Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jimboy P.

Gabrito
 Sang ayon ako sa diborsiyo dahil sa kasalukuyang
panahon, kailangan lang nating maging praktikal sa
lahat ng bagay. Ang mag-asawa na hindi na
nagkakasundo ay dapat mabigyan ng pagkakataong
magbagong buhay, at ang asawang babae na nagiging
biktima lamang ng kaharasan, ay dapat mabigyan ng
karapatang malayo sa kanyang asawang nananakit sa
kanya
 Lubos akong nanalig sa aking sinabi dahil kapag
walang diborsiyo, ang mag-asawa kahit na hindi sila
maayos ay napipilitang magsama sa isang bubong, at
kung sila ay nagtatalo at nagkakasakitan ay nakikita ito
ng kanilang mga anak na hindi rin magandang
halimbawa at hindi magandang masaksihan dahil ang
mga ganitong sitwasyon ang sisira sa murang isipan ng
isang bata na kanyang dadalhin hanggang sya ay
maging isang ganap na indibidual.

Rocel U. Ginoo
 Hindi ako sang-ayon sa diborsiyo dahil bilang isang
Katoliko na naniniwala sa Panginoon, ako ay naniniwala
na dapat panatilihin nating sagrado ang Matrimonya ng
Kasal. Ang mga taong ikinakasal ay humaharap sa
Panginoon upang mangako na sila ay magsasama sa
hirap at ginhawa hanggang kamatayan. Ang pangako
ng mag-asawa ay may basbas ng pari at ito ay
ginagawa nila sa harap ng Panginoon.
 Sumasalungat ako sa iyong sinabi dahil wala namang
mag-asawang hindi nawawalan ng problema, lahat ng
iyan ay nagagawan ng solusyon at napapag-usapan
ang lahat. Pangalawa, ang diborsiyo ay nakakasira sa
pamilya, ang tunay na talo dito ay ang mga bata dahil
mawawalan sila ng sasandalang tinatawag na pamilya
na kung saan ang Family Values ang syang inaasahan
upang maging maayos silang mga mamamayan. Kung
ang mga kabataan ay mawawalan ng tamang values,
ano na lang ang kanilang saysay sa lipunan, sila
lamang ay magiging pabigat.

You might also like