SAWIKAAN

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Narito ang inyong gawain. Maaari ninyong gamitin ang ating oras next week, Oct.

18. Wala ako, kaya hindi n’yo puwedeng gamitin ang room na naka-assign sa atin.
Sa Oct. 23, ipepresenta ninyo ito sa klase.
1. Pangkatang gawain. Dating pangkat pa rin (muna)
2. Magsasagawa tayo ng mini-Sawikaan: Pagpili ng Salita ng Taon 2023.
3. Pumili ng (1) isang salita/pahayag na sumikat simula 2022 hanggang 2023 –
isa lamang bawat pangkat. Mga dapat pagpilian:
a. Halimbawa ng isang salita: Marites
b. Halimbawa ng dalawang salita: Social Distancing
c. Halimbawa ng abbreviation: PUI
d. Halimbawa ng pahayag: Bakit malungkot ang Beshie ko?
4. Mga Pamantayan sa pagpili ng Salita ng Taon. Note: Alinman sa mga
sumusunod:
a. Mga salitang bagong naimbento.
b. Mga salitang hiram mula sa katutubo o banyagang wika.
c. Lumang salita ngunit may bagong kahulugan o patay na salitang
muling nabuhay.
5. Mga Isinasaalang-alang sa pagpili ng Salita ng Taon. Note: sundin ang lahat
ng nasa ibaba:
a. Ang kabuluhan ng mga salita sa buhay ng mga Pilipino
b. Ang pagsasalamin nito sa kalagayan ng lipunan.
c. Ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita.
d. Ang paraan ng pagpepresenta nito sa madla.
6. Iteorya ang salitang napili.
a. Sa pagteteorya, bukod sa bilang 3 at 4, maaari ding sagutin ang mga
tanong na:
i. Ano ang kahulugan ng salita
ii. Ano ang kasaysayan o pinagmulan ng salita – etimolohiya
iii. Paano ito ginagamit?
iv. Bakit ito nauso?
v. Bakit dapat itong itanghal bilang Salita ng Taon?
7. Sikaping mapalalim at mapalawak ang talakay, kaya’t hinihingi ang masusing
pagpapasya kung anong salita ang inyong pipiliin. Tiyaking nagdulot ito ng
malaking impak/pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga Filipino.
8. Bagaman hinahangad natin ang malalim at malawak na talakay, hindi ito
nangangahulugan na mahabang oras din ang ating igugugol sa presentasyon.
Lilimitahan natin ang minutong nakalaan sa bawat pangkat, 10 hanggang 15
minuto lamang. Kung kaya,
a. Piliin ang pinakamahahalagang detalye na inyong isasama.
b. Hindi na kinakailangan ng mahabang introduksyon, motibasyon at/o
palaro bago magsimula ang pagteteorya.
9. Ang bawat miyembro ng bawat grupo ay dapat magsalita, kung kaya, dapat
paghati-hatian ng lahat ang presentasyon.
10. Nasa inyong pasya kung paano ninyo ito ipepresenta. Maaaring maging
malikhain, subalit hindi dapat masapawan ng pagiging malikhain ang
nilalaman ng inyong talakay.
11. Kung may iba pa kayong naiisip na maaaring idagdag na mga tanong,
detalye, at kaligiran ng salitang napili na hindi ko nabanggit, maaari naman.
12. Paghandaan sana natin ito. Gulatin n’yo ako!

You might also like