CJ - TSN Chapter 4 - Dream Over Dream

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Creza’s Point of View

“Creza!”

Hinihingal akong napabangon bigla nang marinig ‘kong may sumigaw sa pangalan ‘ko. Habol ‘ko ang
hininga ‘ko na para ba akong nalunod sa malalim na tubig.

“Creza? Ayos ka lang?” Nilingon ‘ko ang nagsalita at laking gulat ‘ko ng si Fairy Jess ang bumungad sa’kin

“Fairy Jess?!” Gulat ‘kong tanong na ikinakunot ng noo nilang lahat

Inilibot ‘ko ang tingin ‘ko sa paligid ‘ko at mukhang nandito ako sa camp namin. Nandito kami sa may
malapit sa puno na pinagtambayan namin kagabi ni Ethan. Nakapalibot naman silang lahat sa akin na
animo’y naguguluhan.

Teka, ‘di ba nawawala si Fairy Jess? Hinahanap namin sya ni Von kanina ah?

“Teka, bakit parang gulat na gulat ka na makita si Fairy Jess sa harap mo?” Tanong ni Riley pero parang
may naiba

“Para ka namang nakakita ng multo” Singit naman ni Ethan na nasa may gilid ‘ko

Teka, ako lang ba or sadyang ang wi-weird nila ngayon? Parang may naiba na hindi ‘ko masabi at
malaman.

“Binangunot ka ‘no?” Tanong naman ni Von na nakakrus ang mga braso sa dibdib

Bakit ba ganito ang nangyayari?


“’Di ba nawawala si Fairy Jess?” Takang tanong ‘ko sa kanila pero nagulat ako sa sinagot ni Riley sa'kin

“Anong nawawala? Hindi naman sya nawawala ah?” Nagtatakang tanong nya pabalik sa’kin

“Teka, nawawala sya kanina ‘di ba? Tapos hinahanap pa nga natin sya, Von, sa may kakahuyan?”
Pagkukwento ‘ko sa kanila pero ayaw nilang maniwala

“Nauntog yata ang ulo nito kahapon eh, kung anu-ano ng naiisip” Komento naman ni Ethan na hindi ‘ko
alam kung nang-aasar ba sya o ano

“Baka naman binangungot ka nga lang, Creza?” Si Fairy Jess naman ngayon ang nagsalita

“Totoo ‘yung sinasabi ‘ko! Baka naman niloloko nyo lang ako ngayon na wala kayong maalala?” Pilit ‘ko
pa rin kahit na may iba na akong nararamdaman

“Panaginip mo lang ‘yon, Creza” Lalo akong kinutuban na may mali sa sinabi ni Von

Imposible ang sinasabi nila na panaginip lang ‘yung naaalala ‘ko. Tandang-tanda ‘ko nga lahat at
magkakasunod ang mga pangyayari kaya naman paanong mali ‘yung sinasabi ‘ko?

Kung pinagtitripan naman nila ako ay hindi na ako natutuwa pa dahil nagmumukha na akong nababaliw
dito. Tsaka isa pa, hindi naman gawain ni Von at Riley na utuin ako ng ganito, miski si Fairy Jess ay hindi
nya maggagawa ito maliban nalang kay Ethan na sure na sure akong gagawin ‘to sa’kin.

Wala namang ibang nangyari kanina ‘di ba? Bukod sa nakita ‘kong umikot paharap sa’kin ‘yung bata sa
kabilang ilog, ‘yung paglalakad namin pabalik dito ni Von—teka! Baka naman nakatulog ako kanina
habang naglalakad kami ni Von kaya niloloko nila akong lahat ngayon?

“Von?” Pagtawag ‘ko sa kanya kaya naman lumingon silang lahat sa akin, “Natatandaan mo pa ba ‘yung
bata sa kabilang ilog kanina? Lumingon sya! Nilingon nya ako!” Dagdag ‘ko pa pero parang wala pa rin
silang reaksyon
“Anong sinasabi mo dyan? Ilog? Wala pa naman tayong nakikitang ilog mula kahapon nang maglakbay
tayo ah? Ni wala pa nga tayong nakikitang ibang tao dito bukod sa ating apat” Paliwanag naman nya na
tinanguan din nila Riley

Ano? Imposible ‘yon! Nangyari ‘yon kanina lang ah? Paano hindi nya naaalala ‘yon? Matatanggap ‘ko pa
na hindi alam nina Riley, Ethan, at Fairy Jess ‘yon kasi kami lang ni Von ang nakakaalam no’n. Pero, si
Von hindi alam ‘yon? May mali talaga eh!

“Panong lumingon sa’yo?” Kinilabutan ako sa boses na lumabas kay Fairy Jess pero mas kinilabutan ako
nang makita ‘kong unti-unting sumilay ang isang nakakakilabot na ngisi mula sa mga labi nya

Para na syang si Annabelle pero batang version! Unti-unti syang gumapang papunta sa pwesto ‘ko kaya
naman naglakas-loob akong lumingon kina Riley habang umiisod ako palayo.

Pero ang mga akala ‘kong tutulong sa akin ay nagkamali ako. Lahat sila! Lahat sila ay may ngising
nakakakilabot sa kanilang mga labi at gumagapang papunta sa akin!

Potek masarap magmura ngayon kung pwede—

“Creza!”

Agad akong napatakbo palayo ng sobrang bilis ng wala man lang lingon-lingon sa likuran ‘ko matapos
nilang sabay-sabay na isigaw ang pangalan ‘ko.

Takbo lang ako ng takbo at hindi ‘ko susubukan na lumingon man lang sa likuran ‘ko! Hinding-hindi! Pero
natagpuan ‘ko nalang ang sarili ‘ko na tumatakbo pero unti-unti ay lumilingon sa likod ‘ko. Doon ‘ko
nakitang isang pulgada nalang ang layo ng nakakakilabot na mukha nila sa akin.

“Creza!”
-----

“Creza!” Unti-unti ‘kong iminulat ang mga mata ‘ko at bumungad sa’kin ang nag-aalalang mga mukha ng
mga kasama ‘ko

Pilit ‘kong inaalala kung anong nangyari kanina pero wala—potek!

Wala pang isang segundo ay napabangon agad ako ng mabilis at pilit na lumalayo sa kanila. Bwiset,
hinahabol nila ako kanina ah?! Nahuli ba nila ako?!

“Creza? Anong nangyari sa’yo?” Natatawang tanong ni Riley sa’kin pero bakas sa boses nya ang tuwa at
isang nakakakilabot na ngisi sa kanyang mukha

“Parang hinihingal ka ata?” Natatawang tanong din ni Ethan sa’kin

“Natatakot ka ba?” Miski si Von ay natatawa sa akin

Ano bang nakakatawa?! Tutuktukan ‘ko ‘to sila! ‘Wag naman silang manakot ng ganito oh.

“Baka naman...matatakot pa lang?” Unti-unti ay sumilay na naman ang isang nakakatakot na ngisi sa
mukha ni Fairy Jess na sinundan din nung tatlo pa

Unti-unti ay bumilis ang tibok ng puso ‘ko sa magkahalong kaba, takot, at pagkalito sa nangyayari
ngayon. Bakit ba parang wala ng katapusan ‘to?!

Unti-unti ay hindi ‘ko na namalayan pa ang mga pangyayari. Namalayan ‘ko nalang na tumatakbo na
naman ako palayo sa kanila habang hindi na pinapansin ang kung ano mang humahabol sa akin.
Kanina ‘ko pa ‘to nararamdaman. Kanina ‘ko pa ‘to nararamdaman na may mali talaga sa nangyayari.
Para akong bilanggo ng sarili ‘kong panaginip na hindi ako makaalis-alis sa bangungot na ito. Para akong
nananaginip sa loob ng iba pang mga panaginip.

Dream over dream, ‘yung tipong hindi ka na makakaalis pa hangga’t walang gumigising sa’yo mula sa
tunay na mundo. ‘Yung tipong hindi ka magigising at mananatili ka nalang dito hangga’t walang
gumigising sa’yo mula sa kasalukuyan kung saan natutulog ka pa rin.

“Argh!” Napahawak agad ako sa tuhod ‘ko matapos ‘kong madapa kakatakbo

Kung minamalas ka nga naman! Bakit ba ako palaging nadadapa nalang?

Pilit akong bumabangon pero hindi ‘ko na talaga kaya. Pagod na pagod na ako at nanginginig na sa takot.

Ano bang dapat ‘kong gawin? Sampalin ang sarili ‘ko? Pumikit ng tatlong beses? Tawagin ang pangalan
‘ko? Ano bang dapat ‘kong gawin para makalabas na ako sa bwiset na bangungot na ‘to?!

Sa kawalan ng pag-asa, napaluhod nalang ako at hindi na pinilit pang makatayo. Napayuko ako kasabay
ng unti-unting pagpatak ng nga luha ‘ko.

Oo na mahina ako. Oo na iyakin ako. Oo na wala akong kayang gawin para ipagtanggol man lang ang
sarili ‘ko dito sa loob ng kung ano mang lugar ito. Oo na, baka dito na talaga ako magtatapos. Wala eh,
wala na akong ibang maisip na paraan para makaalis dito.

“Tama na...” Umiiyak ‘kong saad at napatuon na ang dalawang kamay sa lupa, “Tama na...” Pag-uulit ‘ko

“Tama na!” Kasabay ng pag-sigaw ‘ko na ‘yon ay ang isang boses ng nasasaktan

-----
“Argh!” May narinig akong boses ng nasasaktan at tila tumama sa isang matigas na bagay

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata ‘ko at natagpuan ‘ko ang sarili ‘ko sa mismong pwesto ‘ko kung
saan ako umiiyak at nakaluhod tulad ng kung ano ang pwesto at ginagawa ‘ko ngayon.

Pinunasan ‘ko ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ‘ko at sinubukang kumalma. Huminga ako ng
malalim at inilibot ang tingin ‘ko sa paligid.

Wala na ‘yung humahabol sa akin, pero nandito pa rin ako sa mismong lugar kung saan nangyari ‘yon. ‘Di
kalayuan sa akin

You might also like