEDYA
8. Ito ay isang genre ng panitikan na kinatha o isinulat para itanghal. Naglalaman ito ng kuwento
na iniaakto ng mga tauhan sa isang espasyo na kung tawagin ay entablado.
A. Parabula
B. Dula
C. Epiko
D. Alamat
SAGOT: B. DULA
9. Ang Ulong Ginang ni Lope de Vega ay isang halimbawa na kabilang sa anong uri ng dula?
A. Melodrama
B. Tragikomedya
C. Parsa
D. Parodya
SAGOT: B. TRAGIKOMEDYA
10. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay nagmumula rito. Dito matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo, ang
mga eksena.
A. Iskrip
B. Diyaloho
C. Paksa
D. Yugto
SAGOT: A. ISKRIP
SANGGUNIAN
Vibal Studios. (2020, November 23). [TEACHER VIBAL] Filipino Mondays: Dula: Mga
Bahagi at Mga Uri Nito [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=kRxSEEa0nak
Monde, J. (2022, May 14). Kahalagahan Ng Dula - Bakit Mahalaga Ang Isang Dula?
Philippine News. https://philnews.ph/2022/05/14/kahalagahan-ng-dula-bakit-mahalaga-ang-
isang-dula/#google_vignette
Morrison, R. (n.d.). Ang 18 uri ng dula (na may mga halimbawa) - Agham - 2023.
Warbletoncouncil. https://tl.warbletoncouncil.org/tipos-obras-teatro-9394#menu-5
Inihanda nila:
Manlungat, Robert A.
Pagodpod, Angelica C.
Dreo, Adhara Jane C.
Libiran, Dave Matthew B.
BEE EGE I-1