Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

RADYO AKSYON

5 MINUTE NEWS BROADCASTING


DSDC 12.31
November 4, 2023
Page 1 of 6
1 INTRO MUSIC…ESTAB…FADE UP THEN FADE UNDER FOR:

2 ANCHOR 1 : Sa bawat galaw, sa bawat hakbang, ang tunay na tinig ng

3 pagkilos. Walang takot na dala ang serbisyong tapat. Narito ang

4 inyong Radyo Aksyon.

5 NEWS THEME 1 FADE UP SLOWLY UNDER FOR:

6 ANCHOR 1 : Sa bawat balita, kasama niyo, inyong lingkod, ang tinig na

7 nagdadala ng aksyon at balita, hindi lang sa himpapawid

8 kundi kasama niyo na rin sa inyong puso.

9 Magandang araw Pilipinas. Magandang araw Lungsod ng Tagum.

10 Ako ang inyong lingkod, Shawn Atabelo.

11 NEWS THEME 2 FADE UP SLOWLY UNDER FOR:

12 ANCHOR 1 : Sa ulo ng mga nagbabagang balita.

13 SFX LASER BEAM SNEAK IN:

14 ANCHOR 1 : Kontrabando galing sa Tsina, nasabat ng Bureau of Customs

15 SFX LASER BEAM SNEAK IN:

16 ANCHOR 1 : Labing-isang balyena napadpad sa baybayin ng Eastern Samar

17 SFX LASER BEAM SNEAK IN:

18 ANCHOR 1 : Una sa mga nagbabagang balita, mahigit dalawampung milyong

19 pisong kontrabando galing sa Tsina, nasabat ng Bureau of

20 Customs ng Pilipinas. Narito ang mga detalye.

21 NEWS THEME 2 FADE UP SLOWLY UNDER FOR:

RADYO AKSYON
5 MINUTE NEWS BROADCASTING
DSDC 58.2
November 4, 2023
Page 2 of 6
1 NP 1 : Sinuri ng Bureau of Customs, ang kontrabandong umabot sa

2 dalawangpung milyong piso, na pinasok sa Manila International

3 Port. Ayon sa ahensiya, nang binuksan at sinuri ang limang

4 container vans, ay tumambad sa kanila ang mga pinagbabawal

5 na gulay. Naitalang umabot sa halos dalawampung milyong piso

6 ang nasabat na carrots, patatas, at sibuyas. Napag-alamang

7 galing sa Tsina ang mga kargamentong dumating. Gayunpaman,

8 Ililipat sa Bureau of Plant Quarantine ang mga kinumpiskang gulay

9 para sa wastong disposal.

10 SFX LASER BEAM SNEAK IN:

11 ANCHOR 1 : Samantala, labing-isang balyena ang hinalang napadpad sa

12 Barangay Ukil, agad na tinulungan ng Bureau of Fisheries and

13 Aquatic Resources (BFAR). Para sa mga detalye narito si Jay Ann

14 Injano.

15 NEWS THEME 2 FADE UP SLOWLY UNDER FOR:

16 NP 2 : Labing-isang balyena ang pinaghihinalaang napadpad sa

17 Barangay Ukil, walong kilometro mula sa bayan ng Baronggan,

18 Eastern Samar noong Martes ng umaga. Samantala

19 pinaniniwalaan na binatilyo ang unang nakakita sa mga

20 dambuhalang isda, mabilisan namang rumesponde ang mga

21 eksperto ang tanggapan ng B-FAR ng lalawigan upang suriin ang

“Radyo Aksyon“
5 Minute News Broadcasting
DSDC 58.2
November 4, 2023
Page 3 of 6
1 ulat. Gayunpaman, maingat na gumawa ang mga otoridad

2 ng rescue mission upang maibalik sa laot ang natukoy na mga

3 isda. Jay Ann Injano nagbabalita.

4 ANCHOR 1 : Salamat Jay Ann, nagbabaga pa rin ang mga balita sa

5 pagbabalik ng Radyo Aksyon.

6 SNEAK IN INFOMERCIAL “SANA”:

“Ligtas na Pagkakaibigan”
1-Minute Infomercial
DSDC 12.31
November 4, 2023
Page 4 of 6
1 “SANA” MUSIC FADE UP THEN SLOWLY FADE UNDER FOR:
2 TERISITA : Oh anak, kamusta buhay kolehiyo?

4 BOBET : Eto ma, ayos lang.

5 TERISITA : Alam mo ba, nabalitaan ko rito, yung anak ni Aling Tes, naku!

6 : Umuwing bugbog at maraming pasa, ‘wag na ‘wag kong

7 : maririnig na sumali ka sa mga fraternities na yan ha.

8 BOBET : Opo ‘nay.

9 ”SANA” SONG FADE UP FOR:

10 SONG : Sanay pakikipagkapwa nalang ang pairalin, upang kapayapaa’y

11 : ating maangkin.

12 “SANA” MUSIC FADE DOWN:

13 NP 3 : Ang pagtataya ng sariling buhay para lang sa pagkakaibigan ay

14 maaaring humantong sa kamatayan, isabuhay ang Anti-hazing

15 act na may layuning kontrolin ang mga gawain ng hazing at iba

16 pang initiation rites sa mga fraternity at sororities sa bansa,

17 SNEAK IN BELL SFX THEN “SANA” MUSIC FADE OUT:

18 V.O : Kung buhay ang kapalit ng pagkakaibigan maigi na ito ay

19 hadlangan.

“Balitang Alerto“
5 Minute News Broadcasting
DSDC 58.2
November 4, 2023
Page 5 of 6
1 NEWS THEME 1 FADE UP SLOWLY UNDER FOR:

2 ANCHOR 1 : At nagbabalik ang Radyo Aksyon. Samantala, \Elementary at


3 Secondary journalists, nagtipon para sa pagsasanay sa

4 pampamahayagan sa MPCES. Para sa mga detalye, narito si

5 Trecxie Meer.

6 NEWS THEME 2 FADE UP SLOWLY UNDER FOR:

7 NP 3 : Nagtipon ang mga estudyanteng elementarya at secondarya ng

8 pitong magkakaibang paaralan dito sa Tagum City para sa

9 ginawang Division Campus Journalism Training na ginanap dito sa

10 Magugpo Pilot Central Elementary School. Ito ay inorganisa upang

11 magkaroon pa sila ng kaalaman pagdating sa pag-uulat ng mga

12 balita. Samantala, binigyan naman sila ng isang aktibidad kung

13 saan ang bawat grupo ay gagawa ng manuskripto at kanila rin

14 itong ipepresenta. Ito ay pinangunahan nang isang

15 tagapagsanay at resource person for Campus Journalism sa

16 larangan ng Radyo at t-v broadcasting na si Richard Apreso.

17 Trecxie Meer, nagbabalita.

18 SFX LASER BEAM SNEAK IN:

19 ANCHOR 1 : Salamat Trecxie, ngayon naman ating pakinggan ang weather

20 update ni Jezanne Poralan.

21 NEWS THEME 2 FADE UP SLOWLY UNDER FOR

RADYO AKSYON
5 MINUTE NEWS BROADCASTING
DSDC 12.31
November 4, 2023
Page 6 of 6

1 NP 4 : Ngayong umaga sa Tagum City, makikita natin ang bahagyang

2 maulap na kalangitan na may pitong pu’t limang pursyento (75%)


3 na posibilidad para sa pag-ulan. Samantala, ngayong gabi

4 naman, mararanasan pa rin natin ang bahagyang maulap na

5 kalangitan, ngunit mayroong mas mababang tiyansa ng

6 pag-ulan. Pagkatapos ng ating aktibidad ngayon, bago tayo

7 umuwi, maghanda po tayo ng payong dahil may tiyansa parin

8 ng pag-ulan. Jezanne Poralan, nagbabalita.

9 NEWS THEME 1 FADE UP SLOWLY UNDER FOR:

10 ANCHOR 1 : Muli ako si Shawn Atabelo naglilingkod, nagbabalita mula sa

11 Radyo Aksyon.

12 OUTRO MUSIC FADE UP AND SLOWLY UNDER

You might also like