Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 6 Activity Sheet Q2 W3
FILIPINO 6 Activity Sheet Q2 W3
FILIPINO 6 Activity Sheet Q2 W3
FILIPINO 6
Quarter 2
Pangalan: _____________________________________Baitang at Seksyon:________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing mabuti ang pabula. Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa
linya.
Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! May bagyo nang umagang iyon. Nagsasayawan ang mga puno
maging ang mga halaman at bulaklak. “Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas pa kasi
ako sa aking pinagtataguang kahoy.” “Tiyak na giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala namang tumatakip
sa katawan mo, Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang kaibigang
Paruparo.“Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang malumanay na sagot ni Tipaklong.
“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi ka lumabas sa pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin
ay hindi mo madarama. Hindi mo maaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at
halaman ay hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo.
“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-ayon. “Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang
Tipaklong,” ang sabi ni Paruparo. “Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.
“Ang katawan mo ay mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa? Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking
katawan. Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko
ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.
“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t takot ang ulan sa nakasisilaw mong kulay?
Huwag kang mag-alala. Ang mga pakpak mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano kung
liparin ang mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.”
“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako makalalapit kay Bulaklak kung wala na akong
mga pakpak?” ang malungkot na tanong ni Paruparo. “Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako
man ay natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw.
Dahil sa pagdami ng populasyon ng mga matsing at mga buwaya. Maaari kong pakiusapan ang mga buwaya na
tulungan kami sa pagtawid sa kabilang pulo at pangakuang bibigyan sila ng karneng makakain pagdating sa pampang.
Ang mga tauhan sa kuwento ay mga unggoy at mga buwaya. Mababali ang aking mga paa na kahit anong pagpigil ay
ayaw huminto sa panginginig,” ang sabi ni Tipaklong. “Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti nating
gawin para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.
“Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong. “Paano?” ang tanong ni Paruparo. “Sa ilalim ka ng
mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni Tipaklong. “At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo. “Habang
nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan ko ang bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang
sagot ni Tipaklong. At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si Paruparo at si Tipaklong.
_____1. Pumunta ka sa bahay ng iyong kaibigan. Ang tatay niya ang nakausap mo.
A. Puwede kay Lara?
B. Si Lara ho nandiyan?
C. Magandang araw po, maaari po bang makausap si Lara.
_____2. Dumalaw sa bahay ninyo ang mga kaibigan ng iyong nakatatandang kapatid na si Kate. Ikaw ang nakausap nila.
A. Ate, hindi ko ikaw kilala.
B. Ate Kate, nandito ang kaibigan mo!
C. Pasok po kayo, tatawagin ko lang po si Ate Kate.
_____3. Papasok ka na ng paaralan, paano ka magpapaalam sa iyong magulang?
A. Tatay, Nanay papasok na po ako.
B. Tatay, Nanay alis na ako.
C. Papasok na ako.
_____4. Pumunta ka sa bahay ng iyong kaibigan. Ang kuya niya ang nagbukas ng pinto.
A. Nandiyan si Bodjon?
B. Magandang umaga, si Bodjon?
C. Magandang umaga po, nandiyan po ba si Bodjon?
_____5. Pinuri ka ng inyong guro dahil sa mahusay mong pag-awit.
A. Talaga namang magaling ako.
B. Marami pong salamat.
C. Wala iyon.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ayusin ang mga pangyayari batay sa napakinggan o nabasa mong kuwento. Lagyan ito
ng bilang.
Ang pabula ay isang isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad pagong, matsing, tipaklong, langgam at marami pang iba.
Sa aking pagbabasa ng mga pabula ay nalaman ko na may mga _______________ o mensaheng iniiwan ang
kuwento sa mga batang katulad ko. Nakapagbigay rin ako ng sariling ___________ at ____________ sa mga naging
suliranin na nakapaloob sa kuwento.