Nakikipagdiwang 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Nakikipagdiwang 2:

Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng iyong lingkod na si Papa FRANCISCO,
ang aming Obispo DENNIS,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang kahilingan ng iyong angkan
na ngayo'y tinipon mo sa iyong harapan.

Amang maawain,
kupkupin mo't pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
+ Kaawaan mo't patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makakarating sa iyong piling
at samasamang magtatamasa ng iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang iyong kagandahan
Pagdaraupin ng nakikipagdiwang ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan. +

You might also like