Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Masusing Banghay-Aralin

Baitang 9

I. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng 45 na minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang :

a. nasusuri ang kaibahan ng pangangailangan (needs) at kagustuhan (wants) bilng batayan sa


pagbuo ng matalinong desisyon;
b. napahahalagahan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pang araw-araw na
pamumuhay; at
c. nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng
pangangailangan

II. Paksang Aralin

Paksa : Ekonomiks ng Pangangailangan at Kagustuhan

Sanggunian : Kalakaran sa Ekonomiks 9, Pahina 58-64 Learners Module K-12

Kagamitan : Laptop, Smart TV, Chalk, Viswal, Mga Larawan, Papel

Kahalagahang Moral :

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw na Gawain
• Pagbati

“Magandang umaga, mga mag-aaral!” Pangkalahatan: “Magandang umaga rin


po!”
• Panalangin
“Bago natin umpisahan an gating klase, Juanito: Ako po, sir.
simulant natn ito sa isang panalangin.
Sino ang gustong manguna?” Juanito: “Tayo pong lahat ay yumuko at
tayo ay manalangin. Dakilang Ama lubos
po kaming nagpapasalamat sapagkat
pinarating niyo kaming payapa ditto sa
aming paaralan. Kami po ay dumadalangin
sa inyo nan away bigyan niyo kami ng
katalinuhang galing sa inyo at ng
kalakasan upang kami ay maraming
matutunan sa aming pagpasok. Patawad
po sa lahat ng aming mga Kasalanan. Sa pangalan
ni Jesus, Amen.

 Pagtatala ng Liban
“Sabihin ang ‘narito po’ kapag narinig nniyo ang
na tinawag ang inyong panagalan.” (itsetsek ng
isa-isa ang pangalan upang matukoy kung sino
ang lumiban sa klase)

• Pagsasa ayos ng Silid-aralan


“Bago tayo magsimula ay pulutin muna natin ang
mga kalat sa ilalim ng ating upuan at at iayos
Mabuti ang mga upuan”
B. Balik-Aral

“Sa puntong ito, tayo ay magbabalik aral.


Mayroon bang nakakaalala n gating tinalakay Daniel: “Mam tungkol po sa ekonomiks
noong nakaraang araw?” ng kakapusan.”

“Magaling Daniel. Ngayon, sino ang makapag


tutukoy kung ano ang mga pinagkukunang yaman Ivory: “Mam ito po ay ang likas na yaman,
Ng bawat bansa?” yamang tao at yamang pisikal.”

“Tama ka dyan Ivory. May makapagsasabi rin ba Hector: “Mam, ang yamang tao po ang isa sa
sa akin kung ano ang ibig sabihin ng yamang pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng
tao?” isang bansa, sapagkat dahil sa kanilang kasanayan
at talino ay nakalilikha sila ng iba-ibang produckto
at serbisyo.”

Very Good, Hector!


C. Pagganyak

“Bago nating pormal na simulan ang ating klase


ay maglalaro muna tayo. Hahatiin ko ang klase sa
dalawang grupo. Ang bawat miyembro ng bawat
grupo ay dapat makapagsulat ng mga bagay na Lahat: Opo, Sir!
alam niyong kagustuhan niyo.

Tatayo isa isa ang bawat mag aaral at magsuslat


sa pisara. Ang pinakamaraming maisulat sa loob
ng tatlong minute ang siyang rupong magwawagi.
Nakukuha niyo ba ang direksiyon?”

Magaling! Ngayon, simulant na natin ang ating


aralin sa araw na ito.
D. Pagtalakay sa Aralin
Matapos ang ginawa nating laro kanina, may
ideya ba kayo kung anong araling an gating Romeo: Tungkol sa Pangangailangan
paguusapan o tatalakayin sa araw na ito?

Tama yun, Romeo!

Ang araling tatalakayin natin sa araw na ito ay


may kinalaman sa Pangagailangan at Kagustuhan
ng tao. Tatalakayin din natin ang Teorya ng
Pangangailangan.

Handa na ba kayong matuto? Lahat: Opo!

Okay, Magaling!

Pero bago natin talakayin ang kabuuan ng lahat


ng mga pangangailangan, alamin muna natin Lisa: Tumutukoy sa mga bagay na kailangan ng
kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mga tao upang mabuhay.
pangangailangan? Sino ba sa inyo ang gustong
mag bahagi ng kanyang ideya patungkol sa kung
ano ang pangangailangan?

Sino ang gustong magbahagi ng kanyang ideya Rene: Mga bagay na minimithi ng isang tao upang
tungkol sa kahulugan ng kagustuhan? gumanda at sumaya ang kaniyang buhay.

Magaling! Ngayon naman, tignan natin kung


talaga bang alam ninyo ang pangangailangan at
kagustuhan. Halimbawa, may kompyuter ang Lahat: Pangangailangan
isang graphic artist, pangangailangan o
kagustuhan?

Tama!

E paano kung ang isang mangingisda ang


mayroong kompyuter. Pangangailangan o Lahat: Kagustuhan
kagustuhan?

Mahusay! Ngayon naman ay tatalakayin natin ang


teorya ng pangangailangan na nagmula sa isang
psychologist na si Abraham Maslow. Upang
maintindihan natin at malaman ang teorya ng
pangangailangan ay hahatiin ko ulit ang klase sa
limang grupo. Makinig kayong mabuti sa
direksyon na ibibigay ko.

Direksyon: Ang bawat grupo ay bibigyan ko ng tig-


iisang pangungusap na tatalakayin ninyo
Sa inyong mga kagrupo pagkatapos ay magbibigay
kayo ng halimbawa ng pangangailangang hinihingi
at inyong ipailiwanag kung bakit ba kailangan ang Lahat: Opo
mga ito, matapos ninyong mag brainstorming ay
pipili ayo ng isang myembro ng grupo na siyang
mag uulat ng inyong sagot. Lahat ng mga sagot
ninyo ay isusulat sa kartolinang ibibigay ko.
Nakuha ba ninyo ng malinaw?

Unang Grupo: Pangangailangang Pisyolohikal

Ikalawang grupo: Pangangailangang


pangkaligtasan Nagsama-sama ang magkakagrupo at
nagumpisang mag Brainstorming.
Ikatlong grupo: Pangangailangang magmahal

Ikaapat na grupo: Pangangailangang mabigyan ng


pagpapahalaga ng tao

Ikalimang grupo: Pangangailangang maipatupad


ang kaganapang pagkatao

Handa na ba kayo?
Opo.
Reporting
Napakahuhusay ng lahat.

Sa dakong ito naman, balikan natin ang mga


pangungusap na binigay ko sa inyo ukol sa
pangangailangan. Ang lahat ng ito ay nakapaloob
sa herarkiya ng mga pangangailanagn ni Maslow.
Ayon sa kanya, ang mga pangangailangan ng tao
ay may takdang antas ayon sa kahalagahan ng
mga ito.

Halimbawa kung papipiliin ang tao kung alin sa


pagkain o pananamit ang higit niyang kailangan, Lahat:
malamang mas pipillin niya ang una dahil 1. Pangangailangang Pisyolohikal
nakadepende sa pagkain ang buhay. Ayon kay 2. Pangangailangang pangkaligtasan
Abraham Maslow may limang bahagi ang mga 3. Pangangailangang magmahal
pangangailangan ng tao. Anu-ano ang mga ito? 4. Pangangailangang mabigyan ng
pagpapahalaga ng tao
5. Pangangailangang maipatupad ang
kaganapang pagkatao
Tama! Talakayin muna natin ang unang antas

Pangangailangang Pisyolohikal. Nakapaloob dito


ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig,
hangin, pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag
nagkulang ang mga pangangailangan sa antas na
ito ay maaaring magdulot ng sakit o humantong
sa pagkamatay.

Ang ikalawang antas naman ay Pangangailangang


Pangkaligtasan. Pagkatapos natin mapunan ang
pangangailangang pisyolohikal kailangan naman
natin matugunan ang pangangailangang
pangkaligtasan. Kabilang dito ang kasiguruhan sa
hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan,
katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa
pamilya, at seguridad sa kalusugan.

Sa tingin ninyo sa ikatlong antas ng


pangangailangan, anuano kaya ang mga bagay na
dapat taglayin dito ng isang tao? Mario: Magkaron ng girlfriend.
Lahat: Nagtawanan
Tama naman si Mario. Haha.
Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng kasama sa
buhay. Kasama dito ang kaibigan,pamilya,at
pakikisalamuha sa ibang tao.

Ang ikaapat naman ay ang pangangailangang


mapahalagahan ng ibang tao. Pagkamit ng
Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao.
Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang
halaga sa lahat ng pagkakataon. Ang respeto ng
ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas ng
kanyang dignidad bilang tao. Ang mga kakulangan
sa antas na ito ay maaaring magdulot sa kanya ng
mababang moralidad at tiwala sa sarili na
maaaring nagmula sa pagkapahiya, pagkabigo, at
pagkatalo.

At dumako naman tayo sa pinakamataas na antas


ng mga pangangailangan. Ang pangangailangan
na maisaktupaan ang sariling kakayahan at
pagkatao. Sinabi ni Maslow na ang taong
nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas
mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip na
katanungan. Hindi siya natatakot mag-isa at
gumawa kasama ang ibang tao. Ang mga taong
nasa ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwari
at totoo sa kanyang sarili. May kababaang loob at
may respeto sa ibang tao.
E. Paglalapat

Sa tingin ba niyo, mahirap ba marating ang


pinakahuling baitang ng herarkiya ng Lahat: Opo
pangangailangan ni Maslow?

Anu-ano ang mga natutunan Ninyo sa hirarkiya ni


Maslow?

Ano nga ulit ang pinagkaiba ng Pangangailangan


sa Kagustuhan?

F. Paglalahat

Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat


mayroon ang isang tao para mabuhay,
samantalang kagustuhan ang paghahangad ng
higit pa sa mga ito. Ang kagustuhan ay maaaring
maganap at magdulot ng kaginhawahan sa
tao kung pag-iisipan at pag-aaralan ang mga ito.
Ang pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang
pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang
tao kung wala ang mga ito. Ayon sa teorya ni
Maslow, habang patuloy na natutugunan ng tao
ang kanilang pangangailangan ay nagkakaroon
siya ng mas mataas na hangarin hanggang
matamo niya ang inaasahang kaganapan ng
kanyang pagkatao.

IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anung antas nabibilang ang


mga sumusunod: Sagot:

1. Pagkain, tubig, hangin at tulog 1. Pisyolohikal


2. Seguridad sa pamilya at kalusugan 2. Pangkaligtasan
3. Respeto sa sarili 3. mabigyan ng pagpapahalaga ng tao
4. Pakikipag kaibigan 4. Magmahal
5. Sariling potensyal 5. Kaganapang Pagkatao

V. Takdang-Aralin

Anu-ano ang mga Salik na Nakaiimpluwensya sa Pangangailangan at Kagustuhan. Magbigay ng


halimbawa sa bawat salik.

You might also like