Ma’am Jepany: Ako naman po si Gng. Jepany Baldopiera… Together: …Maligayang pagdating po sa pagbubukas ng ating programa para sa pagdiriwang ng Buwan ng Agham. Sir John: Ngayong umaga ay atin pong masasaksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan, na may temang… Together: Agham at Teknolohiya: Sandigan ng kalusugan, kabuhayan, kaayusan at kinabukasan. Ma’am Jepany. Tumayo po tayong lahat at ating awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa kumpas ni Gng Mary Joy B. Chavez, Guro sa Ikalimang Baitang. PAMBANSANG AWIT* Sir John. Manatili po tayong nakatayo para sa panalangin na pangungunahan naman ni Gng. Glenda R. Celebrar, guro sa Ikalimang Baitang. PANALANGIN* Ma’am Jepany: Para magbigay po ng pambungad na mensahe, tawagin po natin si Gng. Analyn C Malicdem, ang atin pong School Science Consultant. Sir John: Maraming salamat po Gng. Malicdem. Ngayon naman po ay dadako na tayo sa pagbibigay ng mensahe na mangagaling sa ating pinakamamahal na punong guro. Gng. Joyanny St. Gutierrez. Ma’am Jepany: Maraming salamat po aming punong guro, Gng. Joyanny St. Gutierrez para sa makabuluhang mensahe na nakapagbigay ng inspirasyon para sa lahat. Ngayon naman po ay tawagin natin ang ating School Science Coordinator na si Gng. Ruby Ana J. Tilar para sa pagbibigay pahayag ng layunin. Sir John. Maraming salamat po sa ating School Science Coordinator Gng. Ruby Ana J. Tilar. Ngayon naman po, upang ipakilala ang ating magiging mga hurado para sa ating mga patimpalak, tawagin po natin ang isa pa po sa ating School Science Consultant, Gng. Geraldine A. Mejia. Ma’am Jepany: Maraming salamat po Gng Mejia at sa ating mga hurado… …Mahaba pa ang araw natin, at alam kong hindi na kayo makapaghintay para sa ating kapana-panabik na mga aktibidad. Sir John: Tama! Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa sususnod na bahagi ng ating palatuntunan. Kaya eto na! Simulant na natin!