ST2 Ap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ****
Division of****
District****
**** ***ELEMENTARY SCHOOl

IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 6 (Q1)


TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Learning Competency Actual Weight Total Test Item Placement


Instruct No. of

Understanding
Remembering
ion Items

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
(Weeks)

*Nasusuri ang mga 1 33.33 10 1,2,7, 4,6 5 3,9 10


dahilan at 8
pangyayaring naganap
sa Panahon ng
Himagsikang Pilipino
• Sigaw sa Pugad-Lawin
• Tejeros Convention
• Kasunduan sa Biak-
na Bato
Natatalakay ang 1 33.33 10 11,14 13,17 19,20 18 12
partisipasyon ng mga ,15,1
kababaihan sa 6
rebolusyong Pilipino
*Nasusuri ang 1 33.33 10 21,24 23,25 22,28, 29
pakikibaka ng mga ,26,2 30
Pilipino sa panahon ng 7
Digmaang Pilipino-
Amerikano
• Unang Putok sa
panulukan ng Silencio
at Sociego, Sta.Mesa
• Labanan sa Tirad
Pass
• Balangiga Massacre
TOTAL 3 100% 100 12 6 3 6 3
18 9 3
60% 30% 10%

Prepared by:

Teacher I

Checked and Reviewed by:

School Principal I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region ****
Division of****
District****
**** ***ELEMENTARY SCHOOl

SECOND SUMMATIVE TEST IN ENGLISH 6(Q1

IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 6 (Q1)

Pangalan: ________________________________ Baitang: _________ Puntos:


_____

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan ito.

1. Sino ang tagapayo ni Andres Bonifacio na siyang kilala sa tawag na “Utak


ng Katipunan” na siya ring patnugot ng opisyal na pahayagan ng Katipunan
– ang Kalayaan?
A. Valentin Diaz
B. Ladislao Diwa
C. Deodato Arellano
D. Emilio Jacinto
2. Siya ay kilala bilang “Ina ng Himagsikan”, “Ina ng Balintawak”, at “Ina ng
Katipunan” dahil sa bahay niya nagpupunta ang mga katipunero upang
magpulong at upang magpagamot ng mga sugat buhat sa labanan.
A. Gregoria de Jesus
B. Melchora Aquino
C. Cory Aquino
D. Leni Robredo
3. Si Teodoro Patiño na isang katipunero ang nagsiwalat ng lihim ng
Katipunan sa paring kastila na si Padre Mariano Gil. Dahil dito, natuklasan
ng mga Espanyol ang mga balak pag-aalsa ng mga Pilipino at nagbunga rin
ito ng pagkakakulong ng mga Pilipinong pinaghihinalaang miyembro nito.
Anong katangian mayroon si Teodoro Patiño?
A. may malasakit sa bayan
B. mapagmahal sa kapwa Pilipino
C. isang traydor at hindi makabansa
D. marunong lumingon sa pinanggalingan
4. Nang matuklasan ng mga espanyol ang Katipunan, nagpulong-pulong
ang mga katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio. Napagkasunduan
nilang simulan na ang himagsikan. Nang sabay-sabay nilang pinunit ang
kani-kanilang mga sedula, ano ang kanilang isinigaw?
A. “Mabuhay ang Pilipinas!”
B. “Laban, Pinoy!”
C. “Patayin ang mga Espanyol!”
D. “Simulan na ang himagsikan!”
5. Sabaysabay na nag-alsa ang mga katipunero laban sa mga Espanyol sa
walong lalawigan, kasama ang iba pang lugar sa Pilipinas, na kung saan
matagumpay nilang natalo ang mga ito. Sa kasalukuyan, sa anong sagisag
ng bansa makikita ang walong lalawigang it?
A. sa limandaang pisong papel
B. sa watawat ng Pilipinas
C. sa logo ng DepEd
D. sa mga barya
6. Pinalitan ang Katipunan ng Rebulosyonaryong Pamahalaan. Sa
paghahalal ng mga pinuno, nahalal si Bonifacio bilang Direktor ng Interyor.
Ngunit ayon kay Tirona, dapat ay abogado ang nasa posisyon niya. Ano ang
naramdaman ni Aguinaldo sa sinabing ito ni Tirona?
A. natuwa dahil ayaw ni Bonifacio ng trabaho
B. naiyak dahil kinakawawa siya ng mga mayayamang tao
C. nagdamdam at nainsulto dahil wala silang respeto sa resulta ng
halalan
D. natakot dahil baka kung anong gawin sa kanya ng mga Espanyol
7. Dito nakasulat at inisa-isa ni Bonifacio ang mga dahilan kung bakit
pinawalang bisa niya ang resulta ng halalang naganap sa Tejeros.
A. Human Rights
B. Acta de Tejeros
C. Kalayaan
D. La Solidaridad
8. Ano ang kasong kinaharap nina Andres Bonifacio at ng kanyang kapatid
na si Procopio na hinatulan ng parusang kamatayan kahit na walang
nakitang ebidensiya laban sa kanila?
A. sedisyon at pagtataksil
B. pagnanakaw at pambababae
C. pakikipagsabwatan sa mga Espanyol
D. pagpatay sa mga Pilipinong katipunero
9. Bakit pansamantalang nahinto ang digmaan sa pagitan ng Espanyol at
Pilipino?
A. dahil sa nangyaring Kasunduan sa Biak-na-Bato
B. dahil naubusan ng bala ang mga Pilipino
C. dahil nagkaroon ng pandemya
D. dahil namatay si Bonifacio
10. Ang mga sumusunod ay mga Probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato
maliban sa ______________.
A. Pag-alis ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas
B. Pagtigil ng mga pinunong rebolusyonaryo sa labanan at
maninirahan sila sa Hong Kong
C. Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsuko ng
kanilang mga sandata
D. Pagkakaloob ng Espanya ng halagang Php1,700,000 bilang
kabayaran sa mga rebolusyonaryo at mga pamilya nito
11. Siya ay ipinanganak noong Mayo 9, 1875 at anak ng ulirang mag-
asawang sina Nicolas de Jesus at Baltazar Alvarez. Sino siya?
A. Marcela Agoncillo
B. Melchora Aquino
C. Gregoria de Jesus
D. Trinidad Tecson
12. Ano ang mga kababaihan sa mga panahon ng himagsikan ay may taglay
na mabubuting katangian. Alin sa ibaba ang hindi nagpapakita ng
mabuting katangian?
A. may pusong nagmamalasakit sa kapwa
B. mga responsableng ilaw ng tahanan
C. may taglay na katalinuhan at kasinopan
D. maraming reklamo sa paggawa sa loob ng bahay
13. Si Marcela Mariño Agoncillo ang pangunahing tagahabi ng una at
opisyal na watawat ng Pilipinas kaya siya ay tinaguriang…
A. “Ina ng Watawat ng Pilipinas”
B. “Ina ng Himagsikan”
C. “Ina ng Red Cross”
D. “Ina ng Balintawak”
14. Isa siya sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban
kasama ng kalalakihan sa rebolusyon. Binansagan siyang “Ina ng Biak-na-
Bato” at “Ina ng Red Cross” para sa kaniyang paglilingkod sa mga kasamang
Katipunero. Sino siya?
A. Marcela Agoncillo
B. Melchora Aquino
C. Gregoria de Jesus
D. Trinidad Tecson
15. Siya ay isa sa maipagkakapuring Pilipina, ang natatanging babaeng
heneral na pinatunayan na ang babae ay may angking kakayahan, tibay ng
puso at katapangan at handang isakripisyo ang buhay kung kinakailangan.
Siya ay tinaguriang “Visayan Joan of Arc’. Sino siya?
A. Teresa Magbanua
B. Gregoria de Jesus
C. Melchora Aquino
D. Trinidad Tecson
16. Siya ang naging kalihim ng Katipunan. Siya ang laging nangunguna sa
pag-awit at pagsasayaw upang iligaw ng pansin ang paikut-ikot na mga
patrol. Ang kaniyang ama ay isa sa Labintatlong Martir ng Cavite.
A. Teresa Magbanua
B. Marina Dizon Santiago
C. Melchora Aquino
D. Josefa Llanes
17. Bakit kailangan ng mga kababaihan ng Katipunan ang tapang ng
dibdib, ganda ng pag-awit, saya ng pagsayaw at sinseridad ng paghalakhak?
A. upang makilala ng mga Espanyol at mapili nilang maging asawa
B. upang magpakitang gilas sa kapwa Pilipina
C. upang ipakita ang kagalingan sa pagsayaw at pag-awit pati na sa
drama
D. upang maging makatotohanan ang lahat ng drama-dramahan
alang-alang sa Katipunan
18. Kung madaling aliwin ang mga Espanyol na nagpapatrolya sa mga
bahay na lihim na pinagpupulungan ng, anong katangian mayroon sila?
A. marupok
B. matalino
C. matiyaga
D. matulungin
19. Anong katangian ng mga kababaihan noong panahon ng Kastila ang
dapat taglayin pa rin ng mga kababaihan sa panahon ngayon?
A. may malasakit sa kapwa
B. tunay ang pag-ibig sa baying sinilangan
C. matapang at may paninindigan
D. Lahat ng nabanggit
20. Ano ang ipinahihiwatig ng kasaysayan patungkol sa kakayahan ng mga
kababaihan na hanggang ngayon ay kanilang napatutunayan?
A. Ang mga babae ay taga-silbi sa mga lalaki.
B. Kung kaya ng mga lalaki, kaya rin ng mga babae.
C. Kung ikaw ay babae, ikaw ay isang mahinang nilalang.
D. Ang mga babae ay nababagay lamang sa loob ng kanilang bahay.
21. Siya ang ang hinirang ng Kongreso bilang Pangulo ng Unang Republika
ng Pilipinas.
A. Emilio Aguinaldo
B. Jose Rizal
C. Andres Bonifacio
D. Emilio Jacinto
22. Alin sa mga probisyon ng Saligang Batas ng Malolos ang nagpapahiwatig
na mahalaga ang karunungan sa bawat Pilipino?
A. Paghihiwalay ng simbahan at estado
B. Pagkilala sa karapatan ng bawat tao
C. Libreng edukasyon sa elementarya
D. Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura at
hukuman
23. Bakit kinailangan ni Aguinaldo na magtatag ng isang pamahalaan
diktatoryal?
A. upang maging tanyag at maging makapangyarihan sa lahat
B. upang maalis ang ilang opisyal ng pamahalaan
C. upang patayin ang lahat ng lumalabag sa sinasaad ng batas
D. upang ganap na masaklawan ang buong bansa at madaling
mapagtagumpayan ang pakikidigma.
24. Saan idineklara ang Kalayaan ng Pilipinas?
A. Piddig, Ilocos Norte
B. Kawit, Cavite
C. Sampaloc, Manila
D. San Fernando, Pampanga
25. Kaalinsabay ng pagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas, iwinagayway ang
bandilang Pilipino sa tugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang
awit, na kilalala ngayon bilang _______________.
A. Bayang Magiliw
B. Perlas ng Silangan
C. Lupang Hinirang
D. Simngayka Piddig
26. Sino ang sumulat ng pambansang awit ng Pilipinas?
A. si Julian Felipe
B. si Jose Rizal
C. si Reqine Velasquez
D. si Moira
27. Saan tinahi ang watawat ng Pilipinas?
A. sa Pilipinas
B. sa Amerika
C. sa Hong Kong
D. sa Espanya
28. Kung sa pamahalaang diktatoryal, ang tawag sa pinuno ay “diktador”,
ano naman ang tawag sa pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo?
A. heneral
B. pangulo
C. gobernador
D. rebolusyador
29. Kung ikaw ay nabuhay sa panahon nina Aguinaldo at ikaw ay nahalal
na pinuno ng bansa, ano ang dapat na maging pangunahin mong mithiin?
A. ang maging tanyag na pinuno sa buong mundo
B. ang kalayaan ng Pilipinas sa alinmang mananakop
C. ang maging pinakamayaman sa buong mundo
D. ang manakop ng ibang bansang mahina
30. Bakit mahalaga ang kalayaan ng isang bansa?
A. Dahil dito nakasalalay ang pamumuhay ng bawat mamamayan
B. Dahil hindi madaling maging alipin ng bansang banyaga
C. Dahil mahalaga ito sa ekonomiya ng bansa
D. Lahat ng nabanggit
IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 6 (Q1)
SUSI SA PAGWAWASTO

1. D 11. C 21. A
2. B 12. B 22. C
3. C 13. A 23. D
4. A 14. D 24. B
5. B 15. A 25. C
6. C 16. B 26. A
7. B 17. D 27. C
8. A 18. A 28. B
9. A 19. D 29. B
10. A 20. B 30. D

You might also like